Chapter 36

22.9K 242 26
                                    

Chapter 35

Kanina pa hikab ng hikab si Kaella. Madaling araw na sila nakatulog ni Gino. Since they missed each other so much, habang kumakain sa loob ng kwarto ni Mikay ay walang sawang nagkikwentuhan ang dalawa. Hibdi nila namalayan, 4am na ng umaga. Kaya natulog nalang sila sa kwarto ni Mikay. Si Gino sa sofa at sya sa kama.

Hindi nya kasama si Gino ngayon, kasama nya ngayon ang ibang anak ng mga kasapi ng Papa nya. Pero tumutulong sya sa pag ayos ng mga flyers na ibibigay at sa mga give aways nilang pamaypay. Mamayang hapon na kasi ang rally ng partido na kinabibilangan ng Papa nya

Matapos ifile lahat ng napakaraming flyers, ay saglit na kumain si Kaella. Habang kumakain ay dinadial nya ang number ni Gino.

"Busy?" tanong nya dahil yun ang sabi sakanya when she dialed the number. Sinubukan nya ulit at ganun parin.

"Anu nanaman kaya ang pinagkakaabalahan ng taong 'to?" tanong nya sa sarili.

Naputol ang saglit na pagiisip nya when someone called her name.

"Areeyah!"

Nilingon nya ang pinanggalingan ng boses and there she saw a man named Jao. "Oh nabuhay ka..."

He chuckled. Dapat kasi kasabay nila ito kahapon, tumakas ito sa airport . "Birthday ni Julia kahapon..."

"Julia pala name ng girlfriend mo?"

"Yap, my girl. You know you should meet her"

"Soon," nakangiting sabi nito "Nameet na sya nila Papa. Kayalang di pa pwede irampa eh, you know naman the reason"

"Talagang rampa?" natatawang sabi ni Mikay. "Pero, you're right. Ako din nahihirapan sa situation."

"But how's Gino pala?" tanong ni Jao.

"He is here" nangiting sabi ni Mikay.

"Really?! Wow! Napapabilib ako ah" sagot ni Jao. "Alam mo I am not sure kung sya ba yung tinutukoy ni Julia na bestfriend eh, pero kasi taga Masantol din daw"

"Talaga? Why don't we have a group date?" suggestion ni Mikay

"That's great idea, pero tatanungin ko muna si Julia. Medyo busy sa buhay yun eh"

"Me too, I'll ask Gino first."

"Teka, where is he pala? Akala ko andito sya?"

"Actually I don't know, kanina ko pa tinatawagan pero busy ang line"

"Baka naman low battery." simpleng sagot ni Jao "Teka Areeyah, may food ba dito?nagugutom na ako eh"

"Aw, sige. Pa order nalang rin tayo"

-----------------------------

Mula sa malayo, tanaw na tanaw ni Gino ang girlfriend. Nakita nya ito habang inaantok na nagpafile ng mga flyers. Nakita nya itong ilang beses na nagdial ng phone. Napangiti sya dahil alam nyang sya ang tinatawagan. Low batt kasi ang phone nya.

Nakita nya rin paano nakangiting lumapit sa kanya si Jao. Paano sila masayang naguusap. Hindi nya mapigilan na makaramdam ng unting selos. Selos hindi dahil sa takot syang maagawan, kundi dahil sa kagustuhan na makipagtawanan kay Mikay kahit saang lugar, yung hindi nila kailangan magtago.

Ayaw nya si Jao bilang isang Jao. Buti nalang at mukhang wala na itong nararamdaman kay Mikay. Alam yun ni Gino, kahit noong una pinagdudahan nya pa ito perp sa huli naramdaman nya na wala na talaga itong nararamdaman kay Mikay. Pero hindi nya mapigilan na magselos kay Jao, hindi lang dahil sa katabi ito ngayon ni Mikay.... Sa iba pang dahilan.

Lumakad sya palayo at sumakay sa Motor na inarkila nya. Kahit na gumastos sya ng halos kalahating buwang sweldo nya, makapagrent lang. Ok na, masundan at mabantayan nya lang si Mikay.

Huminto sya sa Itoys, isang coffee shop sa Puerto Princesa at bumili ng kape. Wala syang alam sa mga sosyal na kape, hindi naman kasi sya pumapasok sa mga mamahaling coffeeshop. Paano, katumbas na ng isang kape ang ilang kilong bigas na kailangan nila para mabuhay.

"Sir, can I take your order?"

Ngumiti sya "Anu ba yung pwedeng ibigay sa babae para mapangiti mo sya at matangal ang pagod nya?"

Nagtanong sya dahil wala naman talaga syang alam sa mga kape. Bakit pa nya ipapahiya ang sarili kung magpapanggap. "Ahm Sir, cookies and cream kasi ang favorite ng crush ko dito. At lagi syang nandito kapag stress sya, yun kaya?"

Napaisip sya. "Magugustuhan kaya nya?" tanong nya "Sige, isa."

-----------------------------

Masayang nagpipicture taking si Jao and Mikay kasama ng mga anak pa ng ibang kandidato. Yun nalang daw ang panlaban nila sa stress na ibinibigay sa kanila ng campaign.

"Alam mo Kaella, bagay kayo ni Jao..." sabi ni Trisha, anak ng isang kumakandidatong Senador.

Nagkatinginan naman si Jao at Mikay at bahagyang natawa "Hindi kaya kami bagay, may mas bagay sa akin"

"Sa akin din may mas bagay"sagot naman ni Kaella.

"In a relationship pala kayo pareho with different person?" nagkatinginan ulit sila sa follow up question ni Akisha, kapatid ni Trisha.

"Hindi naman," sagot ni Jao. He is trying to save them.from complications "Ahm, alam nyo kasi natry namin yung team naming dalawa... Yung JaoMik ba... Pero wala eh, hindi nagwork, so naisip namin sa iba baka magwork"

"Hay sayang naman kayo... Hay naku... Wait, I'll upload this agad.," at naging busy na sa phone ang magkapatid.

"Jao, punta lang ako sa rest room ha"

"Samahan na kita?"

"Wag na..."

Pumayag naman si Jao. At naglakad mag isa si Kaella paountang rest room. Nang makapasok sya sa cubicle, nakarinig sya ng naguusap.

"Alam mo, naiirita talaga ako sa Kaella na yan. Kanina nakita ko sya from afar, ang landi talaga, she's flirting with Mayor Alvarez' son. Eh diba ex nya yun? Tapos naging sila nung Ranz, tapos Alvarez ulit? What a bitch."

Gusto nyang labasin ang mga babaeng nasa labas iflsuh ang mga ito ng mawala na sa mundo. Pero mas pinili nyang icontrol ang sarili kahit hirap na hirap sya.

"Alam mo tama ka,. Naisip ko lang kung sya ang magiging Presidenrial daughter, naku dagdag problema ng Bayan yan."

Bakit ba ang daming epal sa mundo? Bakit ba ang hilig manghusga ng marami without any good basis. Malayo na masyado ang Palawan and yet alam parin ng mga taga dito ang kapasawayan nya. Malamang may TV sa Palawan at nakakanood din ng balita ang mga ito.

Maya-maya naramdaman nya na lumabas ang mga ito sa Rest Room. Naghuntay pa sya ng five more minutes bago tyluyang lumabas.

Tumabi sya sa upuan ni Jao. Tahimik na umupo at may iniisip. Maya-maya may lumapit na bata. "Miss, pinabibigay para sayo"

Napatingin sya sa hawak na frappe ng bata. May nakadikit na sticky note dito. Kinuha nya at binasa.

"Wala man ako sa paningin mo, lagi lang akong andito nakabantay sayo. Husgahan man nila pagkatao mo, andito ako matanggal lang yang sama ng loob mo. Kasi ako, Mahal kita bilang Areeyah, mahal kita bilang Kaella, pati ang pagiging Roxas-Madrigal mo mahal ko din. Mahal na mahal kita Mikay. Isang ngiti naman dyan"

Napangiti sya sa sulat at automatic na napatingin sa paligid. Wala syang makitang Gino, pero ramdam nya na andyan lang ito.

Laya habang iniinom nya ang frappe, unti unting nawawala ang init ng ulo nya.

Salamat sa boyfriend nyang si Gino Dela Rosa.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon