Chapter 60
"Wow! Bagay talaga tayo no?" sabi ni Gino.
Nasa kwarto sya ni Mikay, nagpaalam si Mikay na dadalhin nya si Gino for 15minutes only sa loob ng kwarto nya to show something.
"Ganda ng ginawa ko no?" pagmamalaki ni Mikay.
Isang mini gallery ang ginawa nya sa kwarto nya. For three days nya rin yung pinagkagastusan. And lahat ng pictures na andoon ay pictures nila ni Gino simula noong naging sila. May mga pictures pa na may mga caption, like the one na kuha pa sa Magsaysay before sila nag breakfast bago nakidnap si Mikay.
"Gawan mo rin ako ng ganito sa kwarto ko sa Masantol Mikay..."
"Sure! Why not?" sagot ni Mikay "Kapag pinayagan na ako ni Papa na maglalalabas."
Maya-maya ay lumabas narin sila ng kwarto, even before 15 minutes ends ay lumabas na sila.
"Gusto ko yung bahay ko may photo gallery, tapos mga pictures natin yun from our start hanggang sa present. Tapos ipapakita natin sa mga anak natin"
Inakbayan ni Gino si Mikay "Excited talaga tong girlfriend ko na makasama ako habang buhay ano?.."
"Aray!" siniko kasi sya ni Mikay.
"Hindi kaya,. Sinasabi ko lang na gusto ko ng ganun" sagot ni Mikay.
Nakarating na sila sa garden ng Malacanang, ang favorite dating place nila. "Eh anu nga bang gusto mong bahay Mikay?"
Medyo nagisip pa si Mikay. She trying to picture out her dream house. "Ahm gusto ko parang glass house"
"Paano pag binato tayo ng lasing? Edi wala na tayong bahay and wala tayong privacy" singit agad ni Gino
"Patapusin mo nga ako magsalita, hindi pa ako tapos" saway nya kay Gino bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Gusto ko malapit sa dagat, tapos yung room natin nakatapat sa beach, tapos pure glass sya para kunwari malaking painting lang yung dagat."
Nakikinig lang si Gino. "Tapos pati yung dining area natin nakaharap din sa dagat para masarap kumain."
"Tapos ikaw na bahala sa iba, basta yun yung mga details na gusto ko present sa future house natin"
"Ang gastos naman ng bahay na gusto mo... Kaya ko kaya yun itayo?"
"Edi let's study harder..." sagot ni Mikay.
Natigilan si Gino. Study harder? Paano nya gagawin yun eh di pa nga sya babalik sa school at hindi nya alam kung kakayanin ba ng pera nya.
"Oh natahimik ka..." pansin ni Mikay "Tanggapin mo na kasi yung scholarship ni Tito Henry para sabay-sabay tayong papasok sa same school this coming school year. Kayalang ako ang sa highschool pa, kayo College na nila Jao."
Naalala nya ang scholarship na offer sa kanya ng Papa nya. Naalala nya rin pati paguusap nila.
FLASHBACK
May pinakuha sa kanya ang Presidente dahil kasalukuyang may ginagawa ang Secretary nito. Kaya sya ang nautusan.
"Gino"
Tawag sa kanya habang naglalakad pabalik sa office ng Presidente. Kilala nya ang boses na yun,
"Can we talk?"
Humarap sya "Bakit po Sir?" casual na tanong nya sa Vice President slash Papa nya.
Huminga pa ito ng malalim. Halatang nalungkot na tinawag lang nya itong 'Sir'
"Anak gusto kitang makausap tungkol sa pag aaral mo"
Hindi sya nakasagot agad sa pagkabigla. Pero agad din syang nakabawi "Anu pong neron sa pagaaral ko?"
"Ako ang magpapa aral sayo, ipapasok kita sa University na papasukan ni Jao"
Napatingin si Gino sa mata ng Papa nya. Seryoso ito at makikita mo ang pag aalala.
"Baka po malaman nilang..." napahinto sya, ayaw nyang banggitin ang kasunod na linya. Pero agad nya rin dinugtungan.
"Baka po malaman nila ang totoo, baka po maapektuhan ang pangalan nyo"
"Nakaisip na ako ng ways for that problem. Papalabasin ko na you are under my scholarship,.. Mas okay na yun"
Medyo natahimik si Gino. Nadisappoint sya na itatago parin pala sya ng Papa nya. Pero hindi naman nya hinihiling na angkinin sya at ipagmalaki nito, pero nasaktan parin sya kagit ganun.
"Sabi nyo po dati, hindi lang pulutika ang dahilan bakit nyo ako itinatago..."huminga pa ng malalim si Gino sa susunod nyang sasabihin.
"...ano pa po bang dahilan bakit tinatago nyo ako?"
Nakita nyang natigilan ang Papa nya. Para itong nangangapa ng isasagot kay Gino, nakatitig lang ito sa kanya.
"Gino, kung ang ikakayos natin ay ang malaman mo ang totoo kong dahilan..." he silently took a deep breath to continue.
"...Mas pipiliin ko pang magalit ka sa akin, kesa naman sa nagkaayos nga tayo pero yun naman pala ang ikakapahamak mo"
FLASHBACK ENDS
Hanggang ngayon hindi mawala sa isip nya ang huling sinabi ng Papa nya. Dahil nga doon ay nagresearch sya kung ano ba ang Papa nya bago ito pumasok sa Pulitika.
Isa itong anak ng isang mayamang business tycoon, at sinundan nya ang yapak nito ng lumaki sya. Nagdesisyon itong pumasok sa pulitika 18 years ago.
"Hoy Gino..."
Muntik na nyang nakalimutan, kasama nga pala nya si Mikay. Naguusap nga pala sila.
"Mikay... Baka tanggapin ko nalang yung scholarship, naisip ko kasi na pang mayaman ang bahay na gusto mo at di yun kayang itayo ng mahirap na tulad ko"
Minsan dinadaan nya lahat bilang biro kapag dating kay Mikay, kapag hindi nya kasi nadivert ang attention ng girlfriend, alam nyang magaalala ito.
"That's great..."
Hindi naman siguro masama na kunin ang scholarship, besides responsibilidad ng Papa nya yun sa kanya, kaya tama lang siguro yun.
"Gino," tawag ng isang PSG "Alas otso daw tayo bukas pupunta sa Bonifacio Square"
"Sige po..." sagot nya.
Sasama si Gino sa security team para icheck ang area na pagdadausan ng National Heroes Day bukas din. Ang Presidente kasi ang mangunguna dito.
"Ang aga nyo naman bukas" sabi ni Mikay "Dapat maaga din ako magising para makita kita"
"Ikaw naman, masyado kang inlove sa akin.., magkikita naman tayo sa hapon"
10am kasi ang simula ng program kaya dapat mas maaga sila. Pati dadaanan ng Presidente ay nacheck na nila. Para maensure ang safety.
Hindi kasama si Mikay bukas dahil may appointment ito and dahil si Mikaella ang may death threat, mas mabuting hindi muna sya sumama sa mga ganoong celebration.
--------------------------------
Naiexcite ako sa mga kasunod na chapter. Hinintay ko to ng mahabang panahon. hahahaha
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...