Chapter 2

43.7K 523 25
                                    

CHAPTER 2

Nagising si Gino sa ingay ng paligid. Kaya kahit puyat sya dahil sa trabaho bumangon nalang sya mula sa maliit nyang kama. Tumayo sya at naglakad papunta sa malaking bintana ng bahay nila at inislide iyon para bumukas.

Sa lugar nila, ang bahay nila ang isa sa pinakamataas. Isa kasi ang lola nya sa unang tumira sa dito sa masantol. Isang kilalang slum area sa bansa. Kayanga luma narin talaga ang bahay.

Pinagmasdan ni Gino ang paligid ng lugar nila mula sa bintana ng bahay nila

"Tay penge ako piso.." yung maliit na anak ni Mang Renato, nagmamakaawa para sa piso habang hinihila ang laylayan ng damit ni Mang Renato.

Sa may kaliwa naman nya, may tatlong babaeng kaharap ang mga batya at palanggana nila at sama-samang naglalaba habang nagchichismisan. Yung iba naman, nagiigib sa bomba. Ang pinagkukuhaan ng tubig ng buong lugar namin.

"Hoy Mona, yung utang mo kelan mo babayaran?" si Aleng Marian naman yun, ang may ari ng tindahan dito sa lugar nila. Malupet maningil ng utang.

Sa halos katapat ng bahay nila ay may isang mahabang mesa, andun ang magiina na naghahanda ng mga kakanin na ilalako nila sa palengke.

Yan ang lugar namin. Lugar ng mga mahihirap sa bansa. Lugar kung saan maraming pinagkaitan ng swerte, lugar na maraming nagsisikap para lang makaahon sa hirap. Yung iba naman, wala lang... Basta makasurvive sa isang araw goods na.

"Gino, handa na ang agahan..." napangiti sya. Sa kabila ng hirap sa buhay, maswerte parin sya na may Nanay sya na nagaalaga sa kanya. Si Aling Belen.

Hindi nya totoong Ina si Aling Belen,. Wala na syang mga magulang. Si Aling Belen ay malayong kamag-anak ng kanyang Ina. Pero kahit na ganun ay totoong nagmalasakit ito kay Gino ng maulila.

"The best talaga 'tong nanay ko eh. Amoy palang ng niluluto, nakakabusog na."

"Naku itong gwapo kong anak nambola pa..."

"Hindi kaya... Nagsasabi ako ng totoo Nay." sagot ni Gino.

"Oo na anak... Kumain ka na at may labada pa ako."

Medyo nakaramdam ng lungkot si Gino. Ayaw na nyang tumanggap ng labada ang Nanay nya dahil matanda na ito. Pero ayaw papigil. Kaya ng nagiipon sya ng pang dowbpayment sa washing machine. Hindi nya kasi kaya ng cash eh.

"Uy, wala na palang asukal." magtitimpla sana si Gino ng kape, pero wala pala silang asukal. Kaya bumaba sya para bumili.

News Report

Anak ni Senator Madrigal na si Mikaella Madrigal, kasama ang nobyo at mga kabarkada nito ay nahuling nagiillegal drag racing sa quezon avenue.

Kaninang madaling araw ay nagkainkwentro ng mga pulis ang grupo ng mga kabataan na nagiillegal drag racing. At ayun sa mga pulis ay nakipaghabolan pa ito sa kanila. Kasama dito si Mikaela Madrigal na sumama lang sa boyfriend na si Ranz Midriano.

Patong patong na violation ang isinampa sa kanila. Isa na dito ang curfew, at napag alaman pang ni isa sa mga kabataan na to ay walang mga lisensya. Tanging si Mikaella lang ang may student permit.

Ngunit dahil sila ay minors pa lamang ay nakulong lamang sila ng 24h at nagbayad ng penalty. Si Senator Madrigal mismo ang sumundo sa nagiisa nyang anak.

End of News Report

Yan ang naabutan ni Gino sa tindahan. Si Aling Marian nanunood ng TV. "Yang anak ni Senator na yan talagang dungis sa pangalan ng Ama nya." sabi ni Ate Marian

Hindi nya naman maitatanggi na ang babaeng nakita nya sa fastfood kagabi at ang Mikaella Madrigal na nasa balita ay iisa. Sa totoo lang hindi sya ganun kadali maattract sa isang babae. Pero ng makita nya ito kagabi, talagang napatitig sya ng di nya napapansin.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon