Congratulations to NOrdinaryANNE for Soulmates: Exhange of Souls
You try this guys:
http://www.wattpad.com/story/1454743-soulmates-exchange-of-souls-kathniel-complete
Chapter 73
Flash report!
Mayor Alfredo Arroyo, inaresto sa kasong plunder. May na natanggap ang NBI at pati narin ang ibang Senador ng mga ebidensyana nagpapatunay na nagnakaw ang Mayor sa kaban ng bayan.
Kasalukuyang inaalam pa kung sino ang nagpapadala ng mga ebidensya, dahil kamakailan lang ay si Edward Alonzo ay inaresto dahil sa pagpapatay sa isang sikat na news writer.
Isang malaking katanungan, kaninong baho ang kasunod na sisingaw? Sino nga ba ang nagpapadala ng ebidensya?
Flash Report Ends
"Damn it!" galit na sabi ni Vice President Henry Alvarez ng mapatay ang TV "Iniisa isa na tayo, and how come na hindi nyo kayang controlin ito?!"
Kausap nya ngayon ang iba pa nyang kasama sa Radical group. Sila ang grupo ng mga salot sa lipunan. Mga dahilan ng pagpapatay sa sino mang bumangga sa kanila, mga dahilan ng pagkakawala ng kaban ng bayan. At lahat sa kanila ay nakaupo sa pwesto sa pulitika.
"Anthony bakit wala kang control dito? Nasa NBI ka, mataas ang pwesto mo rito, and we are expecting you to have control on this"
"Malinis ang pagkakagawa kaya kahit sino sa magimbestiga ay walang makuha kung sino ba ang nasa likod nito. At... At pinaghihinalaan narin ako ni General Mondragon."
Nahampas nya ang mesa "Hindi tayo pwedeng ganito, marami na sa kasama natin ang naarresto..."
"Henry, anung masasabi dito ni Lady G?" tanong ni Senator Quicho.
Napailing sya, "Isa lang ang gusto nya, ang malaman kung sino ang nagbibigay ng ebidensya, at sya mismo ang papatay."
Si Lady G ang leader ng Radical group nila. Ito ang nagpapatay sa asawa ng Presidente, at ito din ang nagpapatay sa anak nyang si Gino.
"Isa lang ang nasa isip ko na pwedeng gumawa nito" yan abg huling sabi ni Henry.
--------------------------
"Sige Mang Emong, magiingat po kayo" sabi ni Yuan sa mga nakausap.
Nasa site sila ngayon na isa sa lupain ni Don Juanito. Pumunta din dito ang mag beneficiaries ng pabahay at nakausap ito ni Yuan at Kaella.
"Mukhang nagenjoy ka sa bonding mo with men ah" salubong ni Kaella kay Yuan.
"Na aamaze lang ako sa way of living nila dito. Just imagine this Kaella, most of the head of the family here cannot even have atleast 500 pesos in a week. At lima pa ang anak nila. Pero look at them, they can smile, they can laugh... Amazing"
Ngumiti si Kaella "Ganyan talaga, asset na nga siguro yan ng mga Pinoy eh. Binabaha ka na, kaya mo pang ngumiti sa camera,.. Wala ka ng makain, nakakatawa ka pa" natawa lang si Yuan.
"Kaella, bakit mo naisip ang ganitong project?" tanong ni Yuan.
Naglalakad na sila pabalik sa bahay ni Don Juanito. "Everything started when I was in slum area."
"Yeah, Slum girl Princess"
Ngumiti lang si Kaella sa sinabi ni Yuan "When I was 17, someone asked me kung anu bang pangarap ko. Sya kasi he's so determined sa pangarap nya na maging Architech."
Nakikinig lang si Yuan. "I don't know what to say nung tinanong nya ako. Until I realized na, I love to help people. Kaya ko rin pala maging mabuting tao" bahagya pa syang natawa.
"He showed me the real picture of this world. May mayaman at may mahirap. And the only thing that can define your success is when you do something that would benefit the less fortunate ones."
"Sya ba si Gino?" natigilan si Kaella sa sinabi ni Yuan. Hindi sya nakasagot agad kaya nagsalita ulit si Yuan.
"When I heard you calling out his name, naisip ko kung sino ba sya sa buhay mo... And now habang nagkikwento ka, parang nasagot na ang tanong ko"
Nagpapatuloy parin sila sa paglalakad "Yeah, his name is Gino"
Natahimik sila for awhile. Hindi mabasa ni Kaella ang isip ni Yuan. Malamang wala syang gift na nagbasa ng isip ng ibang tao.
But seriously, kinakabahan sya. Nahihiya sya sa sarili nya. May boyfriend sya, at ang laman ng panaginip nya ay ibang lalaki naman. And now, na-aattach pa sya sa bestfriend ng boyfriend nya.
"Mahal mo talaga sya no?"
Napatingin sya saglit kay Yuan bago ibinalik ang tingin sa daang nilalakaran. "Yeah,.."
"Mahal mo pa ba sya hanggang ngayon?" mas lalo syang kinakabahan sa bawat tanong ni Yuan.
"Ah--" magsasalita palang sya, nagsalita na agad si Yuan.
"Wag mo ng sagutin, masyado na akong tsismoso.." natawa pa ito "Halika na, baka gabihin pa tayo"
Hindi na nagsalita si Kaella. Nagpahila nalang sya dito. Ayaw narin nya kasing ikwento pa ang nakaraan nya dito. Hindi naman dahil kamukha nya si Gino, dapat alam narin nito ang nakaraan nya.
--------------------------
"According po sa assessment namin, most of them are 5 to 8 members each family. Kaya we have to consider the space of the house."
"In ten hectares na ibibigay ko, enough na ba yun to cater each family?" tanong ni Dn Juanito.
"That would be enough already Don Juanito."
"Good"
Magkakasama ngayon si Don Juanito, Kaella at Yuan. Pinaguusapan nila ang housing project. Naassess na ni Yuan and Kaella ang lugar at ready na si Yuan na gawin ang blueprint.
Bigla namang nagring ang cellphone ni Yuan. "Excuse me, I have to answer this call"
Tumango naman ang dalawa nyang kasama bago sya naglakad palayo sa garden ni Don Juanito.
"Anung balita Erik?" tanong ni Yuan sa kausap sa cellphone.
[Boss, nagawa ko na.]
"Good! Alam mo na kung sino ang kasunod"
---------------------------
Hello! Pasensya na at nasasanay ako mag Author's note. I am under depression right now. hahahaha talagang depression no?
Depression is overstatement, but I sadness is understatement. Wala lang, narealize ko, kahit AGENT OF SMILE ka pa, di ka exempted umiyak.
Shocks! Ang drama ko! Sorry.
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...