Chapter 23
Another day to survive without Gino, yan ang nasa isip ni Mikay. Hindi naman sa nagiging dependent sya kay Gino, sadyang para itong kanta, talagang hinahanap hanap nya lang ito.
Last night when Mikaella got home, wala parin si Gino and according to Aling Belen, umuwi naman daw si Gino kayalang nagmamadaling umalis dahil sya ang inatasang magtrain ng mga bagong crew.
Katulad ng dati, si Aling Belen parin ang naghahain ng pagkain nya, sya naman ang taga hugas ng mga napagkainan nya; minsan kapag andito si Gino, silang dalawa ang naghuhugas, si Gino ang taga kuha ng tubig. Pero ngayon isa lang sya, buti puno ang tumbler nila sa taas.
Matapos naman ng iilang gawaing bahay ay naghanda na si Mikay sa pagpasok sa bahay. "Nay, alis na po ako,"
"O sige anak, mag-iingat ka."
Nang makalabas si Mikay, may kakaibang feeling syang naramdaman. With all the eyes na nakatingin sa kanya, na parang bagong salta lang sya sa lugar. "Anung meron?" pabulong na sabi nya sa sarili.
Hanggang sa nakasakay na sya sa sasakyan, may iilan parin na napapatitig sa kanya. Kaya nga she got concious eh, may dumi ba sya sa mukha o sadyang sobrang ganda nya lang?
Nang makapasok sya sa shop "Ang wierd ng mga tao ngayon..." she exclaimed. But to her surprise, may dalawang tao ding nakatitig sa kanya. "Aling Rosa? Kuya Joma? Are you ok?" naiilang nyang tanong. Anu bang nangyayari kasi?
"Kamukha nya nga..." narinig nyang sabi ni Kuya Joma.
"Anu ka ba? Sabi sa balita confirmed na na sya yan..."
Nagtaka sya sa pinagsasabi ng dalawa "Anung meron? Is there something wrong? And what about the news.,"
"kaya pala nagtatanong sya tungkol kay Mikaella Madrigal nung nakaraan.." sabi ni Kuya Joma. Halatang nabigla ang dawalang tao sa harap nya, halos hindi kasi nito napapansin na nagtatanong si Mikaella. Basta tinititigan lang nila ito at naguusap.
Pero biglang naalala ni Mika yang isang salita na kanina lang lumabas sa bibig ni Kuya Joma, Mikaella Madrigal, asabay nun ay ang alala ng isang insidente kahapon- nung makasalubong nya ang isang reporter.
"Mikay? Totoo bang ikaw si Mikaella Madrigal? Yung anak ni Senator na madalas nababalita?" tanong ni Kuya Joma She groan "Grrr,.. That reporter! Kuya Joma, Aling Rosa, yeah its me,.." Napasapo sa ulo si Aling Rosa "May empliyado ako na anak ng Senator?" hindi makapaniwalang sabi nya.
"Aling Rosa, hindi na ako mayaman... Please I need this job, wag mo akong tanggalan ng trabaho please..." pakiusap ni mikay
"Hindi naman kita tatanggalin Mikay eh, malayong malayo ka sa Mikaella Madrigal, kayanga di ko naiisip na iisa kayo eh pero di ko matatanggi na nasabi ko na magkahawig kayo." Paliwanag ni Aling Rosa.
"Ako Mikay, totoo talaga na nakalimutan ko na ang mukha ni Mikaella Madrigal kaya hindi talaga kita namukhaan." Si Joma naman ang nagsalita.
"Hindi naman po mahalaga kung ako si Mikaella Madrigal eh, ako parin si Mikay. No matter how I hate that name, I'd still love being her."
"Kaya pala inglesera ka Mikay.." hindi na pinansin ni Aling Rosa ang komento ni Joma, ganun din si Mikay. Si Aling Rosa na ang agad na nagsalita.
"Wala kang problema sa amin Mikay, nakilala ka namin at napamahal ka narin sa amin," sagot ni Aling Rosa, "Ang problema mo ngayon ang mga reporter na kanina pa balik ng balik ditto."
"What?!! Bakit ho?"
"Laman ka ng balita, kumalat daw kasi ang picture mo doon sa milligram bay un? Basta doon kumalat ang picture mo," paliwanag ni Aling Rosa.
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...