Chapter 15
Kanina pa pabaling baling sa maliit nyang kama si Gino. Kinuha nya ang cellphone sa ilalim ng unan,
"Anak naman ng tupa oh... Alas tres na ng madaling araw di parin ako makatulog!" iritang sabi ni Gino.
Bumangon sya at umupo sa kama, "Gino, kalokohan lang naiisip mo. Hindi ka inlab sa Mikay na yun" pabulong nyang sabi
Kanina pa nya pilit nilalabanan ang sinasabi ng puso nya. Pilit na pinapaniwala ang sarili na wala syang gusto kay Mikay. Pinilit syang gumagawa ng paraan manalo lang ang isip nya laban sa puso nya.
Humiga syang muli at nanatiling nakatitig sa taas. He close his eyes for awhile at bigla ring agad na minulat. "Bakit naman ganun? Si Mikay nalang lagi nakikita ko..."
Sinusubukan nyang magkaroon ng magandang rason bakit nangyayari sa kanya ang lahat. Kayalang laging walang karason rason ang naiisip nya, maging ang mga sinasabi nya napaka unreasonable na. Para syang baliw.
*****
Maagang nagising si Mikay, excited sya sa pancake na kakainin nya. Nangako sa kanya si Gino na bibigyan sya nito.
Masaya si Mikay dahil kaibigan nya si Gino. Masaya sya na inaalagaan sya nito, masaya sya nagkakabonding sila. Ngayon lang kasi sya nagkaroon ng kaibigan na simpleng bagay lang masaya na. Kahit masungit si Gino,
"Mikay, ang aga mo naman gumising.." bati ni Nay Belen.
"Sabi kasi ni Gino bibigyan nya ako ng pancake. Kaya na-excite ako." natawa si Aling Belen.
"Kayo talagang mga bata kayo, akala ko pa naman may problema kayo.," sagot ni Nay Belen habang hinahain nag agahan nila.
Ngumiti si Mikay "Paano nyo po nasabi?"
"Pano, parang wala sa sarili kanina. Ang aga aga masyado nagising, tapos binilhan ka nya ng pancake. Sabi nya papasok na daw sya ng maaga, eh diba 10am pa sya."
Nagulat si Mikay "Umalis na sya? 7am palang po ah."
"Yun din ang pinagtatakahan ko; kaya naisip ko na baka nagaway kayo..."
Nagtaka si Mikay, hindi naman sila nagaway at maayos naman silang naghiwalay kagabi. "Hindi kaya may problema si Gino?"
"Hindi ko din alam, di bale mamaya tatanungin ko nalang... Kain na muna"
Matapos kumain ay naghanda na sya ng sarili para sa trabaho. Hindi parin mawala sa isip nya si Gino. Hindi nya kasi maisip kung anu ba talaga ang nangyari at nagmamadaling pumasok si Gino. Alam nyang masipag si Gino, pero ang OA naman kung almost five hours kang advance sa trabaho.
"Hay Mikay, wag mo na ngang isipin si Gino... Baka tinopak lang yun" bulong nya sa sarili.
*****
"Gino, ok ka lang ba brad?" napalingon sya sa nagsalita. Si Earl, isa sa nga kaibigan nya.
"Oo naman, bakit?"
"Eh kasi ang aga mo ng pumasok, ngayon o 11am na, sipag mo padin sa trabaho,. Tapos minsan naman, ang tulala ka. Ok ka lang bro?"
Hindi lang si Earl ang nagtanong sa kanya tungkol sa bagay na yun. Marami naring nakapansin sa kakaibang kilos nya. Sa loob ba naman ng sobrang walong oras na pagtatrabaho nya, puspusan sa trabaho tapos mamaya tulala, malamang marami magtatanong. Hindi yun ang Gino na nakilala nila eh.
"Ah wala, gusto ko lang bumawi sa mga kasablayan ko nung nakaraan."
"Ang OA naman ng pagbawi mo,. Pinapatawag ka pala ni Boss,"
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...