Special Chapter 1
Wedding? Lahat ata ng babae nangangarap ng isang mala-fairytale na wedding. Yung tipong lahat ng babae maiinggit sayo, wishing na sana sila ang nasa kalagayan mo ngayon.
"Ito na ang pinaka-malaking kasalan na gaganapin sa bansa ngayong taon" sabi ng isang reporter habang nakaharap sa video camera.
"Inaabangan ng buong bansa ang kasal ng nagiisang anak ng ating Presidente na si Kaella Madrigal." yan naman ang report ng isang reporter galing sa ibang tv station.
Ganun nga siguro kapag anak ng isa sa pinakamakapangyarihan sa bansa. Kahit na espesyal na araw ng buhay mo bilang babae, talagang gagawa ng paraan ang ilan maibalita lang ito.
Ngayong araw na ang kasal ni Gino at Mikay. Ang araw na pinangarap nilang pareho pero hindi nila naisip na mangyayari pala. Akala kasi nila hanggang pangarap nalang. Thank God, dahil sila parin pala.
"Ready?" tanong ng Presidnete sa anak na ikakasal. Kakahinto lang nila sa tapat ng venue. Hindi sila sa simabahan nagpakasal, sa Fort Santiago, para daw maganda ang ambiance.
Huminga ng malalim si Kaella bago sumagot "Yes Pa, I'm ready"
In a minute, isinakay na si Kaella sa isang karwahe papunta sa main venue ng kasal. Habang mabagal na tumatakbo ang karwahe, inaalala nya ang lahat ng napag daanan nila ni Gino bago marating ang oras na ito.
Hindi lang ang mga nangyari sa nakaraan nila ang nagpaganda ng story na ito. Maging ang ang kwento, a year before their marriage, just right after Gino's unexpected proposal.
Flashback
(Year Ago)
"Mikay, pakasal na tayo"
Out of nowhere bigla nalang magsasalita si Gino about this topic. Pabigla biglang magpopropose. In the middle of nowhere, habang nag aasaran sila bigla-bigla nalang magtatanong ng ganyan.
Pero bakit parang walang singsing, no seranade or even unforgettable surprises na kahit 100 years old ka na kikiligin ka parin kapag kinikwento sa mga apo mo.
Syempre lahat ng babae nangangarap ng isang nakakakilig, and touching proposal na parang ikaw ang lead stars ng isang pinakamagandang movie sa mundo.
Pero bakit parang hindi ito yun. Bakit parang hindi nya kayang paniwalaan na seryoso si Gino sa sinabi? Kaya nga nagsalita na sya.
"Anu?" Ang haba ng sinabi nya ah. Pero kasi she can't deny it, gusto nya talagang makasal kay Gino but she's expecting some scene na talagang kahit sino kikiligin.
"Sabi ko pakasal na tayo." mas lalong natigilan si Mikay. Seryoso nga si Gino. Proposal in the middle of asaran? Take note, while driving pa ha.
"Hindi ka pa ba ready?" tanong ni Gino kay Mikay ng hindi ito nakasagot agad.
"Bakit ikaw ready ka na ba?" pagbabalik nya ng tanong.
"Oo naman..." aba mukhang seryoso sya sa out of nowhere proposal nya ah. Anu ba dapat maramdaman ni Mikay? Kikiligin o maiinis?
"Hindi halatang ready ka ha..." yan nalang sagot ni Mikay.
Napatingin si Gino kay Mikay. At siguro nga nakaramdam ito kahit papaano kaya itinabi nya ang sasakyan at huminto.
Nang maihinto ang sasakyan, agad na kinuha ni Gino ang bag na nilalagyan nya ng iPad nya. At sa pinakaloob at pinakamaliit na bulsa nito, doon nakalagay ang isang singsing.
Ang nakakatawa na nakakainis at the same time, hindi sya nakalagay sa isang box like any other proposal. Nakalagay ito sa isang maliit na transparent plastic, yung minsan nilalagyan ng mani na binibenta? Kaya mas lalong hindi alam ni Mikay kung anong mararamdaman.
Hinawakan ni Gino ang kamay ni Mikay. "I've been preparing for this moment for a long time- seven years ago"
Pinaghandaan seven years ago? Bakit parang kanina lang nagprepare si Gino, five minutes ago lang ata. "Hindi halata"
Ngumiti si Gino. "I know..." sagot nito.
"Im not preparing for my proposal, I am preparing myself to be the best man, worthy enough to ask you for a marriage...."
Hindi nakasagot si Mikay. Talagang alam ni Gino kung paano palabutin si Mikay eh. Sinpleng banat lang, unti unti ng bumibigay si Mikay.
"Siguro nga hindi sweet yung ginagawa ko ngayon, pero... I may not be able to give you a world record wedding proposal pero I can assure you na if you say yes, I can give you the most satisfying marriage ever. Pipigain ko ang sarili ko until the day na kuba na ako sa katandaan, mapasaya ka lang for the rest of my life."
Tuluyan ng bumigay si Mikay. Hindi na nya napigilan ang maluha. Maluha sa kasiyahan, na-gets nya ang point ni Gino.
"Hey, wag ka umiyak" sabi ni Gino while kissing her tears away.
"Ikaw kasi eh..." parang batang sagot ni Mikay.
"Kung napipressure ka., I can wait for your answer" sabi ni Gino at hinalikan nya si Mikay sa noo.
Nakangiting hinarap ni Mikay ang mukha ni Gino habang hawak ng dalawa nyang kamay ang mukha nito.
"Yes! I will marry you"
Natigilan si Gino ng saglit. Nagulat sa sinabi ni Mikay. Pero agad din syang nakabawi.
"Yes?"
"Bakit? Gusto mo 'No'?"
Hindi mapigilan ni Gino ang saya kaya nayakap nya si Mikay ng sobrang higpit. Hindi nya rin mapigilan ang maluha sa pinaghalong saya at kaba.
Nang maghilay sa pagkayakap, agad na kinuha ni Gino ang singsing. Medyo naginginig pa ang kamay ni Gino sa paglagay nito kay Mikay, kaya natawa si Mikay.
"Thank you Mikay,.. And I love you so much. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko" sabi ni Gino bago hinalikan ang kamay ni Mikay.
Niyakap sya ni Mikay. "I love you too Gino. Ikaw lang din ang mamahalin ko. Thank you for giving me the most romantic and most heartmelting proposal ever."
------------------------------------------------
Hello Guys! We're back together. So we're here na sa special chapter, sorry sa lahat ng nag expect ng Book 2. Book 2 is a No-No for me. Hehehe well, after special chapter naman magkakasama tayo ulit sa isang short story ko "Instant Daddy" ang propose title.
Anyway, thankyou sa lahat ng reDEARS ko. Para sa inyo ito, sensya kung medyo natagalan pero don't worry habang wala naman ako hindi nasayang ang oras ko. Nag attend ako ng dental Mission and I am so happy dahil maraming naginspired sa akin sa pag gawa.ng special chapter.
Don't hate me sa mahabang author's note. Minsan lang naman, pagbigyan nyo na ako. Anyway, most of the special chapters a iikot sa flashback. Bali in real life nila, one year ago na. Wedding na nila. Babalikan nalang natin ang behind the story ng wedding.
Sana maenjoy nyo! See you sa next Update. God bless everyone.
BINABASA MO ANG
MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]
FanfictionAreeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything she needs, together with all the 'wants' in life, minus the attention of her father; she grew up stro...