Chapter 11

472 19 0
                                        

  NABIGLA SI NATASHA sa sinabing iyon ni Flex at nagpatay malisya. She pinned her eyes infront and swallowed her own breath. Bahala ka riyan! Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo! Sambit pa ng utak niya saka pa siya nagkibit-balikat.
 
  "Nga pala, malayo ang biyahe, siguro'y bumili muna tayo ng snacks," suhestyon pa ni Donatela na sinang-ayunan lang ni Levi.
 
  "Bili tayo sa convenience, mommy, kuya. I want to buy some cholocolates!" nag-hands up pa si Levi habang karga si Lala.
 
  "Okey," tipid na sambit ni Natasha. Nasa highway na sila sila sa oras na iyon at nang makita ang kalapit na 7-eleven ay pumarada si Flex. Agad na lumabas sina Donatela at Levi na halatang excited pumasok. Iniwan nila sa kotse si Lala. Gayundin ang pagka-ilang ni Natasha dahil naiwan siya kasama ang lalaking 'to. Lihim siyang nagbusy-busy-han.
 
  "I..I'm sorry," dinig niya kay Flex. Hindi siya umimik.
 
  "Hindi ko sinasadya ang nangyari, uh. I am pre-occupied. Hindi..hindi ko inaasahan na.."
 
  "Let's not talk about that again. Nangyari na 'yon, at kapwa natin ginusto. I just wanna clarify that, we must maintain our professionalism, I'm your boss. Okey?" saad ni Natasha na hindi man lang tumitingin sa gawi ni Flex.
 
  "Okey." Baritonong boses ni Flex at nanatiling tahimik. Nakikiramdam sa pagitan nilang dalawa.
 
  "I want to be your friend." Sambit pa ni Flex kay Natasha na sinipat niya lang, walang emosyon ang mukha niya.
 
  "Bakit? Para kwartahan lang ako? Alam ko ang mga klaseng gaya mo, and I admit, I am lonely, so I used to be fragile on guys, pero ina ako, Flex. Ayokong maging kahihiyan sa mata ng anak ko."
 
  "Nagkakamali ka, Natasha, hindi pera ang habol ko sa'yo, I don't need your money. I earned it." Natigilan si Natasha sa sinabing iyon ni Flex.
 
  "You can't handle me." Mariing boses niya.
 
  "It doesn't mean you're hurt, you doesn't bleed, hindi mo kailangang maging matapang gayong hinang-hina ka na. I am here, I will help you."
 
  "And who are you?" matigas na boses niya.
 
  "The man who will understand you," seryosong ani nito.
 
  She chuckled, wearing teary eyes. Alam ni Natashang napunto ni Flex ang kahinaan niya. Isa-isang nagsilaglagan ang mga luha sa pisngi niya. He gently reach her cheeks and wipe those tears. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng umiiyak sa harapan niya. Nanghihina siyang makita na ganito si Natasha.
 
  "Don't cry."
 
  "I'm not!" pagmiminaldita pa niya sabay hingos at trapo sa kaniyang mata. Bumaling siya sa salamin at hindi umimik. Sakto rin na nagbukas ang pintuan at noo'y pumasok sina Donatela.
 
  "I buy chips and chocolates, mom. You like one?" sabi pa ni Levi na may inabot sa kaniya.
 
  "No, anak. Salamat but mommy is sleepy, I want to take a nap, okey?" sabi pa niya na sinuot ang kaniyang eyeglass para hindi mahalata ang pamumugto ng kaniyang mata.
 
  "Okey, how about you kuya? You want one?" magiliw na abot niya kay Flex.
 
  "Salamat, paborito ko 'to, hmmm ang sarap." Puri pa niya sa chocolate na agad nitong kinain. Ngumiti si Levi at nasiyahan sa sinabi niya. This kid needs a companion, the both of them, kailangan nila Natasha at Levi ng taong tutulungan silang mabuo muli. And he guess, alam na niya ang dapat gawin.
 
  Halos sampung oras ang byahe nila papuntang Camarines Norte kaya halatang pagod na si Flex sa pagmamaneho. Mabuti na lang at hindi bored ang trip nila dahil masayahin sina Donatela at Levi na panay tawa at laro sa likuran, kung palaring sila lang ni Natasha baka abutin sila ng siyam-siyam dahil panay tulog lang ito sa tabi niya. Halatang wala sa mood.
 
  "We're here!" sambit ni Flex, tiningnan niya si Natasha na nakapikit pa rin. It's now eight o'clock in the evening. Nasa sentro na sila ng bayan kaya napagpasyahan nilang kumain muna sa kabisera. Gaya ng stop-over kanina kasama ang buong crew at team, nauna si Donatela at Levi para sabihan ang kasamahan nila. Nang makababa na ang dalawa ay naiwan si Flex kasama si Natasha.
 
  "Madam, wake up. Nasa sentro na tayo," ani niya saka pa niyugyog ang balikat nito. Natasha cleared her voice and attempt not to see Flex' face but she failed.
 
  "Anong oras na?"
 
  "Eight PM."
 
  "Nasaan si Levi?"
 
  "He's with Donatela, nasa restaurant na siguro 'yon, tara, kain muna tayo," yaya niya sa amo. Tumugon naman ito at mabilisan siyang lumabas para pagbuksan ang ginang.
 
  Sabay silang naglakad papunta sa isang kainan at doon nakaupo ang mga kasamahan nila. Nasa bente lahat ang crew at silang apat nila Donatela.
  "Oh, umorder na raw kayo ng gusto niyo, sabi ni madam!" sabi pa ni Flex na nakangisi. Hintatakutan naman si Natasha na tila nagulat sa sinabi ng binata.
 
  "What the?" she mouthed, pero pinigilan lang siya ni Flex at mahinang pinisil ang palad nito.
 
  Agad na nagsipalak-pakan ang madla at masayang nagpasalamat sa kanila. Doon napansin ni Natasha na masayang umayon ang mga ito at naramdaman niyang nagiging mabait na siya.
 
  Oh god must be crazy! Ano ba 'tong sinasabi ng hudyong 'to, shit! Baka maubos ang dalang milyones ko! Sabi ng isip niya na parang natatawa o nagagalit sa pangyayaring iyon.
 
  "Madam, upo na na ho kayo," sabi pa ng isang empleyado nila.
 
  "Dito kayo mommy oh," sabat pa ni Levi na katabi ni Donatela. Nang makaupo na sila ay agad nagsi-order ang lahat, parang fiesta ang table nila dahil napuno iyon ng parang budol-fight na mga pagkain. May karne, seafoods, chicken, salad..ang kulang na lang ay kung sino ang magbo-blow ng cake na nasa harap nila.
  The hell? May umorder pa talaga ng cake ah? Sa isip ni Natasha.
 
  "And now, let's bow our head ang let's put our presence to the lord," narinig nila mula kay Flex na tila magsisiwalat ng dasal.
 
  Natigilan si Natasha dahil lahat yata ng nasa harapan niya ay nagsi-pikit ang mata.
 
  "Lord, blessed these grace you've given to us, thank you for the laughters, the people, the blessing, and the oppurtunity here in Camarines Norte, salamat din po sa aming mabait na amo at naging possible ang lahat ng ito. In Jesus we pray, amen." Nag-sign of the cross pa silang lahat, and she acted like she belong too.
 
  Hanggang, sa kunin ni Flex ang cake na nasa gitna at sinindihan iyon.
  "For what?" ani Natasha.
 
  "For the success of your team." Ani nito, nagsipalakpakan naman sila Donatela na nakisabay sa hirit ni Flex. Wala tuloy siyang nagawa kundi umayon na lang.
  "Make a wish," ani Flex.
 
  Tumigil si Natasha at umusal ng hiling bago hipan ang kandila. I wish that someone will see my worth. Iyon ang hiling niya at hinipan iyon.
 
  Nagsipalakpakan ulit ang madla at doo'y masigabong nagkainan. Masaya silang kumain para sa isang achievement ng H clothing lines.
 
  "Thank you," narinig ni Flex mula kay Natasha.
 
  Ngumiti si Flex at umiling. "You're welcome." He saw her face brighten, iba ang awra nito kumpara kanina, noong papunta pa sila kanina.
 
  "Kain na tayo," bara pa ni Natasha na sumubo ng kanin at ulam. Nakipagmabutihan siya sa mga tauhan na noo'y nasisiyahan din sa presensya niya.
 
  After the endless conversation, natapos ang dinner buffet nila eksaktong nine thirty ng gabi, kaya bago pa lumalim ang gabi ay nagpatuloy na sila sa isang resort area kung saan sila magte-take ng photoshoot.
 
  Nasa bandang hilaga iyon ng bayan kaya madali lang nila itong natunton. Nauna ang van kaysa sa kanila kaya medyo naantok na sina Donatela at Levi sa likuran. Si Natasha ay panay sipat sa daan dahil hindi na siya dinadalaw ng antok. Ikaw ba naman buong biyaheng tulog, kaya siguro bumawi ang sigla niya ngayon.
 
  "Pagod ka na? Ako na lang ang mag-drive," ani niya kay Flex. Umiling naman ito at masuyong ngumiti.
 
  "Hindi bagay sa'yo ang mag-drive, ang dapat sayo, pinagsisilbihan." Wala sa isip na sambit ni Flex, but deep inside to Natasha, parang halos bumulusok na sa leeg niya ang init mula sa kaniyang pisngi. She knew that her face is now red.
 
  "Stop it," saway niya na ikinatawa lang ni Flex.
 
  "Ang sarap mo lang tudyuin e."
 
  "Well, it's not funny."
 
  "Just be it, ayaw mo ba n'on, lumilitaw ang pagiging maganda mo."
 
  Tumahimik si Natasha at nag-iwas ng tingin. "Don't say when don't mean it," ani niya.
 
  "I mean it. Maganda ka, madam. Kailangan mo lang ngumiti." Ani nito na sinulyapan lang ni Natasha.
 
  "I'll try," pigil emosyon na sambit niya dahil sa puntong iyon, sulyap at titig lang ang namayani sa kanilang dalawa. Alam nilang kahit walang salita ang lumabas sa bibig nila ngayon, they know that they're both happy of what did they went along.
 
  "Andito na tayo," balik na sambit ni Flex kay Natasha. Agad naman nilang sinulyapan sina Donatela sa likod. Nakayakap si Levi kay Donatela, habang nakanga-nga naman si Donatela na halatang napagod sa biyahe.
 
  "Baby, baby. Wake up," yugyog niya pero tulog pa rin ito. "Shh, ako na ang magbubuhat sa kaniya."
 
  "Naku, baka masanay 'yan." Ani niya rito.
 
  "It's fine." Sabi ni Flex na agad gumilid sa likod at binuksan iyon, niyugyog ni Flex si Donatela na agad namang tumalima.
  Sabay-sabay silang bumaba at pumunta sa harapan ng veranda. Nandoon ang reception area na may mga staff at crew, agad naman silang inasikaso ng mga ito.
 
  Nang makapanhik na silang lahat sa nga nakatalagang kwarto ay tinulungan ni Flex ang mag-ina. "Salamat," tipid na sambit ni Natasha sa mga sandaling iyon. Nasa gilid siya ng pinto na noo'y kaharap si Flex. Kalalapag lang nito kay Levi sa kama.
 
  Ngumiti ang binata at napakamot sa sariling buhok. "Basta ba, makita ko lang na ngumiti ka, madam. Aaraw-arawin ko ang pagtulong sa inyo," walang prenong sambit niya na ikinaluwang ng ngiti ni Natasha.
 
  "Bola ka talaga ah, sige na. Good night!" Ani ng ginang na marahang sinara ang pinto. Nang maisara na iyon ay napasandal siya, inaalala ang sinabi nito.
 
  Basta ba, makita ko lang na ngumiti ka, madam. Aaraw-arawin ko ang pagtulong sa inyo. Parang nag-e-echo ang boses nito sa taenga niya. Lihim niyang hinawakan ang dibdib, at kinapa ang bahagi ng kaniyang puso.
 
  This can't be happening, sa edad niyang trenta y cinco anyos, ngayon lang yata siya nakaramdam kung ano ang tinatawag na 'stupid crush' at sa isang binata pa talaga ah.
  "You're disgusting, Natasha!" kastigo niya sa sarili habang umiiling na natatawa.
 
  Oh my heavenly god!
 
  ...itutuloy.
 
 

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon