Chapter 10

488 16 0
                                        

  MAAGANG nagising si Natasha sa oras na iyon, bukod kasi sa maganda ang pakiramdam niya, ay mas komportable siyang pumasok sa kaniyang office. After that incident, Flex and herself agreed to have a civil friendship, and it does impact her mood swings...better. Naging magkaibigan sila at heto nga siya, not as his boss but also his friend. Hindi naman siguro masama na makipagkaibigan sa lalaking malaki ang agwat sa edad niya.
 
  Obviously, she is a 'tita' and Flex is a 'hunky kuya', so, as it goes, bahala na ang lahat na masuka sa pakikipag-kaibigan nila. Besides, wala siyang pakialam kahit pa mangisay sila sa inggit.
 
  "Good morning, baby," bati niya sa anak na noo'y maaga na ring gumigising, pinapakain kasi nito si Lala at dinadala sa park para mag-walking.
 
  "Hi mommy, how's your sleep po?"
 
  "Great, baby. How about you?"
 
  "I'm great too, kasi po nandito na kayo, at hindi na kayo pumupunta sa London," ani ni Levi na tumatak sa isip niya. Tama ang sinabi nito. Hindi na nga niya naisipang umalis since naging takilya ng masa ang clothing lines nila dito sa pilipinas. They're now reaching the stocks and outcome of their brands. Mabilis itong naging fast-moving products, all credited to Feliciano Carnacion. Ang kaniyang lucky gem.
 
  "Dito muna si mommy, baby."
 
  "I hope you stay here, forever mommy, don't go far again, please." Samo nito na ikinangiti niya lang. Ginulo niya ang buhok nito at tumayo na. Nagpaalam siyang pupunta sa kusina para mag-almusal. Hindi sumama si Levi dahil katatapos niya lang umanong uminom ng gatas.
 
  Nasa kusina na siya nang makita ang mga katulong niya. "Good morning," bati niya sa mga ito. Nagsitigilan ito sa ginagawa at nagulat sa presensya niya.
 
  "Good morning, madam." Sabay-sabay na sambit ng mga ito at madaling nawala sa paningin niya, parang mga bubuyog na nagsi-alisan.
 
  Umupo siya sa stool at hinarap ang pagkaing ihinanda ng mga kusinera. Isang fried tocilog ang nandoon. Tocino, fried kanin at itlog. Nasa gilid naman nito ang hiwa ng manggang hinog at isang detoxed water na madalas niyang inumin, at ginagawa niyang tubig.
 
  Tahimik siyang kumain nang narinig ang ring ng telepono sa sala.
 
  "Maam, telepono ho, si Donatela po." Anang matandang kasambahay niya.
 
  Agad niyang kinuha ang telepono at isiniksik sa taenga niya. "Hello, give me good reports, kumakain ako ngayon."
 
  Maam, may nagre-request po na isang collector designer na tayo ang gagawa sa collection niya this month. Si Flex ang kukuning endorser.
 
  Natigilan siya sa nang marinig ang pangalan ng binata.
 
  "Okey," tipid na sagot niya.
 
  Ma'am may photoshoot sila ngayon sa Camarines Norte, ipapadala ko sina Bogart at ang team.
 
  "Okey," dagdag pa niya.
 
  Pero may problema po, ayaw sumama ni Flex kung hindi ka raw sasama.
 
  Doon siya nabilaokan ng wala sa oras.
  "What?"
 
  Ang sabi ko po, gusto ni Flex na nandoon ka raw po.
 
  Hindi siya sumagot at lihim na napangiti. Parang nagpaparty-party ang puso niya sa narinig.
 
  "Okey." Pinal na sambit niya sa sekretarya at pinatay ang telepono. Tinawag niya ang katulong niya at pinapunta si Levi sa kusina. Agad namang pumunta ang paslit dala ang aso niya.
 
  "Yes mommy? Tawag mo po ako?"
 
  "Anak, I will work today.." sumimangot ang mukha nito.
 
  "Pero kung gusto mo, isasama kita, payag ka ba?" sa sinabi niyang iyon ay nagbalik ang sigla sa mukha nito.
 
  "Really, mommy?"
 
  Tumango siya. "We will go out of town," ngiti niya saka pa pinisil ang pisngi nito. "So, hurry, tell your yaya to pack your things, maybe aabutin tayo ng week doon."
 
  "Yeeeey, okey po." Agad na tumakbo ito sa kung saan na hindi magkamayaw sa saya. Naiwan nga nito si Lala na noo'y nakaharap lang at nakatayo kay Natasha.
 
  Nakita ni Natashang nagpapaawa ang mata nito. "Okey, isasama rin kita, just behave!" ngiti niya na parang kinakausap ang aso. Agad naman itong tumayo at nag-wiggle ng buntot, parang nasiyahan na isasama ito. Natuwa si Natasha at binigyan niya ito ng hiwa ng tocino.
 
  "Good, dog!"
 
 
  ***
 
  Nasa hallway si Flex habang inaayusan ng isang make up artist. Nakasimpleng T-shirt lang ito na suot ang jacket collection ng H Clothing Line. Nakasuot lang ito ng jeans at isang puting topsider shoes. Hinihintay niyang dumating ang mga kasama niya pero may isang taong sinisipat niya partikular sa pinto. Dahil sa pangyayari noong nakaraan ay hindi maalis sa isipan ni Flex si Natasha. He didn't care about the fact that Natasha is not his level, 'sing layo ng Mt. Everest ang distansya nila, pero gaya niyang pursigido ay sisiguraduhin niyang itatama niya ang kasalanang nagawa sa ginang.
 
  He believe that Natasha is good, naging masama lang ang tadhana at panahon sa kagaya niya.
 
  "Excuse me, wala pa ba si madam?" tanong niya kay Donatela na nasa gilid at nakaupo sa couch ng hallway. Nakaplastada lang ang paa nito sa ottoman na parang walang narinig.
 
  "Donatela?" ulit pa niya.
 
  Nag-angat ito ng paningin saka pa pairap na nagsalita. "I wish hindi na pumunta," supladang asik niya.
 
  "Bakit ang laki ng galit niyo kay madam? Hindi naman siya masama ah?" protesta niya rito.
 
  "Hay naku, Flex Dodong, h'wag kang pabulag kay madam, halimaw 'yon, marami na ngang natanggal dahil sa kaniya, ako nga, kung hindi lang ako pamangkin ng shareholder dito baka nasisante na ako," yamot na sabi niya na hindi maawat sa pagtipa ng kaniyang cellphone.
 
  "Pero paano kung maging mabait siya sa inyo? Mag-iiba ba ang impresyon mo sa kaniya?" tanong ni Flex.
 
  "I wish, sana nga maging mabait na 'yang si madam, siguro'y kulang lang sa dilig kaya ganiyan ka maldita," ani nito na pinatong sa upuan ang telepono at tiningnan siya ng masama.
 
  "Hoy, ikaw ba Flex may..may gusto ka ba kay madam? Bakit panay apila ka sa buhay niya? I'm sure, ginagamit ka lang n'on," ismid pa nito.
 
  "No, hindi ganiyan ang tingin ko sa kaniya. She needs someone. Isang tao na pwedeng umintindi sa kaniya."
 
  "Naku Flex, pupusta ako ng isang milyon kung mapapabait mo si madam, kapag ikaw naman ang manalo, magre-resign talaga ako, pramis!" tawa pa nito kay Flex. Doo'y naisip ni Flex ang isang ideya. Ang gagawing mabait si Natasha sa paningin ng kasamahan niya sa trabaho, babaguhin niya ang pag-aakala sa ginang.
 
  Mayamaya ay may dumating, kapansin-pansin ang pagbalandra ng tunog ng takong nito at ang pagtingin ng mga taoong naka-nganga sa direksyon n'on. Dahan-dahang nilingon ni Flex ang distansyang iyon at tila slow-motion na nakita si Natasha. Suot nito ang simpleng floral dress at isang puting sling bag na may Gucci sign. Nakasumbrero rin ito na parang handang-handang sumabak sa ilalim ng araw.
 
  Kasunod nito si Levi na gaya niya'y naka floral polo, puting shorts at sandals na puti rin. Nakasumbrero rin ito na gaya ng kaniyang ina. OOTD kumbaga ang style ng mga ito kaya takaw-pansin sa paningin.
 
  "She's here.." mahinang usal ni Donatela na agad tumayo at pinagpag ang suot. Mala-kabayo itong pumunta sa harapan ni Natasha at halatang kinakabahan habang inaasikaso ito. He stare to her unintentionally, and on Natasha's side, she is listening to Donatela's reviews while her pair of eyes are busy glimpsing to Flex...right over there.
 
  "Let's go, madam." Yaya pa ni Donatela habang hawak si Levi at ang dala nitong aso.
 
  "Are we all ready?" walang emosyon na sambit ni Natasha sa kaniya.
 
  "Ready na po lahat, nasa parking lot na po sila, kayo na lang po ang inaantay," ngiting pilit ni Donatela na suminyas kay Flex na pumunta sa kanila. Marahan naman siyang lumapit at ngumiti, tila nahihiya.
 
  "Good morning, madam." Ngiti niya na sinagot lang din ni Natasha ng ngiti.
 
  "Ako na ang magda-drive sa inyo," sabi pa ni Flex kay Natasha na nagulat lang.
 
  "Yeyy, sige po, I like you kuya Flex, mabait ka po. Sige na mommy, payag ka na," nakangusong sambit ni Levi habang nakatingin sa ina.
 
  "Okey, fine." Walang emosyon na sabi nito pero ang totoo'y natutuwa siya sa mga pangyayari.
 
  "Sige na, Tara, let's go." Bara pa ni Donatela na agad hinila si Levi at si Flex. Sumunod na lang din si Natasha na hindi pa rin inakala ang sinabi nito.
 
  Nang nasa sasakyan na silang apat ay agad na umupo si Levi at Donatela sa likuran kaya ang bakante na lang ay sa passenger's side, which is katabi ni Flex. Akmang bubuksan na ni Natasha ang pinto, pero isang kamay ang humila n'on. It was Flex, pinagbuksan siya nito ng pintuan na nagpatambol sa kaniyang taksil na puso. She must not feel like this, matanda na siya, at bata si Flex. They're not meant to be.
 
  "After you," gentleman na saad nito na nginitian lang niya.
 
  Nang makapasok ay gumilid na rin si Flex at pumunta sa driver's side, abala sina Levi at Donatela sa likod habang nakikipaglaro kay Lala. Ang mga kasamahan naman nila ay nasa kabilang van. "Let's buckle up, lalarga na tayo," masayang ngiti ni Flex.
 
  Pina-andar nito ang sasakyan, gaya ng nakaraan, nag-turn on ito ng FM radio at pumili ng isang kanta. Si Natasha naman ay patay-malisyang nag-scroll ng phone niya, inaaliw niya ang sarili na hindi ma-bother sa presensya ni Flex. Tahimik lang siya sa sandaling iyon.
 
  Hanggang narinig nila ang musikang napili nito.
 
  I will never let you fall
  I'll stand up with you forever
  I'll be there for you through it all
  Even if saving you sends me to heaven
  'Cause you're my
  You're my, my
  My true love
  My whole heart
  Please don't throw that away
  'Cause I'm here for you
  Please don't walk away and
  Please tell me you'll stay, yeah..
 
  Medyo outdated na ang kantang iyon pero nasisiyahan si Flex na may patango-tango pa sa ulo. Sinipat niya ito at pasimpleng nag-obserba.
 
  "You like music so much, ha?"
 
  Ngumiti si Flex habang hawak ang manibela. "I am, sila na lang kasi ang hindi nang-iiwan sa akin, aside of anyone. Gaya nga sabi nila, music never ends, it is everlasting."Sabi pa nito na sinang-ayunan ni Donatela.
 
  "True, I love music din," maarteng saad nito na ngumunguya ng crackers, kapwa pala kumakain sila Levi sa likod na parang nakapalagayang loob na rin ni Donatela.
 
  "Leave them alone, let's play." Simangot pa ni Levi kay Donatela na kinurot lang ang pisngi ni Levi.
 
  "Hmmp, ang kyut mo talaga, Lev. Ang sarap mong papakin!" saad pa ni Donatela na hindi inaawat ang pagkurot sa pisngi nito.
 
  "Sorry, but I have someone else. I don't love you, but...i like you naman." Nakangusong sambit ni Levi na hinagalpak ng tawa ni Flex.
 
  This kid is unbelievable! Nagmana yata ang pagiging prangka nito sa kaniyang i
  ina.
 
  "And who is the lucky girl, anak?" tudyo pa ni Natasha sa bata.
 
  "You don't know her, mom. Please don't be jealous, I still love you naman pa rin eh," he insisted at sumulyap kay Flex na nag-secret gesture finger pa.
 
  "Sshh, don't tell her." Pabulong na sambit nito sa binata.
 
  "Aba, may kakuntyaba ka pala ah," ani Natasha na sinipat si Flex na noo'y sumisipol lang.
 
  "It is our secret, and as I promise, walang makakaalam n'on," makahulugang sambit ni Flex na tumingin sa mga mata ni Natasha parang may ibang pahiwatig ang sinabi nito patungkol sa kanila. Gaya kasi ng sinabi niya ngayon, humingi siya ng pabor dito na maging sekreto lang ang nangyari sa kanila. That night when they filled their both fantasies together as one.
 
  ...itutuloy.
 
 

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon