NATASHA is sitting on her seat, katabi niya si Flex habang naka-kandong naman si Levi sa hita nito habang natutulog. Sakay na sila ng isang van sa puntong iyon, kalalapag lang ng eroplanong sinasakyan nila at heto nga't wala siyang idea kung saan sila pupunta ni Flex.
"Flex?" she softly reach his shoulders.
"Hmm?" Flex responded.
"Saan tayo pupunta?"
"We're going to my mother, doon muna tayo maglalagi, kailangan natin siyang pakiusapan na tulungan tayo, she had her connections, at alam kung malaki ang maitutulong niya sa problema natin, kilala niya ang mga kapatid ng yumao mong asawa." Wari ni Flex sa seryosong boses.
"Flex, may dapat ba akong malaman sa'yo?" seryosong boses ni Natasha.
Yumuko si Flex at masuyong hinawakan ang kamay ni Natasha. "I'm sorry, I lied." Saad niya sa mababang boses.
Nanatiling tahimik ang ginang na parang pinapakiramdaman ang bawat sasabihin niya.
"I stayed in the Philippines just to run away to my mom. Close ako sa papa ko kaya nang mamatay ito ay nawala ako sa sarili. And I choose to be an ordinary, kinalimutan ko ang pagiging ako sa States ,and I worked and study hard to reach my own goal. I am not ready to manage our business, I always wanted to explore, to explore the beauty of natures, and that's how I see you, when I figured out that there's no vacant job to that course, I took risked to the opportunity in your company..as a model."
Noo'y nakita ni Flex ang mata ni Natasha, umiiyak ito, isa-isang nagsilaglagan ang mga luha nito. Halatang dismayado sa narinig.
"I'm sorry," ani Flex na sinusuyo si Natasha.
"Please, give me a chance, please.."
"I've been wrong for all of my life, Flex. And I admit, I've been selfish..kaya wala akong karapatang magalit sa'yo, I..i..i understand you, ikaw na lang ang tanging naging tama ko.." ani ni Natasha na agad namang niyakap ang binata. Pinagitnaan iyon ni Levi na nagising nang 'di sinasadya.
"Mom, kuya..why are you crying? Ano po ang nangyayari?" walang muwang na saad ng paslit na marahang nagtrapo sa kanilang mga luha.
"Don't be sad po, I wish the two of you will smile again, like before.." himig pa ni Levi na suot ang naiiyak na boses. Tinahan naman iyon ni Flex na agad na niyapos si Levi. Nasa ganoong posisyon sila sa sasakyan ng nagsalita ang driver na nasa unahan nila.
"Sir, we're here." Tipid na saad ng isang tauhan nila Flex.
Nang mabungaran nila ang labas ay nakaparada ito sa isang mansion na triple ang laki sa mansion nila Natasha. Elegante ang istilo nito na pinasadyang naka-lokasyon sa tuktok ng bangin. Nang makalabas sila ay doo'y nakita nila ang napakagandang tanawin na makikita sa ibaba ng pangpang. Ayaw pansin din ang isang patag sa may kalayuan na tila isang helicopter landing area. Nakahilera rin sa ibaba ng mansion ang isang naka-open na garahe na 'sing lapad ng parking lot ng kompaniya ni Natasha. Nakahilera doon ang mga sasakyang halatang mamahalin. Nagmukha itong showroom.
"Let's go," saad ni Flex na hinapit siya sa beywang. Hawak rin ni Flex ang munting kamay ni Levi na nahihiya sa nakikitang mga bodyguard sa isang tabi. Nakatayo ang mga ito na halatang hinihintay sila. Naka-uniporme ang lahat ng iisang suit at shades, matikas itong nakatindig na nag-ba-bow nang dumaan sila.
Nang makalakad sa pwerta ng hagdan ay bumungad ang isang matandang babae na napaka-sopistikada ng dating, suot nito ang kasuotang alam na alam nilang 'sing tumbas ng milyones. Prenting nakatingin ito sa kanila habang hinahakbang nila paakyat ang may kataasang hagdanan papunta sa pintuan. Kinakabahan si Natasha sa oras na iyon, para siyang nanliliit sa sarili. Hindi niya akalain na ganito kayaman si Flex.
And never in her entire mind, she taught that she's a worthless boss of him.
"I'm scared." Anas pa niya kay Flex na noo'y hawak ang kamay niya.
"Don't be. I'm here." Anas pabalik ng binata na suot ang malamig na mukha.
Nang maka-akyat at pumantay sa kinatatayuan ng ginang ay agad na lumapit si Flex at kinuha ang kamay nito. Masuyo nitong hinalikan ang kamay ng ginang habang hinihintay ang pagtanggap nito sa kanila.
"Feliciano..hijo," anas ng ginang na biglang napayakap sa anak. Mahigpit nitong hinapit papalapit ang lalaki habang naiiyak. Animo'y nangungulila ito sa kaniya.
"Ma.."
"Anak."
"Ma, I'm sorry."
"Oh, hijo. Matagal na kitang pinatawad and I'm happy to see you again. Matagal ko na 'tong hinihintay." Ani ng matanda na sinipat ang gawi nila Natasha.
"Sino sila?" nalikitong saad ng ginang.
Agad namang kinuha nu Flex ang kamay ni Natasha at Levi. "Ma, siya po ang nobya ko, at ito po ang anak niya." Sa sinabi ni Flex ay nabigla ang ginang sa narinig. Halatang hindi nito maproseso ang sinabi ng anak.
Naka-awang ang bibig nito habang hawak ang sariling dibdib. "Ganoon ba?"
"Oho, she's Natasha, and he is Levi. Nandito po kami dahil kailangan po namin ang tulong ninyo." Direktang saad ni Flex sa ina na halatang nagulantang.
Hindi dahil sa humihingi siya ng tulong pero dahil sa sinabi niya kani-kanina lang.
"We want your power, ma. I need your help, I want to help Natasha's company." Ani nito na noo'y marahang tinatahak papaloob ang lakad. Nakasunod lang sina Natasha at Levi papuntang salas. Naupo sila nang magkatabi habang nasa harapan naman ang ginang na 'di pa rin makapaniwala sa nalaman.
"I'm shocked of what I heard from you son, I'm happy you're already here, and I'm happy that you find your someone. Kung anuman ang maitutulong ko'y sabihin mo lang, I can help," ani ng ginang na pinag-ekis pa ang tuhod.
"I want to marry her, ma." Ani Flex sa Ina niya.
"And I can't find to say no for that, wala naman akong nakikitang problema sa kaniya. I see her quiet class and natural." Sipat pa ng ginang kay Natasha na sinisipat ang kaniyang kabuuan.
"I need it as soon as possible ma. Please, help us. We will stay here for a while. Kailangan lang po naming magpalamig sa Pinas." Tumaas ang kanang kilay nito at nanatiling suot ang masayang ngiti.
"Kung bibigyan mo ako ng oras, anak. I want to talk to her for a second, babae sa babae." Ani ng ginang na nakatingin kay Natasha.
Nilingon siya ni Flex at tumango naman si Natasha na halatang kabado sa presensya ng mama ni Flex. Agad na napatayo ang binata at hinila papunta sa kung saan si Levi. Minabuti niyang iwan muna ang kaniyang mama at si Natasha.
Nang mawala sa paningin nila si Flex ay tinitigan siya nang mabuti ni Dona Francesca.
"So, you're Natasha?"
"Opo," nahihiyang boses ni Natasha na parang nawalan ng lakas na makipagtitigan sa ginang.
"And tell me about my son, ano mo si Flex sa buhay mo, hija?" seryosong tanong nito.
Napalunok ng laway si Natasha at humugot ng malalim na hininga bago pa nagsalita.
"He loved me for who I am, ma'am. Makikita niyo po ang ibig kong sabihin. Balo na po ako at may isa akong anak.."
"Mahal mo ba ang anak ko?" may diing tanong ng ginang sa kaniya.
"I am, mahal ko po si Flex."
"Kung gayon, papayag kang palayain siya 'di ba?" natigilan siya sa narinig. Tanaw niya ang mapang-usisang mata nito na parang hinuhubaran ang pagkatao niya. "Ma'am, ano po ang ibig ninyong sabihin?"
She pinned her eyes to the old woman.
"Simple lang, pakawalan mo ang anak ko, hindi ka nababagay sa kaniya." Mariing saad ng ginang na ikinalaglag ng panga ni Natasha. Iba ang anyo nito kanina kaysa sa nakikita niya ngayon, kung maituturing man siyang demonyo sa sarili niyang kompaniya'y mas masahol pa ang ugali ng mama ni Flex. Wala itong puso!
"Hindi po maaari 'yan, mahal ko po ang anak ninyo," saad pa niya sa ginang bilang kaniyang paninindigan.
Humugot ito ng hininga at nagkibit-balikat. "Gan'on ba, bweno, tatanggapin ko kayo ng anak mo sa pamamahay ko, sa isang kondisyon.."
"Ano ho iyon?"
"Bilang kabayaran ng pagtulong ko sa'yo, gusto kong gawin mo ang mga iuutos ko habang nandito ka sa pamamahay ko. Intiendes?"
Napa-awang ang bibig ni Natasha. She didn't realize she will be like this low. Halos pinagsakluban na siya ng langit at lahat, at ngayon nga'y parang ramdam niya ang panibagong hamon sa buhay niya ngayong nasa pamamahay siya ng ina ni Flex.
"At isa pa..huwag na huwag mong sabihin sa anak ko ang usapan natin, kung ayaw mong magkasiraan kami dahil sa'yo, maliwanag?" ani nito na pinandilatan siya, hindi mapigilang maiyak ni Natasha. Namumuhi siya sa ina ni Flex pero ayaw niyang malaman iyon ni Flex.
Mayamaya pa ay naramdaman nilang lumapit si Flex kaya gan'on na lang ang pag-iba ng mukha ng ina nito. Matamis itong ngumiti sa kaniya. Siya nama'y mabilis na nagpunas ng pisngi.
"Oh, are you crying?" pag-aalo pa ni Flex kay Natasha.
Umiling si Natasha at ngumiti. "Natutuwa lang ako, masaya lang ako." Hingos pa nito saka pa umayos ng mukha.
"Good to hear, hija. You're very welcome to my home." Ani ng ina ni Flex na ngumiti nang napakatamis. Nakasentro ang mata nito sa mata niya, animo'y nakikipag-usap na manatili siyang tahimik.
Alam niyang sa pagtahak niya sa bahay nito'y isa na naman itong dagok ng kaniyang buhay. I trust in you, oh God. Panalangin pa niya sa kabila ng katahimikan.
..itutuloy.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
Storie d'amoreWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)