Chapter 47

181 5 0
                                        

  IT'S BEEN three days since Flex left her in that island, hindi rin niya ito makontak, kaya labis ang pag-aalala niya. Alas tres ng hapon nang mapagpasyahan niyang pumunta muna sa resto para um-order ng gatas, naging paborito kasi niya ito since binigyan siya ni Flex. Naging araw-araw din niyang bisita si Hezekiah sa resort, nakipag-bonding pa nga siya sa island hopping nila ni Mori that time. Nasisiyahan siya sa pagiging bibo ng dalawang binatilyong sina Jason at Jomar.
 
  Natasha is sitting in that corner while waiting her siesta snack. Nagtipa siya ng numero at tinawagan si Donatela, sakto namang dumating ang order niya kaya pinalapag na lang niya ito sa mesa. Habang nagtitipa ng mensahe ay kumakain siya ng tuna sandwich. She felr discomfort while eating. Parang bumaliktad yata ang sikmura niya sa hindi maipaliwanag na rason.
 
  She ran away to the comfort room at doon inilabas ang sama ng kaniyang sikmura. Halos yakapin na niya ang bowl dahil sa pagsusuka niya.
 
  "Oh god," trapo niya sa bibig na noo'y napasuka na naman. Hindi siya tumigil nang hindi nalalabas ang lahat ng kinain niya. When she felt comfort, ay agad siyang nagtrapo ng bibig at nag-ayos. Napahugas siya ng kamay at bibig, nasa harap siya ng malawak na salamin at doon nagmumog. Naghilamos na rin siya ng mukha.
 
  Tanaw niya ang sarili sa salamin habang pinapakiramdaman ang sarili. Ilang linggo na siyang delayed, and usually, may mga pagkakataong normal lang ito sa kaniya since na-diagnose siyang may PCOS siya, hindi siya dinadatnan ng ilang months and nagiging heavy menstruation ito the month after. So she think it's a sort of hormone imbalance. Binaliwala niya ang kutob na baka buntis siya, lalo pa't napaka-sex active niya ngayon since dumating si Flex sa buhay niya.
 
  Nang lumabas siya sa comfort room ay bumalik ulit siya sa upuan niya at pinagpatuloy ang pagkain. Ngumingiti siya at kumakaway sa ibang guest since naging friends na rin niya ang iilan dito.
  "Good afternoon," bati pa niya sa waiter na nandoon.
 
  Lumapit ito sa kaniya na may kung anong dala sa kaniyang likuran. Nang ilahad nito ay isa itong kumpol ng mga bulaklak.
  "Ma'am, may nagpapabigay po.." ani ng waiter sa kaniya.
 
  "Sino?" kunot-noong tanong niya.
 
  "Ayon po oh," turo pa nito sa lalaking papalapit sa kaniya.
 
  It was Flex, walking down the aisle of that resto, suot nito ang gray fitted tshirt na bakat na bakat sa kaniyang katawan, nakamaong na pantalon ito at rubber shoes na puti. Suot pa nito ang isang itim na shades na bumagay sa kaniyang mukha. Halatang nakangiti ito habang papalapit sa kaniya.
 
  "Flex..." she stood up while widely opening her arms.
 
  "Madam.." halos palundag na sinalubong nito ang pagyakap ni Natasha. Wala na silang pakialam sa mga taong nandoon. The hell they care!
 
  Magkayakap silang dalawa na halatang miss na miss ang tatlong araw na pagkakawalay.
  "I miss you.." saad pa ni Flex habang hawak ang mukha ng ginang.
 
  "Oh god knows how much I missed you, Flex." Haplos pa ni Natasha sa mukha nito, nang mapansin ng ginang ang mga pasa sa mukha nito ay naalarma siya.
 
  "God, what happened to your face? Oh my god, your arms?" binalingan nito ang braso niya na may sugat pa.
 
  Umiling ito saka pa ngumiti.
  "Nothing, it's just nothing.." he acted like nothings happened.
 
  "Tell me, may dapat ba akong malaman?" saad pa ni Natasha.
 
  Bumuntung-hininga si Flex saka pa tinitigan ang mata ni Natasha. Hindi niya sana ito sasabihin but he guess it's the easiest way to let her know, he must be honest.
  "Listen, an incident happened..and it cost a lot of damage," he paused when he saw Natasha's reaction.
 
  "Oh god! kaya ba marami kang pasa? Sinaktan ka ba ni Gideon?"
 
  "No no..hindi..hindi ako nasakatan, pero siya." Umiiling na saad niya.
 
  "Ha? Napano siya?" bumakas sa mukha nito ang pag-aalala. Alam niyang minahal rin nito ni Natasha noon, and he know that Gido had been with her through thick and thin.
 
  "He's been blasted, may bombang tinanim sa bahay niya, and it costs damage not to us, but..pati na rin sa kaniya. He's been blinded and his knees..been sort of..."
 
  "Nalumpo siya?" sabat ni Natasha na parang nanghihina sa narinig. Inalalayan ni Flex ito at pinaupo sa kalapit na upuan. Humingi rin siya ng tubig sa isang waiter na nandoon para ibsan ang paghihistirikal ni Natasha.
 
  "Easy..please breath, I'm sorry that I've been away for three long days, na-confine ako sa hospital, but I'm totally fine. I've been discharged, and I tell them not to tell you."
 
  "They we're there?" Tumango si Flex.
 
  "Pumunta sina mama at auntie Letecia, nandoon din si Flair at Donatella, na-settle na namin ang lahat. And Gido is now safe to his cell, dine-tain muna siya sa isang correctional center, nagte-theraphy muna siya doon for his trauma." Flex calmly saids.
 
  Tahimik na napaiyak si Natasha habang tabon ang sariling bibig. Hindi niya akalain na ganoon ang nangyari kay Gido. Hindi niya alam na ganito hahantong ang lahat.
 
  "Listen..I'm here to take you home, uuwi na tayo, ngayon." Baritonong boses ni Flex na tinabing ang mga mumunting buhok sa kaniyang mukha.
 
  Pinahiran din nito ang mga luha sa mata ni Natasha at masuyong hinagkan ang noo. "Don't be sad, we will get through these things, kapit lang tayo..tiwala lang tayo, magiging okey rin ang lahat." Masuyong saad nito sa ginang.
 
 
  ***
 
  Nang gabing 'yon ay agad na nag-impake at umuwi sila, but before they go, ay dumaan muna sila kina Mori at Hezekiah para ipaalam ang mga pangyayari. Binigay rin ni Natasha ang address nila sa Manila, and also..they invited them to attend their wedding soon. Mabuti naman at umayon rin si Mori na hindi tumutol sa paunlak nila.
 
  Agad-agad silang nagpaalam at noo'y umalis na sa islang iyon, kasabay ng paglisan nila ay ang baon ng mga sandaling hindi nila malilimutan, for Natasha, it is the island where all their pain has been healed. Alam niyang naging paraan ito upang magkakilala sila si Hezekiah, the island where she spend the time with her long lost sister. And the island where she smiled as she saw the glimpse of the rising sun and how it brings to dawn.
 
  Gaya ng mga problemang na-settle nila, gaya ng araw na papalubog sa dapit-hapon, inaasahan na sa pagsikat muli nito ay may panibagong pag-asang dala. Habang papunta sa airport sila ay hinawakan ni Natasha si Flex.
 
  "Salamat..hindi mo ako pinabayaan.." she smiled.
 
  "Thank you, for trusting me." He replied.
 
  Isang masuyong halik ang ginawad ni Flex sa noo ni Natasha bago pa pumaloob sa gusaling iyon, papasok na sila para sa byahe papuntang Manila.
 
  Papunta sa mundong ginagalawan nila.
 
  Isang oras mahigit ang byahe papuntang Manila, kaya halos alas diyes na nang gabi sa oras na 'yon. Halatang pagod na pagod si Natasha na noo'y dumiretso na sa kanilang mansion, mabuti na lang at nang makauwi sila ay naroroon na rin si Levi at Luntian. Doon na rin naglagi muna sina tatay Berto at nanay Dorang na pansamantalang nangasiwa sa pamamahay nila. Nakauwi na pala ito mula sa Cordova, ang probinsya ng mga ito.
 
  "Mommy—!" bungad pa ni Levi sa kaniya nang buksan niya ang malaking pintuan ng kanilang mansion.
 
 
  "Ooohh...baby! I missed you so much!" yakap niya sa anak na noo'y parang tarsier kung makalambitin sa kaniya.
 
  "Kuya—!" tili rin ni Luntian na noo'y patakbong nilundag si Flex. Gaya ni Levi, ay lumambitin din ito sa binata.
 
  "Oh, be careful, kuya has an injured.." ani Flex na winarningan si Luntian.
 
  "Oh, hala! Ano pong nangyari sa braso at sa mukha po ninyo kuya? May gumulpi po ba sa inyo?" walang muwang na saad ni Luntian na halatang nag-alala sa pasa at sugat ni Flex. Agad itong bumitiw at umayos.
 
  Umiling lang si Flex at natutuwang pinisil ang ilong ng bata. "No, hindi nagulpi si kuya, malakas si kuya ano! Walang nakakatalo kaya sa akin!" Mayabang na saad ni Flex na ikinatawa lang ni Natasha.
 
  "Nadapa lang ang kuya mo," sabat ni Natasha na ikinalingon ni Luntian at Levi.
 
  "Hindi naman po ganiyan ang nadapa eh, ano po 'yon? Nadapa tapos nauna ang mukha?" saad pa ni Levi na ikinatawa nilang lahat.
 
  "Naku, 'tong mga batang 'to talaga oo! Halinga kayo rito, pabayaan n'yo muna sina kuya at mama mo Levi, baka pagod sila sa byahe, tara na sa taas nang makatulog na kayo.." saway ni nanay Dorang sa mga paslit. Agad namang tumalima ang dalawa at humalik muna kina Flex at Natasha bago pa pumanhik sa taas.
 
  Naiwan sina Flex at Natasha sa baba kasama si tatay Berto na matamang nakatingin sa kanila. Tinulungan sila nito sa kanilang mga bagahe.
 
  "Oh, kamusta ang lakad n'yo?" pag-uusisa pa ng matanda.
 
  "Marami pong nangyari 'tay.." Flex said while sitting on the sofa. Katabi nito si Natasha na halatang malayo ang tingin sa kawalan.
 
  "Gan'on ba, ang mabuti pa'y magpahinga na kayo..alam kong pagod kayo sa biyahe, sige na. Ako na ang bahala sa mga dala ninyo." Ani ng matanda.
 
  "Maraming salamat po, 'tay." Flex responded, while taking Natasha to the stairs. Inalalayan niya ito lalo pa't ramdam niyang nanghihina ito.
 
  Nang makapunta na sa kanilang kwarto ay inalalayan niya itong ihiga sa kama.
  "Just take a rest now," he kissed her forehead gently.
 
  "Goodnight," Natasha said closing her eyes.
 
  Nang makitang pumikit na ito ay pagod na naupo si Flex sa gilid ni Natasha, he felt exhausted, but he remain calm. Papatayin na sana niya ang ilaw na nasa bedside table nang mapansin ang isang sulat. Kunot-noong kinuha iyon ni Flex at marahang binuksan ito.
 
  Binasa niya ito gamit lang paningin.
 
  Anastacia,
 
  Im writing this not to offend you, but to tell you something you must know...please stay away from my son, I know that I'm wrong to say this, but, I don't want the two of you get hurt. In the right time, you will know all these things about.
  I love my son, and I never want to hurt you...
 
  Napatiim-bagang si Flex sa nabasang sulat, parang naiintindihan na niya kung bakit naisulat 'yon ng kaniyang ina. She is just protecting the two of them, napagtanto niyang tama nga ang kasabihan. That, there's no one knows better than a mother's advise, that there's no greater love than a mother's love.
 
  ...itutuloy.
 
 

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon