PUTING TANAWIN ang nasilayan ni Natasha sa mga oras na iyon, naririnig niya ang tunog ng makinarya na nakakonekta sa kaniyang pulso. Maraming kable ang nasa kamay niya at gayundin ang kwartong kinalalagyan niya.
"Nasaan ako?" ani niya sa kung sinuman ang nandoon. Lumingon siya sa kabuuan ng kwarto at doo'y nakita niya sa may paanan si Flex. Nakayuko ito na tila nakatulog. Hindi niya maalala ang nagdaan, ang huling rumihestro sa isip niya ay ang tawag ni Levi sa kaniya. She felt panicked.
"Levi! Levi..Levi, anak ko!" tawag pa niya na nagpagising kay Flex. Agad itong dumalo at pinakalma siya.
"Shh, I'm here. Nandito ako, Natasha."
"Si Levi? Nasaan ang anak ko?" naiiyak na sambit ni Natasha kay Flex. Ngayon lang niya napagtanto na mali ang ginawa niya, ayaw niyang mawalay sa anak. Gusto niya itong mayakap at makita. She burst in tears.
"Shh...natutulog siya, nandoon siya sa sasakyan, pinatulog ko muna. Umiiyak kasi kapag nakikita ka na walang malay." Ani Flex na halatang nag-aalala sa ginang. Masuyo niyang pinahiran ang pisngi nito.
Tanaw nila ang isa't-isa na parang sinusuyod ang katotohanan sa kabila ng kaniyang ginawa.
"Why? Bakit mo nagawa ang bagay na 'to?" Mahinang sambit ni Flex kay Natasha.
She remain silent and shook her head. Animo'y ayaw nitong aminin ang kung anumang problema na dinadala niya.
"Makikinig ako, maiintindihan ko..andito lang ako para sa'yo," ani nito na suot ang sinserong boses.
"You'll never understand." Ani Natasha na pigil-luhang nagsasalita.
"I can, I love you more than you know, I will understand.."
"Flex.." hikbi pa nito na umiyak na.
"Tell me, please..." He softly touch her cheeks and checked her hair covering her face.
"I am.. I have something in my past.." bungad pa niya sa binata na handang nakinig.
"Hindi ko alam kung paano sasabihin, pero, sana..sana...matanggap mo pa rin ako."
"Nakikinig ako."
"Flex, I am just a GRO before, isa lamang akong bayarang babae. Isang puta! Puta ako Flex. Nakakadiri, baboy, hampaslupa. Hindi ako bagay sa'yo, hindi.."
"Shhhh, enough," pag-aalo pa ni Flex sa kaniya habang yakap-yakap siya. Kinulong siya nito sa kaniyang bisig na parang ayaw nitong masaktan siya. Ramdam niya ang init ng yakap nito na nagsasabing, handa siya nitong protektahan kailanman.
"Flex, isa lang akong bugaw noon, nakilala ko ang asawa ko, si Hernan. Pinulot niya ako sa putikan, binihisan at minahal..pero nawala siya, he left me hanging, and I don't know how to live by myself..i'm scared.." ani nito na nagpatuloy sa pag-iyak.
"Shhh.. Please don't cry, I don't want to see like this." Ani ni Flex na hindi rin mapigilan ang emosyon habang yakap-yakap ang ginang.
"I don't want to let anyone know my past, natatakot akong malaman nila, Flex. Ayokong husgahan nila ako, ayokong madamay si Levi..i..i..dont want to live a life like this. I wanna quit." Ani Natasha na parang hinang-hina na.
"Shhh..don't be scared, nandito lang ako, poprotektahan ko kayo ni Levi. I will never leave you," ani Flex sa ginang. She try to look on Flex' face and read the sincerity of it. She doesn't want to get hurt again, not to trust and be broken...pero sa tingin niya'y sigurado sa sinasabi si Flex.
"I will marry you!" ani Flex sa walang gatol na boses.
"But.." manghang saad ni Natasha habang nakatingin sa mukha ng binata.
"I..I..I'm not..ready for that, ayokong madamay ka sa problema ko, ayokong maging pabigat sa buhay mo, Flex."
"You're not, hindi ka pabigat sa akin, hindi ka pabigat sa buhay ko, mahal kita, mahal ko kayo ni Levi. And I'm not after to your money, I swear!" Ani niya na nakatitig pa rin kay Natasha.
They are in that position when someone knock the door. Kapwa sila napalingon nang magbukas iyon.
Halatang nabigla si Natasha nang masilayan ang mukha ng kapatid ng kaniyang yumaong asawa, si McKenzie. Ito ang isa sa owner ng kompanyang pinapamahalaan niya. Madilim ang mukha nito at halatang dismayado sa nakitang eksena.
"Ken," bungad ni Natasha.
"Well, I'm here just to check the wife of my brother, but I guess you're totally fine." Sarkastikong saad nito na nakatitig kay Flex. Matikas itong nakatayo habang suot ang pormal na tuxedo, animo'y galing ito sa isang meeting o pagtitipon ng mga gaya niyang business man.
"Ken, I'm.. I'm..sorry." Tanging sambit nito sa lalaki na prenteng nakatingin sa kanilang dalawa.
Tumayo si Flex at pumagitna sa kanilang dalawa. "Excuse me, sir." Pahintulot ni Flex na noo'y gustong magsalita pero hinawakan ni Natasha ang palad niya bilang pag-awat.
"Narito ako ngayon upang ipaalam sa'yo na dismayado ang ibang kapatid ko sa kompanyang pinapamahalaan mo, hindi ka nababagay sa posisyon na iyon, at gusto naming ipaalam na kung hindi pa rin umuusad ang pagkakalugmok ng ratings ng H Modelling company, they will pull out there shares and you'll left nothing but your bankruptcy." Matigas ang anyo nito na parang seryoso sa sinasabi.
"Ken, please.. I am trying."
"I see. Kaya ba nandito ka ngayon sa hospital? Balita ko'y nagpakamatay ka raw..kung sakaling desidido ka sa gagawin mo, huwag mo nang ipaalam sa media nang sa gayon, hindi kami madamay sa kahihiyang ginagawa mo, and lasty, we will take Levi if you'll do it so, kaya naming palakihin ang pamangkin namin." Saad nito na halatang nagpakabog sa dibdib ni Natasha, hindi niya alam ang sinasabi nito. Maging si Flex ay tila nawalan ng boses sa narinig mula sa ginoo. Napaka-makapangyarihan ng boses nito na pati ang pagkilos niya'y hindi umayon sa utak niya.
Nang masambit ang mga katagang iyon ay agad itong umalis at walang paalam na binalibag ang pintuan. Naiwan si Natasha na balisa at parang hintatakutang nanliliit sa sarili. Yakap-yakap nito ang sarili na parang inaalala ang sinabi ni McKenzie.
"Shhhh, don't listen to him. Kaya mo ang pamamalakad sa kompanya, alam kung matapang ka, madam. Please don't quit." Ani Flex na pinapalakas ang loob niya.
"I don't know what his saying about.. hindi ko alam kung bakit nalaman niya ang insidenteng ito. I don't know how.." Napahilot sa sariling sintido si Flex nang maalala si Donatela. Alam niyang ito ang may pakana ng pagkalat ng eskandalong iyon. Ito lang naman ang may koneksyon sa kompanya at sa mga namumuno nito.
"I guess it's Donatela."
"What?"
"Nakita ko siya kanina rito, siya ang nagdala sa'yo rito, tinulungan niya si Levi. Tinawagan kasi ito ni Levi kanina, gaya ng pagtawag nito sa akin..." ani Flex kay Natasha na naiiyak ulit. Halatang sukong-suko na sa mga pangyayari.
"Why did she do this? Gan'on na lang ba ako kasama sa kaniya para gantihan niya ako ng ganito?" garalgal na sambit ni Natasha na halong galit at pagsuko ang boses.
"Don't worry, I will help you to settle this things, please calm down." Ani Flex na hinahagod ang likod niya. Napayakap na lang siya kay Flex dahil sa sunod-sunod na daot ng buhay niya.
Aksyon na sanang tatayo si Flex nang hawakan ni Natasha ang kaniyang kamay. Nahinto si Flex at tiningnan ang ginang.
"Bakit?"
"May sasabihin sana ako sa'yo, sana'y huwag kang magalit."
"Ano 'yon?" takang sambit ni Flex.
"I know your friend, nakilala ko na si Gideon sa London, and we know each other since then.."
Natigilan ang binata at halatang hindi mawari ang ibig na sabihin niya. "What do you mean?" Ani Flex.
"Gido is my lover, ako ang babaeng tinutukoy niya..hindi ko inakalang magkaibigan pala kayo." Parang nabinge si Flex sa sinabi ni Natasha, parang nire-rewind niya ang bawat pagbigkas nito.
"You mean..ikaw ang girlfriend niya?"
"No, I am not. Hindi ko siya boyfriend."
"Pero ang sabi mo'y.."
"I am just paying him." Natigilan si Flex sa narinig mula sa ginang. Nagtataka siya bakit iyon ang naririnig niya. Hindi siya galit dahil sa narinig mula rito, pero galit siya sa sariling kaibigan niya.
"What did you say again?" aburidong sambit ni Flex.
"I'm paying your friend just to use me, hindi ko siya mahal, Flex, at alam kung pera ko lang ang habol niya sa akin, that's why I'm scared to do again, ayokong mahalin ka dahil may mga sekreto akong baka ikagalit mo, at isa ito sa mga iyon. I don't ask for your forgiveness or your love, kung aayaw ka na sa akin dahil sa nalaman mo, I will accept that. All I need is..not to judge me, mahina lang ako, Flex. And I'm sorry for that." Madamdaming sambit ni Natasha na halatang inako ang mga pagkakamali sa tanang buhay niya.
Nanatiling tahimik si Flex, animo'y nag-iisip. Parang tuliro na halatang dismayado sa narinig. Alam ni Flex ang lahat patungkol kay Gideon at sa girlfriend umano nito, alam niya ang mga pasaring at mga kalokohan ng kaibigan niya patungkol kay Natasha, kaya nanggigigil siya ngayon sa nalaman.
Matagal na palang ginagago ni Gideon si Natasha, at ang mas nakaka-inis pa, alam ni Flex ang katotohanan, alam niyang ginagatasan lang ni Gideon si Natasha para matustusan ang ibang bagay. He knew that his friend is a freak, pero tanggap niya iyon noon, pero parang bumaliktad yata ang konsensya niya gayong nalaman niyang inosente si Natasha.
She's been used and drained. Kaya ganito na lang ang depresyon ng ginang sa ngayon.
"Flex.." yugyog ni Natasha sa kamay ng binata.
"I..I need to go," ani nito na matamang tinignan ang mukha ni Natasha. Masuyo niyang hinalikan ang noo nito at marahang tinahak ang pintuan papalabas. Sa sandaling iyon, alam niya ang kailangan niyang gawin upang mapabuti ang lahat, and it will start to his freaking friend...Gido.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
Storie d'amoreWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)