HUWEBES, iyon ang araw ng activity nila Levi at Luntian sa school nila. Nasa paaralan na sila nanay Dorang at tatay Berto, habang masayang chine-cheer si Luntian. Sa kabilang banda ng bleachers nandoon naman si Natasha at si Levi na kasama si Flex. Ipinag-drive sila nito, gusto ring bumawi ni Flex kay Natasha. He is wrong, ayaw niyang magkaroon ng lamat ang pakikipag-ugnayan niya rito.
"And now, let's welcome, Emerald Garcia ang her nanay and tatay! Palakpakan!" Dinig nila sa emcee na may hawak ng microphone. Nasa stadium sila ng paaralan at noo'y kabadong tinitignan ang bawat entry o kalahok sa dance showdown.
"Gooo! Luntian!" dinig pa nila Natasha at Flex kay Levi habang chine-cheer ang crush nito.
Nagsimula ang tugtog, at doo'y nagsimula nang gumalaw at pumadyak ang mag-lolo at lola, bilib na bilib si Natasha sa stepping nila dahil kahit pa medyo may katandaan na ang kasama ni Luntian ay bibong-bibo pa rin sila kung humataw sa indayog ng music.
Nakipalakpak lang si Natasha at Flex na panay sulyap sa kaniya. Pinapagitnaan nila si Levi na hindi maawat sa pagsigaw. Nahuli pa ni Natasha ang mata ni Flex habang pumapalakpak, that time, they pinned their both sight to each other. Parang sila lang yata ang nasa lugar na iyon dahil tila nag-slow motion ang lahat.
Staring to his eyes are like drowning to ocean, she is barely breathing but happy to be drowned.
Staring to her solemn eyes are like dancing to fire, catching stars and holding the universe beneath his arms.
"Thank you for your wonderful entry! Let's give them a big applause!" Nahinto ang pakikipagtitig nila sa isa't-isa nang marinig ang boses ng emcee.
"And now, let's give it to Levi Hettleworth and his mom," ani ng emcee. Agad namang ginapangan ng kaba si Natasha. Hila-hila siya ni Levi papuntang gitna habang si Levi naman ay nanatili sa kinauupuan.
Narinig niya ang mga bulong-bulongan ng ibang nanay sa may gilid.
"Ay, iyan ba ang mama ni Levi? Walang asawa?"
"Baka single mom?"
"O baka iniwan?"
"Hindi byuda na raw 'yan!" Awat pa ng isang boses.
Nasa sentro na sila ni Levi habang hinihintay ang cue ng music operator. Nagsimula namang pumalakpak si Flex na nagbigay atensyon sa lahat.
"Go Levi!!!!! Go madam!!!!" cheer pa ni Flex sa may bleachers.
Napatampal naman sa sariling noo si Natasha dahil sa kabulastugan ni Flex.
"Ang gago talaga," mahinang saad niya sa sarili.
"Ready mom?" Tanong pa ni Levi na ngumiti lang sa kaniya. Marahan siyang tumango.
Nagsimula na ang music. Tumahimik ang lahat ng marinig ang malamig na boses ng musika. Para kasi iyong intrepretative dance.
Undo ang title ng sound.
Silent, I can't wait here silent
Working up a storm inside my head
Nothing, I just stood for nothing
So I fell for everything you said
Nagpose si Natasha kasama si Levi, magkayakap ang mag-ina nang magsimula ang tugtog, habang tinetempo ang bawat tibok ay agad na lumayo si Levi ngunit hinawakan iyon ni Natasha na parang ayaw niya itong umalis.
Hear the rumble
Hear my voice
Matapos ay nagsabay sila sa stepping na halatang nagpatahimik sa lahat ng naroroon. Matamang tinitingnan ng kabuoan ang performance nila, animo'y dalang-dala ang mga nanunuod sa isinasadula nilang sayaw.
Muling hinawakan ni Natasha si Levi at ihinagis sa taas na saktong iaangat niya habang hinehele ito sa kahanginan, they were perfect habang sinasayaw iyon, isa iyong koneksyon sa kanilang dalawa, na kahit wala silang padre de pamilya ay ipinapakita nilang masaya sila.
Silent, I can't wait here silent
Gotta make a change and make some noise
Undo my sad
Undo what hurts so bad
Undo my pain
Gonna get out, through the rain
I know that I am over you
At last I know what I should do
Undo my sad..
Nang matapos ang kanilang sayaw ay agad na niyakap ni Levi ang kaniyang ina, halatang praktisado iyon, kasunod ay agad silang nahiga sa semento at animo'y sabay na matutulog ng mahimbing. Yakap-yakap ang isa. Sa pagtatapos ng sound ay siya ring pagpikit ng mga mata nila.
Natigilan ang madla parang hindi makapaniwala sa nakita.
"Whoooooaaaah! Madam ko 'yan!" Sigaw pa ni Flex na narinig ng stadium, tila nag-echo iyon, kasunod n'on ay ang masigabong palakpakan ng lahat, may nag-standing ovation pa nga.
"Wowww! Amazing performance!" Saad pa ng emcee na siyang ikinatayo ng mag-ina. Tinulungan pa ni Levi na pagpagin nito ang damit ng kaniyang ina.
Lalayo na sana ang mag-ina sa sentro nang pigilan sila ng emcee.
"Teka lang po, may itatanong po sana kami," ani ng emcee habang hawak ang mikropono.
Kapwa hinihingal sina Natasha at Levi pero nakangiti pa rin ang mag-ina habang kaharap ang emcee.
"Madam, Levi, napakaganda po ng dance performance po ninyo, ano po ang inspirasyon ninyo sa sayaw na iyon?"
Ani ng emcee na nilapit ang mikropono sa bibig ni Natasha.
"Ah, ano..inspirasyon po namin ni Levi ang yumao kung asawa, gusto naming ipakita na kahit kami na lang ang nandito, gusto naming maging masaya kahit wala na siya." Ani ng ginang na pinalakpakan lang ng madla.
Pero sa bandang kinauupuan ni Flex ay parang tinarak ng isang punyal ang puso niya. Parang nabinge siya sa sinabing iyon ni Natasha. Halatang nawala ang saya sa mukha ng binata at matamang umupo ng tuwid. He is disappointed, hindi niya akalaing iyon ang maririnig niya sa ginang. Parang kinukutkot ng anay ang puso niya.
Sa sandaling iyon ay napagpasyahan niyang lisanin ang stadium, mabuti pang doon na lang muna siya sa may parking lot. Nawala ang saya sa mukha niya.
Dahan-dahang lumayo si Flex, isang sulyap na parang bumitiw na siya sa pag-asang kailanman ay hindi na siya mamahalin ni Natasha.
***
Sa pagtatapos ng tanong sa kanila ng emcee ay tanaw ni Natasha ang papalayong si Flex. Nagtaka siya kung saan ito papunta. Nang makapunta sa upuan nila'y nagtanong si Levi sa kaniya.
"Mom, nasaan si kuya?" Ani ni Levi.
"Hindi ko alam, baka nag-CR lang," walang ideya na saad ni Natasha.
"Naku, mommy, siya na po ang susunod," ani ni Levi na ikinamilog ng mata ng ginang.
"What?"
"He said to me, gusto po niyang kumanta, kaya sinabi ko rin po kina teacher." Saad ni Levi. Napatayo ng wala sa oras si Natasha at sinundan ang papalayong binata.
Nang mapunta na siya sa hallway ay tanaw niya ang papalabas na binata.
"Flex!" tawag niya pero para itong walang narinig. Pinag-igihan niyang lakihan ang kaniyang hakbang. Nang nasa labasan na siya'y tinawag niya ito.
"Wait, Flex!" tawag niya rito. Parang narinig naman siya nito dahil huminto ito.
"Flex, they need you." Ani niya na marahang hinarap ni Flex. Blangko ang mukha nito.
"Hinahanap ka nila, ikaw na raw ang susunod." Walang kaalam-alam na saad niya sa binata. Tumango lang ito sa kaniya kaya kampante lang niya itong tinalikuran pabalik.
On Flex' side, parang nagkaroon siya ng pag-asa nang marinig ang boses ni Natasha.
"Wait, Flex!" dinig niya mula sa kung saan.
She called my name. Sambit ng isip niya.
Agad siyang humarap, sa pag-aakalang nararamdaman rin nito ang nararamdaman niya.
He is hoping.
"Flex, they need you," dinig niya ulit sa ginang. Parang pinagsakluban siya ng kalangitan. He is wrong.
Kailan ko kaya maririnig na kailangan mo rin ako? I want to hear it from you, Natasha. Ani ng isip niya sa kabila ng naghihikaos na damdamin. Ayaw niyang magmukhang kawawa. He is not weak enough to beg her heart.
"Hinahanap ka nila, ikaw na raw ang susunod." Dagdag pa nito na ikinatango niya lang. Parang may bumaon sa puso niya, hindi lang isang punyal, kundi ang katotohanang hindi siya nito kailangan.
Sa sandaling iyon, he tried to look fine. Kasunod ng pagtalikod ng babaeng mahal niya ay ang paghakbang niya na sana'y lingunin siya nito muli.
Nang nasa sentro na siya ng audience ay kinuha niya ang mikropono sa emcee at hinintay ang cue ng operator. He begin to close his eyes.
"Heto ka nanaman, kumakatok sa'king pintuan.." he sing with his deep and husky masculine voice.
Natasha was amazed on what she heard.
Patuloy niyang pinakinggan ang boses ni Flex.
"Muling naghahanap ng makakausap, at heto naman ako..nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang..nagtitiis kahit nasasaktan.." She literally dropped her jaw.
Magaling kumanta si Flex! My god!
Parang may kung anong mainit na hangin ang humaplos sa puso niya at nahabag sa kanta nito, parang naaawa siya sa emosyong suot ng mukha nito...animo'y nawalan ng minamahal. Nasasaktan. Naiwan. Nawalan.
She felt helpless habang tanaw ang binata, hindi man niya aminin sa oras na iyon, she felt her tears go down to her cheeks. Hindi niya alam, pero sa bawat titig ni Flex sa gawi niya'y parang siya yata ang kinakantahan nito.
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
'Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
'Di ka na muling luluha pa
'Di ka na mangangailan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sa'yo
She burst out from tears, hindi niya ma-explain ang sarili. Wala siyang karapatang makadama ng gan'on, pero bakit hindi niya mapigilang...masaktan?
Mahal ba niya si Flex? O dala lang ito ng emosyon habang kinakanta nito ang kantang minsan na rin niyang narinig noon. Ang kantang nagpapaalala sa kaniya kay Hernan.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
RomanceWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)