TINAPOS NI NATASHA ang sigarilyo at agad na siniksik sa ashtray na nasa kaniyang mesa. Badtrip siya dahil sa pagiging alaskador ni Flex, they aren't have serious label pero parang pinapahintulutan niya itong magkaroon ng puwang sa buhay niya.
"Who the hell is he either?" litanya niya sa katahimikan ng kaniyang opisina. She's upset. Dahil d'on napagpasyahan niyang umuwi muna sa mansion nila, hindi niya feel ang ayos niya ngayon, lalo pa ang underwear na suot niya. Agad siyang nagpahatid sa isang empleyado niya at noo'y tahimik na pinasok ang bukana ng pintuan.
Bumungad sa kaniya si Levi suot ang nagtatanong na mukha.
"Mommy, saan po kayo galing?"
"Hello, baby, sorry ngayon lang nakauwi si mommy, may inasikaso lang."
"Pero bakit po ganiyan ang suot ninyo?" pagtataka pa ng paslit. She shook her head and smiled.
"Nanghiram lang si mommy," pilit niyang iniiba ang topic at agad itong binuhat papunta sa kwarto niya. Panay tanong ito kung saan umano niya nakuha ang damit, but she tried to lie at mabuti naman dahil napaniwala niya ito.
Inilapag niya ang paslit sa kaniyang kama saka pa siya nagbihis sa harapan nito.
"Mom, may sasabihin po sana ako.." atubiling saad ng paslit sa kaniya.
"Yes, baby?"
"Mom, pwede mo ba akong samahan this thursday sa school, may activity po." Natigilan siya at tiningnan ang mukha nito na parang maiiyak, nilalaro pa nito ang sariling daliri.
"I will, baby. Pupunta si mommy, okey?" hinimas pa niya ang mukha nito saka hinalikan ang noo.
"Talaga mommy? Promise?"
Tumango siya rito, ramdam na umaliwalas ang mukha at mood nito.
"Thank you po!" siksik nito sa beywang niya. Matapos siyang magbihis ay agad siyang nagpatimpla ng kape sa katulong niya at nagpalipas oras sa may veranda. Hawak niya ang isang magazine kung saan naka-cover si Flex. Hubad ang itaas nito na pinatungan lang ng jacket sa balikat, naka jeans ito at simpleng naka-upo sa isang upuan. Dirty look ang image nito sa kabila ng pawis na sinadyang itrapo sa kaniyang katawan. He is very attractive, lalo na kapag naka-focus sa camera ang malamlam na mga mata nito. Nangungusap. Nang-aakit.
"Madam," nabigla siya sa boses ng kaniyang katiwala. Dala nito ang isang tasa ng kape.
Sapo ang noo'y sinenyas lang nito na ilagay lang sa lamesita ang kape niya.
"Salamat," tipid na saad niya. Agad naman itong umalis halatang takot sa presensya niya.
Muli niyang binaling ang tingin sa magazine at kinausap ito.
"What are you looking at? Anong gusto mo? Hmmm? Ewan ko sa'yo, don't stare to me!" para siyang sira habang kausap ang litrato ni Flex sa magazine.
"Madam," muli siyang nagulat sa boses ng katulong niya.
"What manaaaang?!" gigil na saad niya sa matanda. Humingi naman ito ng paumanhin.
"Madam, e kasi ho, may tao sa labas hinahanap ka. Gideon daw ho ang pangalan, papasukin ko po ba?" Agad siya ng napatayo sa sinabi ng matanda. Paano nakarating si Gideon sa pilipinas gayong nasa London dapat ito? Iyon ang katanungan ng isip niya.
"Ako na ho ang lalabas," ani niya saka pa nagmamadaling pumunta sa bukana ng pintuan nila.
Nang makapunta doo'y nakita niya si Gideon na nakasandal sa kaniyang mamahaling sasakyan, if she's not mistaken, iyon ang niregalo niya noong nakaraang taon.
"Hi," tipid na bati nito sa kaniya habang matamis na nakangiti. Sweet si Gideon, at iyon ang nagustuhan niya rito kahit pa alam niyang ginagatasan lang siya nito.
"Bakit ka nandito?" walang emosyon ang boses niya.
Lumapit ito sa kaniya at pasimpleng beneso ang pisngi niya. "I want to see you," bulong pa nito sa kaniyang taenga habang hawak ang magkabilang balikat niya. Gideon Montero is a tall, handsome and literally panty-dropping masculine figure of Adonis-a-like. Twenty seven years old ito, at ito ang kaniyang fubu for almost a year. Nakilala niya ito sa London, kung saan naging kalaro niya ito sa poker sa isang casino.
"Hindi mo ba ako iimbitahing pumasok?"
"No, nandiyan ang anak ko," mariing boses niya. Lumawak ang ngiti ni Gideon saka pa hinawakan ang baba niya.
"Mas mabuti nga, para makilala ko siya." Baritonong boses nito.
"I can't," she hold back Gideon's arms and put it down. Gideon's eyes are now searching hers, tila kinakalkal ang rason sa mata niya, kung bakit ayaw niyang ipakilala ang anak niya rito.
"I flew London just to come her, tapos ayaw mo akong papasukin?" his voice is very hypnotizing. Wari'y gusto nitong kontrolin ang ginang.
"Fine, come in." Ani Natasha na naunang pumasok. Agad niyang binagsak ang sarili sa couch at kibit-balikat na tiningnan si Gideon.
"Pwede bang maupo?" ani ng binata na nakatayo sa harapan niya.
"Suit yourself," tipid niyang saad habang tanaw ito.
Mayamaya pa ay bumaba si Levi dala si Lala. Natigilan ito at tila inusisa ang panauhin nila. Medyo bantulutot itong gumilid sa ina habang hindi mawaglit ang tingin sa lalaki.
"Mom, who is he?" anang bata na ang tinutukoy ay si Gideon.
"His a friend of mommy, anak."
"What's his name po."
"I am your Tito Gido," magiliw na saad ni Gideon sa bata. Sinuklian naman ito ni Levi ng nag-aatubiling ngiti.
"Hello po," boses ni Levi na noo'y tumabi sa ina.
"If you insist to have proper time for our discussion, ang mabuti siguro'y sa opisina na lang tayo mag-usap." Makahulugang saad ni Natasha kay Gido na halatang pinapaalis ang binata. Ayaw niyang ipahalata sa anak ang ugnayan nila.
"Okey then, maybe I'll call you." Ngiting saad ni Gideon na noo'y tumayo na.
"No, I will call you." Ani Natasha na halatang ayaw na humaba ang diskusyon nila.
"Okey, I'll go now. Good-bye..Levi, nice meeting you." Matamis na ngiti ni Gido sa paslit, saka pa tinapunan ng makahulugang titig ang ginang.
Nang makaalis na si Gideon ay doon na nakahinga ng maluwang si Natasha. Para siyang nabunutan ng tinik.
"Sino po 'yon?" tanong ni Levi, na parang hindi kumbinsido sa sinabi niya kanina.
"He is just my friend, anak."
"Pero bakit hindi po kayo ngumingiti sa kaniya, 'di gaya kay kuya Flex na nakangiti ka po, siguro enemy mo 'yon, tama po ba ako, mommy?" ani ng anak na walang kamuwang-muwang sa sitwasyon.
"Tara na nga, ang mabuti pa, magpraktis na tayo para sa activity mo sa school," ani Natasha na mas ikinatuwa ni Levi. Agad silang pumunta sa may pool are para mag-practise. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na maglalaan siya ng oras para sa paaralan ng anak. She never showed to every meeting, panay si Donatela, o ang mga empleyado niya ang uma-attend sa meeting ni Levi, kaya mas masaya ang bata ngayon dahil sa presensya niya.
***
NANG MAKAUWI sa kanila si Flex ay agad niyang sinabi kina tatay Berto at nanay Dorang ang kaniyang plano, agad namang umayon ang mga ito at agad na tumalima sa kagustuhan ng binata.
"Eh kailan ba ang balak mong paglilipat, anak?" ani ng matandang ginang.
"Kung pwede sana'y ngayon na ho, inay."
"Aba'y hindi tayo nakapaghanda. Paano ang mga kagamitan natin dito?"
"Naku 'nay, huwag na kayong mamroblema, kumpleto na po ang nandoon, kayo na lang ang kulang."
"Aba'y magbabalot na ako ng damit," anang matanda.
"Oh siya, teka lang hijo at ilalagay ko sa mga bayong ang mga manok ko, dadalhin ko roon," ani ni tatay Berto kay Flex. Napakamot na lamang sa sariling batok si Flex, gustuhin man niyang huwag nang magdala ng kagamitan, hindi niya mapipigilan ang mga ito na dalhin ang mga gamit na may puwang sa kanila.
"Kuya.." napansin niya si Luntian na kinukusot ang manggas ng kaniyang Tshirt.
"Oh, bakit?" masuyo niya itong kinarga.
"Bakit tayo, lilipat? Hindi po ba tayo nakabayad sa upa? Pinapalayas na po ba tayo ni aling Bebang?" walang muwang na tanong ng paslit. Umiling siya saka pa nagsalita. "Hindi, aalis tayo kasi may bahay na tayo doon sa Quezon," masayang boses niya.
"Kuya, nanalo po ba tayo sa lotto?" tanong pa ni Luntian.
"Emerald, hindi nanalo si kuya sa lotto, atin ang bahay na iyon, binigay ni kuya Flair."
"Po? Hindi ba sabi po ninyo, si kuya Flair nasa malayo kasi mangingisda?" walang muwang na tanong ni Luntian.
"Hindi, hindi na mangingisda si kuya Flair, may negosyo na siya," ani Flex na ayaw mabigla ang kapatid.
"Gan'on po ba? Gaya po ni ate Fiona? 'Di ba sabi mo po, nasa Dubai po siya kasi nag-aalaga ng matanda?" napakamot siya sa sariling batok, iyon kasi ang mga kasinungalingan na sinabi niya rito.
Umiling siya. "Hindi, may negosyo na rin si ate Fiona, nasa malayo siya kasi para asikasuhin iyon," ani niya na pilit na ngumiti sa paslit.
"Okey po, basta kuya ah, ikaw po, huwag niyo po akong iwan, ayoko pong mag-isa." Naglalambing na boses nito, saka pa niyakap ang leeg niya.
"Oo naman, hindi ka iiwan ni kuya, lab na lab ko kaya ang surot na 'to," sabay kagat sa maliit na braso ng bata. "Araaay," natatawang saad ni Luntian na ginawaran pa siya ng halik sa tungki ng ilong niya.
"I love you kuya." Ani nito na ikinangiti lamang nilang dalawa.
...itutuloy
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
RomanceWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)