Chapter 25

266 8 0
                                        

  SABADO ng umaga nang araw na iyon. Flex decide not to work for a valid reason. May emergency kasi sa araw na iyon, may pagdiriwang kasi ang ate Fiona niya sa Manila Hotel, at dapat siyang pumunta kahit ang totoo'y ayaw naman talaga niya. Nasa isang bar na siya suot ang tuxedo na kailangang attire sa party. May hinihintay kasi siyang kaibigan, si Gido. Sasamahan siya nito sa party para hindi siya gaanong maumay sa pakikipag-sosyalan sa mga nandoon.
 
  Wala pang isang oras nang dumating ang kaibigan niya, gaya niya'y nakasuot ito ng tuxedo at halatang naghanda sa pupuntahang party.
  "Dude! Kamusta," ani Gido sa kaniya na agad siyang niyakap at tinapik sa braso.
 
  "Good to see you here, bro. Hindi ko alam na model ka na pala ngayon ah," ani Gido kay Flex. Ngumiti si Flex na noo'y napasuklay sa sariling buhok.
 
  "Oh c'mon, alam mo namang gwapo ang kaibigan mo 'di ba? so why not," ani nito na nagtaas pa ng dalawang kamay.
 
  "Tch, hindi ka pa rin nagbabago," ani Gido kay Flex.
 
  "How about you? Kailan mo ba ipapakilala sa akin ang babae mo? Hanggang ngayon, wala ka pa rin bang sineseryoso?" Ani Flex kay Gido.
 
  "Uhm, ang totoo'y pinuntahan ko siya sa kanila last time, sinusuyo ko sana, para mailabas ko, kasama ka." Ani Flex sa kaibigan. Ngumiti pa si Gideon na halatang masaya.
 
  "Iyan ba 'yong sinabi mong galante?"
 
  "Yes. She is.." ani Gido na halatang nasisiyahan.
 
  "Ikaw ba? May napupusuan ka na ba?" Ani Gido kay Flex. Ngumiti si Flex at halatang namula ang mukha. Halatang in-love.
 
  "Oh shit! Namumula ka pre, halatang tinamaan ka yata sa bebot mo!" Ani Gido kay Flex.
 
  "Yes, it's true. Hindi ko nga alam bro, pero sa tingin ko, binabago ako ng nararamdaman ko para sa kaniya."
 
  "What do you mean?"
 
  "Hindi na ako nagloloko, bro, sapat na sa akin ang pagmamahal niya."
 
  "Damn it bro, ngayon lang kita narinig na nagkakaganiyan, tinamaan ka na nga yata, pakilala mo naman sa'kin ang girlfriend mo," ani Gido.
 
  "Yes I will, siguro'y sa makalawa. Mag-double date tayo bro," suhistyon pa ni Flex kay Gido.
 
  "Cool, sige." Walang kamuwang-muwang na saad ni Gido kay Flex.
 
  "Sige na, tara na pre, baka nag-uumpisa na sa hotel," ani Gido kay Flex.
 
  "Grabe ka 'bro, hindi ka pa rin ba nakaka-get over sa utol ko? Akala ko ba in-love ka na sa girlfriend mo ngayon?" ngisi ni Flex kay Gido. Ang tinutukoy kasi niya'y si Fiona, first love ni Gido si Fiona noon, pero kapatid lang ang turing ni Fiona sa kaibigan niya, and that's why his friend Gido turned to beast. Hindi niya alam pero wala yatang sineryosong babae sa tanang buhay niya si Gido.
 
  Sa edad nitong 27, wala pa itong naipapakilalang girlfriend sa kaniya, kaya nga bilib siya sa sinasabi nitong girlfriend umano nito ngayon, dahil nagiging matino si Gido rito.
 
  Nang makalabas sa bar ay bumungad sa kanila ang sports car ni Gido, ang sabi pa niya'y galing rin umano ito sa kaniyang girlfriend, galante umano ito at mahal na mahal siya.
 
  Maybe it's the reason why Gido wants to settle now.
  "Tara na," ani Gido na naunang pumasok sa kotse. Pinagbuksan siya ni Gido.
 
  Atubili man, Flex decide to get inside and check the inches of leather dashboard.
  "Cool, nice bro, ang ganda." Ani Flex kay Gido na halatang nasisiyahan sa narinig.
 
  "Alam mo bang, siya pa ang pumili nito para sa akin," ani Gido.
 
  "Wow, so your girlfriend has a taste of style, ah."
 
  "Yes, she likes interior designing, my clothing business sila..."
 
  "Ah gan'on ba, good to hear." Walang emosyon na responde ni Flex nakatuon lang ang mata niya sa cellphone habang binabasa ang mga mensahe ni Natasha.
 
  May tinext kasi ito na magpapasundo siya sa isang business meeting mamayang alas singko ng hapon, kaya minabuti niyang i-set ang cellphone niya para hindi niya malimutan.
 
  "Busy ka yata," ani Gido.
 
  "Hindi naman, boss ko, may pinapagawa," ani Flex na nakangiti.
 
  "Oh, masaya ka yata?" Ani Gido.
 
  "Oo."
 
  "Shit, ikaw lang yata ang empleyadong masaya kapag inuutusan. Hanep 'tol ah!"
 
  "Hindi...kasi.." hindi iyon nadugtungan dahil tumawag na talaga si Natasha sa kaniya. Masayang kinausap ni Flex ang kaibigan habang hawak ang telepono.
  "Teka lang bro ah..tumatawag si kumander," ani Flex.
 
  "Oh, sino? Ang boss mo o ang girlfriend mo?"
 
  "Both," ani Flex na masuyong nakipag-usap sa telepono. Nalilito naman si Gido sa sinabi nito na parang hindi nag-sink in sa utak ang sinabi niya. Abala lang si Flex kay Natasha na nasa kabilang linya.
 
  "Okay, okey, sige. Susunduin kita around five. Okey, bye, love you," dinig pa ni Gido kay Flex bago pa binaba ang tawag nito.
 
  "Grabe, ang tamis mo 'tol, nakakaumay ka ha," Gido laugh as he talked. Animo'y tinutudyo ang kaibigan.
 
  "Malalaman mo lang 'to kapag naramdaman mo ang nararamdaman ko ngayon." Ani Flex kay Gido.
 
  Tuloy-tuloy lang ang takbo nila sa oras na iyon hanggang dumating na sila sa Manila Hotel. It is around lunch time nang marating nila ang hall. Halatang maraming tao ang nandoon, at halatang bigatin dahil sa mga kilos at mga taong nakapormada.
 
  "Damn, parang mga bilyonaryo yata ang nandito," ani Gido kay Flex.
 
  "Hindi yata ako nabibilang dito, bro."
 
  "Shut up, ako nga dapat ang wala rito kasi wala naman akong yaman na gaya ng pamilya ninyo." Ani Gido kay Flex.
 
  "I m not wealthy, bro. Si papa ang may yaman, hindi ako ang naghirap sa yaman na tinatamasa namin. And you know that man," ani Flex kay Gido.
 
  "Tch, kung ako sa'yo, babalik ako sa states at pamumunuan ko ang kompanya ng papa mo, sayang ang vintage cars na nasa garahe niyo 'tol, it is worth billions. Alam mo namang walang interes si Flair d'on 'di ba?"
 
  "Oo, ewan ko nga kung bakit ayaw niyang humawak sa garaheng nandoon, puro business ventures ang inaatupag, but I guess, iba ang laranagang gusto namin."
 
  "Maybe, kaya nga dapat bumalik ka na d'on," ani Gido.
 
  Umiling si Flex. "I can't, I have something to do here, alam mo 'yan."
 
  Tumango-tango si Gido. "Yes, it's your daughter?" Walang alam na sambit ni Gido patungkol kay Luntian. Hindi kasi sinabi ni Flex ang totoo sa kaibigan, pinapangalagaan niya si Luntian bilang anak niya umano, kahit ang totoo'y kapatid niya ito.
 
  "Tara na 'tol, baka nasa loob na sina Fiona." Pag-iiba niya ng topic sa kaibigan. Nang makapasok sa bulwagan ay nakita niya ang kapatid.
 
  Kasama niya ang fiancee nito na si Farhan, isa itong business tycoon sa larangan ng mga gasolina, forex money at isang investor sa Dubai. Magkahawak-kamay ang mga ito habang nakikipag-usap sa nga kasosyo.
 
  "Feliciano!" Tawag ni Fiona sa kapatid. Agad naman siyang tinungo ng kapatid at niyakap ng mahigpit.
 
  "I miss you," saad ni Fiona sa kapatid.
 
  "I'm good to see you, Ina." Baritonong boses ni Flex na noo'y yakap-yakap ang nakatatandang kapatid.
 
  "You're getting better, kamusta si Emerald?" Ani Fiona sa kaniya. Kasunod ni Flex si Gido na agad namang napansin ni Fiona. She smiled. "Oh you're here din pala, Gideon." Ani ni Fiona na ginawaran naman ng beso-beso si Gideon.
 
  "You're very beautiful as ever, Ina." Ngiti ni Gideon, mayamaya pa ay umaligid ang fiancee nito at hinapit sa beywang si Fiona.
 
  "Oh, nga pala guys, meet Farhan, he is my fiancee," ani Fiona na ngumiti. Alam ni Flex na iyon ang napili ng mama nila para sa kapatid. At siguro'y nagkamabutihan ang mga ito, kaya't ngayon nga'y ikakasal na.
 
  "Please to meet you all." Baritonong boses ni Farhan na halatang may accent na arabo.
 
  "I'm happy to meet you," tipid na saad ni Flex na tipid na ngumiti.
 
  "Hi," tipid na saad ni Gido na halatang atrasado sa lalaking kaharap.
 
  "I'm happy you two come here," ani Farhan na hinihimay ang pag-iingles nito.
 
  "Please take care my sister," ani Flex.
 
  "I will." Ani Farhan na noo'y nag-excuse kasama si Fiona.
 
  "Shit, ang ganda pa rin niya," anas ni Gido kay Flex.
 
  "So, hindi ka pa ba naka-moved on?"
 
  "I am, I'm just appreciating her beauty."
 
  "So in-love ka sa bago mo ngayon?" Tanong ni Flex kay Gido. Tumango lang ito bago pa ngumiti. "Doon din ako papunta, 'tol." Ani nito na parang seryoso sa sinasabi.
 
  Tinapik ni Flex ang kaibigan na noo'y nakihalubilo na sa iilang nandoon. Dapat niyang ipakita ang presensya sa mga nandoon kahit pa hindi naman siya nasisiyahan. Dumating naman si Flair, kasama ang kasintahan nito, iba ito sa babaeng nabuntisan niya, and he guess, iyon na naman ang babaeng kinakasama nito. Maloko ang kapatid niya, kaya minsan hindi niya maunawaan kung ano ang trip nito sa buhay, gayong may anak na ito sa isang babae.
 
  Hindi siya nagtagal sa pagtitipon, nagpaalam siya kay Gido na mauuna na siyang umalis dahil may susunduin pa siya. Pinaunlakan naman ni Flex ang regalo ni Farhan sa kaniya. Nasa parking lot ito, at gaya nga ng iniisip niya, magiging isa iyon sa koleksyon ng mga kotseng igagarahe niya sa States but for now, ipagda-drive muna niya si Natasha sa sasakyang ito.
 
  "Billion cars are worth for priceless heart of mine." Ani Flex na malayang pinaharurot ang sinasakyang kotse.
 
  ...itutuloy.

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon