NANG MAGHAPON na iyon ay nasa basketball court lang sina Natasha at Levi na panay sigaw at cheer kay Flex na naglalaro ng basketball kasama ang t'yong Totoy nila.
"Whoah! Go kuya Flex!" sigaw pa ni Levi sa binata, nagdi-dribble ng bola.
"I-shoot mo! I-shoot mo na ang ball!" tili naman ni Natasha na umagaw sa atensyon ni Flex. Naghand-sign pa ito ng okey sign.
Hindi alam ni Natasha kung bakit kinililig siya kapag tumitingin si Flex sa kaniya bago i-shoot ang bola sa ring. Madalas ring kumindat ito sa kaniya at nagpapalipad ng flying kiss. OA man si Flex, pero para sa kaniya'y halos kumakalampag ang puso niya sa tuwa.
"Mommy, you're cheecks are turning red po," tudyo pa ni Levi na halatang sinasadyang sabihin sa ina.
Umayos naman si Natasha at pasimpleng umupo. Naiiling naman si Levi sa isang banda. Marami ang nakinood sa court kaya halos mapuno ang mga bangko at bleachers na nandoon. Tamang-tama pala ang pagpunta nila doon dahil malapit na pala ang piyesta roon.
Mayamaya pa ay may iilang pumansin at kinausap si Natasha, mga iilang kakilala niya iyon doon, at mga naging kaibigan sa club. Namuhay na ang mga ito nang mayiwasay, halos may pamilya na rin, at gaya niya'y may mga anak na.
Nasisiyahan siya sa paglabas doon dahil nanumbalik sa kaniya ang panahon kung saan naging kilala siya sa lugar, hindi dahil sa pagtatrabaho sa club, pero dahil naging simple at mabait siyang dalaga noon sa lugar. Hindi nga niya malilimutan noon na nanalo siya sa isang search ng mga dalaga. Naging reyna Elena rin siya noon.
"Oy! Natasha, ikaw na ba 'yan?!" anang bakla na nakasuot ng sando at isang leggings na may matingkad na kulay.
"Oy, Lukring! Kamusta!"
"Hoy! Ang tagal na rin noong nakita kita rito ba! Buti napadalaw ka sa atin, kamusta?" saad pa nito na tinatampal ang kaniyang braso. Nakatingin rin ito kay Levi na kasama niyang naka-upo.
"Ay, anak ko pala." Pakilala niya kay Levi.
"Oy, ang gwapo! Tisoy! Mana sa'yo, naku ang daming paiiyaking babae n'yan, soon!" tawa pa nito na inabot ang pisngi ni Levi at pinisil iyon.
"Hindi ko po sila paiiyakin, mamahalin ko po siya gaya ni kuya Flex kay mommy," dinig nila mula sa paslit.
Namilog ang mga mata ni Lukring sa narinig. "Oy, senetch etey?"
Ngumiti si Natasha at nginuso ang pigura ni Flex na nasa gitna ng court at naglalaro ng basketball.
"Sheeyt, jowa mo? Wow ha, ang pogi!" nangingisay pa ito habang nakatanaw kay Flex.
"Anong pangalan niya?"
"Si kuya Flex po." Sabat naman ni Levi sa bakla.
"Omg! Tunog malakas kumadyot!" ani ng bakla na agad namang tinakpan ang bibig dahil nakanga-nga sa kaniya si Levi. Maybe dahil hindi nito maintindihan ang lenggwahe nito.
"Naku, pasensya na girl, mabuti ka pa, may forever ka na, alam mo, kung ako sa'yo, hindi ko na talaga pakakawalan ang jowa mo, aaraw-arawin ko talaga yarn!" kinikilig pang sambit ni Lukring na agad namang nagpaalam sa kaniya.
Naiiling na lang si Natasha dahil sa pagiging matabil nito.
"Mommy, naiintidihan mo ba ang sinasabi nong mamâ?"
"Just don't bother, anak, ganiyan lang talaga 'yon," tipid niyang sambit sa anak na nakatuon lang kay Flex. Tanging si Flex lamang ang nakikita ng mata niya ngayon. Tila nag-slow motion ang lahat sa paningin niya, pati ang mga tagaktak ng pawis nito'y nakikita ng satellite ng CCTV niya.
Oh shit! Bakit ganito ang paningin ko ngayon, parang si Flex lang ang nakikita ko! Ani niya na habang kagat-labing tinitingnan si Flex. Tanaw pa niya ang pagsipat ni Flex sa kaniya na lumabi pa. Pati paglaro ng dila ni Flex sa mismong labi nito ay nakikita niya.
Shit! I'm being obsessed to him! Palatak ng isip niya sa oras na iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit, naiihi siya at parang tambol ng drum ang puso niya. Parang bumabalik yata siya sa pagiging teenager.
"I love you—!" hindi niya napigilang isigaw iyon sa kabuuan ng court, straight to Flex' face. Saktong may bolang lumilipad papunta sa mukha ni Flex but he caught her attention—realizing it will went to his Flex' gorgeous face.
"Agh!" Flex dropped his balance, natumba siya dahil sa malakas na impact mula sa bolang dapat niyang saluhin. Napatakbo si Natasha sa direksyon ni Flex, agad niya itong dinaluhan. Walang malay ito.
"Oh my god! Oh my god! Somebody help!" tarantang saad niya.
"Hala, dapat siyang e-mouth to mouth resuscitation!" narinig pa niya kay t'yong Totoy niya. Dahil sa pagiging taranta ay agad niya itong dinakmalan sa bibig. Bahala na ang mga taong nandoon, ang importante masalba niya si Flex!
"Wooah!" dinig niyang palakpakan ng mga taong nandoon, pati si Levi ay nakikipalakpak sa kaniya.
Mayamaya pa ay dinilat niya ang mga mata niya at doon nakita ang mukha ni Flex na nakangiti.
"Damn you!" Saad pa ni Natasha na agad na sinapak si Flex. Dahan-dahan siyang tumayo at sinipa pa si Flex na noo'y nakasalampak sa sahig. Tumalikod siya para magmartsa papalayo, nahihiya siya lalo pa't napagka-isahan siya ng grupo ng mga basketbolistang nandoon. Hanggang tinawag siya ni Flex.
"Madam, teka!" tawag nito sa likuran niya. Naiinis siya sa boses nito pero dahil nga naiinis siya ay galit niya itong nilongon.
Doo'y nakita niya si Flex na nakaluhod habang may kung anong hawak-hawak na kung ano.
"Sabi ko na nga ba, akin ka."
"Anong pinagsasasabi mo!" galit na saad niya, tinitingnan na rin niya ang mga taoong nandoon na halos pinagpi-pyestahan silang kunan ng video at litrato.
"Eh di ba nga, may kasabihan..'pag lumingon ka, akin ka." Saad nito na hindi pa rin gumagalaw sa pagluhod.
"Ano 'yan?"
"Kuwan sana, singsing."
"Para sa akin?"
"Oo, tatangapin mo ba..kung sa harap ng madla'y hihingin ko ang sagot mo na.." tumayo ito at umayos sa kabila ng pawisang mukha.
"...will you marry me?" dinig pa niya mula kay Flex. She didn't know what to act. Ang alam niya lang ay ang hiyawan sa kabuuan ng court.
Is this really happening? Saad niya sa sarili. Para kasing nasa daydream state pa ang utak niya, hindi niya ma-sink in aa utak niya na nagpo-propose ng ganoon si Flex.
"Madam, will you marry me? Sagutin mo na oh, nangangalay na kamay ko." Ani nito na nakanguso pa.
Umayos si Natasha at napabuntung-hininga. "Sige na nga..oo na." Aniya na agad na nilapitan ni Flex at dahan-dahang kinuha ang daliri nito at sinuot ang singsing. Nandoon din si Levi na nakiyakap na rin sa dalawa.
Halos magkislapan ang mga nandoon, ang oras kung saan naging opisyal nang mag-fiancee sina Flex at Natasha.
***
Sa kabilang banda.
Nakatanaw si Gido sa hindi kalayuang eskinita na pinag-park ng kotse niya. Papalabas na siya sa kotse papunta sa isang bahay. Nang makaharap niya ang gate ay agad siyang nag-door bell.
Mayamaya pa ay bumungad si nanay Dorang. "Oh, hijo, naparito ka pala."
"Oo nay, nakisuyo po kasi si Flex na kunin ko raw si Luntian, ihahatid ko umano doon sa pinaglalagian nila ni madam Natasha."
"Gan'on ba? Nakabalik na pala sila galing States?"
"Ay oho, pero sabi niya'y huwag ko na raw ipaalam sa inyo kung nasaan sila ngayon, basta kunin ko lang daw si Luntian." Simpleng saad ni Gido sa matanda.
"O sya, pasok ka muna sa loob, at ipag-iimpake ko muna si Luntian." Walang kamalay-malay na saad ni nanay Dorang.
Pinaunlakan naman ni Gido ang matanda at pumasok sa loob. Naupo siya sa sofa at doo'y inantay ang pagbaba ni Luntian at isang backpack na dala-dala nito.
"Oh, magpakabait ka doon ha," sabi pa ni nanay Dorang.
"Teka, tumawag ba si Flex sa'yo?" sabat pa ni tatay Berto na napapansin ang pagiging aligaga ni Gido.
"Naku, tay, don't worry ako na po ang bahala, ako na po ang tatawag sa kaniya.
Ani Flex na pinakita ang sariling telepono at nagtipa ng numero, tapos ay nagring iyon at pasubali siyang nagsalita sa harap ng matanda.
"O, tol, andito na ako sa inyo, kukunin ko na si Luntian. Oh sige, sige. Bye." Ani nito na agad namang pinatay ang telepono. Napaniwala niya ang dalawang matanda sa drama niya.
"Oh sya, mag-iingat kayo ah."
"Bye 'tay, bye 'nay!" hinalikan pa sila ni Luntian na halatang excited na umalis.
"Tara na," ani Gido na hinawakan si Luntian at maagap na binuhat. Nang makalabas sila'y kumaway pa silang dalawa sa mga matanda. Agad na pinaloob ni Gido si Luntian sa sasakyan nito na halatang kabado.
"Kuya Gido, pupuntahan po natin si kuya?"
"Oo, pupunta tayo sa kaniya."
"Na-mi-miss ko na po siya, pati po si madam Natasha at si Levi." Ani ng paslit na nakatuon lang sa bintana ang paningin.
Walang kaalam-alam ito sa nangyayari, lalo pa't buo ang tiwala nila sa binata na siyang naging kaibigang matalil ng kuya Flex niya.
Ilang oras na ang nakalilipas at hindi pa rin sila nakakarating sa pakay na lugar ni Gido. Napansin na iyon ni Luntian.
"Kuya, malayo pa po ba?"
"Malapit na tayo."
"Naiihi po ako," ani nito na halatang napapansin na ang kinikilos ni Gido.
Dismayadong umayon si Gido at doon nag-stop over sa isang terminal. Sinamahan niya si Luntian sa pambabaeng CR at nanatili sa pintuan.
Nang makapasok sa CR si Luntian ay nakita niya ang iilang mga babae na nagpapaganda sa may salamin.
"Ate, ate, pwede po akong makitawag?"
"Ay ang cute mo naman, oh heto, sino tatawagan mo?"
"Kuya ko po," ani nito na disididong tawagan ang kuya Flex niya.
Nang iabot na ng babae ang telepono ay agad na di-nial ni Luntian ang telepono ni Flex, pero walang sumasagot.
"Kuya, please..sagutin po ninyo.." ani Luntian na ika-ilang ulit na nagtipa ng numero pero walang sumasagot, baka busy ang kuya niya. Kaya nagtipa na lamang siya ng message.
Kuya, papunta po ako sa inyo. Kasama ko po si kuya Gido. Si Luntian po ito.
Mayamaya pa ay na-send na niya iyon, pero naramdaman niya ang isang kamay sa telepono at doo'y iniangat niya ang mukha. Si kuya Gido niya iyon, at halatang galit ang mukha nito.
"Anong ginagawa mo?"
"Kuya.." ramdam ni Luntian ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya. Huli na ang lahat ng hapitin siya nito papalabas sa CR at takpan ang bibig niya.
Hindi siya makasigaw, alam niyang may masamang nangyayari sa oras na iyon kaya kinagat niya ng buong lakas ang kamay ni Gido at doo'y nabitawan siya nito. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa mga nakahilerang bus.
Wala siyang sinayang na oras at doon naki-siksikan sa mga taong papasok sa isang bus. Humalukipkip siya sa doon at nakihalo sa mga pasahero. Umiiyak siya sa oras na iyon. Halatang takot. Mabuti na lang ay umandar na ang bus. Naging payapa si Luntian ng mapansin sa bintana na malayo na siya sa terminal.
"Ineng, may kasama ka ba?" saad ng isang ginang na may suot na salamin sa mata.
"Maam, tulungan n'yo po ako, may masamang tao po na hinahanap ako. Nakatakas po ako.." impit na hagulhol ni Luntian sa ginang.
"Naku, ano bang pangalan mo ineng?"
"Emerald po, ma'am kuwan..tulungan mo po ako," pagmamakaawa pa ni Luntian sa ginang.
"Oh, siya..halika at pupunta tayo sa malapit na presinto."
"Salamat po ma'am kuwan.."
"Hilaria..ako si Hilaria Mandigma."
...itutuloy.
[Abangan ang konektadong kwento ni Natasha at kay Hilaria, magka-anu-ano nga ba sila?]
Soon on ( Part Time Lover • Cougar Series #46)
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
RomanceWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)