MADILIM ang mukha ni Flex habang sinisimsim ang baso ng alak. Nasa bar siya ngayon para makipagkita kay Gido. Gusto niya itong makausap at para maging malinaw ang lahat. Maingay ang kabuuan ng bar at pinapalooban ng mausok at patay-sinding ilaw.
Nakaupo siya ngayon sa stool malapit sa may bar counter habang nakatukod ang kaniyang bigat sa kaniyang dalawang siko. Hinihintay niya ang oras na dumating si Gido.
Sinipat niya ang kaniyang relos at doo'y may kinuha sa kaniyang bulsa. It's his checkbook.
Mayamaya pa ay may naramdaman siyang pagtapik sa kaniyang braso.
"Tol! Kanina ka pa? Na-traffic lang ako," boses ni Gido na agad na tumabi sa kaniya. Hindi nito napansin ang mukha niya dahil agad itong tumawag ng bartender para um-order.
"Scotch, double." Ani Gido na suminyas pa sa bartender. Matapos n'on ay umayos ito ng upo, suot ang nakangiting mukha.
"Oh, anong pag-uusapan natin?" Tanaw ni Flex ang pagkabigla ng mukha nito sa pagtiim-bagang niya.
"What's the problem?"
"You." Mariing sambit ni Flex kay Gido.
"What? Hindi kita maintindihan," he tsked.
"Look, bro. Matagal na tayong magkaibigan, maglolokohan pa ba tayo?" Malamang saad ni Flex sa kaibigan.
Parang nahahalata na ni Gido ang pagiging seryoso ni Flex.
"Si Natasha ba?"
"Oo," madilim ang mukha ni Flex habang kuyom ang kamao.
Mahinang natawa si Gido at pasimpleng sinuklay ang hibla ng kaniyang buhok.
"Flex, I will tell you about it, but as you see. Nagmukha akong tanga sa kaniya. Can't you see? She's just using us." Ani Gido sa nakakalokong ngisi.
"I don't think so," kasunod n'on ay ang isang suntok na tumama sa mukha ni Gido. Nagkagulo sa bar, napasalampak sa sahig si Gido habang pinangibabawan ni Flex. Marahas niyang kwenelyohan ang suot nito habang suot ang nanunumbat na galit sa kaniyang mga mata.
"Don't you ever say that again to my woman, or I'll break your god damn jaw!"
Humalakhak si Gido na tila nanunuya.
"You're crazy, tol! Binibilog ka lang ng babaeng 'yon, katawan mo lang ang habol niya, look at me, she will dump you like she did to me."
Isang suntok ulit ang pinakawalan ni Flex at sapol iyon sa kaliwang panga ni Gido, tumalsik pa ang dugo sa kaniyang bibig at ang pumutok niyang labi.
He pinned his eyes to his friend.
"You don't know her.."
"And you are? Alam mo ba ang katauhan niya? Alam mo bang isa lamang siyang pokpok noon! Bayaran, she don't deserve you, Flex. Naanakan na siya, she's useless!" Ani Gido na pinanggigilan ni Flex. Halos hindi maawat si Flex sa pagpakawala ng suntok sa mukha ni Gido. Mabuti na lamang at umawat ang mga taong nandoon dahil kung hindi, baka napatay niya ito.
"Ito ang tandaan mo....kaibigan lang kita, at mahal ko siya." Ani Flex na inaawat na ng mga tao para makatayo. Si Gido naman ay tinulungan ng mga parokyano roon at nakakalokong sinisipat ang mukha ni Flex.
"It's funny you've change just because of her." He laugh.
Gustong sugurin ni Flex ang kaibigan at upakan ulit pero naka-awat ang mga Tao sa kaniyang kamay.
"Akala ko, kaibigan kita..pero hindi pala. From now on, wala na akong kaibigan, and if I choose to turn back time, I will never let it happen again, you don't deserve me, as much as you don't deserve the things that Natasha gave you, ikaw ang manggagamit Gideon! Ikaw! You're just a litch sipping dosage of blood just to feed your god damn self!" Halos maputol ang litid ni Flex sa oras na iyon, alam niyang tama lang ang ginawa niya. Alam niyang sa lahat ng naging kaibigan niya, si Gido ang parating umaaligid sa kaniya lalo pa't madalas ay ito ang parating humihingi ng mga pabor na ginagawa naman niya, mapa-noon pa man hanggang ngayon. He is just blind to see it, ngayon lang niya napagtanto na isa pala itong ahas!
Winaksi ni Flex ang pagkakahawak sa kaniya ng mga tao at kinuha ang checkbook sa kaniyang bulsa. Marahas niyang tinapon iyon sa harapan ni Gido.
"Take this amount, siguro'y sapat na ang sampung milyon, para mawala ka sa paningin ko, huwag ka nang magpapakita pa!" Ani Flex na halatang desidido sa sinasabi. Ngumisi si Gido at halatang nasisiyahan sa ginawa ni Flex. Kahit pa paika-ika ay inabot niya ang papel at marahang umiling.
"Tanga ka na nga, Flex." Ngumisi pa ito at dahan-dahang lumakad papalapit kay Flex. Isang tapik ang ginawa ni Gido sa balikat ni Flex at tuluyan nang nawala sa paningin niya.
Nanumbalik ang kaayusan ng paligid nang humupa ang galit ni Flex. He is very angry to the point na halos mapatay na niya si Gido.
He washed his face with his bare hands. Halos hindi siya makapaniwala na ngayon lang niya natunghayan ang totoong kulay ng kaibigan. He heavily exhale a breath while taking the glass of scotch Gido ordered. Nilunok niya ang dalawang baso at nilapag ang perang pambayad sa mga kagamitang nagsitapon kanina.
Dahan-dahan niyang nilisan ang bar na iyon at agad na umibis sa kaniyang kotse. Iisa lang ang pwede niyang hingan ng tulong ngayon, at iyon ang taong matagal na niyang hindi nakakausap, ang kaniyang mama. Nang makauwi sa bahay nila ay bumungad si nanay Dorang na halatang nag-aalala sa mukha niya. May bahid ng dugo ang kaniyang kamao at ang suot niyang damit dahil sa pakikipag-away kanina.
"Diyos ko! Anong nangyari sa'yo, hijo!" Dali-daling dinalohan siya ng matanda at pinaupo. Kasunod n'on ay ang pagbaba ni tatay Berto na nagulat din. Tarantang kumuha ang mag-asawa ng isang planggana at basahan para mahugasan ang kamay ng binata.
Nasa sala silang tatlo at masinsinang nag-uusap.
"Anong nangyari sa'yo, anak?" wari ni nanay Dorang.
"Napaaway lang ho ako." Tipid niyang sambit na ayaw ipaalam ang pangyayari.
"Sino ang kaaway mo?" tanong naman ni tatay Berto.
Umiling siya at hindi sumagot. Ayaw niyang ipaalam na si Gido ang taong binugbog niya, kilala pa naman ng matatanda ang dating kaibigan niya na tropa sila at hindi kapani-paniwala na mag-aaway sila, at dahil pa sa isang babae.
"Nay, tay, i need to call mom." Ani niya na halatang naiintindihan ang sinasabi niya.
"Kung iyan ang gusto mo, handa ka na bang kausapin si madam Francesca?"
Tumango si Flex at agad na hinawakan ang kamay ng dalawang matanda.
"Nay, tay, uuwi po ako sa States, kayo po munang bahala kay Emerald. Please don't tell her that I leave, sabihin niyo lang na abala ako sa trabaho," ani Flex sa seryosong boses.
"O siya, kung iyan ang balak mo, basta't ang nais ko lang naman sana'y kung anuman ang mangyari, andito lang kami para sa'yo, para sa inyo ng apo namin." Ani ni nanay Dorang.
"Kailan ba ang balak mo, hijo?" Ani tatay Berto.
"Bukas ho sana ay aalis ako, baka matagalan ako roon. Isasama ko po si madam Natasha at si Levi." Ani niya na halatang desidido.
"Kung anuman ang plano mo, anak. Narito lang kami para suportahan ka. Mahal ka namin, tandaan mo 'yan." Ani tatay Berto na tinapik pa siya sa balikat.
Mahigpit niyang niyakap ang dalawa na halatang umiintindi sa kaniya mula pa n'ong una. Matapos makipag-usap ay pumanhik siya sa taas at pumunta sa kwarto ni Emerald. Payapa itong natutulog habang tabon ng kumot. Dahan-dahan niya itong tinabihan at marahang sinuklay ang mahaba nitong buhok. Inayos niya rin ang mga kaunting buhok na tumatabon sa mukha nito. Isang saglit pa'y dinampian niya itong halik sa noo.
"Sleep tight, Emerald, babalik din agad si kuya, I love you, bunsoy.." aniya na unti-unting tumayo at pumanhik sa bukana ang pinto. Isang sandali pa'y sinipat niya ito at mapait na ngumiti. Isasakripisyo muna niya ang oras kasama ang kaniyang kapatid para sa kapakanan nila Natasha ngayon, dapat muna niyang ayusin at tulungan ang mga ito para mapabuti ang lahat.
He closed the door and packed his things. Nang matapos ay agad siyang dumiretso sa hospital para kunin sina Natasha at Levi. He prepared all the stuffs, passport, iilang docunento, mga contact list na pwedeng pag-iiwanan ng tahanan nila Natasha, at isang tao na pwedeng tumingin muna sa H modelling company. At sa tulong ng kapatid ni Flex na si Flair, to the rescue ito na maging acting manager muna sa kompanya. Mabuti na lang at umayon ito sa kagustuhan niya.
It's very abrupt and unconstructed, since madalian ang pangyayari. Maging ang mag-ina'y hindi malaman ang gagawin.
"Do you think it will help?" ani ni Natasha na noo'y nasa tabi niya habang binabagtas ang airport, nasa likod si Levi na parang walang imik sa pangyayari.
"Let's just find out, mas mabuti nang umalis ka muna rito, hahanap tayo ng paraan para ipakita na kaya mo sila, you can find it out, once we will asked mom's help." Halatang nabigla si Natasha sa narinig.
"Ano? Anong sinabi mo?"
"I will tell you when we get there." Ani Flex na halatang sigurado sa sinasabi. Sa puntong iyon, siya naman ang maglalahad ng kaniyang lihim, at uunahin niya ang pagkataong matagal na niyang kinukubli.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
RomanceWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)