KINAUMAGAHAN, sabay-sabay na bumaba sina Flex at Natasha kasama si Levi na naninibago sa paligid.
"Nasaan po tayo, mom?" walang kamuwang-muwang na tanong ng paslit.
"Nasa lola Delia mo tayo, anak. Dito muna tayo," ani ni Natasha na pababa sa hagdan.
"Oh nagising na pala kayo, tara na't kumain! Halina kayo," ani mamu Delia na halatang naghanda ng makakain nila.
"Oy, ikaw na ba 'yan, Anastacia?" bungad naman ng isang medyo katandaang lalaki na maskulado pa rin at hapit na hapit ang suot na sando. Naka cotton shorts lang ito na preskong-presko kung titingnan.
"Kamusta po t'yong," tipid na ngiti ni Natasha sa ginoo. Sumipat pa ito sa kasama niyang si Flex.
"Oy, ikaw na ba ang forever ni Anastacia? dong?" ani ng ginoo na agad na tinapik si Flex na halatang naiilang sa pagiging 'touchy' ng ginoo.
"O..eh oho..ako po si Flex. Kamusta ho kayo."
"Sus, h'wag mo na akong hino-ho, hindi naman tayo nagkakalayo ng edad," biro pa ni t'yong Totoy na halatang nasisiyahan sa presensya nila.
Sabay-sabay silang umupo sa mahabang bangko na nasa isang mesang yari sa kahoy, may mantel ito at nakahapag ang iba't-ibang klase ng putahe.
Mayroong adobong kangkong, pritong galunggong, pritong hotdog at tuyong dilis na pinaresan ng sukang may sili.
"Wow, ang dami yatang hinanda po ninyo?" ani Flex.
"Naku, maupo ka na dong, three fifty lang naman lahat ng iyan." Ani nito na ikinamilog ng mata ni Flex.
Tumingin siya kay Natasha na napapangiti na lang, hindi pa rin kasi nagbabago ang tiyahin niya, may price tag pa rin ang lahat ng bagay-bagay para sa kaniya. Ang galing nitong mag-kwenta ng kahit ano.
"Kain na," ngisi pa ni Mamu Delia sa kanila. Napagpasyahan nila Flex at Natasha na magkamay na lamang sa pagsubo ng pagkain. Gan'on rin si Levi na tinuturuan nila kung paano ang tamang pagka-kamay.
"Naku, ang saya ninyong tingnan, bagay na bagay kayo." Ani t'yong Totoy.
"Salamat ho," ani Natasha na kumakain pa rin.
"Bagay na bagay talaga sila kasi, pareho silang maganda at gwapo," puri ni Levi sa ina at kay Flex.
"Aba'y ang bibo pala ere," ani mamu Delia.
Bumungis-ngis si Levi sa matanda.
"Naku, Natasha, nararamdaman kong sa nalalapit na pagbibinata nito, kako'y maraming babaeng mahuhulog ang panty dahil sa kagwapuhan ng anak mong 'yan," saad pa nito na tinuro pa si Levi. Ngumiti si Levi.
"Bakit po mahuhulog?"
Mas lalong namuo ang tawanan sa hapag.
"Hay, naku hijo, malalaman mo rin iyan, soon!" tawa pa ni mamu Delia na pinipigilang bumunghalit ng tawa sa paslit.
"Aba'y may balita akong may issue ang kompanya n'yo, Anastacia, totoo ba 'yon?" nagseryoso ang boses ni t'yong Totoy.
Tumango lang si Natasha at halatang apektado. "Gan'on ba, o sya, pwede naman kayo rito, mas mabuti ngang dito na lang kayo, e simula't sapol kahit napalago mo na 'yong kompanyang 'yon, binabatikos ka pa rin nila, 'di ba?" anang matanda na parang alam ang puno't dulo ng issue.
"Ay true, kaya nga hindi kami naniniwala sa mga issue na iyan, pakana lang 'yan ng mga kapatid ng asawa mo," ani mamu Delia na nginunguya ang kanin.
"Siguro po'y huwag na natin 'yang pag-usapan," ani Flex na parang nakikiramdam sa pagiging tahimik ni Natasha.
Naramdaman naman ng mag-asawa ang ibig nitong sabihin kaya minabuti nilang ibahin ang usapan.
"Nga pala, dong, marunong ka bang magbasketball?" anang t'yong Totoy.
"Oho, bakit ho?"
"Naku, tamang-tama, may liga mamaya sa gym, ire-rekomenda kita sa kumpare ko, na-baldado kasi ang isang kasamahan namin, malapit pa naman ang pyesta, tama!" ani nito na parang desididong i-import si Flex.
"Wow, sali po ako!" hands up pa ni Levi na mas ikinatawa lang nila.
"Naku, sa susunod na lang kapag tuli ka na, okey?" saad ni t'yong na noo'y ginulo lang ang buhok ng paslit.
Ngumuso ito at sinipat ang mukha ng kaniyang ina. "Mommy, kailan po ako magpapatuli?"
"Ahm..kailan mo ba gusto?"
"Ngayon po," nakangusong saad ni Levi.
"Hala, hijo, sigurado ka ba riyan, alam mo ba kung ano ang tinatawag na tuli?" sabat pa ni mamu Delia.
Umiling ang paslit.
"Ano po ba 'yon?"
Ngumiti si Flex at dahan-dahang binulong sa taenga nito ang ibig sabihin n'on.
Biglang napa-awang ng bibig si Levi at halatang nagulat.
"O? Magpapatuli ka na ba...ngayon?" tudyo pa ni t'yong Totoy.
"Oh..ano po kasi, hindi..pa..po ako..handa. I'm scared!" ani ni Levi na sumiksik sa kili-kili ni Flex. Natatawa nilang pinagmasdan ang mukha nito na halatang ninerbyos.
"Oh, nabusog ba kayo? Gusto n'yo ng coke? Tag-forty five lang naman," ani mamu Delia na nakangiti kay Natasha.
"Bawal po ang softdrinks sa akin," ani Levi na sumatsat sa gilid. Pinapapak pa rin nito ang mga daliri na may kaning dumidikit dahil sa pagkakamay.
"Nestea? bente lang.." ani pa nito.
Umiling si Levi.
"Eight o'clock?" Umiling pa rin ito.
"Tang? Milo? Bear brand?"
"Tubig na lang ho," ani Levi na naglagay ng tubig sa baso mula sa pitsel. Bumuhakhak ng tawa si t'yong Totoy sabay tumayo.
"Ayan, may katumbas ka na rin sa pagiging kuripot, Delia, pareho kayo ni Levi o, baka nagmana 'yan sa'yo." Ani nito na ikinanguso lang ni Levi.
Sinisipat kasi nito ang mukha ng ginang.
"Hindi po ako nagmana kay lola, bungal po siya, ako hindi." Katarungan pa ni Levi na mas ikinatawa lang nila.
"Halika nga rito at kukurutin ko 'yang patoytoy mo!" tawag pa ni mamu Delia na nakakapalagayang loob ang paslit. Kumaripas naman ng takbo sa kung saan si Levi.
Matapos ang kainan ay tulong-tulong sila Flex at Natasha na maghugas ng plato sa kusina habang asa labas sina t'yong Totoy na tinuturuan ng basketball si Levi. Si mamu Delia naman ay abala sa computer shop sa kabila dahil may mga customer na itong mag-do-Dota.
"Masaya pala ang pamilya mo ano, kahit medyo..lantaran sila." Ani Flex kay Natasha.
Ngumiti si Natasha.
"Mabait sina t'yong at t'yang, ganiyan lang talaga sila dahil ito na ang nakasanayan nilang pamumuhay."
"Sa kanila ka ba lumaki?"
Tumango si Natasha.
"Nasaan na ang mga anak nila?" tanong ni Flex na medyo na-curious sa family set up nila t'yong at t'yang Delia niya.
Humugot siya ng malalim na hininga habang abala pa rin sa pagsasabon ng mga plato.
"Tatlo silang magkakapatid, si nanay ang panganay, pangalawa si t'yang Delia at pangatlo ang bunso nilang babae kaso lumayas raw ito at bali-balitang nag-abroad ito noon sa ibang bansa, nangatulong umano."
"Ah gan'on ba."
"Oo, tapos si inay ang naunang nag-asawa sa kanila, ang tatay ko raw, isang kano, parokyano ng club na negosyo nila noon. Nabuntis lang si mama tapos hindi na raw nagpakita ang papa ko, sabi nila namatay na raw, sundalo kasi raw 'yon."
"Ah, tapos bakit namatay ang nanay mo?"
"Namatay siya nang maisilang ako." Malungkot na saad ni Natasha.
"May kapatid ka ba?"
"Hindi ko alam, hindi ko na rin natanong kay mamu, ayoko nang alamin."
"Bakit hindi mo tanungin?" Ani Flex.
"Para saan pa?"
"Para malaman mo kung may kapatid kang pwede nong lapitan, gaya ko, malapit ako kina Flair at nagtutulungan kaming tatlo."
Bumuntung-hininga si Natasha bago pa hinayaang magpatuloy sa pagbabanlaw ng mga platong hinuhugasan nila.
"Fine, i know I have sisters, pero ayoko na silang gambalain."
"What? Nasaan na sila ngayon?" Anang Flex kay Natasha.
"Nalaman ko na lang sa mga kaibigan ni mama noon, may dalawa akong kapatid na babae pero pinaampon niya dahil naghihikaos kami noon. I've search them, at nalaman kong nasa Davao ang isa, Hezekia ang pangalan. Iyong isa naman si Hilaria nasa Sta. Carmona, Cavite. Isa na siyang guro." Ani niya na halatang proud sa mga kapatid.
"Bakit hindi mo puntahan? Magpakilala ka, kausapin mo sila," ani Flex na gustong magkaroon si Natasha ng tyansa sa pakikipag-communicate sa mga kapatid nito. Ngunit, mapait na ngumiti si Natasha at umiling. "No, ayokong guluhin ang mga buhay nila, masaya na ako na malaman na buhay sila at nasaan sila ngayon."
Pilit na ring napangiti si Flex sa sinabi ni Natasha. "Okey."
"So, about kay mamu Delia mo? Anong story nila t'yong mo?" Bumalik ang pag-aliwalas ni Natasha at nagsalita.
"Driver ng tricycle si t'yong noon, tapos nag-sideline na maging macho dancer sa club nila mamu Delia, kaya ayon, nagka-inlaban sila tapos nagkaroon sila ng isang anak."
"Oh, may anak pala sila, nasaan na?"
Lumungkot ang mukha ni Natasha.
"Nadisgrasya noon, namatay. Sayang nga 'yong pinsan Kong 'yon, gwapo pa naman sana." Ani Natasha na humarap sa mukha ni Flex.
"Tapos?"
"Namatay dahil nahulog sa building, pintor kasi 'yon ng mga gusali. Alam mo bang doon ko kinuha ang pangalan ni Levi? Malapit kasi ako kay Levin, mga apat na taon itong patay ngayon," dagdag pa ni Natasha na ikinatango-tango lang ni Flex.
"Kaya siguro, madali nilang nakapalagayang loob si Levi," ani nito na halatang natutuwa sa pagsisiwalat ni Natasha.
"Ikaw ba, ikwento mo naman ang pamilya mo," ani Natasha kay Flex.
"Sus, alam mo naman na 'di ba? Si Fiona, ako, si Flair at si Luntian." Saad pa ni Flex na halatang ayaw ipaalam ang katotohanan sa pagitan nila ni Flair na isa palang anak sa ibang babae ng kaniyang ama.
Tumango si Natasha. "Ay tama nga, I almost forgot." Ani nito na ngumiti pa.
"Sayang nga at hindi namin nakilala ang bunso nila mama, ni isang picture nga niya ay wala, sabi kasi ni mamu Delia, n'ong naglayas daw ito, dinala lahat ang mga picture niya, walang tinirang bakas na pwede nila itong mahagilap at mahanap.
"Ano bang pangalan ng tiya mong 'yon?"
"Umm..magkatunog 'yon sa pangalan ni mama eh, teka ano nga 'yon, I guess it's Letecia, kasi si mama ay Czarina, si t'yang ay si Delia, oo tama, Letecia 'yong pangalan ng kapatid nila." Pagtatama pa ni Natasha.
Tumango lang si Flex na noo'y tinapos na ang pagta-trapo sa mga plato at gayundin si Natasha na nagtrapo na ng kamay.
"Tara, puntahan na natin sila Levi."
"Saglit lang," pigil ni Flex sa ginang na nagnakaw ng halik sa kaniyang labi.
"Pang-goodluck mamaya sa try out."
Ani nito sa ginang kasunod ng kaniyang pagkindat.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
Roman d'amourWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)