Chapter 17

362 15 0
                                        

  NAMULAT si Natasha sa oras na iyon, medyo tirik na ang araw nang mabungaran ang kahubaran sa rooftop. Kasama niya si Flex na gaya niya'y nakahubo't-hubad din. "God gracious," litanya niya na agad bumalikwas sa pagkakahiga sa isang sulok, niyugyog niya si Flex na nakahiga sa tabi niya.
 
  "Pst, Flex, gumising ka! Oh my god!" yugyog pa niya sa binata.
 
  "Hmm..ugh, what's wrong," sambit ni Flex na agad namang napabangon.
 
  "It's morning!"
 
  "O?"
 
  "Anong o? Let me remind you that we're here in the rooftop, sa rooftop ng building where we work, baka makita nila tayo!" Sa sinabi ni Natasha ay parang kulog iyon sa taenga ni Flex.
 
  "Damn! I forgot!" ani nito na agad nagsaplot at inalalayan si Natasha na maisuot ang damit din nito. Parang mga nagsipulasang pusa ang dalawa na aligagang lumabas sa exit door going to the elevator. They we're out of clue of what the button they pressed, ang importante ay makababa sila sa building. Sinusuklay ni Natasha ang buhok gamit ang sariling kamay, medyo buhaghag iyon, si Flex naman ay todo hilamos sa sariling mukha ng kaniyang palad. He is wearing his dirt shirt while his pants is totally dirty, ikaw ba naman makipagdumog sa isang pusang ayaw paawat!
 
  Tiningnan niya si Natasha na halatang hindi naisarado ang zipper ng suot na satin-dress. "You're mess," litanya pa ni Natasha nang mahuli niyang sinisipat siya ni Flex.
 
  "Do I? Eh ikaw nga parang hahabulin ng suklay, tingnan mo nga ang ayos mo, para kang dinumog ng aso."
 
  "Asong ulol!" pagmiminaldita pa ni Natasha kay Flex. Sa sinabi nito'y lihim na natawa si Flex. As if naman na hindi siya na-satisfy sa hotdog ng asong kagaya niya.
 
  "Okey, let's don't argue."
 
  "Eh nakakairita ka eh, don't you remember..I am your boss!" magsasalita pa sana si Flex sa sinabi ni Natasha pero tila nabuhusan sila ng malamig na tubig nang mapansin ang mga matang nakamasid sa kanila. Bumukas ang elevator sa mismong opisina ng staffs nila. Naka-tutok ang paningin ng karamihan sa kanila that time, knowing that their outfits are ruined, dirty and not suitable sa lugar na 'yon.
 
  "Good morning," ani Flex na patay malisyang nag-wave ng kaliwang palad. Napahawak naman sa sariling mukha si Natasha na parang nahihiya sa aktwal na hitsura.
 
  "Good morning," halos mag-chorus ang boses ng mga empleyado na halatang nakatingin sa dalawang nasa elevator. Mariing pinindot ni Natasha ang close button at doo'y agad naman itong sumara.
 
  "Oh my god! Nakakahiya!!" litanya pa ni Natasha na noo'y ginulo ang mahabang buhok. Natatawa naman si Flex sa amo dahil sa inaasal nito.
 
  "Hey, relax lang. Hindi naman nila alam na.."
 
  "Stop it! You, kapag hindi ka tumigil.." nakaturo ang kamay nito kay Flex.
 
  "Ano?"
 
  Naningkit ang mata ni Natasha habang gigil na pinipigilan ang sariling hindi makabitaw ng salita. She see how Flex tempt her to do such an arrogant smile. Animo'y tinutudyo nito ang pagmiminaldita niya.
 
  Nang maramdamang bumukas na ang elevator ay agad siyang nagmartsa sa sasakyan. Nakasunod naman si Flex dito na halatang nasisiyahan, nasa kaniya kasi ang susi, kaya alam niyang hindi nito mabubuksan iyon. Nang makita niyang aktong binubuksan na ni Natasha ang pintuan ay napahalakhak siya. Tanaw pa nito ang pagtingin nito sa gawi niya na tila naiinis.
 
  "Hey you! What are you laughing at?"
 
  "Nothing."
 
  "Hey halika dito! I want my keys."
  Marahang sinunod naman ni Flex ang sinabi nito at pinuntahan ang distansya niya. Agad nitong dinampian ang labi ni Natasha na ikinagulat at sinimangutan naman nito.
 
  "What the fuck are you doing?"
 
  "Giving you, your kiss." Tudyo pa ni Flex sa kasama. Halatang bumulusok ang mukha nito sa pagkapula. He know that she's now flattered.
 
  "Kiss me again or else.." banta ni Natasha.
 
  "Or what?"
 
  Gigil na kinagat ni Natasha ang ibabang labi na halatang inis ngunit nasisiyahan sa ginawa ni Flex. Shit! bakit napakarupok ko! I hate myself!
 
  "Please I want to change my dress..." mahinang usal ni Natasha na ikinangiti naman ng binata.
 
  "Even you're not wearing something, you're gorgeous...believe me."
 
  "Stop it!"
 
  "I'm saying the truth."
 
  "Enough." She tempt not to smile but she failed. Bwesit ka talaga Flex! Bakit palagi mo na lang akong tinutudyo! Alam mo namang ang rupok-rupok ko sa'yo, argh!
  She's screaming on her head.
 
  "I have an idea." Ani Flex na ikinakunot ng noo ni Natasha.
 
  "What?"
 
  "Let's go," ani Flex na tinahak ang ibang daan sa parking lot. Nakakunot lamang ang noo ni Natasha sa mga oras na iyon habang nakabuntot sa binata. Hanggang mapunta sila sa isang corner ng parking space, tanaw niya ang motorsiklong nakaparada roon.
 
  "What are we doing here?" walang ideyang tanong ni Natasha.
 
  Hindi naman umimik si Flex na may kinuhang motor. May hinagis pa siyang helmet habang nakangisi.
  "Take, isuot mo iyan," ngiti pa ng binata.
 
  "What? Diyan tayo sasakay?" protesta ni Natasha.
 
  "Yes," tipid na sagot ng binata.
 
  "Oh no no no! I will not take risk my life in that vehicle! I will not!" pagmiminaldita pa nito na nagkibit-balikat pa.
 
  "Hindi ka ba aangkas o iiwanan kita rito na nakaganiyan lang?" banta pa ni Flex na tinuro ang suot niya.
 
  "Arggghhh! You're unbelievable!" impit na sambit ni Natasha sa binata na parang natalo sa isang laro. Padabog itong pumunta sa motor na iyon at umangkas sa likod nito. Naka-nguso lang ito na halatang pikon kay Flex.
 
  "Humawak ka." Baritonong saad ni Flex sa Natasha.
 
  "I am," she answered.
 
  "Tightly.."
 
  Ramdam ng binata ang malakas na pagbuntung-hininga nito sa likod niya. Agad na nilingkis ni Natasha ang sarili sa beywang ni Flex. Sinisiguradong nasunod ang sinabi nitong higpit.
 
  "Good girl."
 
  "I'm am not, I am your boss!" mariing saad ni Natasha.
 
  "Oh, okey. Good boss," tudyo pa nito saka pa pinasuot ang helmet nito. Walang nagawa si Natasha kundi umakto ayon sa sinasabi ni Flex. She feel defeated, and no one can do that to her....just this guy!
 
  Nang maka-andar na sila'y pansin ni Natasha ang mabilis na takbo nila, mas hinigpitan niya ang pagyakap na ikinatuwa naman ni Flex. Lihim na sumilay sa labi ni Flex ang ngiti habang nakayakap sa kaniya si Natasha.
 
  He's wise to do it for a purpose.
 
  "Wait, hindi naman ito ang daan papunta sa amin ah?" reklamo pa ni Natasha.
 
  "Yes, alam ko," ani Flex.
 
  "Wait, saan mo ba ako dadalhin?" ani Flex na halatang nasisiyahan sa boses ni Natasha. Nasa taenga kasi niya ang bibig nito na halatang pinupukol nito, nakasuot kasi sila ng helmet.
 
  "We're going to my place."
 
  "What?" she excalimed.
 
  "Doon na tayo mag-agahan, para makilala mo naman ang pamilya ko..."
 
  "Oh my god! You're unbelievable, ipapakilala mo ako sa pamilya mo, wearing this clothes, oh god!" Ani Natasha na halatang hindi maka-react dahil sa mabilis na takbo ng motor. Puro impit, tili, kurot ang ginagawa niya sa tagiliran ng binata. Flex on his side was amazingly happy of what Natasha's doing. Nasisiyahan siyang tudyuin ito, para kasing bata ito kapag nagagalit, ang sarap suyuin pabalik.
 
  Nang malapit na sila sa Pasig ay lumiko sila sa isang eskinita roon. Nadaanan nila ang isang makipot na daan na tanaw ang mga mata ng mga tambay, mga babaeng nasa labas ng kanto at mga matang tila surveillance camera sa kanila.
 
  "Pasensya ka na, hayaan mo na lang 'yan sila, normal lang 'yan dito." Ani Flex sa ginang.
 
  "I know," ani Natasha na kinalma lang ang sarili.
 
  Nang marating nila ang isang maliit na barong-barong ay agad na pinark ni Flex ang motor at inalalayan siyang makababa.
 
  "Tara," saad ng binata na nakangiti sa kaniya. Tumalima naman si Natasha at pinaunlakan ang kamay ni Flex. Sabay nilang tinungo ang bukana ng bahay at doo'y dumungaw ang mukha ng isang matandang babae. Si nanay Dorang.
 
  "Oh hijo, nariyan ka na pala.." natigil ito nang makita si Natasha.
 
  "Magandang umaga ho." She politely greeted to that old woman. Tantiya niya'y nasa edad syetenta na ito o higit pa.
 
  "Oh, hijo. May kasama ka pala.."
 
  "Opo, siya nga pala 'nay..si Natasha po.."
 
  "Kasintahan mo ba?"
 
  Nanlaki ang mata ni Flex at Natasha sa sinabi ng matanda. They we're not prepared on what may be the impression of the old couple.
 
  May dumungaw na ulo naman sa may bintana, isang matandang lalaki iyon.
  "Oy, hijo, maganda ang napili mo." Dugtong naman ni tatay Berto.
 
  "Shhh, halika nga, huwag kang nang-aano riyan!" saway naman ni nanay Dorang na kwenelyohan ang asawa. Impit na napangiti si Flex at Natasha sa nasaksihan.
 
  "Hello po."
 
  "Ay nono sa punso!" gulat na litanya ni Natasha sa batang nagsalita sa harapan nila. Kasing-edad lang yata nito ang anak niya.
 
  "Hello.." bati niya pabalik dito.
 
  "Ikaw po ba ang jowa ni kuya?" sa sinabing iyon ay agad na hinapit ni Flex ang bibig nito at pinapasok sa looban.
 
  Pigil-tawa si Natasha sa oras na iyon, nakakatuwa ang pamilya ni Flex! Kaya naman pala loko-loko ang gago, kasi ang saya-saya pala ng pamilya nito!
 
  Agad na pumanhik si Natasha sa loob at pinaunlakan ang pamilya ni Flex. Hindi niya alam kung ano ang pinasok niya, pero sa oras na iyon, alam niyang hindi siya dapat magkaila sa mga ito ramdam niyang hindi ito gaya ng iniisip niya.
 
  Iba ang ramdam niya sa kanila, they are the people who don't see her as a boss, but a simple woman who is wearing a satin dress and a flip flops.
 
  ...itutuloy.
 

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon