IT'S NOW eleven o'clock in the evening, nakatulog na si Natasha kaya agad na pumanaog si Flex sa sala at doon nakita ang abalang sina mamu Delia, Hezekiah at Hilaria, nagdidikit ito ng mga lobo sa dingding, nag-gugupit din si Hezekiah ng mga adorno para bukas.
Bukas kasi nila susurpresahin si Natasha para sa kaniyang bridal shower, kahit pa sa pagkakataong iyon ay ilakasal ito sa ikalawang beses. Gusto nilang maging memorable ang araw na iyon, kaya they group theirselves to create one idea. Gusto nilang pasayahin ito lalo pa't maraming unos ang pinagdaanan nila sa mga nakaraang sandali.
"How's everything?" bungad niya sa mga kababaihan.
"Hinihintay na lang namin ang mga bulaklak.." sabi pa ni Hilaria.
"Ah, okey don't worry, si nanay Dorang ang nakatoka doon," ani Flex. Nasa mansion sila ni Natasha, kaya mas makakagalaw sila ng malaya dahil malawak ang tahanan nito. Naroroon din sina mamu Delia at t'yong totoy pansamantala since malapit na ang kasal nila. Mas mabuting sama-sama silang lahat.
"Nasaan sina t'yong, mamu?" tanong ni Flex sa ginang.
"Nandoon sa labas, naglalagay ng mga lamesa sa hardin, kasama sina tatay Berto." Sagot naman ni mamu Delia.
"Ahh, sige po. Lalabas muna ako." Paalam niya saka pa lumabas.
Nang makalabas siya ay agad niyang nakita ang paglalapag ng mga ginoo sa mga bilog na lamesa. Nilagyan pa nito ng mga puti at pulang tela bilang mantel.
"Tulungan ko na ho kayo," saad pa niya sa mga ito, agad niyang binuhat ang ibang lamesa at nilagyan ng mga upuan. Halos nasa trenta ang lamesang nalatag nila, gan'on kalawak ang hardin nila Natasha, kaya doon na rin nila naisipang pagdaosan ng bridal shower.
Inembitahan ni Flex ang lahat ng mga empleyado ng H Modelling Company, darating din sina Fiona at Flair, pupunta rin ang mama niya na si Francesca at ang tita Letecia nila ni Natasha. Isa rin kasi ito sa surpresa niya sa magkakapatid. Ang makita ang bunsong kapatid ng kanilang ina.
Mayamaya ay biglang may tumawag sa kaniyang telepono, agad niya itong kinuha at sinagot.
It's from unknown number.
"Hello?" bungad niya.
"Hello, si Donatela 'to," ani ng nasa kabilang linya.
"O hello, Dona, bakit napatawag ka?"
"May gustong kumausap sa'yo,"
"Sino?" pumagitna ang katahimikan.
"H-hello, bro." Saad ng boses na kilala niya. It's Gideon.
"G-gido?" Nag-aalangan ang boses niya.
"Bro, I just wanna tell you..good luck! I'm happy for the both of you. Masaya ako sa inyong dalawa ni Natasha." Boses nito na tila masaya sa kanila.
"Salamat, bro." He responded. Thinking what he can say about their bonds together, ang pinagsamahan nila sa matagal na panahon.
"Sorry, patawarin mo ako, Flex. Sana mapatawad mo ako." Rinig pa niya kay Gido sa kabilang linya.
"Pina..pinatawad na kita," he replied while smiling. Alam niyang mas makabubuti na patawarin nila ang isa't-isa. Alam nilang pareho lang silang may kasalanan, at iyon ay ang magmahal.
"Masaya akong napatawad mo na ako, I hope that from this moment, I will find someone who can love me, gaya ng pagmamahal mo kay Natasha."
"Makikita mo rin ang babaeng para sa'yo, tumingin ka lang sa paligid mo, baka kasama mo lang pala." Saad pa ni Flex kay Gido.
Narinig niyang humalakhak ito. Hindi man niya ito nakikita ay naaaninag nito ang masayang mukha na kinagisnan niya sa kaibigan.
"I'm too fool to be in-love in this girl beside me, amazona yata to, baka ma-shoot to kill pa ako." Biro pa ni Gido na ang sinasabi ay si Dona.
Narinig naman ni Flex ang pagmumura ni Dona sa kabilang linya, parang nakikipagsundutan pa yata kay Gido. Masayang natapos ang usapan nila saka pa siya bumalik sa pagtulong kina t'yong Totoy.
Kinabukasan.
Marahang bumalikwas si Natasha nang mapansin ang kung sinong anyo sa kaniyang harapan.
"Mommy! Mommy! Mommy! Wake up!" saad pa ni Levi sa kaniya. Nandoon din si Luntian na nakikibulabog.
"Nasaan ang kuya daddy ninyo?"
"Tara...dali po! Bumaba po tayo! May ipapakita po kami, sa baba po." Ani Luntian na halatang excited na excited.
Kunot-noong bumalikwas si Natasha saka pa nag-ayos ng buhok. Sinuot niya ang kaniyang sapin sa paa at hatak-hatak siya ngayon ng dalawang bulinggit.
Nang makababa sa hagdanan ay napaawang ang bibig niya nang makit ang mga palamuti roon. Punong-puno ito ng mga bulaklak, mga ballons, mga decors sa wall at isang upuan na nasa gitna na parang sa kaniya dapat. Nilinga pa niya ang labasan na mas ikinamilog ng kaniyang mata. Nandoon kasi ang mga lamesa at mga upuan na sinadyang lagyan ng puti at pulang tela habang nilagyan ng mga vases at bulaklak sa gitna.
"Napakaganda..." bulalas pa niya sa nakikita.
"Nasaan si kuya daddy ninyo?" muli niyang tanong sa mga paslit, ngunit paglingon niya sa likuran niya'y naroroon na si Flex, dala ang isang bouquet ng red roses.
"Roses are red, sky is blue, just my love for you, I know it's true.." sabi pa nito na naglagay ng ngiti sa labi niya.
"Ang corny mo!" saad pa niya sabay hampas sa balikat nito.
Ngumuso si Flex saka pa nagkamot ng batok. "Mine-morize ko kaya 'yon, si Levi ang nagturo sa'kin n'on ah." Saad pa niya kay Natasha.
"Iyan ko sa'yo, ang dami mong exhibition," kinalawit niya ang kamay sa braso ni Flex. Nilapat niya ang kaniyang ulo sa balikat nito.
"Ito ba ang surpresa mo?"
"Yup, our surprise for you."
"Ano ba kasi ang mayroon?"
"It's your bridal shower.." sabi pa ni Flex na hinarap ang mata ni Natasha.
"You deserve this event, lalo pa't magiging mama ka na ulit, you deserve happiness..at iyon din ang magiging kasiyahan ko, ang makita kang masaya." He cupped her face, staring each others eyes.
"Ooooyyyy...ang sweet nila." Narinig mula sa kung saan, sina Hilaria at Hezekiah iyon, nakasuot sila ng apron, na parang galing sa kusina.
"Oh, anong ginagawa n'yo?" pasubali ni Natasha, para pagtakpan ang kilig na nararamdaman.
"Nag-bake kami sa kusina, tinulungan namin sina mamu Delia at nanay Dorang." Saad pa ni Hilaria.
"Oo, sis! Ang galing palang magluto ni Hilaria! Bilib na bilib ako, ang sarap!" puri pa ni Hezekiah sa kakambal.
"Ikaw ba, Hezekiah?"
Umismid ito saka pa nagkibit-balikat.
"Ay duh! Naghiwa lang ako ng mga ingredients, baka malagyan ko pa ng sabaw ang bine-bake nila. Lutong pamprobinsya lang naman ang alam ko," ani nito saka pa tumawa.
Natawa na rin sila sa sinabi nito na halatang aminado na hindi marunong mag-bake.
Tumuloy sila sa kusina at nakitim sa mga niluto ng kaniyang pamilya. Maraming putahe ang nandoon, maraming mga nakalatag sa lamesa, naroroon din ang mga kasambahay nila na nagluluto at naghihiwa, ang iba naman ay abala sa pagtatapos ng decoration sa labas.
Sumapit ang hapon, at nagsidatingan na ang mga iilang bisita nila. Nauna sina ginang Francesca na ina ni Flex. Kasama rin nito sina Fiona at Flair na nakilala na ni Natasha, may kasama rin itong ginang na pinakilala sa kanila.
Ito ang kanilang tiyahin, ang bunso nila mamu Delia, si ginang Letecia, ang ina ni Gido. Naging emosyonal ang paghaharap nilang magtiyahin pero mas nangibabaw pa rin ang kasiyahan sa kanila.
"Ang gaganda ng mga pamangkin ko!" saad pa ng ginang na halatang masayang makita silang tatlo."
"Nagmana ho kaming tatlo sa kagandagan po ninyo, magaganda po kayo ni mamu Delia," ani Hezekiah na ikinatawa lang ng mga ginang.
Nagsidatingan na rin ang iilang staff nf H Modelling company, kaya minabuti nila Hezekiah at Hilaria na tulungan sa pag-aayos si Natasha.
Nasa kwarto na silang tatlo habang nasa harap ng salamin, nilagyan nila ng kolorete ang mukha ni Natasha, suot ni Natasha ngayon ang kaniyang long dress na kulay pula, hindi halata ang tiyan niya, halos hindi nga halatang buntis siya.
"O, tapos na. Teka lang, lalagyan ko pa ng spray ang buhok mo." Sabi pa ni Hezekiah sa kapatid.
Matapos makuha ang spray ay agad niya itong nilagay sa buhok ni Natasha.
"O, ayan..humana sis!" bernakular na bisaya nito na ibig sabihin ay tapos na.
Agad na tumayo si Natasha at tiningnan ang pigura sa salamin. Naunang umalis ang magkakambal para pagbuksan siya ng pinto. Nang makalabas siya'y nauna ang mga itong bumaba sa hagdanan. At nang pagbaba niya ay narinig niya ang musika sa kung saan, at ang masigabong palakpakan ng mga taong nandoon.
Nakita pa niya si Flex habang hawak ang mikropono. Inaawitan siya nito. Kasabay ng pagbaba niya ay ang pagtanggap nila Luntian at Levi sa kaniyang kamay na hinahatid siya papalapit kay Flex.
"You'll always be a part of me, and I'm part of you, and definately..girl, don't you know you can't escape me, oh darling, 'cause you'll always be my baby.." dinig pa niya kay Flex na naglahad ng kamay sa kaniya.
Halos bumuhos ang saya sa kaniyang puso, iniisip niya kung panaginip lang ba ang lahat ng ito. But, yes, she is not dreaming, she is widely awake. At ang tangi niyang nagawa ay ang tanggapin ang kamay nito. Kasabay ng pagtanggap sa panibagong pag-asa na kasama niya si Flex.
"Can I dance with my lovely future wife?" anas pa ni Flex habang nakangiti.
She just smile as she step her toes closer to him. Ang isang sayaw na hindi niya akalain na matatamo at her thirty-five years of age existing in this world, akala niya kasi panghabambuhay na lang siyang magsasayaw sa musikang nakasanayan niya noon, ang sayaw na kita ang kaluluwa niya. But it's different, ito ang kauna-unahang sayaw niya na may kasama siya, suot ang damit, suot ang pagmamahal, at ang pangako ng lalaking kasayaw niya.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
RomanceWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)