NAPAGPASYAHAN nila tatay Berto at nanay Dorang na umuwi muna sa probinsya nila para imbitahin ang mga iilang kamag-anak at kakilala ni Flex doon. Napag-isipan nilang isama ang dalawang paslit na sina Levi at Emerald para may oras sina Natasha at Levi na asikasuhin ang nalalapit nilang kasal.
"Bye, mommy. Bye, kuya..daddy!" saad pa ni Levi at Luntian sa papalayong sasakyan. Hinatid kasi sila ni Flex at Natasha sa barrio Cordova. Dederetso na rin kasi sila sa Davao pagkatapos nila doon. Nasa biyahe sila Flex at Natasha pauwi sa Manila para maghanda, habang nasa biyahe sila ay may nag-ring sa telepono ni Flex. Sinagot naman iyon ng binata habang hawak ang manibela sa kaliwang kamay.
"Hello?" bungad niya sa kabilang linya.
"Son, I'm here in the Philippines."
"Mom?"
Napalingon si Natasha sa binata. Halatang nagulat sa sinabi ni Flex.
"Yes, anak, I'm coming to see you, gusto ko lang makita at makausap ka, may importante akong sasabihin."
"What about, mom? You can tell me now."
"No, son. I want to tell it to you with Natasha."
"O, tama, andito naman siya kasama ko."
Kunot-noo naman si Natasha sa naririnig kay Flex.
"Just be here, I'll wait the two of you in my hotel. Nag-check in ako sa Marco polo, just call me later."
"Okey ma, bye." Pinatay na ni Flex ang tawag mula sa kaniyang ina.
"Ano raw?" curious na tanong ni Natasha.
"She's here in the country, gustong makipagkita." Buntung-hininga ni Flex.
"Why?"
"May gustong sabihin," nakatutok ang mata ni Flex sa daan. Malapit na sila kaya minabuti na niyang bilisan ang takbo ng kotse.
Ilang oras ang biyahe nila pauwi sa sentro ng kamaynilaan. Malas namang bumagsak ang malakas na buhos ng ulan kaya saktong narating nila ang hotel ay nagmamadali silang pumanhik paloob doon. Mabuti na lang at may mga staff na nag-assist sa kanila. Madali na rin nilang nakita ang ginang na si Francesca dahil nasa lobby ito sa baba, halatang hinihintay ang presensya nila.
"Hello, hijo. Hello..hija," bati pa ng ginang sa dalawang bagong dating. Mahigpit niyang niyakap si Flex at Natasha. Parang may mabigat sa loob ni Natasha na noo'y biglang kumawala, isang mahigpit na yakap lamang ang rason n'on, isang yakap mula sa ginang na halatang nagsisisi sa mga ginawa at nasabi niya noon.
"I'm sorry, hija." Saad ni Francesca kay Natasha.
"Okey lang po, huwag po kayong mag-alala." Boses niya na halatang nagsisisi. Nang maghiwalay sila sa pagyakap ay sumeryoso ang mukha ng ginang.
"May importante akong sasahihin sa inyo." Ani ginang Francesca.
"Let's go to my suite," dugtong pa nito na mas lalong ikinadagundong ng puso nila Flex at Natasha. Baka kung ano na naman ang sasabihin nito sa kanila. Agad namang tumalima sila papunta sa elevator at nang makapasok ay pinindot ng ginang ang nineth floor. Nang makapanhik doon ay napunta sila sa eleganteng kwarto kung saan namamalagi ang ginang.
"Come on in, halina kayo. May ipakikilala ako sa inyo," ani Francesca na may kung sinong tinawag sa loob. Hawak-kamay na lumapit sina Flex at Natasha. Dahang-dahang pumunta sa bandang iyon. May nakatayong matandang babae.
Unti-unti itong lumingon sa kanila.
"Natasha, siya si Letecia ang nawawalang kapatid ng mama mo, siya ang tiya mo." Pakilala pa ni ginang Francesca.
Dahan-dahang lumapit ito sa kinatatayuan niya at masuyong hinawakan ang kaniyang mukha.
"Ikaw ba ang anak ng kapatid ko? Ikaw ba si Anastacia?"
"Opo, ako po." Aniya na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita, isa-isang nagsilabasan ang mga mahal niya sa buhay, ang mga taong nawala sa kanila sa matagal na panahon.
"You're Natasha's fiancee?" Baling pa ng ginang sa mukha ni Flex.
Muling nagsalita si ginang Francesca at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Flex at Natasha. Nalilito man, ay nanatili silang kalmado habang inuusisa ang katotohanan.
"Nandito ako ngayon, para ipaalam sa inyo ang isang kamaliang nagawa ko noon, may kinalaman ako sa pagbagsak ng kompanya mo, Natasha. May binayaran akong tao para hanapin ka, para makilala ka at para gawin ang mga pakay na akala ko ay tama."
"What are you trying to say, mom?" si Flex.
"Binayaran ko si Gideon para mahanap ka Natasha, binayaran ko siya para mapalapit siya sa'yo, para maisagawa ko ang paghihigante ko...namumuhi ako sa'yo noon dahil..inakala kong anak ka ng babaeng kumabit sa asawa ko." Nanlambot ang tuhod ni Natasha sa narinig. Hindi niya akalain ang naririnig ngayon.
"Ibig...bang..sabihin..may ugnayan ang asawa ninyo sa pamilya ko?" ani ni Natasha sa ginang.
Naiiyak na tumango si Francesca. Hawak-hawak nito ang kamay niya at konektado ito sa isang kamay ni Flex na noo'y dumilim ang mukha.
"I don't believe you, mama. Ano bang pinagsasabi mo? Ito ba ang plano mo para paghiwalayin kami ni Natasha ha?"
Mariing saad ni Flex sa ina.
"I'm telling the truth, son, kaya nga ako naririto para sabihing nalaman ko na ang katotohanan. Hindi si Natasha ang kapatid mo sa ama, kundi ang anak ni Letecia. And in connection of that, narito si Letecia para maging saksi sa naging pagmamahalan nila ng yumao mong ama..pinatawad ko na siya, tanggap ko na ang lahat pero may problema.."
"Totoo iyan, naririto rin ako para liwanagin ang pagkakamali ko noon, umibig ako sa ama mo, Flex..at dahil d'on, nabuo si Gideon ang anak ko..ang kapatid mo sa ama. Ang taong sumisira sa'yo..sa inyo ngayon."
"What?" bulalas ni Flex sa ginang. Pati si Natasha ay nabigla sa narinig. Hindi niya akalaing pinsan niya si Gido!
"Ang ibig po bang sabihin, magpinsan si Natasha at Gido?" tanong pa ni Flex na halatang nagulantang sa mga sekreto ng mama niya.
Tumango si Letecia at Francesca. Napahagulhol naman si Natasha sa nalaman. Kinunsumo niya si Gideon, na siyang pinsan pala niya. Hindi niya akalain na sinira niya ang buhay nito. Ginamit niya ito at inubos, kaya siguro'y tama lang ang mga pasakit niya ngayon, tama lang na gantihan siya ni Gido. Tahimik siyang umiyak habang naupo sa upuan. Inalo naman siya ni Flex.
"A-alam niya po ba ang katotohanan?"
Ani ni Natasha sa mga ginang.
"Hindi, hindi niya alam, kaya tulungan n'yo kaming madakip siya, baka may gawin siyang masama sa inyo, sa mismong kapatid at pinsan niya. Hindi niya alam ang katotohanan.." ani ginang Francesca na halatang guilty sa ginawa.
"Ako ang dapat sisihin nito, ako ang ganid sa lahat, ginamit ko siya, inubos...at sinaktan." Naghihistirikal na saad ni Natasha sa sarili.
"Shhh, please calm down, huwag mong parusahan ang sarili mo, hindi niyo alam ang katotohanan. May kasalanan din kami, hija." Ani ni ginang Letecia sa pamangkin.
"We need to find him!" Si Flex na noo'y may tinawagan.
***
Sa kabilang banda.
Nasa isang liblib na bayan ng Sto. Tomas, nagtatago si Gido, dito muna siya namamalagi sa isang kakilala niya noon sa London. Mabuti at nakontak niya ito at agad naman siyang tinulungan, matapos ang insidente sa pagkuha niya kay Emerald, gusto niyang pag-akusa ng isang plano laban kay Flex.
At ngayon niya ito isasagawa sa pamamagitan ng isang tawag. Tatawagin niya si Natasha para sabihing anak nito si Emerald, ang isang detalye na akala niya'y totoo.
Nakaupo siya habang hawak ang isang diyaryo, nakasaad doon ang petsa ng kasal nila ni Natasha, naka-public trending ito sa media kaya naiiling siya ngayon habang nagbabasa. Inilapag niya ang diyaryo at siniksik sa isang ashtray ang sigarilyong hinihithit niya.
"Magsaya kayo ngayon, mga hayop kayo, tingnan lang natin...nasa akin pa rin ang huling halakhak. Tandaan n'yo 'yan!" ani nito habang kausap ang diyaryong nilapag niya.
Dahan-dahan niyang kinuha ang isang telepono at nagtipa ng numero. Alam niyang sasagutin ito ng taong iyon.
"Hello, Donatela." Bungad niya sa babae sa kabilang linya.
"O, sino to?" Walang kamuwang-muwang na tanong ni Donatela.
"Maginig ka, kung hindi, papatayin kita!" pagbabanta pa niya.
"S-sino to? Sino ka? Hello? Sino to?" halatang nagtataka at takot na boses ng dalaga.
"Kung ayaw mong mamatay, gawin mo ang sinasabi ko."
"And who the hell are you! Huwag mo akong takutin, heler, lumang gimik na 'to!"
"677 Dorothy Road, Quezon City, black gate at kulay pink na condo, room 8B." Saad nito na ikinatahimik ni Donatela.
"Bakit mo alam ang address ko?"
"Dahil kilala kita!" tumawa pa ito para mas lalong kapani-paniwala.
"Kung.. joke lang 'to, please naman oh, napaniwala mo na ako, pero huwag mo akong matakot-takot dahil obviously ligwak ganern ka doy!" Nainis si Gido sa narinig.
Bumuntung-hininga siya. "Okey, fine. It's Gideon, and try to listen to me now, kung gusto mong sisikatan ka pa bukas." Ani nito na ikinaseryoso ni Donatela. Laganap na kasi sa news at kapulisan ang ginawa nito tungkol kay Emerald.
"Hayop ka, don't test me, and I will tell madam Natasha!"
"Go on, iyon nga ang gusto kong pabor sa'yo eh, sabihin mo 'to sa madam mo...makinig ka."
"What?"
"Sabihin mong, niloloko lang siya ng lalaking mahal niya, sabihin mong may anak na si Flex, at iyon ay si Luntian. Kapag hindi mo 'to sinabi sa kaniya, I'll better watch out, dahil ikaw ang ha-huntingin ko, maliwanag?" banta pa ni Gido kay Donatela.
"F-fine." Ani Donatela na agad binaba ang phone. Buo ang loob niya sa gagawin, tatawagin niya si Natasha at Flex patungkol sa lalaking iyon.
Nagtipa siya ng mensahe at doo'y isiniwalat ang lahat. Nang masend iyon sa isang kakilalang pulis ay nagtipa ulit siya ng numero, it was Madam Natasha's number.
Ilang segundo siyang nag-antay hanggang sumagot ito.
"Madam.." garalgal na boses niya.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
RomanceWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)