GAYA kanina'y naka-angkas si Natasha sa motor ni Flex. Marahan siyang bumaba at doo'y sinalo ang mga matang nakatitig sa kanila. Nasa H Modelling building na sila kaya halatang naninibago ang lahat kay Natasha lalo na sa suot nito.
She's very fierce wearing a black T-shirt, a jeans and her flip flops na parang mamamalengke lang sa kanto. Nakapuyod ang mahabang buhok niya habang suot ang shades na pinahiram ni Flex. Para silang mang-hohold-up ng isang bangko, animo'y riders in tandem.
Eh sino ba naman kasing matinong babae na pupunta sa bahay ng isang lalaki na walang dalang kasuotan...ni panty nga wala! Kaya no choice siyang pagtiyagaan ang suot niya ngayon.
"Good morning madam," bati ng security na nakasaludo pa sa papasok na ginang.
Wala siya sa mood na tumugon, kaya si Flex na lang ang sumenyas pabalik ng saludo. Nakabuntot lang ito sa kaniya habang dala ang jacket.
Tagaktak ang tunog ng tsinelas niya habang papunta sa elevator, tahimik lang si Flex na nakasunod sa kaniya, tila nasisiyahan sa kaniyang outfit, lalo pa sa bandang pwetan nito na sinadya niyang sinisipat. Alam kasi nitong walang halong kemikal, este padding iyon dahil ito mismo ang maumbok na hugis ni Natasha, wearing a T-back is his idea, at iyon ang dahilan ng lahat.
Nakapasok na silang dalawa sa elevator kaya pasimpleng sumipol lang si Flex sa bandang likuran ng ginang, halatang masaya.
"Bagay pala sa'yo ang panty na 'yan."
"Can you please shut up?" inis na sumbat ni Natasha.
"I'm just telling the truth."
"Enough, malilintikan ka talaga sa akin!"
"Ow, I'm scared," tudyo pa nito na kinindatan pa siya.
She gulped her irrritated voice. Pinipigilang hindi makalmot ang isang ulol na asong gaya ni Flex. Nang magbukas ang pinto ay agad nagmartsa ang ginang sa kaniyang office at doo'y pabalang na sinarado ang pintuan. Parang nahihimigan naman ng madla ang pangyayari kaya patay-malisya na lamang ang lahat na nagpa-busy-busy sa kani-kanilang cubicle.
"Hi,"
"Hello,"
"Good morning," hindi matago ni Flex ang kasiyahan habang walang mintis na kinakawayan ang kaniyang mga kasamahan.
"Psst, Flex! Halika nga!" tawag nila Bogart at Donatela na makikibalita sana.
"Bakit gan'on ang timpla n'on?" si Donatela.
He just scratched his nape.
"Saan kayo galing, 'bat kayo magkasama?" dagdag naman ni Bogart.
"Nag-ano kasi kami eh.."
"Oh my god, Flex? Did you?" tabon pa ni Donatela sa sariling bibig.
"No, it's not what you think. Doon lang kami naligo sa bahay,"
"Iba ka rin 'tol, naka-first base ka kay Madam?"
"Hindi.. I mean, doon siya naligo sa bahay namin, doon kami nag-almusal."
"What? Pinakain mo si madam?" may halong kilig na boses ni Donatela.
"Oo, tortang talong," ani niya na wala namang malisya.
"Oy pare, anong talong, iba ka rin ano, kaya ba mainit ulo n'on kasi binitin mo?" si Bogart na nakangisi lang.
Sumama ang tingin ni Flex sa dalawa, hindi niya maintindihan kung bakit nagtatanong ang mga ito sa lahat ng nangyayari, animo'y gumagawa ng gossip o chismis sa namamagitan nila.
"Excuse me, may pupuntahan lang ako." Tiim-bagang na saad niya na mariing binigyan ng warning look ang dalawa.
They are crossing the border, kaya pala gan'on katigas si Natasha dahil pinapangalagaan lang nito ang sarili niya. He stepped out to her door and knock, pero walang tumugon sa loob kaya napabuntung-hininga siya saka pa kumatok ulit. But still, she didn't response.
Pilit niyang pinihit ang siradora ng pintuan at doon malayang pumasok. Marahan niyang tinahak ang lawak ng opisina nito at doon nakita niya itong nakaupong nakatalikod sa kaniyang swivel chair, naninigarilyo ito dahil sa nakikitang usok sa hangin.
"You don't have permission to enter, Mr. Carnacion." Mariing sambit ni Natasha na ikinatigil niya.
"I'm sorry, pero kailangan lang kitang kausapin.."
"No need, you can work without my presence," giit nito na hindi pa rin humaharap sa kaniya. Randam niyang galit ito kaya minabuti niyang huwag na lang itong pilitin.
Agad siyang lumabas at tiim-bagang na nilampasan ang lahat ng staffs na kumukulit sa kaniya. Tinungo niya ang pictorial room at doon nanatiling mag-isa sa isang sulok. Nagsindi siya ng isang sigarilyo habang tiningnan ang kaniyang telepono. Doo'y nakita niya ang gallery kung saan nakalagay ang mga stolen shots ni Natasha habang natutulog ito, noong nasa sasakyan sila at noong nasa Camarines Norte sila, partikular sa may dalampasigan at noong sumakay sila sa bangka. Nakangiti ito at masigla, ibang-iba ngayon na parang isang dragon na gustong kumain ng tao.
Siguro'y gaya rin siya nila Bogart at Donatela na nag-crossed the border na, umabot na yata siya sa limitasyon. At iyon ang iniisip niya habang hinihithit ang sigarilyo.
Mayamaya ay may pumasok, ang team iyon ng pictorial crew, abala sa mga hawak na larawan na parang nagdidiskusyon.
"Ito ang maganda, tingnan mo." Rinig niya sa isang payat na babae.
"No, ito ang nice oh," sabi naman ng isang bakla.
Naki-usyoso siya at lumapit. Naramdaman naman nito ang presensya niya. "Oy, ikaw pala, Flex, nga pala saan ba ang mas bet mo sa mga 'to?" Ani ng payat na babae habang hawak ang larawan nila ni Natasha noon sa batuhan, kasama si Levi na nakasakay sa leeg niya.
He bitterly smile. "Ito, maganda." Tipid na turo niya sa mukha ni Natasha na ipinagtataka naman ng crew. Iisang larawan lang kasi ang tinuro niya, at iyon ang larawang naka-focus kay Natasha.
"Okey, sige." Ramdam ng crew na parang wala siya sa sarili kaya agad naman silang dumistansya sa kaniya. He is not in his focus right now, hindi niya alam kung bakit parang turn off at turn on si Natasha, parang may dual personality.
He sighed.
Matapos ang diskusyon niya at konting shots ay agad siyang umalis sa building para magpalamig muna. Pumunta siya sa isang bar kung saan makikipagkita siya sa kaniyang kapatid na si Flair. Tatlo silang magkakapatid, pero hindi halos nagkakasama-sama dahil sa mga propesyon nito at mga bagay-bagay.
Nang marating niya ang bar ay agad niyang pinark sa gilid ang kaniyang motor at simpleng tinahak ang looban. Pasado alas singko pa iyon ng hapon kaya medyo wala pang customer ang nandoon. He check his watch at doon kinuha ang kaniyang cellphone. Nag-dial siya ng numero at agad namang nag-ring iyon. "Hey, where are you, I'm right here, already," he said while checking the corner of that space.
"I'm here," dinig niya sa isang lalaki na agad namang lumapit sa kaniya at tinapik ang kaniyang braso bago pa yumakap nang mahigpit.
"What brings you here," tanong niya kay Flair na nakangisi lang.
"I expand my business ventures here, and It's quiet excellent to know it's growing rapidly, hindi pa nga taon, but it's good. Maganda ang negosyo ko rito," saad pa ng nakaababatang kapatid.
"How about you, bro? Kamusta si Emerald?"
"She's fine, she's a very bright kid."
"Yeah, alam mo naman ang genes natin, hindi basta-basta. Pero nga pala, I heard ate Fiona was now in Ukraine. Sila pa rin ba ng arabong 'yon?" tanong nito na hindi naman niya masagot.
"I don't know, hindi ko na nga siya mahagilap eh, lumalaki na si Emerald, baka hanapin niya kayong dalawa. Ano ang sasabihin ko?" sumeryoso si Flex.
"Sabihin mo, masyadong busy ang ate at kuya niya." He laughed. Sa totoo lang kasi, si Flair ang may masayahing attitude sa kanilang tatlo, si Fiona naman ang medyo bossy at laging nasusunod, since panganay ito sa kanila, si Emerald o Luntian ay ang kanilang bunsong kapatid sa ama. Bago namatay ang kaniyang ama noon ay pinagbilin nitong hanapin nila at alagaan ang anak nito sa ibang babae, doo'y nalaman nilang nasa pilipinas ito at ang anak nila nanay Dorang at tatay Berto ang mismong ina ni Luntian, pero namatay ito sa panganganak sa bata.
Dahil doon, hindi kayang iwan ni Flex ang responsibilidad sa kapatid, lalo pa't siya ang sinabihan ng kaniyang yumaong ama. Ang kaniyang ina namay nag-asawang muli. Hindi siya malapit dito kaya nanatili siya sa pinas at nanatili silang tikom ang bibig patungkol kay Luntian na isang Carnacion. Dahil sa sekretong iyon, Garcia ang pinagamit nilang apilyido kay Luntian at hindi Carnacion, iyon ang lihim niyang tinatago sa anim na taon.
Anim na taon na rin siyang nagsusumikap sa sariling kita, ayaw niyang umasa sa mga kapatid at lalong ayaw niyang humingi ng tulong sa kaniyang ina. They are rich in fact, pero tinalikuran niya iyon lalo pa't hindi siya masaya sa set-up nila sa States.
"Do you have money to spend of?" nag-aalalang tanong ni Flair.
"No need, I have a work now."
"Really, ano naman 'yon?"
"I'ts hard to believe but, I am now..a model." Saad niya sa mababang boses.
Humagalpak ng tawa si Flair habang pinipigilang hindi mailakas ang boses.
"Come on, don't mess me kuya,"
"I'm not lying," he exclaimed.
"Talaga ah, akala ko ba'y ikaw 'tong mahilig kumuha ng larawan, o 'bat ikaw na tong kinukunan? I can't believe it." Litanya pa ni Flair na sumenyas sa bartender. Nakaupo sila sa stool habang nag-uusap.
"Dalawang double scotch," ani Flair na ngumiti lang sa kaniya.
"It's good to hear, bro. Isa kang mabuting kapatid, and we're lucky to have you, alam kong nasa mabuting pangangalaga si Emerald," he added.
"Aside of that, bro, may sasabihin ako."
Sumeryoso ang mukha niya. Tumalima naman si Flair na agad nakinig.
"About what?"
"Babae." Sa sinabi niya'y ngumisi si Flair.
"So, may natitipuhan ka na pala ngayon, ah?"
"Yes. But..it's complicated." Ani niya sa kapatid. Tamang-tama naman dahil nilapag na ng bartender ang mga baso nila.
"Cheers, bro. Cheers for the romance."
"Sira, I'm serious," sambit niya sa lalaki.
Sumimsim lang ito bago pa nagsalita. "Bakit, nabuntis mo ba?"
Umiling siya. "I'm not like you, hindi ako ganiyan. Hindi ko siya nabuntis," problemadong boses niya.
"Eh ano? Tutol ang mga magulang dahil mahirap ang tingin sa'yo?" He shake his head.
"Eh ano nga?"
"May anak 'tol, isang balo, at mas matanda sa akin ng ilang taon." Sa sinabi niya'y halatang nabigla si Flair.
"Sira ka ba 'tol? Ang daming nagkakandarapa sa'yo sa States and you let your self love this kind?" Napatiim-bagang si Flex sa narinig. Aminadong na-offend sa sinabi ng kapatid.
"She's different," tipid na saad niya bago nilagok nang isahan ang alak.
"Fu—k, you're in-love, halatang-halata." Litanya pa ni Flair na sumeryoso ang mukha.
"Anong problema? Mahal mo di'ba...mahal ka rin ba niya?" tanong ni Flair na hindi niya nasagot.
"Hindi ko alam,"
"Ay problema nga 'yan 'tol, bakit hindi mo tanungin?"
"Hindi pa sa ngayon," ani niya na hindi alam ang mararamdaman.
"Nga pala, sinabi ni Gideon na pupunta siya rito sa Pinas, makikipagkita raw siya sa'yo, nga pala. Hindi mo pa ba tinitirhan ang apartment na bigay ko sa'yo? Doon na lang kayo 'tol, mas malapit pa sa sentro kaysa sa Pasig. Lumalaki na si Emerald, we must secure her." Ani Flair na sinang-ayunan lang niya. Nasa Quezon ang apartment na iyon, kaya mas mabilis at madali sa kaniya kapag papunta siya sa trabaho. Siguro nga'y panahon na para hindi niya ilihim kay Luntian ang totoo nilang estado.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
RomantikWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)