Chapter 13

399 14 0
                                        

  NATASHA LOOKED BACK to Flex, waiting to hear his words again. Ano nga ba ang narinig niya? Driver? Magiging driver niya si Flex? Yeah! Tama, iyon ang narinig niya.
 
  "You mean it?" bigkas pa niya sa kabila ng pagkakabigla. Ngumiti ang binata at umupo sa harapan niya. Katabi nito si Levi na tahimik lang na nakiki-usyuso sa kanila. "Hey, Lev. Payag ka bang maging driver ako ng mommy mo?" wala sa isip na tanong ni Flex sa paslit.
 
  Tumango ito at ngumiti. "Of course, kuya. Ang galing mo mag-drive po, I want you to drive mommy," dinig nila sa paslit na tila nag-double meaning sa taenga nilang dalawa.
 
  "And kuya, I want you for mom...kasi po, ngayon ko lang nakikita si mom na tumatawa, siguro po nakakatawa ka kaya she likes you. Right mom?" Ani Levi na hindi intensyon ang ibig sabihin nito.
 
  "Yes, his...funny." Tipid na ngiti niya sa binata at sa anak.
 
  Ngumiti si Flex at nagsalita. "So, ano po madam, tanggap na po ba ako?" ani nito na nakangiti ng maluwang.
 
  "As Levi wants, okey..you're hired!"
 
  "Ayos!" Tawa pa ni Flex na nag-appear hands pa kay Levi. Nasisiyahan si Natasha sa presensya ng binata, lalo pa't malapit din ito sa anak niya.
 
  "Kaya as a celebration, dapat tayong mag-bonding, gusto mo ba 'yon, Lev?" tanong pa ni Flex sa paslit.
 
  "Opo! Opo! Kuya!" bumaling pa ito sa ina niya at kinumbense rin ito. "Let's go, mom. Mag-bonding po tayo ngayon, please mom, before you will go to London." Nagpapaawa ang boses nito.
 
  "Okey." Tipid niyang sagot na ikinapalakpak lang nila Flex at Levi. Knowing that Flex' eyes are staring to her face. Alam niyang gusto lamang ng binata na maaliw ang anak niya.
 
  Sa oras na iyon ay kapwa sila nagtungo sa shooting area sa may buhanginan, may kinukunan pa sila na isang modelo doon. Nasa gilid sina Natasha habang minamasdan ang staff habang abala sina Donatela. Si Levi naman ay abala habang nakikipaglaro kay Lala sa buhanginan, masaya itong tumatakbo.
 
  Nang biglang nagsalita si Flex.
  "You must keep that smile to him, alam mo bang hindi nalilimutan ng bata ang bawat oras?"
 
  "What do you mean?" pabalik na sambit ni Natasha na naka-kibit-balikat lang.
 
  "Kasi ganito, kapag binusog mo sa magagandang alaala ang anak mo, hindi nila 'yan malilimutan hanggang sa pagtanda nila." Seryoso ang boses nito.
 
  Nanatili siyang tahimik habang tanaw ang anak niya.
  "Ganiyan din ako, I am closed to my father.." bigla itong sumeryoso.
 
  "Gan'on ba, mabuti ka pa." Dugtong naman ni Natasha na mapait na napangiti.
 
  "Ikaw ba? Ano ba ang naaalala mo sa kabataan mo?" tanong ni Flex kay Natasha. She didn't answer. Pumagitna sa kanila ang katahimikan bago niya ito sinagot.
 
  "Kinalimutan ko na iyon, hindi na iyon mahalaga." Sambit niya kay Flex.
 
  "Siguro'y pangit ang kabataan mo, tama ba ako?" dugtong pa niya.
 
  "Oo," tipid na sagot ni Natasha.
 
  "Sorry."
 
  "No, it's fine, matagal na 'yon," bawi ni Natasha na pinilit ngumiti.
 
  "Siguro pwede mo namang punan ng masasayang alaala ang pangit mong nakaraan, gawin mo 'yon sa anak mo, ibigay mo kay Levi ang magagandang alaala ng kabataan niya, sa ganoong paraan, hindi niya maranasan ang mga pangit na nakaraan mo noon." Seryosong sambit ni Flex. It turned her to a glimpse of realization, tama nga ang sinabi ni Flex, dapat ay magkaroon siya ng bonding moment sa anak niya this time, lalo pa't lumalaki na si Levi. He needs someone to ponder of, someone who can lend and be his sanctuary. "Salamat sa payo," sambit ni Natasha na ikinangiti ni Flex.
 
  Mayamaya pa ay narinig nila ang tawag ng photographer. "Flex, tawag ka." Si Donatela iyon.
 
  Agad na lumapit si Flex sa photographer na medyo may distansya kay Natasha, tanaw niyang nakatanaw ang mga ito sa gawi niya, tila nag-uusap. Tumango-tango si Flex at patakbong pinuntahan ang direksyon niya. Kahit suot nito ang isang sando at cotton shorts ay nagsisigawan pa rin ang kakisigan nito. From those length of hair to his toes. Shit ang init!
 
  "Madam, tara..." rinig niyang sabi nito. Hinawakan pa nito ang kamay niya. Nalilito siya.
 
  "Ha? Bakit?" nagtatakang tanong niya sa binata.
 
  "We need a picture of a family, nag-suggest ako na tayo nila Levi ang maging model, isang shot lang naman."
 
  "Ha? Ayaw ko, teka lang." Protesta pa niya. Pero sadyang malakas lang si Flex at nahatak na siya nito sa may batuhan na kinalalagyan ng mga aparato para kumuha ng larawan. Hindi rin siya makapaniwala na agad nitong nahila si Levi na kasama ang aso nitong si Lala.
 
  "Okey, ganito, it is just a fresh mode for a family shot, natural lang, okey? Okey lang ba madam?" Anang photographer na medyo may pilantik kung umasta.
 
  Tumango si Flex habang hawak si Levi.
  "Okey," tipid na saad niya.
 
  "Wait, teka lang," saad ni Flex na umupo at may binulong kay Levi. Matapos n'on ay puwesto ang bata sa leeg niya at inalalayan naman ni Flex. Binuhat ni Flex ang paslit habang tawang-tawa. Likas na masayahin si Levi, kailangan lang nito ng kagaya ni Flex na marunong magpalitaw sa natatago nitong emosyon.
 
  "Madam, halika rito sa gilid ko, yakapin mo ako." Masuyong boses ni Flex na tinuturuan siya kung anong pose ang gagawin. Bantulutot si Natasha na umayon at lumapit kay Flex. Nasa kanan siya nito na noo'y hinapit niya papalapit, napasandal siya sa bisig ng binata habang angkas si Levi sa kaniyang leeg. Hawak din sa kaliwang kamay ni Flex ang tali ng asong si Lala na behave lang na nakaupo sa gilid niya.
 
  "Perfect! Okey, smile, give me the brightest smile!" sabi pa ng photographer habang nagkikislapan ang mga flash ng camera.
 
  "Okey, great! Perfect match!" palakpak pa ng photographer na tuwang-tuwa sa kuhang larawan.
 
  "Madam, here oh, look this shot, ang ganda po ninyo!" Puri pa ng photographer na pinakita ang camera. Rumihestro doon ang mga mukha nila ni Flex at Levi na tumatawa na halos naningkit na ang mga mata sa tuwa.
 
  Nasa gilid din siya na yakap ni Flex at nakangiti na parang ang saya-saya niya.
  Shit! Ang ganda ng pagkakakuha, parang totoong pamilya kaming tatlo! Sambit niya sa sarili na natutuwa. She never taught that she can wear that kind of smile. Wala sa bokabularyo niya ang utusan gaya ng ginagawa ngayon ng photographer at ni Flex. Hindi niya akalain na unti-unti na siyang nagbabago.
 
  "It's perfect," usal niya sa ikalawang pagkakataon.
 
  Ngumiti ang photographer at nagsalita.
  "Likas ka pong maganda madam, nakalimutan mo lang gamitin ang 'yong ngiti at tawa," ngiti pa nito sa kaniya.
 
  "Sige po, okey na, salamat po sa cooperation," dahdag na ani nito na nawala agad sa kaniyang paningin. Naisip niya ang sinabi ni Flex dati, she must wear it again.
 
  Nang maka-decide sa gagawin ay agad niyang kinuha ang megaphone sa may table. Masaya siyang nagsalita doon.
 
  "Attention guys, makinig kayong lahat, for this moment, we finally end today's pictorial kaya let's have some fun. Mag-island hopping tayo!" masayang sigaw niya gamit ang aparato.
 
  Nagsipalakpakan at nagsipolan naman ang mga kasamahan nila sa team. Halatang nasisiyahan sa ginagawa ng amo nila.
 
  "Yes! Thank you, madam!" sigaw pa ni Donatela na hindi maawat sa pagpalakpak. Hindi mawari ni Natasha na unti-unti na niyang binubuksan ang sarili sa mga kasamahan niya, tama nga si Flex...kailangan niya lang ng kasiyahan.
 
  She turned her eyes to that corner where Flex and Levi was, nasisiyahan siya sa pagdating ni Flex sa buhay niya. He had everything that woman needs—and it is something we called love.
 
  Nang makapagligpit na sila ay mabilis na nag-changed outfit ang lahat, parang handang-handa ang mga ito sa swimming attire at swimming gears. Nasa tabing-dagat na silang lahat habang umaakyat sa bangka na kanilang sasakyan.
 
  Hindi magkamayaw ang lahat sa pag-akyat, panay harutan, tawanan ang nangyari. Maging si Natasha ay hindi rin nakaligtas sa pagiging maharot ni Flex! Este sa pagiging maharot niya pala!
 
  Maiging inalalayan siya ni Flex na hinahawakan ang kaniyang kamay sa pag-akyat. Tinudyo naman sila ng karamihan na nakapansin sa pagiging closeness nila ni Flex. Si Levi naman ay super excited na tumitili, dahil nagsimula nang umandar ang makina ng bangka.
 
  "Oh yes! I feel like I'm captain hook, mom! It's my first time to travel deep sea!" hindi magkamayaw na sambit ni Levi.
 
  "Shh, lower your voice, baby. Don't let the shark awaken," sinadyang saad ni Natasha sa anak.
 
  "I'm scared, mom." Agad na lumingkis si Levi sa braso ng ina na halatang natakot.
 
  "Don't listen to your mom, nandito si superman, I will protect you, Lev." Bara naman ni Flex kay Natasha na ibinalandra ang kaniyang matipunong braso.
 
  "You'll fight the sharks for me, kuya?" nakangiting saad ng paslit.
 
  "Yes, 'cause I am super Flex!" muling tawa nito na sinabayan naman ng tawanan ng lahat.
 
  "Sira!" turan ni Natasha na naiiling na tumawa kay Flex. This guy is unbelievable!
 
  Sa puntong iyon, nagsimula nang umandar ang bangka papunta sa gitna ng dagat, masayang-masaya ang lahat, and of course, lalo na si Natasha na feeling bumalik sa pagiging teenager niya. Shit I'm in love!
 
  ...itutuloy.
 
 
 

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon