Chapter 15

482 19 1
                                        

  MARAHANG bumangon si Natasha, masakit ang kaniyang ulo lalo na ang tagiliran niya, para yatang limang katao ang pinagtutulungan siya. Natigilan siya nang maalala ang pangyayari sa bangka. Agad niyang inabot ang relo na nasa bedside table niya. It's almost one o'clock in the morning. How the hell happened last time? Parang sariwa pa sa amoy niya ang alak at ang malansang amoy ng dagat. Hinanap niya rin si Levi pero wala ito sa tabi niya.
 
  Wait, bakit iba na ang suot ko? Naguguluhan siya nang makitang naka-Tshirt na siya at nakapajama.
 
  Sinipat pa niya ulit ang kabuuan ng kaniyang kwarto, doo'y naaninag niya ang usok mula sa labas ng balkonahe. May nakatayong lalaki doon. Marahan siyang tumayo at nilibot ang tingin, it was Flex. Seryoso itong nakamasid sa kawalan habang naninigarilyo.
 
  "Good morning?" saad niya pananda na gising na. Tumalima naman si Flex at agad na tinapos ang upos ng sigarilyo. Halatang balisa ito.
 
  "Hindi ka ba makatulog?" tanong niya sa binata.
 
  Umiling ito at nagsalita. "Nakatulog na ako, sadyang maalinsangan lang kaya nagising ako. Ikaw? It's early."
 
  Kinusot niya ang sariling mata at pumantay sa gilid ng binata. "Ikaw ba ang nagbihis sa akin?"
 
  "Oo, para mapreskohan ka, nabasa kasi ang damit mo."
 
  "Ah kaya pala," nahihiyang saad nito na hindi tumingin kay Flex.
 
  "Nga pala, nagugutom ka ba? Ipaghahanda kita ng makakain," ani Flex na ginawang kaswal ang boses. She see how Flex turned his back to her at madaling naglakad sa may pintuan.
  Galit ba ito? Satsat ng isip niya. Hala! Baka galit ito dahil naglasing siya! dugtong pa niya sa sarili.
 
  "Teka.." tawag niya. Huminto ito sa kinatatayuan.
 
  "Kukuha lang ako ng makakain mo," he said not turning his face.
 
  "Hindi ako gutom," saad pa niya sa binata.
 
  "Kukuha na lang ako ng maiinom."
 
  "I don't want to drink, all I need is just stay. Can we talk?" ani Natasha na naguguluhan sa inaasta ni Flex.
 
  Marahang humarap si Flex at nagsalita. "Lalabas muna ako, para magpahinga. Uuwi na tayo mayamaya kailangan ko ng lakas para magmaneho."
 
  "Ah, gan'on ba..sige, magpahinga ka na." Saad niya, tanaw niya ang pagtalikod nito papalabas sa pintuan. Wala itong imik.
 
  Nang mag-isa na lamang siya'y agad siyang napa-upo sa malambot na kama, naisip niya ang sarili. Parang hindi na yata tama ang ginagawa niya, hindi na siya ang Natasha na kilala niya. It's very difficult to say how she'd become. Alam niyang naiintindihan siya ni Flex sa kaniyang pinagdadaanan but when it hits her to the shallow, naiisip niyang huwag ubusin ang pagiging mabait niya, dahil gaya ngayon, nakikita na lamang niya ang sarili na gaya ng nakaraan... ang pag-iisa.
 
  Nilibot niya ang paningin at doo'y nakita niya ang kaniyang maleta na bukas. Nagkalat ang mga damit niya na tila sinadyang ilabas pero naka-folded naman lahat sa sahig. Marahan niyang kinuha ang mga kagamitan at ipinasok ulit sa loob. Nang maipasok iyon ay nakita niya sa sahig ang isang T-shirt na binigay ni Gideon sa kaniya noong nagpunta siya sa bachelor's pad nito. Mapait siyang napangiti.
 
  She realized that she will see him once again kapag matutuloy ang lipad niya this week. Nang maisarado na niya ang maleta ay nahulog ang isang notebook na pinagsusulatan niya ng notes at sketches ng iilang desinyo, nakita niya ang larawang naipit doon. She immediately check it at doo'y nagimbal sa nakita. It is the picture of Flex. Feliciano Carnacion, her male model, her friend. Ang lalaking kasama niya ngayon. Naguguluhan siya kung bakit nandoon sa notebook niya ang larawang iyon, she paused and think once again. Alam niyang nakita niya ito sa kung saan, hindi lang niya maalala kung saang partikular na lugar niya ito napulot. Kaya pala masyadong pamilyar ang mukha ni Flex nang makita niya ito personally.
 
  She sighed. "Where did I saw you?" ani niya sa sarili habang hawak ang litratong iyon.
 
  ***
 
 
  Pasado alas sais na ng umaga nang mapagpasyahan niyang lumabas, naka-ready na ang suot niya. Dala niya ang maleta at kaniyang handbag. Agad naman niyang tinungo ang kwarto ni Donatela at hinanap si Levi. Gising na rin ito pero hindi pa nakakapagpalit ng suot.
  "Li'ka baby, magpalit na tayo ng damit mo, aalis na tayo mayamaya." Ani niya na agad namang binuhat ang paslit. Ngumiti lang naman si Donatela na nag-aayos na rin ng sarili.
 
  "Good morning po," nahihiyang saad ni Donatela na tipid lang niyang nginitian. Dala si Levi ay agad niyang tinungo ang kwarto at pinalitan si Levi. Nang makalabas ay ready na sila ni Levi. Dala niya ang kagamitan nila nang mapansing wala si Flex. Nilinga niya ang paligid pero wala ito.
 
  "Good morning maam," napagitla siya at tumalima sa kaniyang likuran, akala niya'y si Flex iyon pero si Bogart lang pala iyon na dala ang mga camera stand na nagliligpit na. "Morning." Mahinang saad niya.
 
  "Nasaan si Flex?" tanong niya rito na medyo nakalayo na. Tumigil ito. "Ay si Flex po? nasa tabing-dagat pa yata, nakita ko siya doon kanina maam, nagyoyosi." Ani Bogart.
 
  "Okey, salamat." Ani Natasha na hawak pa rin si Levi.
 
  "Anak, dito ka muna ah, pupuntahan lang ni mommy si kuya Flex." Ani nito sa paslit na tumango lang habang hawak-hawak ang tali ni Lala.
 
  Mabilis niyang nilakad ang pasilyo papunta sa isang patio, nasa likod iyon ng reception area na may direct access sa tabing dagat. Doo'y nakita niyang nakatayo si Flex. Naninigarilyo ito habang matamang nakatingin sa karagatan.
 
  Dahan-dahan siyang naglakad papalapit dito. She seemed nervous, she can't explain why she felt like that. Dahan-dahan niyang inabot ang likod nito. "Flex."
 
  "Damn!" litanya ni Flex na gulat na gulat.
 
  "I'm sorry..."
 
  "Bakit?" matigas na saad ni Flex na ipinagtataka ni Natasha.
 
  "Bakit? I'm you're boss, remember?" medyo may kataasang boses niya.
 
  Natigilan ang binata at umayos. Winaksi niya ang sigarilyo at nagsalita matapos magbuga ng usok. "Yes, madam?" sarkastikong saad ni Flex.
 
  "What's your problem? Bakita ka nag-iba? Ano bang problema?" pabulyaw na tanong ni Natasha na nagtu-tunog over-acting na. Bahala na kung maging frustrated siya sa harap ng binata.
 
  "Nothing, I'm just tired." Ani nito na ikinangisi lang ni Natasha.
 
  "Oh, so, you're tired? Hindi ba't ikaw ang nagsuhestyon na dito magpictorial, and you decide to demand me go with you, in the first place..ikaw ang may gustong nandito ako, tapos kapag pagod ka na, ako 'tong pagbubuntunan ng galit mo? Iba ka rin ano? Ang gusto mo, makontrol ako with you're own bare hands, may pa-advise advise ka pang dapat magbago ako, and now..ikaw 'tong gago na nagbabago." Rumihestro sa mukha ng ginang na galit na galit. Maging si Flex ay nahimasmasan sa sinabi ni Natasha.
 
  "Maybe I'll go now, diyan ka na. I can drive on my own!" Ani niya na agad nagmartsa at nilampasan si Flex.
 
  Flex on the other hand, released his sighed. Napa-pikit siya nang ma-realized ang kaniyang kagagohan. Naging aggressive siya nitong nakaraan dahil lang sa isang bagay na nakita niya. He saw Gideon's T-shirt on Natasha's baggage, and the worst, he saw Gideon's calling card on her wallet. Bakit nandoon ang calling card ng kaibigan niya? Alam na kaya ni Natasha ang sekreto niya? Pinagkakaisahan ba siya ng kaibigan niya at ng babaeng pinagkakatiwalaan niya ngayon?
 
  Napabuntung-hininga si Flex at agad na tinungo ang direksyon ni Natasha. Dapat niya itong abutan, kung hindi, masasayang lang ang pagod niya sa trabahong ito. Nagmamadaling tumakbo siya papunta sa parking lot at doon winasiwas ang kamay sa kotseng papalayo. He immediately stand her way out. "Teka lang!" sigaw niya rito.
 
  "Umalis ka!" sigaw pabalik ni Natasha na halatang galit ang mukha.
 
  She stepped the pedal, kaya halos mabangga na nito si Flex na umusog-usog ng distansya habang winawasiwas ang kamay.
 
  "I'm sorry, wait..Im sorry, madam." Wasiwas ni Flex. Nakita naman nitong tila nahimasmasan ito sa ginagawa.
 
  "Aalis ka ba o hindi?"
 
  "Aalis lang ako kapag sasabihin mong hindi ka na galit, and I will be the one driving you way back home." Saad pa ni Flex. Hindi umimik si Natasha.
 
  "Please..." sumamo nito sa ginang. Tanaw niyang nagkibit-balikat ito at tiningnan siya ng mariin.
 
  "Come here!" Mariing saad ng ginang na agad umupo sa passenger's seat. Agad namang tinungo ni Flex ang driver's seat at binuksan iyon. Nag-aatubili siyang pumasok. "Ano? papasok ka ba o hindi?" pagmiminaldita pa ni Natasha.
 
  Agad na pumasok si Flex at hinawakan ang manibela. Kinalma muna niya ang sarili na halatang hinihingal.
 
  "Kuya..mommy...are you fighting po ba?" halukipkip ni Levi na yakap lang si Lala. Hindi umimik si Natasha.
 
  "No, hindi kami nag-aaway." Pasubali pa ni Flex kay Levi.
 
  "Bakit po kayo sinisigawan ni mommy?"
 
  "It's nothing, ganiyan lang talaga 'pag pagod ang mommy mo, medyo nagiging monster," ani ni Flex na bahagyang natawa sa sinabi. Nasa isang banda lang naman si Natasha na umuusok pa rin ang ilong.
 
  "Sorry," ani Flex sa ginang na parang batang nagta-tuntrums.
 
  She didn't respond.
 
  "You're beautiful." Mahinang saad niya na hindi tumitingin. Natasha on the other hand, felt something on her cheeks. Nag-iinit ang pisngi niya, she knew it's now blushing! Bahala na, bahala na si Flex ang mag-adjust sa pisngi ko, ano naman ngayon kung nagba-blush ako! She don't care!
 
  ...itutuloy.
 
 

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon