AFTER THAT NIGHT, Natasha and Flex flew away and ended the party with a proud smile. Tanaw nila ang kasiyahan sa isa't-isa, alam nilang kahit papaano ay naibsan ang kanilang agam-agam sa isa't-isa. They happily ended that night with a kiss and a promise that they will never be apart. No matter how everyone judge their relationship.
Kinabukasan ay nagsidatingan sina Mori at Hezekiah galing Davao, sinama umano ito ni Mori, since may aasikasuhin ito sa embahada ng Japan. Pumunta rin si Hilaria para dalawin si Natasha at si Luntian na napamahal na rin sa kaniya, that time she found her in the terminal.
Tamang-tama dahil lunch time na iyon, naging madamdamin ang pagkikita ng magkakambal, finally, naging kumpleto ang Castillo sisters.
"O, halina kayo sa hapag, ready na ang pagkain." Ani nanay Dorang na nasisiyahan sa pagkikita-kita ng magkakapatid.
"Salamat po," halos sabay na saad ni Hilaria at Hezekiah. Magkahawak-kamay silang tatlo na noo'y papunta na sa dining area. "Nga pala, may mga dala ako," satsat pa ni Hezekiah sa mga kapatid.
"Ano ang dala mo?" ani Natasha.
May kinuha itong bayong na tila may amoy. "Tsaran!" Hezekiah opened it, at ipinakita ang mga dalang durian.
"Wow!" saad pa ni nanay Dorang na takam na takam sa prutas.
"Opss! Dorang, hinay-hinay lang! Ang high-blood mo!" Saway pa ni tatay Berto na nakaupo na sa upuan. Katabi nito ang dalawang paslit.
"Oh, let's eat na. Nariyan na pala kayo?" bungad ni Flex na galing sa taas, hinalikan niya ang pisngi ni Natasha. Pinaghila rin niya ito ng upuan. Magkatabi silang dalawa habang kaharap naman ni Natasha ang dalawang kapatid. Nasa gilid naman sina tatay Berto at nanay Dorang na pinapakain ang dalawang paslit.
"Ang sweet naman ang magiging mister mo, Natasha. Nakaka-inggit!" Ani Hezekiah na may pagka-mamu Delia kung magsalita.
"True, ang swerte mo." Mahinhing saad naman ni Hilaria sa kapatid.
"Nga pala, ikaw ba, Hilaria, may nobyo ka na ba?" wala sa isip na tanong ni Natasha sa kapatid. Natigilan ito saka uminom ng tubig. Mapait itong napangiti.
"He's gone." She said sadly, pero nakangiti pa rin.
"Oh, sorry to hear." Ani ni Natasha sa kapatid.
"Hmm..ikaw ba Hezekiah, ano?" pabalik na tanong ni Hilaria sa kakambal.
Umismid pa ito saka pa nagsubo ng kutsara. "Nevermind!" tawa pa nito saka pa tumirik ang mata at nangisay na tila naririndi sa narinig. Nagtawanan silang lahat dahil sa expression nito.
"You know what, you and Mori have similar attitude. Bagay kayo.." she said while smiling.
Umirap si Hezekiah saka pa umiling.
"Yong sakang na 'yon? Haru dyosko! Keber ko sa kaniya, kung alam n'yo lang, ang hambog ng unggoy na 'yon, parati akong inaasar!" explain pa nito habang tanaw ang nakangiting mga mukha nila.
"O, 'bat natatawa kayo?"
"Eh kasi, namumula ka. Nakikita ko ang sarili ko sa'yo n'on, I don't like Flex that much, he even teased me to death..but look, sa kaniya rin pala ang bagsak ko." Response ni Natasha na ikina-react ni Flex.
"Aray naman, madam. Bagsak na bagsak na nga ako, sinabi mo pa.." Oa na saad ni Flex na nagsubo ng pagkain. Tawang-tawa naman ang dalawang matanda na nakikinig lang sa kanila.
"Nakakatuwa kayo." Ani ni nanay Dorang.
"Nga pala, ito ba ang anak mo, Natasha?" tanong pa ni Hezekiah na nakaturo kay Luntian.
"No, I'm not po, si Levi po ang baby ni madam Natasha.." agap na sabi ni Luntian.
"Oh, ang kyut naman pala!" puri ni Hezekiah.
"Eh kaano-ano mo 'to, sis?" takang tanong ni Hezekiah kay Natasha.
"She's my little sister," agap naman ni Flex.
"Hello po..." Nag-wave pa ang dalawang paslit.
"Ang kyut naman nila..." saad pa ni Hezekiah, tumango lang naman si Hilaria na nakangiti.
"Kamukha n'yo po si mamu Delia.." ani pa ni Levi kay Hezekiah.
Natigilan ito saka pa ginawi ang tingin kay Natasha. "Tiyahin natin, kapatid ni mama.." explain niya sa dalawang kambal.
"Narito siya?" tanong ni Hezekiah.
"Nandoon sa Tondo."
"Pwede ba natin siyang makita?" ani Hilaria.
Maagap na hinawakan ni Flex ang kamay ni Natasha na halatang nag-aatubili. Mas mabuti na sigurong malaman na rin ng dalawa ang naging buhay niya doon.
Marahang tumango si Natasha saka pa nagsalita.
"Okey, pupunta tayo roon...let's visit her." sabi pa niya na ngumiti sa lahat.
"I'd love to ask also if nasaan nakahimlay si inay, sana mabisita rin natin siya." Dagdag pa ni Hezekiah kay Natasha.
Tumango lang din si Natasha.
"Okey, pupuntahan din natin si inay.." she helped herself not to be emotional that time, sabi pa naman ng doktor sa kaniya, bawal sa kaniya ang ma-stress.
Medyo lutang na ang tiyan ni Natasha that time, mag-aapat na buwan na kasi ang tiyan niya, it's now November and they decide to wed this month, ilang linggo na lang at ikakasal na sila, nasa kalagitnaan na sila pag-uusap nang mag-ring ang cellphone ni Flex. It is his sister, Fiona.
"Uh.. excuse me, kausapin ko lang kapatid ko," he left the dining area. Pumunta siya sa veranda para sagutin ang tawag nito.
"Hello, Feliciano.." rinig ni Flex ang excited na boses ni Fiona.
"O, bakit napatawag ka?"
"I have something for you."
"What? Ano?" umaliwalas ang mukha ni Flex.
"Farhan wants me to tell you that he will let you use his yacht after your wedding, for the honeymoon.." masayang sabi pa nito.
"Oh great! Wow, I never expected this.."
"Yeah, right..it'll do for a surprise honeymoon, 'di ba?"
"Salamat..pakisabi na lang sa kaniya, Fion."
"Will do, okey. Gotta hang..bye..love you."
"Okey, bye." Aniya saka pa pinatay iyon. He is on his best mood that time, hindi niya akalain na bibigyan siya ng pribiliheyo ni Farhan about his yacht.
Agad siyang bumalik sa kusina at nakihalubilo sa kanila. Hindi muna siya magpapahalata na mayroon siyang good news.
"O, ano raw?" tanong pa ni Natasha sa kaniya. Umiling siya.
"Nothing, nangangamusta lang.." he smiled. "Ahh, okey." she was convinced.
Matapos ang kainan ay agad na naghanda sina Natasha, Hilaria at Hezekiah, pansamantalang paparito ang kakambal since malapit na rin ang weeding ni Natasha. Mabuti na rin daw ang ganito para magkaroon ng bonding ang tatlong magkakapatid.
"Are you ready?" tanong pa ni Flex.
"Yes. We are.."Hilaria replied. Sabay-sabay silang pumanaog sa hagdan at nagpaalam kina tatay Berto at nanay Dorang. Mas mainam na hindi na nila isama ang mga chikiting dahil baka pumaroon muna sila sa Tondo.
Nang makasakay sa kotse at makaupo na lahat, ay pinaandar na ni Flex ang sasakyan. Naupo sa backseat ang magkakambal na hindi maawat sa pagchika at pag-seselfie. Natatawa naman si Natasha na nakiki-chika rin sa dalawa. Hindi maubos ang chika nila that time, kaya no worries si Flex na mag-on ng music sa radyo, since bibig pa lang ni Hezekiah ay parang radyo na. Ayaw paawat ito sa pagsasalita. Lalo pa't first time daw nitong makatuntong sa Manila. Na kesyo first time daw niyang makakita ng MRT, LRT sa taas ng diversion road, na halatang iba raw sa Davao ang Manila, at kung anu-ano pa.
Hanggang sa marating na nila ang eskinita papunta sa kalye Esguerra.
"Hala, mao na ni Tondo?" maang na tanong ni Hezekiah na hawak ang braso ni Hilaria.
"Oo, narito na tayo." Sagot pa ni Natasha na noo'y bumaba na. Pinagbuksan siya ng pintuan ni Flex at inalalayan sa pagbaba. Nag-park sila sa hindi kalayuan dahil hindi na pwedeng pumasok sa makipot na daan na iyon. Halatang nakatingin ang mga mata ng mga taong nadaraanan nila, animo'y mga high-end CCTV na ni pagliko nila ay nakasunod pa rin ang mahahabang leeg.
"Hala uy, ganito pala sa Manila no? para tayong artista ano?" saad pa ni Hezekiah na ikinatawa ni Hilaria.
"Ewan ko sa'yo," hampas ni Hilaria sa braso ng kakambal. Kung maituturing na napakadaldal ni Hezekiah, kabaliktaran naman iyon kay Hilaria na napaka-pino kung magsalita at ingat na ingat.
Mayamaya pa ay nagsimula na silang maglakad palapit sa isang tindahan.
"Mamu Delia Store?" binasa pa ni Hezekiah ang karatula na nasa itaas.
"Narito na tayo," tipid na saad ni Natasha sa mga kapatid.
Naunang pumasok si Flex sa awang ng pintuan at nang magbalik ito ay kasama niya ang pigura ng matandang babae na nakasuot ng shorts at naka-tube na damit. Nakapuyos ang buhok nito na halatang kinulayan para hindi makita at mahalata ang mga puting buhok nito. Nakasuot ito ng salamin pero napaka-kikay pa rin ang awra nito.
"Natasha—!" sigaw pa nito na agad niyakap si Natasha. Kasunod naman nito ang isang matandang lalaki na nakasuot ng puting sando at isang cotton shorts.
Nagyakapan ang magtiyahin, hanggang mapansin ang presensya ng ibang babae sa likuran nito.
"O, sino sila? Sino 'yang mga kasama mo?" sambit pa ni mamu Delia sa kaniya.
"Mamu, ipinapakilala ko po sina Hezekiah at Hilaria, ang mga kapatid ko po." Halatang nagulat ang ginang sa sinabi niya. Napaawang ang bibig nito habang sinisipat ang kabuuan nina Hezekiah at Hilaria.
"Dyosko, kayo na ba 'to? Kayo na ba 'yan?" tanong pa ni mamu Delia na dahan-dahang lumapit sa magkakambal.
"Tyang.." yakap pa ni Hezekiah sa ginang.
"Ops! Mamu Delia.. Mamu Delia ang itawag n'yo, hindi naman tayo nagkakalayo ng edad." Kindat pa ng ginang sa dalawa na halatang nagulat sa sinabi nito. Halatang pinapatawa lang sila ng matanda para hindi sila magdrama.
"O, halina kayo sa loob. Tara, h'wag dito sa labas, dahil maraming TV patrol ang nandito." Sabi pa nito na ikinatawa nilang apat. Nang makapasok sila'y pinakilala naman sila kay t'yong Totoy na halos hindi mawala ang paningin sa dalawang kambal. Kaya hindi maawat ni mamu Delia na sampalin nito ang pisngi ng matanda.
"Teodoro! Mga pamangkin ko 'yan!" saway pa ni mamu Delia sa asawa.
"Sus, tinitingnan ko lang naman, para kasing ikaw eh, kopyang-kopya ang mukha mo noong dalaga ka pa. Parehong-pareho eh." Puri pa ni t'yong Totoy sa magkakambal.
"Naku, salamat po.." saad pa ni Hilaria sa pormal na boses.
"Uy, iba. Magkaiba sa boses." Pagtatama pa ni T'yong Totoy. Nagtaas naman ng isang kamay si Hezekiah at nagsalita.
"Ako ho, ako po ang madaldal.." ani nito na ikinatawa lang nila. Sa oras na iyon ay naupo sila sa sala at pinag-usapan ang mga samo't-saring kaganapan sa kanilang buhay. Sinabi nila Hezekiah at Hilaria kung ano ang mga estado nila ngayon, na wala pa silang boyfriend at kung ano ang mga trabaho nila.
Nag-offer naman si Mamu Delia ng nilutong cassava cake at iyon ang ipinakain sa kanila.
"Oh, sinong gusto ng softdrinks? Litro o kasalo?"
"Kasalo na lang ho," sagot ni Flex na inabot ang bayad kahit hindi naman nagpapabayad ang ginang.
Nang makailapag ang mga basong may lamang softdrinks ay nagpatuloy sila sa pag-uusap.
"Anong balak niyo ngayon?" ani Mamu Delia.
"Dadalawin ho sana namin si inay," ani Hilaria.
"Naku, ipagpaliban n'yo na lang bukas, hapon na at baka maabutan kayo ng dilim sa daan." Saad pa ni mamu Delia sa mga pamangkin.
"Pwede ho bang pumarito muna kami?"
"Sus, tinatanong pa ba 'yan, siyempre. Dito muna kayo, marami namang kwarto sa taas. Pili lang kayo." Nakangiting saad ng ginang.
"Ahh..ano po ba ang nasa taas, mamu?" tanong pa ni Hezekiah sa tiyahin.
"Ay, kuwan..kalangitan baga, heaven ng mga kalalakihan." Ngisi pa nito.
Halatang walang nag-sink in sa sinabi ng matanda sa kaniya kaya napakamot ito sa ulo.
"Lodging house." Sagot naman ni Hilaria na binulongan ang kakambal.
"Ahhh." Patango-tango si Hezekiah na nag-loading sa oras na iyon.
"Masaya ba kayo, na nalaman na ninyo ang pamilya natin? Kung saan tayo galing? At kung anong mayroon sa atin?" May laman ang tanong ni Natasha sa dalawa.
Ngumiti si Hilaria saka pa hinimas ang balikat ng kapatid. "Masaya kami na malaman ang pamilya natin."
"Oo, at least, pamilya tayo..at nalaman kong...magaganda pala talaga ang mga lahi natin." Biro pa ni Hezekiah na ikinatawa nilang lahat. Tama nga ang sinabi nito, at least, may matatawag siyang pamilya kahit hindi iyon perpekto.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
RomanceWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)