MAAGA pa nang mapagpasyahan nilang umalis, ngayon kasi ang plano nilang pagpunta sa sementeryo para dalawin ang namayapa nilang inay. Kasama ng magkakapatid sina t'yong Totoy at mamu Delia. Mabuti na lang at hindi masyadong traffic sa oras na iyon, napagpasyahan nila Flex at t'yong Totoy na mag-motorsiklo na lang habang sina Natasha, Hilaria, Hezekiah at Mamu Delia ang nasa kotse. Nag-convoy sila papunta sa Manila North Cemetery. Doon kasi nakahimlay ang inay nila.
Nang makapunta doon ay sabay-sabay silang bumaba at naglakad papasok sa bukana ng mahabang daan.
"Sumunod kayo," si mamu Delia na naunang naglakad, kasabay nito si t'yong Totoy. Magkahawak-kamay naman sila Flex at Natasha habang gayundin sina Hezekiah at Hilaria na sumunod lang.
Muli pang sinipat ni Natasha ang dalawang kapatid saka pa ngumiti. Alam niyang heto na ang pinakahihintay ng dalawa, ang makita at malaman ang puntod ng kanilang namayapang inay.
Muli silang naglakad at sumunod sa tiya at tiyo nila, hanggang sa mapunta sila sa isang makipot na daan na pinapagitnaan ng barong-barong na puntod. Naroroon sa gitna ang isang puntod na tila napaglipasan na ng panahon. May mga talahib ang bumabalot doon at faded na ang pangalan na nakasulat.
"Nandito na tayo," sabi pa ni mamu Delia. Dahan-dahang lumapit sina Hilaria at Hezekiah sa puntod. Halatang naiiyak sa tuwa na makita kahit man lang ang puntod ng namayapang inay nila. Hinawi ni Flex ang mga talahib at nilinis ang nakasulat sa lapida.
"Maria Czarina Legaspi y Castillo." Anas ni Flex na tumitig sa mukha ni Natasha. Matamang nakatitig lamang ang tatlong magkakapatid roon. Hawak-kamay ang mga ito.
"Ma, andito na po kami.." ani Hilaria na naiyak na.
"Ma, ako po ito si Hezekiah, ang anak po ninyo.." pagpapakilala pa ni Hezekiah na naiiyak na rin. Pinagitnaan naman sila ni Natasha na inaalo at hinihimas ang mga likod nila.
"Ma, nakumpleto ko na po sila..nandito na po kami ngayon, ma. Sana makita n'yo po kami ngayon, sama-sama na po kami.." saad pa ni Natasha na pinipigilan ang pagluha ng kaniyang mata. Nanatili siyang matatag.
"Nandito rin po ako.." bungad pa ni Flex na ikinalingon nilang tatlo.
"Ako po si Feliciano, ako po ang lalaking magmamahal sa anak n'yo, mamahalin ko po si Natasha...ipinapangako ko po 'yan." Ani Flex. Agad namang niyakap siya ni Natasha na hindi na napigilang maiyak.
"Shhh, from now on, hinding-hindi ka na iiyak. Ipinapangako ko 'yan," dagdag pa ni Flex kay Natasha.
Napangiti naman sina t'yong Totoy at mamu Delia sa narinig. Habang sina Hilaria at Hezekiah naman ay kinilig at nagpunas ng luha.
"Siguraduhin mo lang 'yan, Flex ah, kundi uupakan talaga kita." Biro pa ni Hezekiah na ikinatawa lang ng matandang mag-asawa.
"Nagmana ka talaga sa t'yang mo." Saad pa ni t'yong Totoy.
"Pst! Excuse me, mamu...hindi t'yang! Hindu pa ako matanda ano!" paliwanag pa ng ginang na agad pinandilatan ang kapareha. Imbes na magsintir ay nagtawanan na lamang silang lahat dahil sa pasaring ni mamu Delia.
"Masaya ko kayong makita na magkakasama," dagdag pa ni mamu Delia na halatang nagagalak sa tatlong magkakapatid.
"Kung siguro'y nabubuhay pa ang kapatid ko'y, magiging masaya rin siya kapag nakita kayo." She smiled to them.
Sa pagkakataong 'yon, napagtanto ni Natasha na walang katumbas ang kasiyahan na nadarama niya kapiling ang kaniyang mga mahal sa buhay, hindi na niya iniintindi ang estadong mayroon siya, ang importante para sa kaniya ay ang makitang sama-sama sila ng kaniyang kapatid at bumuo ng bagong kinabukasan sa piling ni Flex.
Dahan-dahang hinimas ni Natasha ang kaniyang tiyan. Ipinapangako niyang gagawin niya ang lahat para maibigay ang masaya at simpleng buhay sa magiging anak nila ni Flex.
After visiting their late mother, napagpasyahan nilang mag-bonding muna saglit. Nagpunta sila sa madalas na kainan nila Natasha noon—ang kainan ni Aling Bebang.
Nang marating nila iyon ay agad na nag-order sila Hilaria at Hezekiah ng putaheng gusto nila, gan'on din si Flex at Natasha. Abala naman sina mamu Delia at t'yong Totoy na naglibot sa lugar, since bago ito sa paglilibang nilang mag-asawa. Naninibago sila sa pagiging class ng lugar, kaya ang nangyari..panay selfie ang mga ito, hinayaan na lamang nila ang dalawa since iyon ang kasiyahan ng matatanda.
After a while ay nagsidatingan na ang mga in-order nila, nang makaupo ang lahat ay nagsimulang magdasal si Hilaria na nanguna sa kanila.
"Sa ngalan ng ama, ng anak, ng espiritu Santo..amen." Sa pagtatapos n'on ay maganang kumain ang mag-anak na halatang nagkakasiyahan. Pinag-usapan nila ang nalalapit na kasal nila ni Flex at Natasha.
"I have something for you, madam..and I guess makakatulong sila Hezekiah at Hilaria." Ngiti pa ni Flex.
"Ano naman ang pinaplano mo?" irap ni Natasha na hindi nagpapahalata na gustong malaman ang sinasabi nito.
"Don't worry, sis. Kami na ang bahala d'on, 'di ba, dhay?" siko pa ni Hezekiah kay Hilaria na ngumiti lang.
"Ano ba kasi 'yan?" tanong pa ni Natasha sabay inum ng tubig sa baso.
"Malalaman mo rin, bukas." Ani Flex na hinalikan ang noo niya. Kaya imbes na mag-galit-galitan ay ngumiti na lang si Natasha, mas mabuti na ngang hindi na niya kulutin ito, sabi pa nga ng karamihan..expect the unexpected.
Nagpatuloy sa pagkain ang mag-anak, ganado silang lahat sa ulam na nasa harapan nila. Puchero, bulalo, humba, at afritada ang in-order nila, ang panghimagas naman nila ay minatamis na saging at ube halaya.
"Thanks god!" Dighay pa ni Hezekiah na agad nagtabon ng bibig. Natawa naman si Hilaria na halatang mahinhin ang kilos.
"Hayok na hayok ka sa pagkain, ah." Biro ni Hilaria sa mahinhing boses.
"Ay, alangan ang sarap-sarap kasi eh!" natatawang saad nito na ikinatawa pa nilang lahat. Medyo kalog at prangka kasi magsalita si Hezekiah, ibang-iba sa kakambal nitong si Hilaria na praktisado sa pananalita at kilos.
Nang matapos sila roon ay nagpunta naman sila sa Luneta at sa Quiapo Church, iyon kasi ang gustong puntahan ni Hezekiah, habang nasa Manila pa umano ito. Once in a lifetime lang naman daw kasi ang pagkakataong iyon kaya sinulit na rin nila.
Nang nasa Quiapo silang lahat ay naunang pumasok ang dalawang matanda. Naiwan naman sina Flex, Natasha, Hezekiah at Hilaria sa may labasan, gusto kasing magpahula si Hilaria at Hezekiah kaya sinamahan naman sila nina Flex at Natasha.
"Sige na sis! Dali na!" excited na saad ni Hezekiah sabay hatak sa kakambal.
"Oh, anong atin, magpapahula ba kayo maam?" tanong naman ng isang medyo katandaang babae.
"Oho, magpapahula po kami." Sabi pa ni Hezekiah na naupo na sa upuan na nasa harapan ng matanda. Naupo na rin ang tatlo sa gilid.
Marahang hinawakan ng matanda ang palad ni Hezekiah at binasa iyon, tila sinusuri ang kaniyang sadya.
"Magpapahula ka kung nasaan ang lalaking para sa'yo?" ani ng matanda na ikinatango-tango lang niya.
"Paano n'yo po nalaman?" parang sira na tanong niya sa matanda.
"Siyempre, manghuhula ako hija," ngiti pa ng matanda sa kaniya.
"Ay oo nga pala."
"Sige. Magsimula na tayo," ani ng matanda na bumalasa ng baraha. Pinahati naman niya ito kay Hezekiah ng ikatlong beses at doo'y nilagay ang pagkakasunod ng nakataob na mga baraha.
Habang kinukuha ng matanda ay nilalahad naman nito sa harapan nila.
"Lalaki, makisig, mayaman.." bungad nito na nagpakilig sa taenga ni Hezekiah. Sinondot-sundot pa siya ni Hilaria na kinikilig rin. Natatawa naman si Natasha sa kapatid.
"Ngunit..masungit, masama, at may nakaraan ang lalaking para sa'yo, malayo ang agwat ninyo, parang hindi siya taga-rito." Ani ng matanda na ikinasimangot ni Hezekiah.
"Naku, 'nay, tarunga ang hula jud nimo 'nay ha!" pagbibisaya pa nito na halatang na-unsyame ang kilig.
"Nakita mo na siya, pero.." tumigil pa ito saka pa tiningnan ang mukha ni Hezekiah.
"Malalaman mo kapag hinawakan ka niya sa ilong, siya ang lalaking tinutukoy ko." Weird na saad ng matanda na ikina-kunot lamang ng noo ni Hezekiah. "Ilong? Bakit ilong?" Nalilitong tanong niya.
"Sige, sino ang susunod?" tanong pa nito na nilinga ang paningin.
Ngumiti lang sina Flex at Natasha na hindi sumagot.
"Magpapahula ba kayo?" ani ng matanda.
Umiling si Flex. "Hindi po," sagot ni Natasha.
"Sigurado kayo? Hindi n'yo ba ipapahula ang kasarian ng magiging anak ninyo?" turo pa nito sa tiyan ni Natasha. Umaliwalas ang mukha ni Natasha saka pa tinitigan si Flex. Parang nagpapaalam kung p-pwede ba.
Tumango lang si Flex kaya agad namang nilahad ni Natasha ang kaniyang palad.
"Hmm..nakikita kong magiging maganda ang batang 'to, babae..babae ang magiging anak mo, kamukhang-kamukha siya sa'yo," tinuro pa nito ang lalaking nakaupo, si Flex. Nilingon lang ito ni Natasha saka pa ngumiti. "Salamat po," kinuha ni Natasha ang kamay at agad na naglagay ng bayad sa isang paso na nandoon.
"Ikaw, hija? Magpapahula ka ba?" ani ng matanda kay Hilaria. Kemeng tumango lang ito saka pa mas lumapit, nilahad nito ang palad at halatang nate-tense sa kung anuman ang sabihin ng matanda.
"Gusto mong mag-solo, gusto mong mag-isa? Nahihirapan ka ba kapag marami sila?" ani ng matanda na ikinagulat ni Hilaria. Aminadong natumbok nito ang hinaing niya sa buhay.
"Nagtinginan naman sila Hezekiah at Natasha, halatang nagulat.
"Nababasa ko sa palad mo na nahihirapan ka na sa sitwasyon mo, marami kang iniintindi, ngunit ngayon, parang maiibsan ang paghihirap mo kung darating ang isang alok. Huwag mo nang pakawalan ang alok ng isang lalaki, kapag aalokin ka, huwag kang tumanggi, iyon ang magiging paraan na matapos ang paghihirap mo." Seryosong saad nito kay Hilaria.
Napalunok si Hilaria dahil sa pagkakabigla. Hindi niya akalain ang sinabi nito.
"Sino siya?" tanong pa niya sa matanda.
"Malalaman mo kung darating siya sa oras ng paghihikaos mo, makikilala mo siya sa oras na iyon." Ani ng matanda na may binigay sa kaniya.
Isang pulseras.
"Suotin mo 'yan, malalaman mong siya na ang lalaking tinutukoy ko kung siya ang makakaputol ng pulseras na iyan." Sa sinabing 'yon ng matanda ay napanga- nga lang si Hilaria. Hindi niya akalain ang sinabi nito.
"Salamat po, 'nay. Salamat po sa paghula n'yo sa amin." Sabi pa ni Natasha na naunang tumayo sa kanila.
Ngumiti ang matanda saka pa nagsalita.
"Ito'y gabay lamang mga hija, nasa sa inyo ang desisyon, kung maniniwala ba kayo, o hindi."
"Opo, salamat po," dugtong ulit niya.
Sa pagkakasabing iyon ay nagsi-tayuan na silang lahat, nang papaalis na sila ay tinawag sila ng matanda.
"Hija!" nilingon ito nila Hezekiah, Hilaria at Natasha.
Tinuro nito si Natasha.
"Maghanda ka bukas, suotin mo ang pinakamagandang blusa, kulay pula, iyan ang bagay sa'yo." Makahulugang saad ng matanda na ikinatitig lang niya sa dalawang kapatid. Ano kaya ang ibig sabihin nito, ito kaya ang sinasabing surpresa nila ni Flex?
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
Roman d'amourWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)