MASAYANG-MASAYA sina Levi at Luntian nang makarating sina Natasha at Flex galing sa kanilang honeymoon. Dala nila ang iba't-ibang pasalubong mula sa Palau.
"I miss you so much, baby!" gigil na pinapak ni Natasha ang pisngi ng anak niya saka pa niyakap ng mahigpit.
"I miss you so much po mommy! Nami-miss ko rin po si kuya daddy!" sabi pa ng paslit na agad niyakap si Flex. Ganoon din si Luntian na nakipagsiksikan sa pagpapayakap kay Flex. "I miss you kuya! I miss you din po maam Natasha!" sabi pa ng paslit na hindi maawat kay Flex.
"Oh sya sya! Tama na 'yan, halina kayo rito, pagod sila sa biyahe, h'wag n'yong pagurin..naku na mga bata ito!" saway pa ni nanay Dorang na umupo sa sofa. Nandito na sila sa bahay nila sa Quezon since nalalakihan raw umano sina nanay Dorang at tatay Berto sa mansion ni Natasha.
"Oh nariyan na pala kayo, kamusta ang biyahe?" sabi pa ni tatay Berto na tumabi kay nanay Dorang.
"Naku, tay, masayang-masaya po." Lumapit si Flex sa mga matatanda saka pa nagmano. Dahil d'on ay nagmano na rin si Natasha sa mga matanda. Balik na sila sa kanilang reyalidad.
Ang buhay sa pilipinas bilang may-ari ng H Modelling company.
"Oh, tiyak kong pagod kayo, mabuti pa't magpahinga na kayo. Teka, kumain na ba kayo?" tanong pa ni nanay Dorang.
"We're done, 'nay, nandito lang po kami para sana magpaalam. Kukunin ko na po si Levi at Luntian kung pu-pwede ho," sabi pa ni Natasha sa mag-asawa.
"Doon na ba kayo talaga sa mansion?" ani tatay Berto.
Hinarap ni Luntian si Flex.
"Kuya, ayoko pong iwanan sina nanay at tatay, dito na lang po ako.." sabi pa ni Luntian kay Flex.
"Ayaw mo bang doon sa mansion? Magkakasama tayo, kayo ni Levi?" Flex asked her.
Umiling ang bata. "Gusto ko po pero, walang kasama sila nanay. Dito lang po ako, aalagaan ko po sila." Sabi pa ni Luntian sa kuya niya.
"Okey, kung iyan ang desisyon mo. Basta..dalawin mo si kuya ah, mami-miss kita." Sabi pa ni Flex na handa nang tanggapin na hindi panghabambuhay niya makakasama ang kapatid. Alam niyang mas mainam na rin na pumarito lang ito sa mga matanda.
"I will miss you, Emerald." Sabi pa ni Levi na hinarap si Luntian. Ngumiti naman si Luntian saka pa nag-goodbye hug kay Levi. Naging mabuti silang magkaibigan at naging kapatid na rin sa isa't-isa. Mas naging close ang mga ito.
Matapos mag-impake sa mga damit ni Levi ay nagpaalam na sila sa dalawang matanda at kay Luntian. Tanaw nila sa papalayong sinasakyan ang pagkaway ng mga ito sa malaking gate. Napagpasyahan ni Flex na ibigay na lamang ang bahay sa mga matanda at doon na manirahan sa mansion ni Natasha, since hindi naman sila magtatagal doon, dahil napagpasyahan nilang mamuhay sa States, kapag matapos ang kinakailangan nilang asikasuhin patungkol sa H Modeling Company.
Sakay sila ng sasakyan ng nag-usap sila sa kanilang uunahing gawin.
"We will settle the company, I have decided to trust Donatella to manage this branch." Ani Natasha.
"Let's call them for a meeting tommorow, naiisip ko rin ang isang taong pwedeng bigyan ng posisyon sa kompanya.." Flex added.
"Sino?"
"Si Gideon...magiging magaling siyang CEO ng kompanya, besides, kapatid ko siya, he has the right to manage while I'm not around. He deserves a second chance." Nakangiting saad ni Flex sa asawa.
"Yes, absolutely." She agreed.
"Let's talk to them by tomorrow, but for now, let's get home..." ani Flex na ipinokus ang mata sa daan. Nang makauwi sila sa mansion ay buhat-buhat ni Flex si Levi dahil nakatulog na ito sa biyahe, dala rin niya ang maleta ng paslit. Agad na bumungad ang mga trabahador ni Natasha at kinuha ang mga kagamitan.
"Maligayang pagdating po," bungad pa ng kusinera nila.
"Salamat po," Natasha replied. Binigay nila ang mga pasalubong na dala nila, masayang-masaya ang mga katulong at trabahador sa pinamili nila.
Matapos ang pakikipag-usap ay pumanhik na sila sa kwarto, mabuti na lang at mahimbing na nakatulog si Levi. Nilagay ni Flex ang paslit sa kwarto nila, gayon naman ang pagtataka ni Natasha.
"We will sleep together?"
Tumango si Flex. "Yes, dapat na tayong masanay, lalo pa't magiging dalawa na sila." He smiled. Natutuwa naman si Natasha sa sinabi ni Flex. Bukod kasi sa tanggap siya nito, ay minahal din ni Flex ang anak niya. Naging ama nito ni Levi at naging magkasundo sa lahat ng bagay.
"Let's sleep. Maaga pa tayo bukas." He said while lying next to Levi. Kinumutan pa nito ni Flex at hinagkan sa noo. Yakap-yakap siya ni Levi na nakadantay pa ang paa sa kaniya.
"Saan ako matutulog?" Natasha asked while pointing the bed. Sinakop kasi ni Levi ang higaan, nasa gitna ito, kaya minabuting kunin iyon ni Flex at bigyan ng space si Natasha. Nang makahiga ay napangiti na lamang si Natasha. Tanaw niya kasi ngayon sina Levi at Flex na magkayakap. Nakatulog na ang mga ito sa sobrang pagod, masaya siyang makita na naging tama ang mga desisyon niya sa kabila ng mga pagkakamali niya sa buhay.
"Goodnight, sleepy heads..." ani ni Natasha. Saka pa ipinikit ang kaniyang mga mata.
Kinabukasan.
Maagang nagising sina Natasha at Flex. Sabay silang naligo, at nagbihis ng corporate attire para sa gaganaping meeting nila sa kompanya. Pinatawag nila ang mga key persons, at iilang board of directors na dapat makaalam sa gaganaping pagbabago sa pamamahala roon.
Nasa closet pa silang dalawa habang nag-aayos, tinutulungan ni Natasha na maisuot ni Flex ang necktie nito at ang coat. Gan'on din si Flex na inaalalayang i-zipper ang damit ni Natasha. They're looking perfectly matched sa salaming iyon. Suot ni Natasha ang kulay itim na formal dress na taga tuhod ang haba ay may slit sa gilid. After checking their attire ay pumunta naman si Natasha sa may kama niya para sana isuot ang kaniyang stilettoes. Nang biglang kunin iyon ni Flex at isuot iyon sa kaniyang paa. Napangiti na lamang siya sa ginagawa nito lalo pa't nahihirapan na rin siya since lumulubo na ang tiyan niya.
"Thank you," she said while smiling.
"At your service, my madam.." sabi pa nito na kumindat pa.
"Let's go," sabi pa ni Flex.
"Let's eat some breakfast first," sabi pa ni Natasha sa asawa. Nang matapos ay pareho nilang dinampian ng halik si Levi na noo'y mahimbing pang natutulog.
Pumanaog sila sa kusina at doon kumain, kapwa inasikaso nila ang kanilang pagkain, halatang naninibago ang mga katulong at kusinera sa inaasal nila. Nagluto ng sunny-side up si Flex habang suot ang apron, tinulungan naman siya ni Natasha na naghiwa ng kamatis, cucumber, celery, at kaunting sibuyas para sa fresh vegetable salad.
"Maam, sir, ako na po." Nahihiyang sabi pa ng kusinera nila.
"Naku, manang kami na ho." Nakangiting sambit pa ni Natasha sa ginang.
"Ang mabuti pa'y si Levi na lang po ang lutuan ninyo, tuna sandwich po at gatas, gusto rin po n'on ng sausage." Ani pa ni Natasha sa kusinera.
"Idagdag mo po ang tortang talong," ani Flex na ikinatawa lang ni Natasha. Hindi kasi niya akalain na kinabisado talaga ni Flex ang mag pagkaing nakasanayan na nila.
After that cooking session ay sabay na kumain ang dalawa, halatang nagmamadali para makaalis agad papuntang kompanya nila.
Nang makalabas ay agad na pinagbuksan ni Flex ang asawa habang nakangiti.
"Madam, after you.." lokong ngisi ni Flex na tila ginugunita ang panahong driver pa siya ng ginang.
She rolled her eyes.
"Feliciano, Tara na." saway pa nito nang makapasok na.
Agad na gumilid si Flex at pumasok sa drivers seat. Nang mabuksan ang makina ay nagsuklay pa ito ng buhok sa may salamin. "Gwapo na ba ako?" tudyo pa niya sa asawa.
She rolled her eyes, as if naman na pumangit ito sa mata niya, eh hindi nga siya makatulog kapag hindi niya ito nakikita. "Ang pangit mo!" she teased him. Ngumisi si Flex.
"Hmm...na-inlab ka sa pangit na 'to, akala mo ha.." Tawa pa nito.
"Alright, you're handsome..okey na?"
"Thank you, madam.." pangungulit pa ni Flex.
"Just drive!" She said na halatang pikon na.
"Okey, your majesty." Ngisi pa ni Flex na hindi mapigilan ang pagtawa, imbes na mapikon ay natawa na lang si Natasha sa ugali ng asawa. Nasasanay na siya sa pagiging maloko nito. And, honestly, bentang-benta nga iyon sa kaniya.
Matapos ang ilang oras na pagmamaneho ay narating na rin nila ang gusali ng H modelling company. Nang makalabas sila sa sasakyan ay agad na kinuha ni Flex ang asawa at minabuting magkahawak-kamay na pumasok sa building. Agad na bumungad ang guwardiya at binati sila.
"Good morning, madam and sir Carnacion.." sabi nito na ikinangiti ni Natasha, kamuntikan na niyang makalimutan na Carnacion na pala ang apilyido niya ngayon.
"Good morning po!" bati naman nila rito.
Nang makapasok ay binati rin sila ng mga staffs na nandoon, nakangiti lang silang dalawa habang binabagtas ang opisina ni Natasha.
Nang makaliko sila sa lobby ay nandoon si Donatela na nakaupo sa sofa, nandoon din si Gido na nakawheel chair, gaya ni Flex ay naka-corporate attire din ito.
"Good morning!" Magkasabay na bati ni Flex at Gido sa isa't-isa.
"Good morning madam! Good morning sir!" bati naman ni Donatela kay Natasha at Flex.
"Good morning, Dona, any updates?" sabi pa niya na agad namang sinagot ni Donatela.
"Here po, ito po ang mga papers for the meeting." Donatela handed the folders.
"Okey, let's start the meeting." Bakas sa mukha ni Natasha ang excitement na gusto nitong isiwalat ngayon.
"Okey po, naroon na po sila sa conference room," saad pa ni Natasha an sinipat ang wall clock.
"Great, they're all here at the right time."
"Yes madam, I said it's urgent."
"Good." She smiled. Nauna silang pumasok at naiwan naman sina Flex at Gido.
Flex smiled to his brother. "So how's, everything?" he started a conversation.
Ngumiti si Gido at nagkamot ng batok.
"Heto, nininerbyos kung ano ang meeting na 'to," he smile.
"Don't worry, it will be a good shot for you."
"A shot?"
"You will find it later, Tara na baka nagsisimula na sila." He waited his brother to manipulate his wheels. Nang makapasok ay agad silang umupo at pumwesto sa mahabang lamesang nandoon, nakaupo na ang mga empleyadong handang makinig sa kung anuman ang sasabihin ni Natasha ngayon.
Tanaw pa nila ito na nakatayo sa kanilang harapan habang binabasa ang isang folder.
"Gentlemen, I'm here to tackle the changes of this company. I hereby declare that H Modeling Company will be now Carnacion Group of Companies and it will be handled and manage by Ms. Donatela Magsaysay and Mr. Gideon Castillo..." nang sabihin niya iyon ay nagsipalakpakan ang mga officers na tila walang tutol sa sinabi niya.
Halatang nabigla naman si Gido at Dona sa narinig. Hindi nila inaakala ang narinig. Sa pagkakasabing iyon ay agad siyang nilapitan ni Dona at agad na niyakap.
"Thank you, madam..maraming..maraming salamat po." Naiiyak na saad ni Donatela sa kaniya. Niyakap niya rin ito at masayang hinagod ang likuran ng dalaga.
"You deseve it, Dona, you're the most hardworking employee I ever had. You deserve this opputunity." Sabi pa nito sa dalaga.
Gayundin si Gido na napayakap kay Flex. "Tol! Maraming salamat.." Gido is out of his tears, ang luha ng kagalakan na nararamdaman niya ngayon.
The chance he deserve.
A new beginning of their lives, and a new beginning of Carnacion Group of Companies.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
RomanceWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)