Chapter 40

207 7 0
                                        

  IT IS A BEAUTIFUL morning to start a new day, Natasha and Flex are now preparing their documents for their wedding. They attend some seminars, schedule for church and sorting some caterings for the event. Napili nila ang Batangas para pagdaosan ng kasal, ang Basílica Menor de la Inmaculada Concepción, ang isa sa mga pinaka-antigong simbahan na pinapangarap ni Natasha.
 
  "I can't wait forever to kiss you in that altar, madam." Ani Flex na suot ang pilyong ngiti. Nasa simbahan sila ngayon para makuha ang schedule of their three weeks posting. Nakaupo sila sa mahabang upuan habang nakikinig ng musika mula sa mga umaawit na choirs.
 
  "Ssh, you're distracting me," irap pa ni Natasha na noo'y nakikinig sa musika. Hindi naawat si Flex at noo'y masuyong inabot ang kamay ni Natasha na sinalikop ng kaniyang malapad na kamay. Naka-holding hands sila habang nakatanaw sa kabuuan ng simbahan, habang nakikinig ng mga kantang nagpapagaan sa kanilang kalooban.
 
  Muli pang tinignan ni Flex si Natasha na noo'y nakatanaw sa harapan ng altar.
  "From now on, I will see your face on each morning I'll wake up. From now on, I will never turn my sight to anyone...just only you."
 
  Dahan-dahang tiningnan ni Natasha ang seryosong mukha ni Flex.
  "You do?"
 
  "Yes I do."
 
  "Baka mapagod ka?"
 
  "Bakit naman ako mapapagod? Eh mahal kita?"
 
  "Sapat na ba ang pagmamahal, Flex?"
 
  "Para sa akin, ikaw lang sapat na."
 
  "Paano kung saktan kita?"
 
  Ngumiti si Flex. "Even my heartbeat ends, I assure you that no one can ever replace you in my heart, even it's so painful loving you, I am still willing to get hurt."
 
  "Mahal kita." Umaliwalas ang mukha ni Flex nang sabihin ni Natasha ang salitang 'yon.
 
  "I know, gusto ko lang marinig para maniwala talaga ako." Kumindat pa si Flex bago pa hinigpitan ang paghawak sa kamay niya.
 
  Nang makuha ang papel mula sa opisina ng pari ay agad silang nagtungo sa H Modeling Company. Taas noo silang lumantad sa mata ng mga empleyado nila. Ready na silang magpa-press conference sa lahat ng media, para malaman ng mga bumabatikos sa kanila ang kanilang estado.
 
  Nang makatapak sa building ay agad na umagaw ng atensyon ang bagong imahe ni madam Natasha. Pati ang security guard na bumungad sa kanila'y nagkanda-ugaga habang sinasalubong ito.
 
  Naunang nagsalita si Natasha.
  "Kamusta ho kayo, magandang umaga." She politely greeted his guard.
 
  Nang papasok na sila sa hallway ay hindi tinatanggal ni Natasha ang paghawak ni Flex sa kaniyang kamay. Isa-isa niyang binalingan ang bawat mata na nandoon.
 
  "Good morning,"
 
  "Hello, kmusta?"
 
  "Kamusta ang trabaho?"
 
  "Hi!"
 
  Iyon ang umalingawngaw sa bibig ni Natasha sa bawat empleyado niya. Nang makaliko sa isang hallway ay nabungaran niya si Donatela, hawak nito ang isang tasa ng kape.
 
  Halatang nabigla ito at takot na nakatitig sa kaniya. Lumawak ang ngiti niya.
  Napayuko si Donatela dahil alam nitong may kasalanan ito sa kaniya.
 
  "Good morning, Donatela? Do we have updates?"
 
  "M-madam," nakayukong saad ni Donatela, ayaw nitong magtaas ng tingin sa kaniya. Nanginginig ito ngayon.
 
  Dahan-dahang hinawakan ni Natasha ang balikat nito, napakislot si Donatela, halatang nabigla. Tinapik siya ng tatlong ulit ni Natasha bago pa magsalita.
  "Donatela, look at me," malumanay na saad niya. Ibang-iba ang boses niya noon na padabog, pasigaw at halos lumamon na ng tao.
 
  "Madam, madam, please..i'm so sorry po. Please madam, hindi ko po sinasadya ang mga nangyari, hindi ko po alam na.."
 
  "Ssshh...enough, listen, wala kang kasalanan. Tama lang ang ginawa mo."
 
  "Pero madam, dahil sa'kin kaya po nagkaka-ganito ang konpanya, sorry po madam."
 
  "Don't worry, malalampasan natin to..kung maniniwala pa rin kayo sa akin."
 
  "Naku, madam, naniniwala po kami sa inyo, kung hindi dahil sa'yo, wala na po kami rito, kayo lang ho ang nagtaguyod ng kompaniya since nawala si sir Hernan, pinagbilin ka sa amin ni sir noon, na kahit anong mangyari po, hindi ka namin tatalikuran."
 
  "Masaya akong marinig 'yan mula sa'yo, Dona."
 
  "Sorry po, nagawa ko lang ho sa inyo 'yon siguro po'y dahil sa sama ng loob. Hindi ko na po naisip na sa kabila ng pagiging istrikta ninyo, marami po akong natutunan...sorry po madam." Madamdaming saad ni Donatela na humingi ng paumanhin kay Natasha.
 
  They enclose the heartaches with a simple hug. A new beginning for H modelling company. Nagpa-meeting si Natasha at Flex sa mga managers at mga supervisors, pinaalam nila ang kanilang estado ni Flex, na ikakasal na sila at may mga, changes sa pagpapatakbo ng kompanya, ipinaalam nila ang ibang corporate shares mula sa tiyuhin ni Flex at ng mama nito. Inilahad na rin nila ang totoong pagkatao ni Flex na isa pa lang heredero sa States.
 
  And by that time, ipinangako ng mga empleyado nila na gagawin ang lahat para maiahon sa eskandalo ang kompanya.
 
  Alas tres na ng hapon nang magsagawa na sila ng conference, nasa harapan sina Flex at Natasha na noo'y nakaupo sa isang pahabang mesa. Nasa harapan nila ang mga taong halatang gustong umabuso ng tanong sa kanila.
 
  May mikropono sa harapan nila na magsisilbing boses para sa kabuuan ng kwartong iyon.
 
  Nagsimula na ang mga tanong.
 
  "Mrs. Anastacia Castillo-Hettleworth, totoo po bang nalulugi na ang H Modelling company?"
 
  "Yes, but we are rising again." Saad ni Natasha na hawak-hawak ang kamay ni Flex sa gilid niya.
 
  "Madam, bakit po nalulugi ang kompanya? Totoo po bang dahil ito sa pagiging lalakero mo? Bali-balita po na marami ka pong lalaki."
 
  "It's not true! Kung sinuman ang nagsasabi n'yan, siya ang may galit sa akin, walang katotohanan iyan!"
  Ani niya.
 
  "Madam, kung iyan po ang sabi mo, sino ang lalaking nasa tabi mo? Isa ba siya sa mga lalaki mo?"
 
  "Hold your filthy mouth, he is Feliciano Carnacion, my very own model, and my official man I'm willing to married with.. siya ang lalaking mahal ko, at minahal ako ng buong-buo!"
 
  "O, gan'on po ba madam, baka kwarta lang po ang habol niya sa'yo?"
 
  Hindi na napigilan ni Flex ang sarili at kinuha ang mikropono.
  "Salamat sa tanong mo, but in that accusation, I'd rather searched first, if whom your dealing with right now, kilala niyo ba ako? Hmm?" Mapanuyang tanong ni Flex sa mga media na noo'y sinesentro ang mukha niya sa screen.
 
  "Sir Feliciano Carnacion, sino po kayo at ano kayo sa buhay ni Anastacia Hettleworth?"
 
  " I am Feliciano Carnacion, the owner of Carnacion Cars and Trades in US. Ama ko ang pamusong negosyante sa states, at ina ko si Francesca Carnacion, the global entrepreneur of AXA Builders corporation.
 
  Nahalata nila Flex ang pagkabigla ng mga media at mga bulong-bulongan na umugong sa kwarto pumagitna ang katahimikan at halatang hindi sila makapagsalita sa nalaman.
 
  "The rest? Ano pa ang tanong ninyo?" saad ni Flex sa kanilang lahat. Wala ni isa ang sumagot. Aminadong minaliit nila ang katauhan niya.
 
  "And now, I am announcing all of you that me and Anastacia, decide to get married, and everyone who wants to cover our union are surely welcome."
 
  Sa sinabing iyon ay walang nagsalita, halatang natigilan at manghang-mangha sa narinig.
 
  May isang pumalakpak sa kung saan, bilang pagpupugay, kaya nang sandaling iyon, ay bumuhos ang masigabong palakpakan sa bulwagan ng conference room.
 
  Maging si Natasha at Flex ay masayang-masaya na makita ang kabuuan ng pagtitipong iyon. Alam nilang simula na iyon ng pagtanggap sa kanila, lalo pa't sinang-ayunan na nila ang media na halungkatin ang buhay na mayroon sila ngayon, for Natasha, it will be here refuge on what they think to her. For Flex, it will be their freedom to everyone who accuse and justify their relationship.
 
  "It'll be better now," saad pa ni Flex kay Natasha habang hawak ang kamay nito.
 
  Isang ngiti ang sinagot ni Natasha sa binata. "Salamat," aniya habang nasisiyahan.
 
  "Para sa'yo, gagawin ko." Ani Flex na noo'y ginawaran siya ng isang masuyong halik. Isang halik na nagpatunay na wala nang makakapigil sa kanilang pagmamahalan. Nagkislapan ang mga camera na naroroon. Ang isa sa mga katibayan na mahal na mahal ni Flex si Natasha. Matapos ang conference ay napagpasyahan nilang mag-blow out sa mga empleyado for a one time achievement, dahil sa araw ding iyon, nalaman nilang tumataas na ulit ang sales ng company. All credits to the rumors and media influence, imbes na maging disadvantage ang pag-aamin nila ay naging rason na tuloy ito na umakyat ang sales. Tama nga ang sinasabi nila, all words cannot count by means, but what it impacts to the listeners.

 
  ...itutuloy.
 
 

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon