BINUHAT NI FLEX ang katawan ni Natasha na noo'y tulog na tulog, iyon ang ika-tatlong araw nila sa kanilang honeymoon destination. Nandito ngayon sila sa Palau, nakadaong ang yate nila sa isla, since dito nila gustong mag-stay at magrelax. Suot ni Natasha ang manipis na floral kimono dress na regalo ni Mori sa kaniya, mas presko umano sa buntis ang magsuot ng ganitong istilo na damit.
Natasha was asleep to that chaise while holding a book, siguro'y nakatulog ito sa pagbabasa kaya minabuting dalhin muna ni Flex ito sa kanilang kwarto. Bukas na ang uwi nila sa pinas kaya susulitin nila ang araw ngayon.
Nang mailapag niya si Natasha sa kama ay nagising ito. "Ahmm, what are you doing?" aniya habang kunusot-kusot pa ang mga mata.
"Nakatulog ka sa deck, kaya binuhat kita papunta rito," he gently replied while holding her face.
"Nakatulog pala ako? Anong oras na ba?" tanong niya kay Flex na nilingon ang wall clock.
"It's around ten in the morning," he said smiling.
Nag-unat ng braso si Natasha saka pa ngumiti. "Let's go to the market, mamili tayo ng mga souvenirs!" she is wearing an excited voice.
Tumango si Flex. "Sige, Tara! Balak ko nga sanang mamili, aalis na tayo bukas eh." He immediately stand up, offering his hands.
"Let's go," he added.
Masaya namang kinuha ni Natasha ang kamay ni Flex at nagsimulang tumayo. Nag-ayos siya ng kaunti at nagsuot ng ipapares na flat sandals sa kaniyang kimono dress. Nakashorts lang siya na may garter sa beywang para hindi maipit ang tiyan niya, nakasuot din siya ng malaking sumbrero na panangga sa init at idagdag na rin ang shades niya.
She grab her rattan sling bag and her purse. "I'm ready." She said smiling.
Napa-iling na lamang si Flex sa taste ng istilo ng asawa, she can mixed all her dress beautifully, kahit siguro walang ligo ito ay nagmumukha itong sosyal.
"Gorgeous." He said. Nakasuot lang si Flex ng kaniyang kamisetang kulay puti at ang khaki short pants niya na abot hanggang tuhod. Pinaresan lang din niya ito ng kaniyang itim na spartan sandal na binigay ni Flair.
Agad silang bumaba sa yate at napagpasyahang maglakad sa buhanginan. Ipinagbilin nila sa caretaker ng resort ang kanilang yate bago pa nagrent ng isang motorsiklo doon. Iyon kasi ang major transportation vehicle sa isla since hindi naman talaga nag-e-exist ang traffic doon.
Kaya nang mapaandar na ni Flex ang motorsiklo ay hinintay niyang makasakay si Natasha.
"How should I sit?" atubiling tanong pa ni Natasha sa kaniya.
"Just sit like a lady, huwag kang sumakay na nakabukaka, baka mabungi ang baby natin."
"Shut up! Pwera usog!" aniya na pinandilatan ang mukha ni Flex. Sinunod naman ni Natasha ang sinabi ni Flex saka pa sumakay nang nakaganoon na posisyon.
"Hold me tight," dinig pa niya kay Flex.
"I am." She response.
"Kumapit ka pa," ani ni Flex na nakatingin sa salamin, tinitingnan nito ang reaksyon ng mukha ni Natasha na nakanguso at halatang naba-badtrip sa pagiging bossy niya.
"Ayan, eh 'di much better." Ngisi pa niya sa salamin na nakita naman ni Natasha.
"Just drive!" she said while rolling her eyes. Kaya bago pa umusok ang ilong ng asawa niya ay pinaandar na ni Flex ang makina at nagsimulang mag-drive.
Nang makalarga na, ay nakita nila ang natural resources ng isla, hitik ito sa mga puno at nagtataasang niyog. Marami ring mga hayop ang nandoon at nasa gilid lamang ng kalsada na kumakain ng damo. Nandoon din ang magagandang tanawin sa gilid ng dagat at ang preskong hampas ng hangin na 'sing presko ng amoy ng dagat. Walang polusyon ang nandoon. Idagdag pa ang pagiging masayahin at simple ng mga tao. Pangingisda at turismo ang pangunahing income ng isla, and on their three days staying to that island, masasabi nilang maganda ang lugar at tahimik.
Malayo sa magulong syudad na gaya ng Manila, maging ang kabihasnan doon ay nananatiling orihinal, halos malayo sa kabihasnan ang naninirahan doon.
"This place is perfect!" sambit pa ni Natasha na nakangiti habang sinasalubong ang hangin.
Dahan-dahan pa niyang binitawan ang pagkakayakap kay Flex at dinipa ang dalawang kamay.
"Sh*t! Baka mahulog ka!" saway pa ni Flex na binagalan ang takbo.
"Don't worry, I'm being careful." She answered while smiling. Napailing na lamang si Flex sa pagiging matigas ni Natasha, but it ended with a tight hug around his waist.
"Done." Sabi pa ni Natasha na nagawa ang gusto niya.
"Pasaway ka!" mahinang saad ni Flex na kinabahan sa ginawa niya, natatakot kasi si Flex na baka matihaya ito sa pagkakaupo. Pero as it goes, they manage to drive well and finally reached the market area of Palau.
"Nandito na tayo." Ani Flex na nag-park ng motor nila sa may nakahilerang parking area sa gilid ng daan. Simple lang naman ang market ng Palau, ordinary central na may mga bangketa at nakadisplay na mga stores ng kung anu-ano.
May palengke rin doon kung saan binabagsak ang mga preskong huli mula sa karagatan.
"Let's go to that boutique." Ani Natasha na tinuro ang isang antique na shop. Tumugon naman si Flex at hinawakan ang kamay ni Natasha. Sinalikop niya ang kamay niya rito at nagsimulang maglakad sa crossing ng daan. Nang makatawid ay agad silang pumasok sa loob ng gusali. Nang makapasok naman sila ay may nag-entertain sa kanilang isang matandang lalaki. May kahabaan ang balbas nito, masayahin ang mukha at tila nasa edad syetenta o ochenta na.
"Filipino?" bungad pa nito sa kanila.
Tumango si Flex at ngumiti. "Opo," he politely answered.
"Mabuti, mabuti..maligayang pagdating sa Palau." The old man smiled to them. Halatang praktisado ito sa lenggwaheng pinoy pero halata namang hindi ito pinoy. Parang Caucasian mixed kasi ito ng pagiging Palau Citizen.
"Ano hanap ninyo?" He added a question.
"Ahm..we're just searching for a souvenir." Natasha politely replied.
Ngumiti ang matanda. "Okey, take your time." Sabi pa nito saka pa tumalikod at tinungo ang pwesto sa counter.
Marami ang nandoon, mga libro, mga decors sa bahay, mga vase, mga paintings at iba pang butingting.
Naglakad si Natasha sa isang banda at may nakita siyang antigong kwentas na kapag bubuksan ay pwedeng lagyan ng larawan sa loob. Hugis puso ito at parang ginto ang kulay.
"Excuse me, how much is this?" itinaas pa ni Natasha ang kwintas.
Agad na nilapitan siya ng matanda at ngumiti. "Oh, you searched this one."
"Yes, I like it. How much is this?"
"It's just fifteen dollar, but I'll give it for free." Nakangiting saad ng matanda.
"But why?" takang tanong ni Natasha saka pa nilapitan ni Flex.
"We will pay." Sabi pa ni Flex pero umiling lang ang matanda.
"No, no..just take it. I'm happy to give it to you for free."
"But why?" sabi pa ni Flex na nalilito rin.
May tinuro ang matanda sa kanilang daliri na tiningnan lang nila. "The rings, I guess you are a newly wed couple, and that necklace is a good fortune to those newly couple...like the two of you. My late wife owns that necklace before, and she told me to sold it to those couple that necklace..found."
Napakunot-noo si Natasha sa sinabi ng matanda. "But I found it, not the necklace." She responded.
Ngumiti ang matanda at nagsalita.
"No, the necklace found you." He said and look their faces. Parang gusto na sana nilang matawa pero baka isipin nitong bastos sila, kaya tinaggap na lang nila ito at nagpasalamat.
Nagpaalam na sila na lalabas na pero nang mabuksan nila ang pintuan ay muli silang tinawag ng may-ari.
"Wait," the old man called them. Agad na napalingon si Flex.
"Yes?"
"Ask your deepest desire to that necklace and it will grant you. Just make a wish." Ani nito na kumaway pa bilang pamamaalam. Ngumiti lang si Flex at tumango.
Kasunod n'on ay lumabas na sila sa boutique.
"Ano raw?" tanong pa ni Natasha.
"Mag-wish daw tayo sa ninanais nating bagay, and it will come true." Nakataas ang palad ni Flex na nagsasabing 'Why not', wala namang masama kung maniniwala sila, besides, the island of Palau has many folklore stories and belief, kaya siguro'y dapat nga silang maniwala.
"Okey, turn around.." sabi pa ni Flex kay Natasha. Kinuha nito ang kwintas at gusto nitong isuot ito kay Natasha. Tumalima naman si Natasha at nang mailagay na ni Flex ang kwintas ay humarap ito. "Maganda ba?" tanong pa niya rito.
Ngumiti si Flex na nakatitig sa kaniyang mukha. "Yes, very beautiful." He answered.
Nahuli ito ni Natasha at tinampal sa mukha. "Ang sabi ko, maganda ba ang kwintas.." pagtatama pa ni Natasha.
"Of course. Maganda..asawa ko ang pumili eh," he justify and impose the last word. Napangiti na lamang si Natasha sa pagiging maloko ng asawa niya.
"Let's go, bumili tayo ng sea foods." Sabik na saad ni Natasha na hinila siya sa wet market. Bumili sila ng native bayong doon at sumabak sa pamamalengke, namili sila ng mga native products na binebenta rooon. Mga food delicacies at mga kasuotang hinabi pa sa mga resources na nandoon.
"You know what, pwede tayong maging exporter ng mga likha nilang damit eh, look at these, it's perfectly hand-made dress. It is a quality product, plus it is organic made, it helps the workers to sustain their lives. How about it? What do you think, madam?" sabi pa ni Flex na nakikipag-diskusyon kay Natasha while holding the dress from that market.
"Yes, possible. Maganda ang naiisip mo, magiging patok ito sa H Modelling company, I guess you're right." Ngiti pa ni Natasha na naiisip ang plano ni Flex. Parang naging mas connected ang mag-asawa ngayon, about their views and plans. Ang pagiging resourceful ni Flex at ang pagiging fashion taste ni Natasha.
"Let's make a proposal for this," ani Natasha kay Flex na nakipag-usap sa mga tinderang nandoon. Nakipag-ugnayan sila sa kung sinuman ang main source ng mga product at kinausap iyon para sa isang proposal. Humihit kumulang tatlong oras ang pag-nenegosasyon nila hanggang sa ma-close iyon as 'deal'. Masayang pinaunlakan nila Flex at Natasha ang isang salu-salo doon at kasabay ng pagtatapos ng kanilang honeymoon ay ang simula ng kanilang set-up as husband and wife to reality world.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
RomanceWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)