NATASHA pinned her eyes to the beautiful sea while Levi is sitting on her lap. Masayang kinukunan ng video clip ni Levi ang tanawin ng karagatan.
"Mom, look oh! Ang ganda!" ani ng paslit habang nakaturo sa mga ibong nagliliparan sa taas.
"They're happily flying, anak. Malaya silang lumilipad."
"Opo, I want to fly like them," ipwenesto pa ni Levi ang dalawang kamay sa ere. Nagtawanan sina Flex at Natasha dahil sa pagiging bibo ng bata.
"Malapit na tayo sa fish cage," sambit ni Flex na may tinuro sa isang banda. Lumingon ang karamihan at doo'y nasilayan nila ang malalaki at may iba't-ibang kulay na isda. Tumigil din ang bangka na pumwesto sa gilid n'on. Nakapaloob sa de-kural na lambat ang mga iyon, parang isang malaking tub na nakalagay sa dagat.
"Preskong presko ang nga isda ano, ang sarap mag-ihaw-ihaw mamaya." Sambit pa ni Donatela na hindi magkamayaw sa pagkuha ng mga larawan.
"How can we buy, fish, manong?" Sambit ni Natasha sa bangkero. Tumugon naman ito at nagsalita.
"Depende po sa klase maam, pero madalas nasa 300-700po bawat isa, malalaki po kasi karamihan." Tumango-tango na kumbinsedong bumili.
"Mommy, I want to buy that red-orange one, is it gold fish?" walang muwang na sambit ni Levi na nakaturo pa sa isda.
Nagtawanan silang lahat dahil sa sinabi ng paslit. "It's not, hindi 'yan goldfish, anak." Ani ni Natasha.
"Lapu-Lapu 'yan, Lev." Sambit pa ni Flex.
"Oh, I heard that name, is it the one who fight Magellan, mom? Tama po ba ako?" muling nagtawanan ang madla sa sinabi ng paslit.
"No it's not, iba 'yon, anak."
"Ah, okey, pero gusto ko po ang goldfish na 'yon, I mean..si Lapu-lapu po," napaka-kyut na sambit ng paslit na halatang naguguluhan sa mga pangalan ng isda o isang bayani.
"Okey, let's buy. Pabili po," ani Natasha na masayang nakangiti.
"Magkano po?" tanong ng matanda.
"Pwedeng.." lumingon muna siya sa mga mukha ng kasama niya sa bangka. "Kaming lahat po bibili, ako po ang magbabayad." Ani niya na halos ikataob ng bangkang sinasakyan nila, eh kasi naman, nagsitungo ang mga kasamahan niya sa distinasyon ng matanda na katabi niya, muntik na tuloy ma-out of balance iyon. The fact that they are happy about what she did.
Napansin niyang nakangiti lang si Flex sa gilid. Nakaupo pa rin ito.
"You're doing great," ani nito na ikinangiti niya.
"Thanks," sabi pa niya na muling tiningnan ang mga kasamahan niya, hindi maawat ang mga ito na nagbibigay instruction sa matanda na pumunta sa isang taytayan na kumo-konekta sa fish cage. Yari iyon sa kawayan at ang tanging paraan para madakip ang mga isda ay sa pamamagitan ng isang lambat na nakasalakot.
"Wow! Ang laki!" namamanghang sambit ni Natasha nang maahon na ng matanda ang lambat, nagsipili naman silang lahat at doo'y nagpa-kwenta sa lahat ng nabili nila.
"Magkano po lahat?" agap na tanong ni Natasha. Mahinang binilang ng matanda ang mga isda na nilagay na sa loob ng bangkang sinasakyan nila. "Six thousand po, pero patatawarin ko po kayo, dahil marami ang nabili ninyo, limang libo na lang po," ani ng matanda na agad namang binigyan ni Natasha ng limang kulay bughaw na papel.
"Maraming salamat po, madam!" sambit ng matanda na nasisiyahan sa binigay niya.
"Thank you po.." dugtong naman ng mga kasamahan nila na parang nag-chorus pa sa pagbigkas. She's very happy about the memories she's making with, right now. Parang nagde-day dream siya sa oras na iyon, she didn't believe what was happening.
Matapos n'on ay umandar na ang bangka at nagsimula na naman itong maglibot. Nakita nila doon ang bakawan area, kung saan naglalagi ang mga maliliit na isda bilang nursery place nito, ayon pa sa matandang naging tour-guide at bangkero nila, marami umano ang nangahas na mangisda sa lugar na iyon, pero ipinagbabawal dahil labag iyon sa batas ng moro-ami. Tanaw ni Natasha si Flex na seryosong nakikipag-usap sa matanda habang umaandar ang bangka. Panay kalikasan ang topic ng dalawa, and as it goes, nakikinig lang siya sa mga ito.
"Nandito na po tayo sa sand-bar, isa po itong floating restaurant," sambit naman ng matanda sa kanila. Narinig pa niyang nagpalakpakan ang mga ito na alam na alam niya ang rason.
"Whoaah, kainan na naman!" litanya pa ni Donatela na agad tumayo at nauna para makalusong sa isang metrong dipa na kawayang hagdan. Isa-isang nagsilabasan ang mga kasamahan nila at doon nga'y pumunta sa sandbar. Puro mga snacks ang nandoon, mga kakanin, mga delicacies ng island at mga inuming lokal. Nang makapunta sa kawayang hagdan ay naka-alalay lang si Flex kay Natasha, aksyon sana itong mauusod pero buti na lang at mabilis ang kamay niya na hapitin ang kaniyang beywang.
"Salamat ah," she said blushing.
"No, worries, andito lang po ako," ngiti pa ni Flex na matamang nakatingin sa kaniyang pigura. Babad siya sa init ng takilp-silim pero nagniningning pa rin ang kaniyang balat na mala-porselana.
"Kuya, buhatin mo rin ako," narinig nila mula kay Levi, rason upang maputol ang paghaharotan nila, este ang pagtitinginan pala. Agad namang tumalima ang binata at kinarga si Levi.
Sama-samang nagkasiyahan sila doon, lalo pa't tinampok ng bangkero ang delicacy nilang inumin na sugar cane wine. It's around five in the afternoon nang mapagpasyahan nilang puntahan ang huling area sa island hopping, at doon ito sa isang virgin island na pwedeng mag-scuba dive. Atat na atat sila kahit pa medyo naka-inom ay ayaw paawat ang mga ito, sanay naman ang mga loko sa gimik kaya parang yakang-yaka lang ng mga ito ang pagod at biyahe sa bagka. Samantala...si Natasha naman ay todo ngiti dahil sa ispiritu ng alak. Matapos n'on ay napag-isipan na nilang umuwi.
Halatang satisfied ang mga ito sa trip nila ng hapong iyon.
"Mom, you're smiling like crazy person, look kuya oh, tingnan mo si mom." Tudyo pa ni Levi sa ina. Nakasandal ito sa braso ni Flex na panay naman ayos na huwag mausod at matihaya ang ulo ni Natasha.
"Lasing na si mommy mo," ani ng binata.
"Oh, I see it. Alam niyo po ba, mommy is being weird kapag lasing."
"Bakit?"
"Kasi po umiiyak siya sa kwarto nang mag-isa and when I saw her last time, she's crying while watching funny video."
"Shhh, huwag kang maengaaay anak." Bara pa ni Natasha na halatang lasing na kung magsalita. Nakalingkis ito sa braso ng binata. Wala namang pakialam ang mga kasamahan nila na busy rin sa pakikipag harutan at tawanan sa isang banda.
"Anong pinapanood ng mommy mo?"
"Iyong wedding po nila daddy, I don't know but I think mommy miss him so much, I missed him too." Naging malungkot ang mukha nito.
"Sshh, don't say that to strangerssss..anak," dugtong pa ni Natasha na halos tumihaya na sa inuupuan. Inalalayan ito ni Flex na halatang nag-aalala.
"Bakit kasi naglasing e," mahinang sambit ng binata.
"Eh, gushto ko, pake mo?" nagmiminalditang sambit ni Natasha. Muli itong pumikit at kumanta-kanta pa ng isang visayan song.
"Dandansoy, inom tuba, laloy..dili ako inom tuba kay dandansoy inom inom unya diay musuka og maminghoy."
"Ano?" kunot-noong sambit ni Flex sa pinagsasabi ni Natasha.
"Naku, kuya. Iyan po naririnig ko minsan kina kuya June at sa mga katulong po namin, they're singing that one." Pahayag pa ni Levi na nagbigay ng ideya sa binata.
Mayamaya pa ay narinig nila ang pagpatay ng makina ng bangka.
"Andito na tayo," anang matandang bangkero na gaya ng karamihan ay naka-inom. Agad nagpulasan ang mga loko sa dagat at nagdive pa, mga lulong sa ispiritu ng alak ang mga ito, and unfortunately, isa na rin si Natasha sa mga ito.
"Kuya, I want to sleep to ate Donatela this night," paglalambing pa ng paslit.
Sinipat ni Flex si Donatela na hindi naman masyadong naka-inom. Animo'y narinig ang pagsusumamo ng paslit.
"Yes, you can stay to my room." Anang Donatela na agad namang tinungo ng paslit.
Walang malay si Natasha sa oras na iyon kaya walang nagawa si Flex kundi buhatin ito papalabas ng bangka, palusong sa dalampasigan at papasok papuntang reception area.
Nakapikit ang mga mata nito.
"Oh god, ang bigat ng babaeng 'to," ani ni Flex.
"Ssshhh I can hear you.." putol pa ni Natasha na nakapikit pa rin.
"You must do diet!"
"Nevermind." Ani nito na tuluyang pumikit at naghilik pa. Umiling na lamang si Flex sa kabulastugan ng amo niya, but on the corner of his lips, natatawa ito habang kalong ang ginang. "Pasaway!"
Nang mapasok na ni Flex ang ginang sa kwarto nito'y agad niyang hinubad ang basang sando at shorts ni Natasha, tinabunan niya muna ito ng kumot at kumuha ng isang preskong damit sa kaniyang dalang maleta. Habang kumukuha siya ng damit ay may nakita siyang Tshirt ng lalaki na bag nito.
Pamilyar niya ang naturang shirt, dahil iyon ang T-shirt na binigay niya sa kaniyang matalik na kaibigan.
What the? Paano napunta ang T-shirt na 'to kay Natasha? Imposibleng may kapareho n'on. It is the one I gave to Gideon. His bestfriend.
"Paano napunta ang T-shirt na 'to rito kung nasa London ang may-ari nito?" naguguluhang sinipat ni Flex si Natasha na noo'y mahimbing na natutulog.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
RomanceWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)