Chapter 35

244 3 0
                                        

  "Cancel the plan!" Iyon ang narinig ni Gideon sa kabilang linya. Iyon ang sambit ng kaniyang ninang Francesca. Nang maibaba niya ang telepono ay galit niya itong itinapon sa kung saan.
 
  "God damn it! Bwesit!" Ani niya na nanggagalaiti sa sarili. Mahaba na ang nasayang na panahon dahil sa pabor nito sa kaniya. At heto't masasayang lang dahil hindi nito gustong ituloy.
 
  "Bwesit na matanda! Hindi ako makakapayag na hindi gawin ang bagay na 'yon, magbabayad ka, Natasha. Hindi ka magiging masaya kailanman!" Nakakuyom ang kamao niya sa mga oras na iyon, nasa mesa niya ang litrato ni Flex at ang litrato ni Natasha, nakasulat doon ang ekis na parang sinadya niyang guhitan. Agad niyang tinungga ang baso ng alak sa gilid at hinagis iyon sa kung saan.
 
  He will continue what he started, at uunahin niya ang anak ni Flex! Oo, tama! Iyon ang isa sa mga kahinaan ng kaibigan niya. Si Luntian!
 
  Nakaplanado na lahat sa utak ni Gido sa mga oras na iyon, lalo pa't hindi nito alam ang totoong ugnayan ni Flex at Luntian. Nabubulag siya sa galit. He is very consistent on what he aim for. Iisa lang naman ang gusto niya, ang maging kapantay si Flex na noon pa niya tinatangi. Naiinggit siya sa kaibigan, nasa kaniya na ang lahat, yaman, kakisigan, pamilya at mga inaasam na bagay na wala sa kaniya.
 
  Lihim siyang naiinggit dito lalo pa't pati ang babaeng akala niya'y wala siyang kaagaw ay papatusin din ni Flex.
 
  "Nasa iyo na ang lahat, Flex, bakit ang hirap mong mapantayan?" Litanya niya habang kausap ang larawan ng binata. Kinuha pa niya ang lighter sa kaniyang bulsa at sinindihan iyon. Nang unti-unti iyon matupok ay hibang na natawa siya sa sarili. He laugh as he left nothing but an ashes on Flex' picture.
 
  Sa kabilang banda.
 
  Kakalapag lang nila Flex at Natasha sa NAIA nang biglang dumugin sila ng mga reporter at mga iilang tabloid paparazzi. Nagulat sila dahil gan'on na lamang ang pangyayari sa pagdating nila.
 
  "Madam Natasha, siya po ba ang boypren po ninyo?"
 
  "Excuse me po, totoo po bang buntis po kayo?"
 
  "Maam! Maam, totoo po bang nalulugi na ang H modelling company?" Halos hindi makahinga si Natasha habang yakap-yakap si Levi. Si Flex naman ay panay sita sa mga tao na nakikipag-bunong braso para lang ma-interview ang ginang. Nagkikislapan ang mga camera at mayroon ding kinalalabit ang braso niya.
 
  Mabuti na lamang at na-assist sila ng mga security sa airport at tinulungan na makapasok pabalik sa lounge ng gusali. Nang makahinga ay halatang nanlalata si Natasha. Tanaw sa mukha nito ang pagkabalisa.
 
  "Hey, look at me. Madam..look at me," yugyog pa ni Flex sa ginang na parang nahihilo sa pangyayari.
 
  "What is happening mom? Bakit po nila tayo pini-picture-an?" walang muwang na saad ni Levi.
 
  "Don't mind them, Lev. Huwag mo silang pansinin," ani Flex sa paslit.
 
  "Is it true po ba, kuya?" Wala sa isip na tanong ni Levi sa binata.
 
  "Ang alin?"
 
  "That you and mom is having an affair? Kayo po ba ni mommy?" nalilitong saad ng bata. Wala pa sa kakayahan ng kaisipan nito na maintindihan ang mga ganoong bagay, pero sa mata ni Levi, alam ni Flex na matalino ito at maunawaan ang isang kontroberseyang gaya nito.
 
  "I love your mom, mahal ko kayo, Lev. At gagawin ko ang lahat para mapabuti kayo," ani Flex na lumebel sa kinatatayuan ng paslit.
 
  Tumingala ito kay Natasha na nakatingin lang sa kanila. Animo'y na-shock sa pangyayari. Agad na tinawagan ni Flex si Flair na sunduin sila sa airport, naghintay sila ng ilang minuto bago pa nakita ang pagparada nito sa parking space na malayo sa boundary ng airport. Nandoon pa kasi sa labas ang mga paparazzi at hindi magkamayaw sa pagkuha ng litrato sa kanila.
 
  "Flex!" Tawag pa ni Flair na agad niyakap ang kapatid, niyakap rin nito si Natasha at si Levi. Agad silang tinulungan ni Flair na makapunta sa kotse nito. Nang makaandar ay agad-agad silang tumahak sa daan.
 
  "Saan ang plano ninyo ngayon?" ani Flair.
 
  "Magpapakalayo-layo muna kami," ani Natasha.
 
  "Siguro'y makabubuti na huwag muna kayong umuwi sa mansion at sa kompanya, nandoon parati ang mga tabloid, ayaw paawat sa mga bali-balita tungkol sa inyo," ani Flair na halatang kabado at apektado para sa kapatid.
 
  "Mommy, saan tayo pupunta?" ani pa ni Levi.
 
  "Pupunta tayo sa Tondo," suhistyon pa ni Natasha.
 
  "Ha? Hindi kayo ligtas doon, maraming mga tao ang nandoon."
 
  "Hindi ako natatakot," simpleng saad ng ginang na nagpa-awang sa bibig nila Flair at Flex.
 
  "How come?"
 
  "Dahil lugar ko ang Tondo!" ani Natasha na halatang matatag ang boses.
 
  "Sino po ang pupuntahan natin doon mom?"
 
  "Ang lola mo, pupuntahan natin ang kapatid ng mama ko." Halatang nalito ang paslit sa sinabi niya pero naiintinidihan naman nito ang salitang 'lola'.
 
  "Sasama ako sa'yo," si Flex. Halatang desidido sa sinasabi.
 
  "Fine." Tipid na saad ni Natasha na noo'y hinawakan ang palad ni Flex.
 
  "Saan kayo sa Tondo?" himig pa ni Flair habang hawak ang manibela.
 
  "Sa Esguerra." Tipid na saad ni Natasha na halatang kinakabahan.
 
  "Okey," ani Flair na pinaharurot ang sasakyan.
 
  Kung anuman ang madadatnan nila doon, iisa lang ang masasabi ni Natasha, hawak niya ang mga tiyahin niya, at alam niyang kahit masalimoot ang nakaraan niya kasama sila, pero mayroon namang magandang puso ang mga ito, kahit pa ang toto'y mukha talagang pera ang tiya niya. Pero at least, mabait!
 
  Pasado hating-gabi na nang marating nila ang Tondo, pero taliwas ito sa maaninag na mga ilaw sa kabila't-kanang mga establishment na nandoon. May bukas pang kaininan, mga spa, karaoke bar, mga nagtitinda ng kung anu-anong kakanin sa daan at ang makitid na mga eskinitang dinadaanan nila.
 
  Nang makapag-park sina Flair ay agad na lumabas sina Flex at Natasha dala si Levi na nakatulog sa biyahe. Sinamahan na rin sila ni Flair na tinulungan sila sa mga bagahe.
 
  Naglakad sila papasok sa isang eskinita doon at nang mapunta sila sa ikalawang liko ng kanto ay natunghayan nila ang dalawang palapag na bahay na may matingkad na kulay pink. Sa ibaba n'on ay isang tindahan ng sari-sari store at sa gilid naman ay isang computer shop. Halatang nakasarado naman ang isang pinto na may mga Christmas lights na umiilaw ng patay-sindi. Parang sarado ito sa matagal na panahon.
 
  "Mamu Delia Store?"
 
  "Oo, tiyahin ko, iyan ang tawag sa kaniya ng mga taga-rito." Ani Natasha na may kinuha sa bulsa at halatang may tinipa na numero at tinawagan iyon.
 
  Mayamaya pa ay may sumagot sa kabilang linya. "Nasa labas kami." Tipid na saad niya sa katawag. Wala pang isang minuto ay may lumabas mula sa pinto at doo'y bumungad ang naka-hair clip na ale na may suot na sando at maikling shorts.
 
  "Aaaaaay! Nataaaashaaaa!" Tili pa ng mamu Delia niya na suot ang matinis na boses, may kulay blonde itong buhok at halatang may make up sa mukha. Take note, sa dis-oras ng gabi!
 
  "Mabuti't nadalaw ka, kamusta ka na Natasha?" Hindi niya ito sinagot bagkus ay nagsalita lang siya.
 
  "Dito muna kami tutuloy." Ani niya na ikinapalakpak lang ng ginang.
 
  "Ay tamang tama! Siyempre! Okey na okey kayo dito! Tara! Pasok kayo sa mansion ko!" Anang ginang na hinila na sila papasok sa makipot nitong pintuan. Nakahilera kasi sa gilid ang mga case ng softdrinks at mga case ng red horse.
 
  May tumatahol din na aso na nakatali sa gilid. Halatang hindi sila nito kilala kaya gan'on na lang kung makatahol. Medyo naalimpungatan si Levi dahil sa ingay, pero naidlip na rin ito nang makapasok na sila sa maliit nitong salas.
 
  "Nasaan po si t'yong?" tanong pa ni Natasha sa ginang.
 
  "Ay ayun, may niroromansa pa sa taas, sayang din, malaki ang ang datung," sabay abot ng inumin kina Natasha at Flex. Si Flex naman ay tila nabulunan habang sinisimsim ang basong may lamang inumin. Hindi dahil redhorse iyon, kundi dahil sa narinig niya sa ginang.
 
  "Ano ho kamo?" Ani Flex na halatang nagulat sa sinabi ni mamu Delia.
 
  "Ang sabi ko, may customer sa taas, tinatapos lang." Ani nito na ikinalaglag ng panga nila Flair at Flex.
 
  Mabuti na lang at tulog si Levi dahil baka magtanong ito patungkol sa narinig nila.
  "Mamu, gusto na ho naming magpahinga." Putol ni Natasha sa ginang.
 
 
  "Ay naku hija, teka lang. Sino ba sa dalawa ang taga-sagwan mo?" Turo pa nito kina Flex at Flair. Kahit hindi nito maintindihan ang sinasabi ng ginang ay nag-hands up si Flex at hintatakot namang napaturo si Flair sa kapatid.
 
  "Naku, tama na ho mamu, baka matakot sila sa'yo," ani niya sa ginang na agad lumingkis kay Flair.
 
  "Tol! Aalis na ako, Natasha, bye!" Halos tumakbong sambit ni Flair. Iniiwasan kasi nito si Mamu Delia na dinaig pa ang sawa sa paglingkis sa braso nito.
 
  "Suplado! Sayang ang presko pa sana." Ani niya na ikina-iling lang ni Flex.
 
  "O, siya, doon kayo sa kabilang kwarto sa taas. Doon sa may aircon, pang-VIP room 'yon, baka masabihan niyong cheap ang VIP-room namin," biro pa ng ginang na ikina-iling lang ni Natasha at Flex. Nang makapanhik sila sa makitid na hagdanan ay narinig nila ang mga mumunting ungol sa kung saan. Agad namang tinakpan ni Flex ang taenga ni Levi na noo'y buhat-buhat niya.
 
 
  "Aaah, ahhhh! Idiin mo pa! Aaaa! Ang sarap!" iyon ang umalingaw-ngaw sa kwartong nakasara. Tuloy-tuloy lang sila hanggang sa dulo ng mga kwarto at doo'y pumaloob sa medyo maluwang na kwarto. Nasa sahig ang kutson n'on at may aircon, may TV rin na nakasabit sa dingding at isang lamesitang pwedeng gamitin nila kapag kumain. Napansin ni Flex sa may tokador ang tatlong sachet ng condom.
 
  "God! Nakahanda na yata!" turo niya kay Natasha sa nasabing bagay.
 
  Umiling si Natasha at kinuha iyon at nilagay sa bag niya. "Pagpasensyahan mo na si mamu Delia, ah. Ganoon lang talaga magsalita 'yon." Ani niya kay Flex na noo'y pinapahiga si Levi sa kutson.
 
  "Ano ka ba, okey lang, ang importante, magkasama tayo.." tumabi pa ito kay Natasha na noo'y nakaupo sa kotson. Dahan-dahang lumalapit ang labi ni Flex sa labi ni Natasha ng biglang magbukas ang pinto.
 
  "Naku, sorry dai! Baka kako—gusto niyo ng yosi, at snow bear, may tinda ako sa ibaba. May colgate din ako para maginaw kapag nag-aano na kayo.." ani ng ginang na walang preno kung makapagsalita.
 
  "It's fine, mamu, magsasabi lang ho ako," ani Natasha na naiiling na lang.
 
  "Sige ha, goodnight, huwag kayong mahiyang tumili o sumigaw, natural na 'yan dito." Ani mamu Delia abot-taenga ang ngiti.
 
  Naiiling na lang si Natasha sa narinig mula sa tiyahin, samantalang si Flex naman ay nakatiim-bagang.
 
  "Oh? Anong problema mo?" ani Natasha kay Flex.
 
  Ngumuso ito at sinentro kay Levi.
  "Ayon oh, tulog. Paano ako sasagwan sa'yo kung may sidebit tayo?" Ani Flex na problemado sa sitwasyon.
 
  "Eh di dumiskarte ka, ikaw na bahala." Saad ni Natasha na noo'y tinutukso si Flex. Marahan pa itong naghubad sa harapan nito at nagsuot ng kamison, wala itong bra kaya tayong-tayo ang mga korona nito. Nagsuot din si Natasha ng T-back na binigay ni Flex noong wala siyang masuot sa pamamahay nito noon.
 
  Ngumisi si Flex na noo'y may naiisip na ideya.
 
  "O, anong ngini-ngiti-ngiti mo riyan?"
 
  "Wala." Saad pa nito na naghubad na rin ng pang-itaas at pang-ibaba. Tanging boxer shorts lang nito ang natira.
 
  "Alam ko 'yang binabalak mo ha!" ani Natasha na tumabi na kay Levi. Nasa dulo si Levi gayong nasa gitna naman si Natasha. Nakatalikod ito kay Flex.
 
 
  Mayamaya pa ay dahan-dahang umibis ang binata at kinumutan siya. Hinayaan kang nilang walang kumot si Levi dahil pawisin ito. Nang makumutan si Natasha ay agad niyang inilapit ang sarili sa ginang na noo'y lihim na napapangiti.
 
  Niyayakap siya ni Flex mula sa likuran habang kinikiskis ang bagay nito.
  "Sinong may sabing pwedeng mamaluktot sa maikling kumot..kung tayong-tayo naman ang ulo ko sa ibaba? Maghanda ka, at sa-side-pocket ako, madam."
 
  "Go on." Walang gatol na saad ni Natasha na hindi na makapaghintay.
 
  ...itutuloy.

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon