Chapter 27

269 7 0
                                        

  DUMATING ANG TAKDANG araw, biyernes na ng umaga. Nagising nang maaga si Natasha dahil gusto niyang mag-yoga. Alas siyete pa lang ng umaga ay uminom na siya ng kaniyang detox water at kumain ng cucumber at mansanas. Iyon ang daily diet niya kapag gusto siyang mag-detox sa kaniyang katawan.
 
  Nasa veranda siya ng oras na iyon, nakita niya ang mga katiwala niya na abala sa pagdidilig ng halaman sa kanilang garden. Hindi siya napansin ng mga ito kaya panay chismis lang sila habang nasa likod siya na naglatag ng kaniyang carpet. Naglagay din siya ng headset para ganahan siya habang nag-eehersisyo.
 
  Nang makapaglatag ay umupo siya at nag-squat habang nilagay ang dalawang palad sa unahan niya. Pumikit pa siya para makapag-focus, she is very relaxed today, animo'y pinaghahandaan niya ang date nila ni Flex mayamaya.
 
  Wala siyang inisip kundi si Flex, trabaho, si Levi, ang healthy lifestyle niya at ang pamamahala ng kompanyang inatasan sa kaniya.
 
  Nag-inhale, exhale siya sa ganoong posisyon at nag-count pa ng dalawang beses. Nasa pagmumuni-muni siya sa oras na iyon nang mag-interupt ang isang tawag. Unknown number ito.
 
  Kunot-noong hinubad niya ang headset at pinindot ang okey button.
 
  "Yes, hello?" bungad niya sa kabilang linya.
 
  "Dai, wala na kaming bigas! Magpadala ka ng bente mil, bigyan mo rin kami ng pambayad sa kuryente, wala na kaming allowance!" matinis na boses na kilalang-kilala niya.
 
  "Opo, mamu." Saad niya na wala man lang pag-aatubili.
 
  "Kamusta na ang buhay milyonarya? Marami ka bang pera ngayon? Pautang naman kahit sampung libo lang, wala kasing parokyano masyado sa club. Ibang-iba nang nandito ka pa noon at ngayon. Wala na kasi ang star nila, alam mo naman 'yan, 'di ba?" Tunog palengkerang satsat ng Mamu Delia niya. Iyon ang tiyahin niya, ang kapatid ng kaniyang yumaong ina.
 
  "Opo," tipid na saad niya.
 
  "Kung pupwede ipadala mo na lang mamaya ha, bago magpananghalian. Sige, ayon lang. Bye." Pinatay lang nito ang kabilang linya. Para siyang nawalan ng gana na mag-yoga dahil d'on, kada buwan ay pinapadalhan niya ang mga ito para sa kanilang monthly allowance. Hindi nga niya alam kung bakit ginagawa niya iyon, siguro'y takot lang siyang mahusgahan ng mga publiko kapag lumangtad ang mukhang-pera na tiyahin niya, kaya sa makatuwid, kahit alam niyang hinuhut-hutan lamang siya ng mga ito, ay okey lang sa kaniya kapalit ang pananahimik nito na isa siyang hamak na GRO noon.
 
  Tumayo siya at sumandal sa railings ng veranda. Napa-buntung-hininga siya sa kawalan. "Bwesit!" litanya niya na halatang naiinis. Mula sa kinatatayuan niya'y biglang may nagsalita sa kaniyang likuran.
 
  "Good morning, mommy, kamusta ka po?"
 
  "Hi baby, good morning. Gising ka na pala," ani Natasha na agad pinalapit si Levi na noo'y nakasuot pa ng pantulog.
 
  "Mommy, sino po ang kausap ninyo?"
 
  "Naku, wala anak, it's nothing." Ani Natasha na pinilit umaliwalas ang mukha sa harap ng anak.
 
  "Mommy, don't be sad, okey? I want to see you happy everyday," ani Levi na humalik pa sa pisngi ng ina.
 
  "I am happy, anak. At isa ka sa mga nagpapasaya sa akin." She hugged him so tight na pinapak pa niya ng halik.
 
  "I love you, mommy."
 
  "I love you baby." Ani niya sa anak. Matapos ang kanilang konbersasyon sa veranda ay sabay silang pumunta sa kusina para sabayan si Levi na gustong kumain. Ipinaghanda ni Natasha ang gusto nitong request. A ham and cheese sandwich, and his very own fresh goat milk.
 
  Sarap na sarap si Levi sa gatas ng kambing kaya pati si Natasha ay napasubo na uminom ng gatas lalo pa't gusto umano ni Levi na makita siyang strong and healthy. The past few days kasi ay nilagnat siya. Hindi niya alam pero parang nabinat ang buong katawan niya.
 
  Matapos ang kaganapan nila ni Flex noon sa park ay umuwi siya sa kanila na lupaypay at hinang-hina. Dinaig pa yata niya ang na-gangbang sa pagiging mapusok ni Flex. Napapangiti na lamang siya habang iniisip ang bagay na iyon.
 
  "You're smiling like crazy, mom?" Ani ng paslit na niyugyog ang braso niya.
 
  She shook her head at nagsalita. "I'm just happy to have breakfast with you, anak."
 
  "Gan'on po ba, sana araw-arawin po natin ang pagkain na magkasabay. Ano po ang gusto niyong kainin?"
 
  Nag-isip siya as if lulutuan siya nito.
  "I want egg and a hotdog." Ani niya na ikinangisi naman ni Levi. Parang may tinitingnan ito sa likod ni Natasha.
 
  Agad na lumingon si Natasha at doo'y nakita niya si Flex na nakasandal sa pinto ng kusina.
 
  "Good morning," baritonong boses nito na ngumiti. Narinig siguro ni Flex ang sinabi niya.
 
  "Good morning kuya, kuya mommy wants eggs and a hotdog po," ani Levi na parang inuutusan ang binata.
 
  Imbes na umapila ay nanatiling tahimik si Natasha, nahihiya siya sa binata, kung bakit kasi iyon pa ang naisip niya.
 
  Mahaba't malasang hotdog, at dalawang itlog. Naiiling na lamang siya sa iniisip.
 
  Erase! Erase! Erase!
 
  "A minute, madam." Ani Flex na may kinuha sa fridge at kumuha ng isang cooking pan.
 
  Nakatalikod ang binata sa kaniya habang nasa counter top naman sila ni Levi, nakatukod sa kaniyang kamay ang baba niya habang sinisipat ang likod nito.
 
  Ini-imagine niya ang bawat kurba ng katawan ni Flex na parang memoryado na yata niya. Kahit siguro naka-pikit siya'y alam na niya kung anu-ano ang mga parte ni Flex.
 
  "Mom, nakatulala ka po," awat ni Levi na marahang tinapik ang pisngi niya habang nakatingin kay Flex. Agad siyang nag-ayos at tumikhim. She even heard how Flex giggles upon hearing Levi's words to her.
 
  "Halika nga dito! Pakagat!" Ani niya kay Levi na kinagat-kagat niya. Na kay Flex naman ang mata niya na noo'y kinindatan lang ng binata. Pasimple lang ang da'moves nila habang walang kamuwang-muwang ang paslit na naghaharutan na pala sila ni Flex that time.
 
  Mayamaya pa ay lumapit si Flex dala ang plato ng scrambled egg at ilang hiwa chicken hotdog. May pipino at kamatis pang bonus na nasa gilid ng plating na hinanda niya.
 
  Lihim na kinilig si Natasha patungkol sa paghahanda ng binata sa kaniya.
  "Sige na mom, kumain ka na. Si kuya Flex pa naman ang nagluto niyan, alam kong masarap po siya..magluto." Turan pa ni Levi habang tinutungga ang baso ng gatas.
 
  Matapos kumain ng paslit ay nagpaalam itong maligo sa swimming pool kaya imbes na maghanda para sa lakad nila mamaya ni Flex ay atubiling napa-oo si Natasha na sumama sa pool. Gan'on din si Flex na umayon lang sa trip ni Levi.
 
  Nakapag-bihis na si Natasha ng kaniyang two-piece sa oras na iyon, kulay pula ang suot niya kaya lutang na lutang ang kaniyang kaputian. Lalo na dahil masyadong makurba ang kaniyang dibdib at ang kaniyang pang-upo. Nasa plastic chaise lang naman si Flex na nakasuot ng shades. Nakakibit-balikat pa ito na parang isang swimming guide sa isang pool. Nakatuon ang ito sa kanila ni Levi na noo'y lumusong na sa tubig. Nakikipaglaro ang anak niya habang nakasakay sa isang salbabida.
 
  "Kuya Flex, tara po! Ligo po tayo!" sigaw pa ni Levi kay Flex na kinakamayan siya.
 
  "Next time na lang," pasubali pa niya, ang totoo kasi, gusto niyang mag-focus sa kurba ng katawan ni Natasha. Busy siya sa pagsipat sa kabuuan nito ngayon kaya minabuti niyang mag-shades para hindi halata. Panay lunok siya ng laway habang tinitingnan ang malulusog na dibdib ng ginang. Minsan nga'y nararamdaman niyang kumikilos ng mag-isa ang kaniyang ulo sa ilalim na hindi naman niya sinasadya.
 
  "Damn it," mahinang usal niya nang makita si Natasha na unti-unting umahon mula sa pool. Parang nag-slow motion ang paningin niya habang tagaktak ang bawat butil ng tubig sa katawan ng ginang.
 
  "Oh fuck!" Dugtong pa niya nang makita ang bakat na bakat na korona sa dibdib nito na animo'y tayong-tayo at ang tinatabunang hiwa sa pagitan ng kaniyang hita na pinagpala sa sobrang tambok.
 
  Agad siyang napatayo at kinuha ang roba sa isang banda. Aligagang inabot niya ito kay Natasha na papalapit sa kaniya.
  "Here," tipid na saad ni Flex na hindi pa rin tinatanggal ang shades sa mata niya.
 
  "Para-paraan ka rin ah," usal ni Natasha na napapangiti. Alam nito ang ginagawa ng binata.
 
  Flex denies to death, at ngumuso pa.
  "Hmm.. Hindi ah, huwag ka ngang mambintang. Masama ang nangbibintang uy!"
 
  "Hindi ako nangbibintang, halata naman kasi.."
 
  "Paano mo nasabi?" Anang Flex.
 
  "Tingnan mo nga 'yang ano mo, tumatayo.." impit na saad ni Natasha na tinalikuran siya agad.
 
  Parang matutunaw naman sa hiya si Flex that time, dahil hindi niya napansin na totoo nga ang sinabi ni Natasha sa kaniya. His friend is raising again!
 
  "Oh no," litanya pa niya na pinahupa ang kaniyang kahabaan.
 
 
  ***
 
  Hapon na that time kaya minabuti na ni Natasha na magbihis at mag-ayos, nagpaalam naman siya kay Levi na magdi-dinner siya kasama si Flex. Wala naman itong tutol kaya umayon na rin ang panahon. Nakisuyo rin siya kanina kay Flex na maghulog ng pera sa bangko patungkol sa kaniyang tiyahin, pero ang sinabi niya'y donation umano niya iyon sa isang cathedral. Hindi niya kayang sabihin kay Flex ang totoo, kailangan pa niya ng oras at tiyempo. Hindi pa panahon para malaman nito ang nakaraan niya.
 
  Nasa salamin siya sa oras na iyon nang suotin niya ang kaniyang nga hikaw, nang biglang may tumunog sa kaniyang phone. Kunot-noong sinagot niya ito, it was Gideon.
 
  "Oh, bakit?" Ani nito na ikina-kunot ng noo niya.
 
  "Anong bakit?"
 
  "Hindi ba sabi ko, magdi-dinner tayo ngayon, treat ko. You forgot?" Napahawak siya sa sariling bibig sa pagkakabigla. Tama nga pala! Nalimutan niyang biyernes din ang sabi ni Gideon sa kaniya. Nakalimutan niya sa sobrang busy at nakatuon lang ang isip niya kay Flex.
 
  Hindi siya sumagot.
 
  "Ahm..uh. Ano kasi, Gideon, may lakad ako ngayon..importante." Ani niya sa kabilang linya.
 
  Nahimigan niya itong malungkot. "Ah, gan'on ba, sayang..sana makapunta ka kahit saglit lang, gusto ko lang sanang.."
 
  "Please, I'm busy..and I'm sorry, I forgot." Ani niya na binabaan na ng phone ang kabila.
 
  Bumuntung-hininga siya sa oras na iyon, hindi na niya kailangan pang magpaliwanag dito, besides, wala naman silang label. Hindi niya matatawag na nobyo si Gideon, kumbaga, nag-gagamitan lang silang dalawa at ipinaalam na niya ang lugar nito sa buhay niya noon pa.
 
  Nang matapos siya sa pag-kokolorete ng mukha ay bumaba na siya. Doo'y nakita niya si Flex na nagpalit na rin ng suot, nakasuot ito ng casual polo shirt at isang brown slacks. Animo'y humulma ang suot nito sa pagkakabakat ng kaniyang matipunong katawan, kaya nang makapanaog siya'y agad siyang lumingkis sa braso nito.
 
  "You're so beautiful." Ani Flex na bumulong sa kaniyang taenga. Lihim naman siyang ngumiti dahil sa kasiyahan ng kaniyang puso.
 
  Nang makalabas ay agad silang sumakay sa kotse ni Flex at pinaharurot iyon sa isang dinner restaurant.
 
  Nang makababa si Natasha sa passenger's seat ay agad na inalalayan siya ni Flex. Dahan-dahan silang naglakad papasok sa loob. Halatang class ang kainan dahil sa mga palamuti nito at sa klase ng tugtugin.
 
  Humakbang sila papalapit sa dulong bahagi ng round table, doo'y may nasipat silang nakatalikod na pigura ng lalaki. Animo'y may katawag ito dahil sa teleponong nasa taenga niya.
 
  Parang may kung anong kaba ang naramdaman ni Natasha sa sandaling iyon, dahil hawak-hawak niya ang kaniyang pouch at mobile phone na nagva-vibrate sa tawag ni Gideon. Mabuti't naka-silent iyon.
 
  Nang huminto sila sa parteng iyon ay nagsalita si Flex.
 
  "Bro, we're here, nga pala...meet my girlfriend.. Natasha." Sa sandaling iyon ay lumingon ang sinasabi nitong kaibigan, and shit! What a small fucking world!
 
  "Natasha.." dinig niya sa binatang matamang nakatitig sa kaniya.
 
  F—ck!

  ...itutuloy.

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon