Chapter 34

240 8 0
                                        

  PASADO alas nuebe y medya na nang dumating si Flex sa pamamahay nila. Medyo nakainom siya dahil na rin sa paanyaya ng kaniyang tiyuhin. Mabuti at nakumbinse niya itong maging corporate shareholder sa kompanya ni Natasha, halos kalahati ng shares ng H Modelling Company ang napunan nito. Hindi gaya ng kaniyang ina na nasa kinse porsento lang ang nilaan para makatulong.
 
  Alam niya ang ina niya may pagka-tuso ito, kaya nga walang kapatid niya ang nagtatagal sa ugali nito, siya nga lamang ang nakakatagal sa ugali nito. Pagpanhik niya sa salas ay bumungad sa kaniya sina Manang Lucing at kaniyang kasamahan.
 
  "Sir, sir, we have something to tell you."
 
  "Yes, what is it?"
 
  "Sir, Ma'am Natasha and her son decided to go, your mother started the fight an hour ago."
 
  "Shit! Nasaan si mama!?" Hindi niya napigilang magpalabas ng sama ng loob. Kanina'y pinalampas niya ito sa kadahilanang gusto niya ang mahinahon na pag-aayos, pero parang hindi yata ito tumupad sa usapan.
 
  Nang pumanhik siya sa ikalawang palapag ay balot siya ng hinanakit at sama ng loob. Nang makapunta sa library ng ginang ay walang pasabi niya itong binuksan at binalibag.
 
  "What the hell is going on, mama?" Dagundong ang boses ni Flex.
 
  Nakaupo lamang ito sa kaniyang upuan habang nakatukod ang bigat nito sa kaniyang dalawang siko. Nakangiti ito.
  "Oh, you're here." Parang wala itong narinig.
 
  "Shit, what is happening here, mama? Bakit mo ginawa iyon kay Natasha? Maayos akong humingi ng pahintulot sa iyo, maayos kang pinakisamahan ni Natasha, but what on earth is happening to you, mama? Hindi ka pa ba napapagod ma? Hindi ka pa ba napapagod na ni isang anak mo ay hindi nakakatagal sa'yo? Do you know why Fiona and Flair don't want to see you? Huh? Because they don't accept the fact na ikaw pa ang naging ina namin! Ang sama mo! Sana ikaw na lang ang nawala at hindi si papa!"
 
  "Shut your mouth, Feliciano!" putol pa ng ginang na noo'y tumayo na.
 
  "You don't know what I'm going through! Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko ngayon!"
 
  "Then tell me! Tell us! Tell us everything mama, hindi 'yong ganito na lang tayo parati. Tinataboy ninyo ang mga taong gustong makisalamuha sa'yo, tinataboy mo..pati ako."
 
  "No, hindi kita tinataboy, anak."
 
  "Anak? Anak mo pa ba ako, mama?" naiiyak na saad ni Flex na nanunumbat ang mga mata. Hilam ito sa mga luha.
 
  "Please..understand me."
 
  "I can't mama, I can't..kaya siguro pinili ni papa na lumayo at iwan ka, kaya pala sa kabila ng yaman at perkpektong estado niya sa buhay ay pinili niya ang maging mahirap, do you know that I have a sister on that woman? Alam mo bang may anak si papa bago siya nawala? Hindi 'di ba? 'Di ba? Because you're too busy pushing us away!" Ani Flex na napasandal na sa pinto.
 
  Nahulog na lahat ang luha sa kaniyang mata. Napayuko na lamang siya habang tinatrapohan ang mukhang ayaw nang makipag-titigan sa ina.
 
  Mayamaya ay nakita niya ang pares ng sapatos nito na nakatayo sa kaniyang harapan. Nakatayo ito na parang pinipigilang hindi maiyak. Dahan-dahan siyang nagtaas ng mukha at doo'y isang sampal ang tinamo niya rito.
 
  "I'm still your mother. I'm still the one who bring you to this god damn life! Ako ang nagluwal sa'yo, at kung mayroon man akong mga kasalanan at pagkakamali sa tanang buhay ko, kayo ang mga kamaliang hindi ko pinagsisihan! I admit I've been too selfish! I am too self-centered, I've been numb—the fact that I accept the reality na hindi ako mahal ng papa niyo, simula pa noon! Alam kong hindi ako ang babaeng nakakapagpuno sa kaniya. Pinakasalan lang niya ako para masalba ako sa kahihiyan anak! And I'm selfish to don't let you know. Ayokong kamuhian ninyo ako..ayokong malaman ninyo na isa lamang akong disgrasyadang babae noon na nabuntis ng kaniyang papa! At upang manahimik at hindi magkagulo, pinakasalan ako ng anak niya. Even your father don't love me!" Natigilan si Flex sa sinabing iyon ng kaniyang ina.
 
  Hindi niya alam ang sekreto nito, hindi niya alam ang mga sinasabi nito ngayon, kaya nagulantang siya.
 
  "But why?" anang Flex na hindi pa rin mawari ang ginang.
 
  "Inakala ko na kapag pinagsikapan kong makaahon sa pagiging bastarda ay matutunan akong mahalin ng papa ninyo, but no. Iniluwal ko si Fiona noon na wala siya sa tabi ko. Iniluwal kita na nasa piling siya ng ibang babae. At ang naging kalabasan n'on ay si Flair. Alam mo ba kung gaano kahirap lunukin ang lahat?"
 
  Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Buong buhay niya'y namumuhi siya sa mama niya. Buong buhay niya'y inakala niya itong manhid—pero sa pagkakataong ito pala niya malalaman na siya ang manhid.
 
  "And now, you're telling me na may anak ulit siya sa isang babae? The hell I care? Wala na akong maramdaman, anak. Wala na akong maramdamang sakit." Ani nito na umiiyak na, pero matatag pa rin itong nakaharap sa kaniya at taas noong tumalikod.
 
  "Now, if you're telling me I'm pushing you away, then go. Hindi dahil inaway at pinaalis ko si Natasha ay masama na ako. Ayoko lang masaktan ka nang dahil sa kaniya, sampung katumbas na ayaw kong masaktan siya kapag dumating ang araw na mare-realize mong hindi mo siya mahal. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. At nakikita ko ang papa mo sa'yo, kaya huwag na huwag mong husgahan na masama ako. Ina mo pa rin ako." Litanya ng ginang na mabilis na naglakad papaalis.
 
  "Ma!" tawag pa ni Flex na halatang guilty sa pangyayari. Naabutan niya ang mama niya sa may hagdan at doo'y nahawakan niya ito sa braso.
 
  "Ma, please. Makinig ka sa sasabihin ko...i really love Natasha, and I will love her 'til I die. Hindi ako tutulad kay papa. And please let me help you...accept us." Makahulugang sambit ni Flex.
 
  Bumuntung-hininga si Francesca at umayos. "Kung 'yan ang gusto mo, sundan mo na siya." Tipid na ngiti nito na agad namang hinalikan ni Flex.
 
  Mayamaya pa ay tanaw na ng ginang si Flex na lumabas sa pwerta ng mansyon, dala ang mga bagahe nito.
  Nang pa-sakay na si Flex sa kotse ay maagap na tinawag ito ni ginang Francesca.
 
  "I will call you once I do my plan to both of you, baka makatulong sa inyo." Saad nito na ikinatango lang ni Flex.
 
  Nang mawala na sa paningin ni ginang Francesca si Flex ay may tinawagan itong numero. Bumuntung-hininga ito saka pa nagsalita sa kabilang linya.
 
  "Cancel the plan." Ani niya na parang nahimasmasan sa oras na iyon. Parang nawala ng bigat sa damdamin niya noong nag-usap sila ni Flex. Tama nga ang sinabi ni Natasha sa kaniya.
 
  His son is in-love over his heels to her. And she will now give them way to fulfill it.
 
 
  ***
 
  Nasa boarding area na sila Natasha at Levi sa oras na iyon, halatang mugto pa rin ang mga mata niya. Hindi niya akalain na gan'on ang napala niya sa poder ng mama ni Flex, ngunit ang hindi niya lang maintindihan ay ang sinabi nito sa kaniya. Paulit-ulit itong tumatakbo sa isip niya.
 
 
  Flashback.
 
  "Paano mo nasabing mahal ka ng anak ko?"
 
  "Because your son is in-love over heels to me, and I am madly in-love to him." Ani niya saka pa umibis sa sasakyan.
 
  "Wait!" tawag pa ng ginang sa kaniya. Nilingon niya iyon at doo'y may inabot itong papel. Isang sobre na hindi pa niya nabubuksan hanggang ngayon.
 
  "I don't want to hurt you," ani nito na nagpawari sa kaniyang isipan. Ano ang ibig sabihin nito sa kaniya?
 
  Nagbalik siya sa kaniyang guni-guni at doo'y narinig ang pagtawag sa kanila papunta sa eroplanong maghahatid sa kanila pauwi sa pinas. Pinunasan niya ang kaniyang mata, at isinuot ang shades. Buhat-buhat niya si Levi na noo'y mahimbing na nakatulog. Ang kabilang kamay naman niya'y kaniyang maleta na halatang mabigat.
 
  Nang papasok na sila sa gateway ay naramdaman niya ang isang kamay. Nakahawak iyon sa holder ng maletang hinahatak niya. Dahan-dahan niyang itunuon ang paningin sa bandang iyon at doo'y nakita ang pigura ni Flex.
 
  "Sinong maysabing aalis ka na wala ako?" Nakangiti ito na halatang hinihingal, parang galing ito sa marathon.
 
  Naiiyak na ngumiti si Natasha nang makita si Flex. Masaya siya lalo pa't kaniya pa niya ito inaalala. Gustong-gusto niya itong yakapin. Marahang dinampi ni Flex ang kaniyang palad at pinunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi.
 
  "Sasama ako sa'yo kahit saan pang impyerno, madam. I will never leave you, tandaan mo 'yan." Anas pa ni Flex na hinagkan siya sa labi.
 
  ...itutuloy.
 
 

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon