Chapter 7

640 20 0
                                        

  "Good day ma'am Natasha, kamusta?" Walang prenong tanong ni Flex sa kaniya, the voice he choose we're like they're close, aren't they?
 
  May bumara yata sa lalamunan niya at hindi siya makapagsalita.
  "Mommy, that guy asked you..magsalita ka po," bara ni Levi na nasa gilid lang niya at nagpapalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa.
 
  Hindi pa rin tumugon si Natasha kaya si Levi na ang sumagot.
  "Hello po kuya, I'm Levi, I'm his son. Nice to meet you po," sabay lahad ng maliit na palad nito.
 
  "Ah, ikaw pala ang anak ni maam, kaya naman pala ang kyut-kyut mo," himig ni Flex na tila may malakas na impact sa taenga ni Natasha.
 
  Humugot siya ng hininga at matatag na nagsalita. "I'm good, how about your job? Kamusta?" pabalik na tanong niya kay Flex.
 
  "He's doing well, madam, actually, marami na pong nag-order through online sells sa mga collection na na-upload na po namin." Sabat ni Donatela na hawak ang sariling laptop nito.
 
  "Well...that's impressive." Tipid niyang ani saka pa nagtaas-baba sa suot ng binata, he is just wearing her jeans and a plain sando na kahit walang kulay ay nagiging hot kapag si Flex ang nagsuot.
 
  Iniwan niya si Levi na noo'y nakipagkwentuhan kay Flex. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mauhaw, she needs water. Parang minamalat yata siya sa kinaing ulam kanina. Pero imbes na tumakas sa sinasabing tao ay laking gulat na lamang niya nang nasa likod na pala niya ito.
 
  "Water?" sabay abot ng bottled drink. She was literally shocked.
 
  "Godness! 'Bat sumusulpot ka na lang basta-basta!" pagmiminaldita pa niya.
 
  "I'm so sorry, hindi ko kasi inakala na madali ka lang palang... magulat." Tiningnan siya nito ng kung ano mula sa kaniyang suot na sapatos papunta sa kaniyang suot na sando, kung wala sigurong cardigan iyon ay lutaw na lutaw ang dibdib niya sa mata ni Flex.
 
  Teka nga? Bakit ba kasi ang lakas ng putok, este ng impact ng higanteng 'to?
 
  Umayos si Natasha at hinanap si Levi na nasa kalayuan. "Excuse me," nilampasan niya si Flex na noo'y natatawa lamang sa konbersasyon nila.
 
 
  ***
  Kanina habang abala si Natasha.
 
 
  "How are you, Levi. Ilang taon ka na pala?" tanong niya sa paslit.
 
  "Six years old po, ikaw po?"
 
  Ngumiti siya saka pa sumagot.
  "Twenty-eight," saka pa niya nakita itong nagbilang sa sariling kamay.
 
  "So, matanda ka po ng twenty-two years old sa akin. Ang tanda mo na pala po," gilalas na ani nito na mas ikinatawa pa niya. Mabuti na lang at break na sa photoshoot kaya mas nagkaroon siya ng kausap doon, kahit bata lang ito.
 
  "Alam mo, pareho kayo ng kapatid ko, ang kyut-kyut ninyo, 'sing edad lang din kayo ni Luntian."
 
  "What's the name po? Luntian?" Tumango si Flex bago napaisip, parang namumukhaan kasi niya ang batang kausap niya ngayon.
 
  "I knew her! She's my classmate, Luntian Garcia po ba?" ani ni Levi na ikinatango-tango lang ni Flex. Yes, siya ang bunsong kapatid ko.
 
  "Wow, older brother ka po pala ni Lunti, did you know that I like her, kaso masyado siyang aggressive," nabigla si Flex sa sinabi ng paslit.
 
  "Aggressive?"
 
  "Opo, kinalmot niya ang braso ko, kasi I tried to kiss her." Walang muwang na sambit ni Levi na ikinahagalpak lang ng tawa ni Flex.
 
  "You're a brilliant kid ah, wait lang at kakausapin ko ang mommy mo."
 
  "Don't tell her I told you kuya ah."
 
  "Sure."
 
  "Okey, bye. Doon lang ako sa camera-man kuya," patakbong sambit ni Levi na napaka-hyper kung umasta. Kilala niya lahat ang nasa set, siguro'y madalas itong sumasama sa mommy nito.
 
  Marahan siyang sinipat si Natasha na noo'y nakatalikod, parang nauuhaw ito kaya kumuha na siya ng bottled water.
 
  "Water?" sambit niya na ikinagulat nito.
  Doon lang niya napansin ang suot nito na mas malapitan niyang nasisipat. Napalunok siya ng sariling laway.
 
  "I'm so sorry, hindi ko kasi inakala na madali ka lang palang... magulat." Ani niya habang pinipigilan ang kaniyang sarili na tumitig sa nakabalandrang dibdib nito. He's just a man and a man will always be a man. He felt something stranged to his manhood, naging alerto ito.
 
  For him, he is just a healthy bouncing man who is very active at kalakip na ang pagiging aktibo niya sa mga ganoong bagay. Nang lumayo si Natasha ay doon pa siya nakahinga ng maluwang. Parang sasabog ang kung anong elektrika sa punong ibaba niya. Hindi niya sinasadya iyon, lalo pa't hindi naman siya attracted sa gaya ni Natasha na may asawa na.
 
  Teka may asawa na ba ito? Bakit hindi ko pa nakikilala? Tanong niya sa isipan niya.
  Saktong dumaan si Donatela na parang papunta sa banyo.
 
  "Maam," pigil niya rito.
 
  Ngumiti ito at malagkit siyang tiningnan.
  "Yes? Anong kailangan mo, Flex? A-ako ba?" lumingkis pa ito sa braso niya. Nabahala siya kaya siya na mismo ang umalis ng braso nito sa braso niya.
 
  "Ah, eh, ano kasi...itatanong ko lang kung nasaan na pala ang asawa ni maam Natasha?" wari niya sa katrabaho.
 
  Umismid naman si Donatela at nagkibit-balikat pa. "Patay na, nagkasakit umano, pero feel ko lang ha..baka pinatay niyang hipokritang iyan, alam mo bang marami ang may galit kay madam? Naku, huwag kang magkamaling dumikit diyan, daig pa niya ang asawa ni Lucifer, I told you, mabuti pa sa akin ka na lang dumikit, madali akong kausap.." ngiti pa ni Donatela na kung titingnan ay parang si Kitkat, maganda naman ito kaso parang hindi pasok sa panlasa niya ang uri nito.
 
  "Gan'on ba?" tipid niyang sambit dito.
 
  Tumango ito, at hindi pa rin nawala ang ngisi nito habang nakatingala sa kaniya.
 
  "Oh sya, jinggle lang ako saglit ah, baka hanapin ako ni lokaret, sabihan mo na lang, bye." Hinimas pa nito ang kaniyang dibdib at pasimpleng pinisil iyon.
 
  Napangiwi na lamang si Flex sa ginawa ni Donatela at nailing. Kung gayon, single mom na pala ang amo niya. Kaya siguro ito maldita at medyo insensitive dahil sa pinagdadaanan nito, alam niyang hindi madali ang mamuno sa ganitong kalaking kompanya at pagsabayin ang pagpapalaki sa anak nitong si Levi.
 
  Sa puso ni Flex ay may sumidhing paghanga niya para kay Natasha. Kahit pa man sa mga dagok na dumating sa buhay nito, hindi pa rin ito nakikitaan ng kahinaan. Ngumiti siya, parang naging mas interesado na siya sa pagtrabaho sa H Modelling Company.
 
  "Okey, let's reside!" tawag pa ng camera-man at ng photographer na nasa harapan ng puting telon. Nakatuon doon ang ilaw at mga aparatong nag-eenhance sa lighting. Agad siyang pumanhik doon at nagpose sa harapan. Knowing that Natasha's eyes are staring his way. Mahiyain man sa camera'y tila sumidhi ang damdaming iyon. He literally pose that sexy pose even it's just uneven.
 
  "Okey, broader, keep that muscle, okey. Great!" saad pa ng photographer. Nakasubaybay lang din ang cameraman na parang dinudokumento ang bawat galaw niya. It's a new environment for him.
 
  Hindi niya namalayang naglapat ang mga tingin nila ni Natasha sa oras na iyon, it's like a second but to the point na nag-slowmotion yata ang paningin niya.
 
  Inaamin niya, she's attracted to her personality. Dominante, aggressive, fierce and controlled. Iyon ang mga babaeng gusto niyang i-handle.
 
  In his entire life, he was just trapped on that relationship where he is the one who controls everything, walang spark ang ganoong relasyon, parang kulang ang gulong ng bisekleta, gan'on...hindi tatakbo, kung tatakbo man, mababangga iyon.
 
  Kumurap siya muli at doon natanto na wala na si Natasha sa harapan niya, hinanap niya iyon. He's been out of focus kaya napatingin na rin ang mga kasamahan niya sa gawi ng mata niya.
 
  "What's the problem?" tanong ng photographer.
 
  "Wala, wala po." Balik niyang tugon.
 
  "Parang na kay maam Natasha yata ang isip mo, dong?" si Donatela na bigla na lang sumulpot sa kung saan.
 
  "Lumabas na," saad ng isang kasamahan nila sa kwarto.
 
  "Naku dong! Huwag ka nang umasa kay maam, baka lapain ka lang n'on, hindi nga kami makatagal sa pagtataray n'on eh," hinaing pa ng camera-man kay Flex.
 
  "So you're all against to her?" wala sa isip na sambit niya sa mga ito.
 
  "Sino bang hindi?" asik ni Donatela na nakakibit-balikat pa rin.
 
  He's shocked, lahat yata ng naroroon ay puro may galit kay Natasha. He's alarmed, kaya minabuti niyang lumabas muna at mag-CR. Nasa labas na siya ng pasilyo nang makita si Levi na nakaupo sa hallway chair, nakahawak ito sa mobile na parang naglalaro. Wala ang mommy nito, siguro'y pumunta sa ibang department.
 
  Nagtuloy-tuloy siya sa comfort room, mayroong signage kung saan ang babae at lalaki. Nalagpasan niya ang pambabae but he stopped. May naririnig siyang hikbi sa loob. Nakiramdam siya at minabuti munang tumayo roon. Narinig niyang umiiyak ito. He felt concerned.
 
  Mayamaya pa ay biglang bumukas ang pinto at doo'y iniluwa si Natasha na naka-sunglasses. Nagulat siya.
 
  "Excuse me? Ladies room 'to!" Mataray na sambit nito saka pa siya nilagpasan. Nakapukol lang ang paningin niya sa babaeng naglalakad papalayo, ramdam niyang siya iyon. Si Natasha ang babaeng umiiyak sa loob. Nakiramdam siya muli sa pintuan, pero wala na ang boses at ingay ng pag-iyak doon.
 
  Muli'y tinahak niya ang gentleman's room. Doo'y umihe siya at nag-ayos ng buhok. Naghugas ng kamay at nagpalit ng damit. Sabi ng photographer niya kanina na last shoot na umano iyon ngayong araw. Kung gayon, pwede na siyang umuwi.
 
  Nang makapagbihis ay agad niyang tinahak ang parking lot, doon kasi nakapark ang motor niya. Pero laking pagtataka niya nang makita ang kotse ng amo niya. Umuusok iyon. Nasa harap si Natasha at gigil na pinagpapadyak ang bumper nito.
 
  Agad siyang pumunta sa gawi nito.
  "Need a help?" Doo'y na-confirmed niyang ito mismo ang umiiyak kanina. Wala na kasi ang salamin nito. He see how pitiful her eyes that time. His heart melts.
 
  ...itutuloy.

 

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon