Chapter 44

209 7 0
                                        

  ALAS OTSO na ng gabi nang mapagpasyahan nila Flex at Natasha na puntahan ang bahay ng kapatid niyang si Hezekiah but something happened na hindi nila akalain. Wala na kasi ang mga ito doon, ang sabi ng mga kapitbahay nila, pinalayas na raw kasi matagal na raw na hindi nagbabayad ang mga ito.
 
  "Paano na 'to?" tanong pa ni Flex kay Natasha, nakasakay sila ngayon sa isang kotse na inupahan nila from resort. Nandoon sila mismo sa labas ng tahanan ni Hezekiah.
 
  Bumuntung-hininga si Natasha at mapait na ngumiti. "Maybe it's not the right time to meet her, I guess she's going something she must figure on her own." She was sad while saying it.
 
  Hinawakan ni Flex ang kamay ni Natasha at hinayaang tingnan ang mukha nito, umayon na lamang siya sa pasya nito na hindi na muna nila aabalahin si Hezekiah, maybe it's not the right time to confess something, lalo pa't may pinagdadaanan din pala itong problema sa ngayon.
 
  They went back to the resort, hahayaan na lamang nila na mga huling araw nila roon, maybe kailangan din nila ang mag-relax together. Lalo pa't malapit na ang nalalapit nilang kasal.
 
  Nasa daan sila papuntang resort nang mapagpasyahan ni Flex na huminto muna sa isang daan na kitang-kita ang karagatan. Even it's too dark, it still shines through the help of the moonlight, kaya nakikita nila ang paghampas ng alon sa mga batuhan.
 
  "Do you mind if we go for a walk?" he pleased while offering his hand.
 
  Natasha accepted, sabay silang luamabas sa kotse at napagpasyahang maglakad-lakad muna sa dalampasigan.
 
  Suot ni Natasha ang blusang bulaklakin, si Flex naman ay ang t-shirt na pinatungan ng kaniyang leather jacket. Nang mapansing giniginaw si Natasha ay hinubad niya ito at masuyong pinatong sa balikat ng ginang.
  "Take.." ani niya kasabay nang pag-akbay.
 
  "Thank you," she said while staring Flex' face.
 
  "Hmm..bakit? May marumi ba sa mukha ko?" ani Flex. Umiling si Natasha at ngumiti.
 
  "Nothing, I'm just staring your eyes, the way you talk and how your smile appears, 'yan kasi ang gusto kong makita 'til we face that altar, soon."
 
  He smiled and stop walking. Hinarap niya si Natasha, carefully cupping her face with his big rough hands, slowly he touched her lips with his thumbs. Ramdam ni Flex ang malambot na labi ni Natasha na noo'y nakaawang na tila naghihintay sa kaniyang halik. A moment where they stare each other's faces, searching something that blends their emotions. Dahan-dahang dinampian ni Flex si Natasha, masuyo iyon at napaka-lambot. Parang ayaw nitong tapusin agad habang suot ang malalalim na hininga na tumatama sa kanilang mukha.
 
  "Hindi ako magsasawang mahalin ka, Natasha. Tandaan mo 'yan."
 
  "And I'll do whatever it takes just to be with you, Flex. Mahal na mahal kita..." sagot naman ni Natasha.
 
  "..wag mo akong iwan," paos na boses ni Natasha sa binata.
 
  "I won't.." he plead.
 
  "Kahit pa mahirap, kahit pa masakit, hindi kita bibitawan, Natasha. I promise that..and I never said a promise that I never do..hindi pa ako nangangako na hindi ko ginawa, Natasha." Sa narinig ay napaluha na lamang si Natasha, alam niyang kahit pa sa pinaka-lugmok ng buhay niya'y naroon si Flex. Hindi siya nito iniwan, hindi siya nito pinabayaan, at alam niyang kaya siya nitong ipaglaban kaninuman.
 
  "I couldn't be myself now, without you.." ani Natasha na mahigpit na niyakap si Flex. Magkayakap silang dalawa sa kadilimang iyon, saksi ang liwanag ng karagatan, at ang mahangin na karagatang naging saksi sa kanilang sumpaan.
 
  A place where they hide to be theirselves for once, ang isla kung saan nila ilalaan ang oras nang magkasama.
 
  Matapos ang kanilang paglalakad sa baybayin ay napagpasyahan na nilang umuwi sa resort. Napagod na rin kasi sila sa byahe at ginawa kanina. Minabuti ni Flex na pumunta muna sa dinner area ng resort para umorder ng gatas para kay Natasha, nauna na kasi si Natasha sa kwarto nila, since mag-sa-shower pa raw ito, at mag-aayos.
 
  Nang nasa dinner area na si Flex ay may nabangga siyang lalaki.
  "Oh, sorry bro, my bad." Saad ng isang lalaking tila half-japanese. May katangkaran din ito at halatang may kaya dahil sa dating ng pananamit nito.
 
  Umiling siya. "That's fine," ngiti niya.
 
  "By the way, I'm Mori..and you are?" naglahad pa si Mori ng kamay sa binata.
 
  "Oh, I'm Flex." Kinuha niya ang kamay nito at doo'y maagap na nagdikit ng bisig sila, parang friendly naman ito at halatang masayahin.
 
  "You want some drink? My treat.." sabi pa ni Mori.
 
  Umiling siya. "No, thanks, I'm just.."
 
  "Oh c'mon, dude. Let's drink..let's celebrate, alam mo bang birthday ng pinsan ko ngayon.." nakangiting saad nito na may kinawayan sa isang banda.
 
  "Oh, gan'on ba." Lumingon si Flex sa bandang kinawayan ni Mori at doo'y nakita ang isang binatang papalapit sa kanila. Nakabukas ang polong puti nito at gaya niya'y naka-bohemian shorts ito.
 
  "O, dude, meet my cousin, he is Rise San Miguel.."
 
  "–but you can call me, R..for short." saad naman ng lalaki na naglahad ng kamay sa kaniya. Maagap naman niyang tinanggap ito, at doon nga'y napasubo sa treat ni Mori. Nakihalubilo siya sa dinner resto doon at nakipag-inuman. Napag-usapan nila ang rason kung bakit sila nandoon at doon din nalaman ni Flex na na kay Mori pala si Hezekiah that time.
 
  "Talaga dude? Kapatid ng magiging asawa mo ang babaeng 'yon?" natatawang sabi ni Mori bago pa nilagok ang shot glass.
 
  "Whoah, what a co-incedence naman," ngiti naman ni Rise na naghit-hit buga ng kaniyang sigarilyo.
 
  "What about you, couz? Bakit ka nga ba sumabay sa akin dito? And first time yatang hindi sumabay ang girlfriend mo ah?" tanong ni Mori kay Rise.
 
  Nakangiting umiling ito.
  "Look, Mori, I'm here to relax nga 'di ba? Tss..dont mention her right now." Iwas pa ni Rise.
 
  "Hmm..nag LQ na naman ba kayo ni Stacy?" hirit pa ni Mori kay Rise.
 
  "Ow, pare, ang masasabi ko lang, suyuin mo, alam mo naman ang mga babae, they need attention, baka hindi mo na sinusuyo?" Sabi pa ni Flex kay Rise na hawak ang basyo ng isang pale pilsen.
 
  "Yeah, he's right." Diin pa ni Mori sa sinabi ni Flex kay Rise.
 
  "Hmm, I'll figure it out, thanks pare ah," tapik pa ni Rise kay Flex.
 
  "Anytime." Saad pa niya bago pa maagap na tumayo.
 
  "So, I'll go ahead now, thank you for the drink, mga pare ah, baka hinahanap na ako ng future wife ko," nakangiting saad ni Flex sa dalawang binata.
 
  "Thank you rin, Mori ah, salamat sa detalye, baka bukas bago kami umalis, dadaan kami sa inyo." Saad ni Flex na hawak ang papel na binigay ni Mori sa kaniya.
 
  "Sure thing, bro." Ani nito saka pa tinapik ang braso niya.
 
  "Goodluck," ani pa ni Flex kay Rise na sumenyas lang ng saludo sa kaniya.
 
  Nang makapunta na siya sa kwarto nila ni Natasha ay dala niya ang gatas para sana rito, but it turns out na mahimbing na pala itong nakatulog. Napakamot na lamang siya sa sariling batok dahil sa pangyayari, hindi niya inaasahan na may makikilala siyang mga panibagong kaibigan sa katauhan nila Rise at Mori.
 
  Dahan-dahan niyang nilapag ang baso ng gatas sa lamesang nandoon at sinara ang pinto. Kinumotan din niya si Natasha na noo'y nakahiga na sa kama. Umupo muna siya sa may upuan malapit sa may bintana, hawak niya ang kaniyang telepono.
 
  Gusto niyang tawagan Flair para kausapin sa gagawing entrapment sa Sto. Tomas kay Gideon. Humugot muna siya ng isang malalim na hininga. De-nial niya ang numero ni Flair at nag-ring iyon, mayamaya pa ay sumagot na ito.
 
  "Hello, kuya." Bungad ni Flair sa kabilang linya.
 
  "We're now here in Samal.."
 
  "Okey, kuya. I'm sending the assistance to General Chavez, he is now posting to the boundary of that area, kayo na lang ang hinihintay for formal reports."
 
  "Sigurado ba silang doon nila na-trace ang location ni Gideon?"
 
  "Yes, kuya. Iyon ang nakalap nila General Chavez, base sa first reports ni Donatela, at sa Intel na binayaran ni mama, doon nila huling nakita si Gido."
 
  "Sitio Sto. Tomas?"
 
  "Yes, kuya," Flair agreed.
 
  "Magpapasama ka ba?" ani Flair sa kaniya.
 
  "No, I can handle it."
 
  "Pero kasama mo si ate Natasha, hindi ba? Mabuti sigurong d'yaan na muna siya sa Samal, baka makasama sa kaniya."
 
  "I'm thinking that also, ako na lang ang pupunta sa Sto. Tomas, mayroon din kaming sadya rito, mabuti na rin siguro para ma-settle nila ang issues na mayroon dito." Ani Flex.
 
  "Okey, just tell me anything you want, kuya, okey?"
 
  "Thank you, bunso."
 
  "Tss. Anytime."
 
  "Sige na, bye."
 
  "Bye." Ani niya saka pa pinatay ang tawag.
 
  Nang humarap siya sa kaniyang likuran ay nagulat siya nang makita ang pigura ni Natasha. Nagising ito at halatang narinig ang mga sinabi niya.
 
  "Your going without me?" Nagdaramdam ang boses nito.
 
  Agad naman niyang tinabihan ito at hinawakan ang kaniyang kamay.
  "Listen, ayokong may mangyaring masama sa'yo doon, madam."
 
  "But I'm fine.."
 
  "No, your not..makinig ka, aalis ako nang panandalian lang, aayusin ko muna ang problemang 'to, okey? And I hope you and your sister will settle your issues too,"
 
  "What do you mean? Nakita mo ba siya?"
 
  Umiling si Flex. "No, but I met someone who helped me about finding her. Nasa sa kanila umano si Hezekiah," sagot naman ni Flex.
 
  "Really?"
 
  Marahang tumango si Flex.
  "That's why, I need you to fix everything here while I'm away, sabay nating aayusin ang mga problemang 'to, you'll be safe here, walang nakakaalam na nandito tayo," ani Flex kay Natasha.
 
  Umayon naman si Natasha at tumango sa sinabi ni Flex. Pilit itong ngumiti saka pa niyakap ang binata.
 
  "Oh, and by the way...i have your milk." Tumayo pa si Flex saka pa kinuha ang gatas na para kay Natasha.
 
  He handed it to her. Ngumiti naman si Natasha na noo'y agad ininom ang 'sang baso ng gatas.
 
  "Hmm, ang sarap nito ah! Anong brand nito?" Ani Natasha kay Flex.
 
  Napakamot sa ulo si Flex saka pa nagsalita. "Ah, eh, kuwan daw..fresh milk, galing sa kambing," napalunok ng wala sa oras si Flex.
 
  Dahil kasunod n'on ay isang malakas na hampas mula kay Natasha na halos sumigaw dahil sa pangyayari.
 
  "You're unbe—li—vable—!" tili pa ni Natasha na halatang ayaw ang kambing!
 
  ...itutuloy.
 

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon