Chapter 22

344 13 0
                                        

  Heto pa rin ako
  Umaasa ng puso mo
  Baka sakali pang ito'y magbago
  Narito lang ako
  Kasama mo buong buhay mo
  Ang kulang na lang
  Mahalin mo rin akong lubusan..
  Sa pagkakataong iyon, marahang tinapos ni Flex ang kanta na nagpahiyaw sa madlang nakikinig. Walang awat na sumisigaw ang mga ginang na nandoon, parang nagwawala sa kaniyang kinanta. Ang iba'y sumipol pa dahil nagustuhan ang boses niya.
 
  Dahan-dahan niyang tiningnan ang direksyon ni Natasha, matamang nakatitig lang ito sa kaniya. Wari niya'y naiyak ito sa kanta niya dahil sa pamumula ng ilong nito at basang mga mata.
 
  Umakyat siya sa bleachers at walang imik na tumabi sa ginang.
  "Wow, kuya Flex ang galing mo pa lang kumanta, pinaiyak mo si mommy," ani Levi na nasa gilid ni Natasha.
 
  Agad na tiningnan ni Flex ang mukha ni Natasha at kinausap ito.
  "Okey ka lang, madam?"
 
  Humingos ito bago pa nagsalita.
  "Yes," pagkakaila pa niya.
 
  "Kanta kasi iyon ni daddy sa kaniya eh," hindi mapigilang sambit ni Levi sa binata. Napatiim-bagang naman si Flex at nag-iwas ng tingin sa ginang.
 
  "I'm sorry," paumanhin niya kahit pa ang totoo'y siya itong nasaktan sa nalaman. Para siyang pinatay nang ikalawang ulit.
 
  Tumahimik siya saka pa naramdaman ang palad ni Natasha sa braso niya.
  "Don't be sorry, ang totoo nga'y, nagpapasalamat ako sa ginawa mo." Sa puntong iyon ay parang na-double kill, o triple kill ang puso ni Flex. He can't even talk or react that time, para siyang naglalaho.
 
  Kailangan pa talaga nitong ipamukha sa kaniya na hindi niya mahihigitan ang asawa nito? He clear his throat at nagkunwaring okey lang. He bitterly smile.
 
  "Pagkatapos nito, kumain tayo sa restaurant, libre ko." Ani ni Natasha kay Flex na hindi man lang niya pinuna.
 
  Nagtaka ito, at halatang nabahala. "Flex?" Inabot ito ni Natasha pero nanatili itong walang reaksyon.
 
  "Kuya," isinatinig ni Levi na siyang nagpabalik sa katinuan ni Flex.
 
  "Ah, e, naku.. huwag na, doon na lang kami kakain sa bahay, nasa Quezon na pala kami ngayon. Kaya siguro'y doon na lang para makapag-selebrasyon na rin kami kahit konti." Mababang boses ni Flex na ipinapakitang okey lang siya.
 
  "Mommy, punta po tayo sa kanila." Yugyog pa ni Levi sa braso ng ina.
 
  Tiningnan lang ni Natasha ang mata ni Flex, tila kinakausap nito kung payag ba siya.
  "Oo naman, sige, doon na lang kayo kumain. Magluluto si nanay ng putahe." Ani Flex na parang binigyan ng excitement ang boses kahit pa ang totoo'y gusto niyang maiyak.
 
  "Salamat." Ngiti ni Natasha. It seemed that every pain inside of him was now washed away, bakit sa tuwing ngumingiti ito sa kaniya ay natutunaw ang sakit sa puso niya. Bakit ang dali mo akong paamuhin, Natasha? Iyon ang tanong ni Flex sa sarili niya.
 
  ***
 
  Matapos ang fun-day sa school ay agad na pinag-drive ni Flex sina Natasha sa bahay nila, kasabay na rin nila sina tatay Berto at nanay Dorang na nasa likod. Nasa biyahe pa sila that time, medyo traffic kasi kaya medyo nagkaroon sila ng bonding time habang lulan sa kotse.
 
  Nasa passenger's seat si Natasha habang nakaupo sa kaniya si Levi. Nasa likod naman ang dalawang matanda na pinapagitnaan ni Luntian, hawak-hawak nito si Lala na pinahiram ni Levi.
 
  Si Flex ang nasa driver's seat na masayang nakikinig ng stereo. Nakikisabay din sila sa bawat kinakanta nito na parang nagko-chorus.
 
  "Yeeyyy, ang galing mo naman po!" puri ni Levi kay Flex.
 
  "Siyempre, kuya ko kaya 'yan!" pagmamalaki pa ni Luntian kay Levi.
 
  "Kaya nga eh, friend ko si kuya Flex at close kami," nakangusong saad pa ni Levi na parang ayaw mahigitan.
 
  "Mas close kami kasi kuya ko siya, sabay kami matulog!" ani Luntian na halatang napipikon na kay Levi.
 
  "Hindi...mas close sila ni mommy, kasi magkatabi rin sila matulog!" anang bata na parang walang muwang sa sinabi. Hintatakutang napatitig si Flex sa sinabi ng bata habang agad namang tinakpan ni Natasha ang bibig ng anak.
 
  "Naku, itong mga batang 'to, kung anu-anong naiisip at pinagsasasabi," patay-malisyang saad ni tatay Berto.
 
  "Psst, Luntian. Mag-behave ka, magagalit si kuya Flex mo, sige ka!" banta pa ni nanay Dorang. Agad namang humalukipkip ang bata at halatang nasindak sa sinabi ng matanda. Alam kasi nitong galit na ang kuya niya.
 
  Ipinagpatuloy nila ang pag-uusap patungkol sa performance nila kanina sa school, panay tawanan ang ginawa ng mag-asawang matanda habang tikom naman ang bibig ni Natasha at Flex na aminadong nahihiya sa pangyayari.
 
  Nang makarating sila sa Quezon ay agad na pumaloob sila sa isang subdivision, namangha si Natasha sa nakita, iba ang iniisip niya that time, hindi kasi niya ine-expect na ganito ang pupuntahan nilang lugar.
 
  "Taga dito na kayo?" Manghang tanong ni Natasha. Tumango lang naman si Flex at ngumiti.
 
  Nang pumarada sila sa isang malaking bahay, naka-row type ang style ng building kaya may katabi itong 'sing kapareha ng istilo ng gusali sa isang tabi.
 
  "Andito na tayo," anang Luntian na halatang excited na bumaba. Bumaba na rin ang dalawang mag-asawang matanda at nauna sa loob, nakisabay na rin si Levi rito. Kasunod lang sila ni Natasha at Flex na halatang sinasadyang magpa-iwan.
 
  "This is our home," baritonong boses ni Flex.
 
  "Maganda, mabuti at naka-pondar ka," ani Natasha na walang alam sa totoong katauhan ni Flex. Tipid na ngumiti ang binata at nanatiling pursigido na hindi muna ipaalam ang kaniyang katauhan.
  Mas mabuting makilala siya nito sa ganoong estado kaysa sa katauhang ayaw niyang ipaalam.
 
  "Oo nga e, salamat sa oppurtunity ah," sambit pa niya sa ginang.
 
  Ngumiti ito pabalik sa kaniya, hindi rin nito inaasahan ang paglapit nito sa kaniya at gawaran siya ng halik sa pisngi.
  "I'm happy for you." Ani Natasha na bumulong sa taenga ng binata.
 
  Nanigas siya sa kinatatayuan, hindi man aminin pero parang kinuryente siya sa halik ni Natasha kahit sa pisngi lang iyon.
 
  "Let's go," pag-iiba ni Flex sa pangyayari. Ayaw niyang maging aligaga sa paningin ni Natasha kaya naisip niyang mas mabuting pumasok na sila.
 
  Nang makapasok na sila'y napalinga si Natasha sa kabuoan ng paligid. Simpleng kulay puti lang nandoon at binagayan ng kulay itim na pinta. Parang eclectic style ang mga kasangkapang nandoon. Namamayani ang kulay itim sa kasangkapan habang puting marmol naman ang sahig, dingding at ang kisame ng bahay. Parang modern style din ang mga appliances na nandoon, nang pumanhik naman sila sa kusina'y ganoon din ang istilo, namamayani ang puti, itim at ang kulay gintong mga adorno sa malapad na dinner table na nandoon. May nakasabit din na crystal chandelier sa gitna na may elesi ng bentilador. Mukhang marangya ang pamumuhay ng ganitong timpla ng istilo, dinaig pa ang pagiging class at pagiging perfectionist niya.
 
  She was amazed.
 
  "Okey lang po ba ang bahay namin, ma'am?" dinig ni Natasha kay Luntian. Tumango naman siya at ngumiti.
 
  "Oo, nababagay sa isang tulad mo na kyut na kyut," puna niya na pinisil pa ang pisngi ng paslit.
 
  "Mayaman na po kami." Ngiti nito na ikinalapad ng ngiti ni Natasha.
 
  This kid is very funny! Sa isip niya, nang masipat ang pigura ni Flex ay agad siyang umayos at sumeryso.
  "Mayaman na raw kayo," ani Natasha sa binata. Hilaw itong ngumiti na tila may tinatago.
 
  "Let's eat, nakahanda na sa mesa ang pagkain," pag-iiba pa ni Flex kay Natasha, natigilan ito sa pagiging seryoso ng binata.
 
  Atubiling sumunod lamang siya rito at nang mapunta sa lamesa'y pinagtulak siya nito ng silya. Inasikaso siya ni Flex na parang isang nobya. She felt flattered.
  "Ako na," saway niya rito.
 
  "No, let me assist you, bisita ka namin, at amo kita," sa sinabing iyon ni Flex ay parang may kung anong haligi ang naramdaman ni Natasha sa pagitan nila. Parang sumama yata ang timpla ni Flex sa sinabi niya kanina.
 
  Umayos siya ng upo at nanatiling tahimik. Nagsi-upo na rin silang lahat kaya medyo naging komportable na si Natasha. Sabay-sabay silang kumain, si Luntian at Levi naman ay masayang nagsusubuan na parang mga ewan. Si nanay at tatay berto ay gan'on din.
 
  Natigilan si Natasha at tiningnan si Flex. Patay-malisya lang itong nagsasandok ng pagkain, she cleared her throat, animo'y nagpapapansin. Pero imbes na magka-ideya, isang pitsel ng tubig ang nilagay ni Flex sa harapan niya.
 
  "Oh, tubig." Saad nito na nilagyan ang baso niya.
 
  "Thanks," dismayadong saad niya habang sinubo ang kutsara. Pero dininig yata ang pinagpuputok ng buchi niya that time, eh kasi binigay ni Flex ang tinidor na tinusokan ng siomai.
 
  "Tikman mo, gawa ko 'yan," ani Flex habang sinusubo ang siomai sa bibig ni Natasha. Ramdam niyang nasisiyahan ang puso niya. Shit! Bakit ang sarap ni Flex!
 
  Este ang siomai pala.
 
  ...itutuloy.
 

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon