Chapter 49

176 5 0
                                        

  HAWAK-KAMAY sina Flex at Natasha habang nakaupo sa salas, kaharap nila sina tatay Berto at nanay Dorang na nahahalatang may sasabihin silang bagay.
 
  "Nay...tay.. may sasabihin po kami ni Natasha," bungad pa ni Flex.
 
  "Ano po kasi...buntis po ako." Gatol na saad ni Natasha na nahihiyang sabihin ang sitwasyon. Sa sinabi nito'y parang nawalan ng boses ang dalawang matanda, halatang gulat sa kanilang binalita.
 
  "Mommy? May kapatid na po ba ako?" ani ni Levi na dahan-dahang lumapit sa kanila.
 
  Tumango siya saka pa ngumiti.
  "Yes, anak. You'll gonna be a kuya na."
 
  Ngumiti ito at niyakap siya, pinakiramdaman din nito ang tiyan niya.
  "Baby, ako ang kuya mo...i will wait for you," ani Levi na hawak ang tiyan ng mama niya.
 
  Hindi mapigilang mapangiti si Flex sa oras na iyon, alam niyang sabik na sabik si Levi na magkaroon ng kapatid.
  "Kuya daddy...please take good care my mom, and my kapatid po ah." Lingon ni Levi kay Flex. Nakangiti lang ito at halatang nasisiyahan sa bata.
 
  "Yes, I will, Lev. Don't worry." Ani Flex kay Levi.
 
  "Naku, eh dapat pala'y atupagin na ninyo ang nalalapit na kasal, kung pu-pwede'y dapat ay next month na ang kasal ninyo, hindi n'yo dapat pagatagalin 'yan, baka malaman 'yan ng taong-bayan at akusahan kayong tama ang binibentang nila sa inyo, mas mabuting magpakasal na kayo..agad-agad." Saad pa ni nanay Dorang na gustong maging maayos ang lahat.
 
  "Don't worry po, kompleto na po ang mga dokumento, hinihintay na lang po namin ang certificate license."
 
  "Ganoon ba, o siya, dapat na tayong maghanda, mas mainam na kahit papaano ay napaghandaan natin ang lahat, kaysa maunahan tayo ng problema." Dagdag pa ni tatay Berto.
 
  "Salamat po sa suporta, nay, tay, kayo po ang nagpapatatag sa aming dalawa." Ani Natasha.
 
  "Naku, hija, huwag mo kaming intindihin, ang ipagpasalamat mo...ay si Flex, dahil siya ang napili mong lalaki, sinisigurado ko na hindi ka niya paiiyakin, matino 'yan." Ani tatay Berto na nakangiti pa.
 
  "Oh sya, sige na at kumain na tayo nang makapagsimba tayong lahat, mas mabuting sabay-sabay tayo ngayon," ani nanay Dorang na tumayo na at gumayak na sa kusina.
 
  Sabay-sabay silang pumunta sa kusina at naupo sa hapag, saktong-sakto naman dahil naluto na ang putahe ni nanay na sinigang na karne. Magana silang kumain na mag-anak at tulong-tulong na nagligpit sa kanilang pinagkainan. Pasado alas tres na ng hapon nang mapagpasyahan nilang pumunta sa kalapit na simbahan para magdasal. Nadatnan na rin kasi nila ang araw na iyon na pinagdiriwang ang holy rosary month, buwan ng setyembre. Ilang buwam na lamang at magpapasko na, kung hindi nga nagkakamali si Natasha, sa nalalapit na disyembre ay may maglilimang buwan na ang tiyan niya, soon.
 
 
  ***
 
 
  Maganda ang panahon sa oras na iyon kaya minabuti nilang agad na pumasok sa simbahan. Karga ni Flex si Luntian na halatang nasisiyahan. Si Levi naman ay hawak ng kanang kamay ni Natasha at naka-OOTD pa na gaya ng kaniyang ina.
  "Mommy, look o, may ice cream po!" turo pa ni Levi na halatang paborito ang sorbetes.
 
  "Ako rin kuya, gusto ko po!" hindi naman nagpapahuli si Luntian na nagpapa-baby sa kaniyang kapatid.
 
  "O sige sige, mamaya na. Magsisimba muna tayo, okey?" saway ni Flex sa dalawa.
 
  "Ayy.. okey po." Halos sabay na saad ni Levi at ni Luntian.
 
  "Sige na, pumasok na tayo.." paunlak pa ni nanay Dorang na nauna na sa loob. Kasunod din nito si tatay Berto na nakapostora ang dating. Nang makapasok sila ay naupo sila sa nay gilid na malapit sa bentilador. Pawisin kasi sina Levi, Luntian, at Natasha.
 
  Nagsimulang magsalita ang pari at doo'y nakinig sila.
 
  "The grace of our Lord, Jesus Christ and the love of God and the fellowship of the
  Holy Spirit be with you all." Ani ng pari sa kanila.
 
  "And also with you," they responded while holding each other's hands.
 
  Nanatiling tahimik si Natasha at Flex na medyo pre-oocupied sa oras na iyon.
 
  "God forgives us for all the things we do bad, so together we pray; I confess to Almighty God and to you my brothers and sisters that I have sinned through my own fault in my thoughts and in my words in what I have done and what I have failed to do, and I ask the Blessed Mary, ever virgin, and all the angels and saints and you, my brothers and sisters, to pray for me to the Lord, our God." Dinig nila mula sa pari, Natasha simply glimpsed Flex' corner, nakita niyang seryoso ito at may malalim na iniisip.
 
  Pinisil niya ang kamay nito kaya lumingon si Flex, umiling na tila gusto magtanong kung okey lang siya.
  "Let's be thankful, binigyan tayo ng dyos ng isang regalo," she said in a low voice.
 
  Tumango si Flex saka pa nagsalita. "That's what I'm thinking now," he said smiling.
 
  Nang mas magpatuloy ang pagsimba nila ay nakatutok lang sila sa gospel word ng pari na nagsasabi ng kapatawaran, parang malaking impact iyon sa kanilang dalawa, na pinagdaanan ang lahat ng issues sa buhay.
 
  "Psalm 16:1 saids, Keep me safe, my God, for in you I take refuge. The Good News tells that we must asked to god, communicate to him that you can always trust in the Lord, no matter what. His love will keep you safe and protected in times of turmoil," sabi pa ng pari na nakangiting tumingin sa kanilang dalawa. Kaya ngumiti na rin sila.
 
  "Okey, sino ba dito ang masasabing hindi kailangan ng kasama sa buhay? Na masasabing kaya ang mag-isa?" tanong ng pari sa kanilang lahat. Walang nagtaas ng kamay kaya maging sina Natasha at Flex ay nilinga ang paningin sa kanilang kabuuan. Walang nagtaas ng kamay.
 
  Muling nagsalita ang pari. Ngumiti ito habang hawak ang mikropono.
  "O hindi ba, walang nagtaas ng kamay? Parang pag-ibig din 'yan, everybody deserves to love, and be loved. Deserve natin ang may kasama sa buhay, we claim to have someone in our life, kung mababasa natin sa bibliya...hindi ba't ang dyos mismo ang gumawa kay eba mula kay adan dahil ramdam ng panginoon na nalulungkot ito..nang mag-isa? Right? Gaya rin po iyan sa pananalig sa diyos, everyone of us here..needs to ask and talk to the Lord, we can't live without him..so we must asked his glory to be with us..always." Ngiti pa nito na nagpamulat sa kanilang kamalayan, halatang nasiyahan ang mga nakikinig dahil mayroong pumalakpak sa kung saan, kaya't pumalakpak silang lahat. Ganoon din sina Flex at Natasha na maluha-luhang nagpunas ng luha sa kanilang mata. Sa pagpunta nila sa simbahan ay mas lumawak ang kaisipan nila sa mga bagay-bagay. Tama ang salita ng dyos, they must empty their hearts to all hatred.
 
  Dapat ay punuin nila ng pagmamahal ang puso nila, dahil deserve nilang maging masaya...maging kompleto.
 
  Matapos ang pagsisimba ay napagpasyahan nila Natasha at Flex na daanan muna ang correctional facility na pinaglalagian ni Gido ngayon.
 
  Buo ang desisyon nila na makausap ito ng masinsinan, at humingi ng kapatawaran sa lahat. Kaya nang hapong iyon, they went to someone they want to ask forgiveness..si Gido.
 
  Naiwan sa kotse sina tatay Berto at nanay Dorang kasama ang dalawang paslit. Sina Natasha naman at si Flex ay pumunta sa malapad na gate ng facility at doon nagsadya, they undergo the searching and checking area na maiiwan ang lahat ng gadgets, mga sharp objects pati na rin ang jewelries, bawal kasi ito sa loob.
 
  Magkasabay na pumasok sina Natasha at Flex sa loob at naupo sa isang kwarto. Makikita nila ang isang bintanang pader na kaharap nila, mayroong butas ito na saktong mapakikinggan ng nasa kabilang banda.
 
  Naghintay sila ng ilang minuto bago pa nakita ang paparating na lalaki, nakasakay ito sa isang wheel chair habang tulak ng isang staff sa loob, nakabenda ang mata nito at may mga pasa at sugat ang braso, makikita rin ang binti nito na binalot ng dressing, halatang sariwa pa ang sugat nito.
 
  Matapos ay ipwenesto ito sa butas na kaharap nila. Ilang metro lang ang distansya niya mula sa salaming pader na iyon kaya ramdam ni Flex ang pag-alon ng balikat ni Natasha. Ramdam niyang umiiyak ito ngayon.
 
  "Shhh..don't cry." Pag-aalo pa ni Flex sa ginang.
 
  "Sino kayo?" tanong pa ni Gido sa kabilang side. Naka-steady lang ang ulo nito na pinapakiramdaman ang direksyon ng tunong mula sa kung saan.
 
  "Gideon, it's me..it's Natasha." she answered while whimpering.
 
  "N-natasha..." he sudden drop his voice and turned serious." Pinapakiramdaman ang bawat katagang sasabihin ng babaeng hindi niya makita.
 
  "Gido.." she added.
 
  Nag-smirk si Gido saka pa nagsalita.
  "Are you happy now? Are you happy seeing me like this?" mapait na tanong ni Gido sa kaniya na parang sinusumbatan siya.
 
  "I-im..I'm sorry." Natasha cried. Inalo naman ito ni Flex na halatang nahihirapan din sa sitwasyon.
 
  Ngumiti si Gido, pinapakitang matatag siya. "Don't cry, dapat nga'y maging masaya ka. Tama lang naman siguro sa akin 'to eh, 'di ba? Ano nga lang ba ako sa'yo? Hindi ba wala? Tama lang naman siguro ang sinapit ko, Natasha. Nagmahal lang naman ako, minahal kita, oo inaamin kong pera ang habol ko sa'yo n'ong una. Eh paano, wala kami n'on e, we're just fuc*ing poor who can't afford to live, to live like the two of you, buti pa nga kayo eh, you have all things in life, na sana mayroon din ako, na mayroon din ang pamilya ko. Masama bang mangarap? But I don't know what to think, Flex, Natasha. I don't blame the two of you about what happened to me. Obviously, I'm just trying to have your attention, na sana kahit man lang sa isang pagkakataon ay bigyan n'yo ako ng chance. All I need is your attention, Natasha, all I need is your position, Flex. Nasa inyo ang mga tinatangi ko sa buhay..but look at me..look at me now. I can't even see the two of you, I can't even walk closely to reach you, how much more to level my self? I just deserve this. Tama lang siguro ang nangyari sa akin. Tanggap ko naman eh, tanggap ko na kayo ang para sa isa't-isa, but bullsh*t! I can't accept the truth na kapatid kita Flex! Kapatid ko ang kaisa-isang bestfriend ko, and it became worst when I heard to my mom na pati ang babaeng minahal ko ay pinsang-buo ko?! Damn it! Damn it! Damn it!" hagulhol pa ni Gido na halatang inawat na sa kabilang banda. Nagwawala na kasi ito sa may salamin.
 
  Humagulhol si Natasha sa narinig mula kay Gido, knowing that the three of them is just a victim of fate.
 
  "Natasha...mahal kita! Mahal na mahal kita!" muli pang sigaw ni Gido na noo'y inawat at kinuha na ng staffs sa kabilang banda. Napayakap si Natasha kay Flex. Halong pagsisisi at pagka-awa ang nararamdaman niya that time.
 
  And a little side of them was happy of what they heard from Gido, na nagsisisi ito at tanggap ang naging kalabasan sa kaniyang kapusukan. All they want now is peace of mind. Mas mabuting iwan na nila ang mga nakaraan at tahakin na ang papalapit na kinabukasan.
 
  "Let's leave.." ani Flex na inalalayan si Natasha palabas sa pasilidad na 'yon. Iisa lang ang naiisip ni Flex ngayon, after the wedding, they must settle their lives to London or in States, magbabagong buhay sila na malayo sa pilipinas, siguro'y ipagkakatiwala nila ang H modelling agency Philippine branch kay Donatela, alam nilang kay kapasidad ito sa pamamahala, and that ensures the rates and the company remain on top.
 
  Papauwi na sila sa mansion that time, mabuti na lang at naibsan ang bigat na nararamdaman ng dalawa dahil sa mga paslit na nagbigay aliw sa kanila habang nasa daan sila.
 
  Nakauwi na sila sa mansion that time, pumanhik na sila Natasha sa kwarto at si Flex. Masinsinan silang nag-usap patungkol sa nalalapit nilang kasal.
 
  "Madam, mas mabuting sa London na lang tayo manirahan, nandoon ang main office ng H modelling agency, right?" tanong ni Flex.
 
  "Yes. But the siblings of Hernan lives there, ayokong ma-pressure sa kanila." She answered. Bumuntung-hininga si Flex at seryosong hinawakan ang kaniyang mukha. He softly cupped her face, as if he has something to confess.
 
  "Listen, don't worry about them. Did I told you that I buy the whole company months ago?" he smiled.
 
  Napakurap-kurap si Natasha sa narinig.
  "Anong ibig mong sabihin?"
 
  He smiled.
 
  "Naalala mo n'ong umalis ako sa bahay sa States to met my uncle? I don't met him that time, instead, I went to my attorney and asked his help to communicate the siblings of your late husband, they grant my offer, and I absolutely buy the whole company in London..ang branch naman dito ay nakapangalan sa'yo, at kay Levi." He explained.
 
  "But how come? Hindi ba't may 15% shares ang mama mo sa.."
 
  "No, I just told that para hindi ka ma-offend."
 
  "Oh my.." Naiyak si Natasha sa mga sinasabi ni Flex. Hindi niya akalain na gagawin ng binata ang lahat ng ito para sa kaniya.
 
  "Are you serious?" hampas pa ni Natasha sa bisig ni Flex.
 
  "I am absolutely fu-king serious, madam."
 
  "Oh, god..you don't have to call me madam, anymore! Idiot!"
 
  "No, I will still call you that way, 'cause you're still my boss..and you owned my heart." Sabi pa nito na masuyong hinalikan ang labi ni Natasha.
 
  "You're unbelievable!" she added upon kissing his lips. They both smiled in tears.
 
 
  ...itutuloy.

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon