Chapter 28

255 9 0
                                        

  "Natasha?" iyon ang bulalas ni Gideon nang lumingon sa gawi ng kaibigan. Hindi siya makapaniwala sa nakikita ngayon. Flex' girlfriend is Natasha, ang babaeng akala niya'y pag-aari niya.
 
  "Yes, bro. That's her name, kanina ka pa ba?" Ani Flex na walang kaalam-alam. Gumilid pa ito sa isang tabi at pinaghatak si Natasha ng upuan. Naupo rin ito sa tabi ng ginang na noo'y hindi umiimik.
 
  "Madam, siya ang kaibigan ko..si Gido." Ani Flex.
 
  Pilit na ngumiti si Natasha sa kabila ng katahimikan. Animo'y natuklaw siya ng makamandag na ahas at nawala ang boses niya.
 
  Tanaw niya ang pagdilim ng mukha ni Gideon, halatang dismayado sa harap niya.
  "Nice to meet you, Natasha." Abot pa ni Gideon ng kamay niya para makipag-lamano. Nag-aatubili si Natasha na kunin iyon, pero parang sumasakay naman si Gideon na hindi sila magkakilala kaya pinaunlakan niya.
 
  "Same.." tipid na ani niya na hindi man lang hinawakan ang naka-ereng palad ng binata. Parang nahilaw si Gideon sa oras na iyon at pilit na tumawa.
 
  "O, nasaan na ang girlfriend mo?" Ani Flex sa kaibigan. Natasha's eyes are now pinning Gideon's face, parang ngayon lang niya na-sink in ang rason ng pag-anyaya nito sa kaniya last time. Tama ba ang naririnig niya? Pinakilala siyang girlfriend nito gayong wala naman silang ugnayan na dalawa.
 
  The nerve of him! Litanya ng utak niya that time.
 
  "Uhm, yeah, hindi siya makakarating..may importanteng bagay lang daw siyang gagawin.." nakatitig ang mata ni Gideon sa kaniya. Nakikita niya ang pagsumbat sa bawat titig nito.
 
  She felt guilty..para siyang pinapagitnaan ng dalawang nag-uumpugang bato. She felt tense. "Is there any problem? Pinapawisan ka yata?" Ani Flex kay Natasha na halatang hindi mapirme ang kamay sa pagpaypay sa kaniyang mukha.
 
  "No, it's..it's nothing, mainit lang kasi." Ani niya na umiiwas ng tingin kay Gido.
 
  "Siguro'y dapat na tayong um-order," ani Gideon na pinilit umaliwas ang mukha.
 
  "Okey, wait, I'll check the latest viand there, bro, iwan ko muna kayo.." Ani Flex na tinungo ang reception area.
 
  Naiwang walang imik si Natasha kaharap si Gido. Tanaw niya ang nakakalokong ngiti nito na umiiling pa.
  "So you're busy ah?" Ani Gido.
 
  "Yes, I am.." mariing boses ni Natasha.
 
  "Ano bang kalokohan ang ginagawa mo ha? Hindi ba sapat ang binabayad ko sa'yo at kinakailangan mo pa talagang ipakilala ako na girlfriend mo?"
 
  "Bakit, masama ba? Bakit kayo na ba ni Flex?" ngisi pa ni Gido.
 
  "Yes, we are!" impit na saad ni Natasha na pinipigilan ang sarili na hindi makagawa ng eskandalo.
 
  "Aww, I see..siya na ba ang bago mo ngayon? Ayaw mo na ba sa akin?"
 
  "Stop it, Gideon, walang tayo!" sa sinabi niya'y tumahimik si Gido at mapait na ngumiti.
 
  "Right, paraosan mo lang pala ako." Ani nito na halatang madilim ang mukha. Napatiim-bagang lang din ito habang nakapatong sa lamesa ang naka-kuyom na kamao.
 
  "We're done." Ani niya sa binata.
 
  He laugh sarcastically.
  "Okey sana..kaso..kaibigan ko pa talaga ang napili mo ah? Alam mo bang magkaibigan kami ni Flex and I will promise that you can't use him as you use me before." Ani nito sa nagbabantang boses.
 
  "Damn you! Ikaw ang nakikinabang sa ating dalawa, Gideon. You're just using me!"
 
  "Of course, I am just your fuck buddy!" Impit na bigkas nito sa kabila ng tiim-bagang na mukha.
 
  "Keep your mouth shut..or I will.."
 
  "What? Ano bang kayang gawin ng isang GRO?" nakakalokong sambit nito na hindi napigilang masampal ni Natasha. She slap his damn face! Hindi niya napigilan ang sarili.
 
  Agad na umayos si Gideon at walang imik na tumayo. Mapait itong ngumiti at nag-iwan ng makahukugang titig kay Natasha, hawak-hawak pa nito ang pisnging nasampal niya.
 
  Nang papa-alis na ito'y nakasalubong niya si Flex. "Oh, bro..saan ka pupunta?" walang muwang na sambit ni Flex sa kaibigan.
 
  "I'll go ahead, 'tol. May emergency lang.." ani nito na tinapik ang balikat ni Flex. Naiwang nagtataka si Flex sa tono ng kaibigan, parang problemado ito, siguro'y importante talaga ang pupuntahan nito.
 
  Nang makabalik sa lamesa ay tanaw niya si Natasha na nagpupunas ng mata.
  "Oh, napano ka?"
 
  Ngumiti ang kasintahan niya at nagsalita.
  "Nothing, napuwing lang ako." Ani Natasha kay Flex na agad siyang dinaluhan.
 
  "Akin na.." agad tumabi ito sa gilid niya at hinipan ang mugtong mata. Sa ginawa ng binata'y agad na napayakap ng wala sa oras si Natasha sa pangyayari. Parang nanghihina siya sa mga oras na iyon at tanging si Flex lang ang kinakapitan niya ng lakas.
 
  "What's wrong?" Ani Flex habang nalilito kung bakit napakahigpit ng yakap ng ginang.
 
  "May problema ba?" Walang muwang na tanong nito.
 
  "Nothing, I'm..just..i'm just afraid that I could lose you, Flex." Ani nito na parang takot na takot.
 
  "Shhh, bakit mo naman nasabi 'yan? I'm just here for you," masuyong hinagod ni Flex ang likod nito. Sa oras na iyon ay pinakalma niya si Natasha. Hindi naman ito nagsasalita kung napano ito, ang sabi lang niya'y naalala lang daw niya ang parents niya sa oras na iyon.
 
  Naniwala naman si Flex kaya minabuti nilang tapusin nang maaga ang dinner date nila. Gusto na rin ni Natasha na umuwi nang maaga, kaya hinatid na rin ito ni Flex. Kasunod ng paghatid ni Flex kay Natasha ay ang isang tawag mula sa bahay nila. Nilalagnat umano si Emerald kaya hinahanap siya nito.
 
  Nang makapag-paalam si Flex kay Natasha ay umuwi siya muna sa kanila dahilan upang magmukmok at magmuni-muni si Natasha sa gabing iyon. Inaalala niya ang mga sinabi ni Gideon kanina habang hinihithit ang sigarilyo. Nasa balkonahe siya ng kaniyang kwarto ngayon.
 
  Muli pa niyang inalala ang mga salita ng binata.
 
  Bakit, masama ba? Bakit kayo na ba ni Flex?
 
  Aww, I see..siya na ba ang bago mo ngayon? Ayaw mo na ba sa akin?
 
  Right, paraosan mo lang pala ako.
 
  Iyon ang mga salitang hindi maalis sa isipan niya, idagdag pa ang huling sinabi nito na..
 
  What? Ano bang kayang gawin ng isang GRO?
 
  That line hits her the most, iyon ang sekreto niyang gustong ibaon na sa limot. Ang sekretong ayaw niyang malaman ng nakararami, lalo na sa anak niya at kay Flex. Natatakot siyang pandirihan, natatakot siyang mahusgahan at natatakot siyang baka mawala sa kaniya ang mga taong gaya nila, ang mga importanteng tao na tumanggap sa kaniya. She felt drained and exhausted, para siyang baterya na walang enerhiya.
 
  Sa kabila ng sigarilyong hawak-hawak ay nanalaytay sa pisngi niya ang mga luhang hindi na niya kayang itago.
 
  "Ma.. Pa.. Bakit niyo ako iniwan! Bakit niyo ako pinabayaan!" She scream on her window, aiming to lessen her pain inside her heart. Unti-unti siyang napasalampak sa sahig habang umiiyak. Hindi niya alam ang gagawin. Para siyang naglalaho.
 
  She is very depressed that time, parang ayaw na niyang ipagpatuloy ang nasimulan niyang laban. She slowly stand and walk to her cabinet. May kinuha siya sa drawer at doo'y nakita ang isang basyo ng antidepressant niya.
 
  Pinihit niya ang takip n'on at nilaklak ang naturang gamot. Kasabay ng kaniyang paglunok ay ang pagiging manhid ng kaniyang katawan. Dahan-dahan siyang naupo sa gilid at tulalang tinitingnan ang apat na sulok ng madilim niyang kwarto.
 
  Mayamaya pa'y may nagbukas n'on at hilam ang mata'y naaaninag niya ang bulto ni Levi. Anino na lang ang natatanaw niya dahil unti-unti nang pumipikit ang kaniyang mga mata.
 
  "Mommy!" Iyon ang narinig niya bago pa siya nawalan ng ulirat.
 
  She passed out.
 
 
 
  ***
 
 
 
  NANG Makatulog si Emerald ay agad na nakapagpahinga si Flex. Nasa bahay siya ngayon habang umiinom ng kape. Pasado alas diyes na ng gabi pero ayaw siyang dalawin ng antok. Inaalala niya ang nagdaang sandali na kasama niya si Natasha sa restaurant, parang ang bigat ng problema nito, at alam niyang may tinatago itong hindi niya alam. Nang biglang narinig niya ang pag-ring ng kaniyang cellphone.
 
  It is Natasha's number. He smiled, siguro'y gusto nitong mag-goodnight kiss.
 
  Tinipa niya ito at siniksik sa taenga.
  "Yes, hello madam?" maaliwalas na boses niya.
 
  "Kuyaaaa! Mommy is not breathing! Help!!!" boses iyon ni Levi.
 
  Napalitanya si Flex sa sarili. "I'll be there," tipid na saad niya na agad napatakbo sa labas. Maging sina nanay Dorang at tatay Berto ay nagtataka dahil sa kaniyang pagmamadali.
 
  He just grab his keys, without a thing on himself. Bahala na kung nakaboxer shorts lang siya at nakahubad ang pang-itaas. Ang importante'y dapat niyang mapuntahan si Natasha.
 
  "F—ck off!" Bosina niya sa nga kotseng ayaw mag-give way sa kaniya. Para siyang nagpapatintero sa daan habang naka-full speed ang takbo. Wala na siyang pakialam kung above moderate ang takbo ng kotse niya, tuliro ang utak niya na halatang nag-aalala kay Natasha.
 
  "Shit! Bakit? Ano bang problema..." tanong niya sa sarili na hindi mawari kung ano ang pinagdadaanan ng ginang. Gusto niyang makatulong, gusto niyang maibsan ang bigat na dinadala nito.
 
  It took almost an hour nang marating niya ang mansion, pero naisugod na umano nila ito sa malapit na hospital, mabuti na lang at nakahingi ng tulong si Levi sa mga hardenero nila. Agad namang tinahak ni Flex ang nasabing hospital at wala siyang pakialam sa hitsura niya ngayon.
 
  Madali siyang nagtungo sa reception area at nakipag-usap sa nurse na nandoon.
  "Nurse, please I need to know patient Natasha.. Natasha Hettleworth!" Naghahabol siya ng hininga sa oras na iyon. Hintatakutan naman ang attendant na nasa harapan niya na panay titig sa kaniyang maskuladong katawan.
 
  "A minute sir." Nagpapa-cute na boses nito.
 
  "Please hurry!" He demanded.
 
  Agad na may kinuha itong papel at sinulat ang room number ni Natasha.
  Halos walang segundong pinalampas si Flex na agad na binasa ang sinulat ng nurse.
 
  "Room 3B, left wing. 09457773450?" kunot-noong binasa niya iyon, Shit! Nilagay pa talaga ang number ah? Ani niya sa isip. Naiiling siya habang sinisipat ang bawat room number na nasa left wing. Nang makita niya ang room 3B ay huminto siya sa harap ng pintuan.
 
  Huminga muna siya ng malalim, at pinakalma ang sarili. Kumatok siya ng tatlong beses at doo'y nagbukas ang pinto.
 
  It was Donatela, na parang nakakita ng multo habang sinisipat ang kabuuan niya.
  "What the hell you're wearing?" pagtataray pa ng babae.
 
  Hindi siya sumagot at nilampasan lang ito. Nang makita ang kabuuan ng kwarto'y doon niya natanaw any walang malay na pigura ni Natasha, nasa gilid lang din si Levi na halatang malungkot na nakatingin sa kaniya.
 
  "Kuya.." ani ni Levi na agad napayakap sa kaniya.
 
  "What happened?" tanong niya sa dalawang tao na nandoon. Donatella answered while checking her phone.
 
  "Levi called me earlier, mabuti na lang at malapit ako sa bahay nila, may dinalaw ako, and he said his mother doesn't breathing anymore so I went for help." tapos sabay irap ng mata.
 
  "Hindi po siya humihinga kanina sa kwarto niya. Pinuntahan ko po kasi siya, kasi..kasi po narinig kong sumisigaw siya, umiiyak po." Paliwanag ng musmos na umiiyak na rin.
 
  "What is the result?" Ani Flex kay Donatela.
 
  "Drug overdose. Nilaklak niya yata ang anti-depressant niya." Ani ng dalaga na may tinitipa sa phone.
 
  "What are you doing?" Ani Flex kay Donatela.
 
  "Nothing, I'm just posting the news.."
 
  Napa-tiim bagang si Flex at marahas na kinuha ang phone ni Donatela at agad na hinagis sa sahig at inapakan iyon.
 
  "What the hell?" garalgal ni Donatela.
 
  "Alam mo na ngang may problema pa ang tao, nilulugmok mo pa rin sa media? Alam mo bang isa 'yan sa nagtulak sa kaniya para gawin ang bagay na 'to? Bakit ang manhid ninyo? Hindi na kayo naawa sa amo niyo, you don't deserve her!" Ani Flex na galit kay Donatela.
 
  "Ang lakas din ng loob mo, Flex, ano? Por que ikaw ang natitipuhan ng amo natin? Ang lakas din! FYI lang, hindi kayo bagay, isa ka lang empleyado at amo siya, matanda at gorang kaysa sa'yo, if I know...pera lang ang habol mo sa kaniya." Napa-tiim bagang si Flex at nag-ngitngit ang mukha. Pati si Levi ay nabigla sa naririnig sa dalawa.
 
  "Ano pong sinasabi ninyo.." Walang muwang na sambit ng paslit.
 
  Malditang nagkibit-balikat si Donatela at hinarap ang paslit. "I said, that your mother is a slut!" Ani nito.
 
  Hindi napigilan ni Flex ang sarili at agad na kinaladkad si Donatela papalabas sa kwarto. Baka masaktan pa niya ito, kaya minabuti niyang kalmahin ang sarili.
 
  "Don't ever try to see my face again, go!" Ani Flex kay Donatela na taas-noong naglakad papalayo. Nang maisara na ni Flex ang pinto ay nakita niyang hunahagulhol si Levi.
 
  Inalo niya ito at kinandong.
  "Kuya..totoo po ba ang sinabi ni ate Dona, totoo po ba 'yon?"
 
  "Shhh, don't listen to her. Hindi totoo ang sinasabi niya, huwag kang maniwala sa kanila, magpakatatag ka. Kailangan ka ng mommy mo.." sambit ni Flex sa paslit na halatang apektado sa sinabi ni Donatela.
 
  Parang pinipiga ang puso niya habang tanaw ang babaeng mahal niya na nakahiga sa kama ng hospital na iyon. He must do something to this family. He will changed what should be, they don't deserve this kind of life!
 
  ...itutuloy.
 

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon