NAGISING SI NATASHA sa umagang 'yon, medyo masama ang pakiramdam niya, lalo pa't nararamdaman niyang mainit siya, parang inaapoy siya ng lagnat.
"Hmm.." ungol niya saka pa bumalikwas sa kaniyang hinihigaan. Hinahanap niya si Flex pero wala ito sa tabi niya. Nilinga niya ang kaniyang kaliwang bahagi at doon nakita ang isang papel na tila nakabukas at nabasa na ng kung sinuman. Ito ang binigay ni ginang Francesca noong nasa States sila, ang sulat na hindi niya binubuksan. Agad niya itong kinuha at binasa.
Nang oras ding iyon ay napagtanto niyang nahuli na pala siya sa pagbasa sa sulat na iyon, kung nabasa pa siguro niya ito nang maaga ay hindi na sana nagkaganito ang kinalabasan, but as what it said, it has been done...so maybe they must forget about it.
Alam na nila ang katotohanan, ang katotohanang masakit malaman, ang katotohanang magka-ugnay pala silang tatlo ni Flex at ni Gideon.
Mayamaya pa ay may nagbukas ng pintuan. Nakita niya si Flex dala ang isang tray ng pagkain at gatas, inayos niya ang sarili bago pa nilapag ni Flex sa kaniyang hinihigaan.
"Good morning, how's your sleep?" he asked smiling.
"I'm good." Tipid na saad ni Natasha sa mga oras na iyon, halatang matamlay ang boses na nahahalata naman ni Flex.
"Hmm, you're not fine," saad ni Flex na nilapat ang palad sa noo niya.
"Fu*k, ang init mo, madam, may lagnat ka!" saad ni Flex na halatang nataranta.
"Wala to, baka trangkaso lang," she smiled.
"No, kailangan kitang ipa-check up, baka lumala 'yan," ani nito na nakapamaywang pa sa ginang, parang tatay na nangangaral sa isang matigas na ulong anak.
Umismid si Natasha at umirap kay Flex.
"Ewan ko sa'yo, sabing okey lang.." pagmiminaldita pa niya.
"Eat your breakfast and we will go to tye clinic," mando pa ni Flex na ikinalaki ng butas ng ilong ni Natasha. Flex is acting weird right now. Napaka-bossy.
Walang nagawa si Natasha kundi ang ubusin ang pangkaing hinanda nito, it is sunny side up egg with sandwich, at tomatoe salad na nilagyan ng olive oil at sesame seeds.
Tahimik niyang kumakain hanggang matapos niya iyon. Nang maligpit na ni Flex ang tray ay nawala na ito sa kaniyang paningin, so, as what Flex said earlier, maghanda umano siya dahil pupunta sila sa clinic.
Dahan-dahang pumunta siya sa kaniyang closet at namili ng kaniyang susuotin, napili niya ang jeans at isang simpleng T-shirt na hindi pa niya nasusuot. Pumunta siya sa banyo para maligo at mag-ayos, nang matapos ay nagbihis siya sa napiling jeans at T-shirt but what she's been surprised, ay hindi na iyon sakto sa beywang niya.
"Oh, shit! Bakit ayaw!" litanya niya saka pa pinilit iabot ang hook ng butones sa pantalon niya, pero ayaw talaga!
"Shit! Tumaba yata ako!?" Inis na saad niya. Naupo siya sa isang upuan na kaharap ang salamin, naiisip niya ang kaniyang kutob pero hindi siya sigurado.
Una ay nagsusuka siya, hindi na siya dinatnan, pangalawa ay ang paminsan-minsang mood swings niya na para sa kaniya'y normal dahil alam naman niyang maldita talaga siya, but hindi e, iba na ang napapansin niya, lalo pa ngayon na inaapoy siya ng lagnat. Idagdag pa 'tong pantalon na hindi na niya masuot. Marahan niyang kinuha ang suklay sa isang tabi.
"Oh my god, baka.."
"You're ready?" hindi natapos ang sasabihin niya nang bumulaga na si Flex sa likuran niya.
Sumimangot siya. "Wala akong maisuot," maktol pa niya na ikinataas ng kilay ni Flex.
"Madam? Look around," ani ni Flex na nakataas pa ang dalawang kamay. Nasa harapan sila ng closet na punong-puno ng damit niya.
Bumuntung-hininga si Natasha. "Wala akong maisuot," diin pa niya ulit.
Umayos si Flex saka pa namaywang ulit.
"Magbibihis ka ba o bibihisan kita?" banta nito na ikina-angat ng mukha ni Natasha.
"Okey fine! Heto na...magbibihis na." Pagmiminaldita pa ni Natasha na hinubad ang suot na jeans. Wala namang imik si Flex na sumisipol lang habang naghuhubad siya sa harap nito.
"Anong tiningnan mo!?" she hissed.
"Wala," pilyong ngumiti si Flex.
"Huwag mo akong tingnan!"
"Sus, para saan pa't magiging akin naman lahat ng 'yan, 'di ba?" pilyong saad pa nito.
"Feliciano!"
"Oh sige na, sige na." Umupo si Flex sa kama ni Natasha at kumuha ng magazine. Pasimpleng binasa niya ito habang sinisipat ang pagpapalit ni Natasha ng damit. Pa-sipol sipol pa siya para hindi mahalata.
Nang matapos si Natasha ay namangha si Flex, dahil suot nito ang isang dress na kulay itim na nagpapalitaw sa maputing kutis ni Natasha. Nakasuot ito ng flat sandals na pinaresan ng kaniyang sling bag na kulay grey.
"Oh, 'bat ka nakanganga? Tara na!" satsat pa ni Natasha na nagmartsa na sa pintuan.
Napailing na lamang si Flex sa ginang na halatang nagbalik sa pagiging 'madam' nito, natutuwa siya kahit papaano ay umaliwalas na ang pagiging matamlay nito. Nang makababa sila sa salas ay bumungad sina tatay Berto at nanay Dorang kasama sina Luntian at Levi na abalang nanonood ng telebisyon.
"Good morning po!" halos nag-chorus ang boses ni Levi at Luntian na bumungad kay Natasha, kasunod din nito si Flex na pakamot-kamot lang sa ulo.
"Aalis po muna kami," arisgadang paalam ni Natasha na pinandilatan lang si Flex.
Nakabuntot lang si Flex sa ginang na nauna nang nagmartsa sa labas.
"Paalam po," ani Flex sa mga matanda. Naiwang nakanganga ang apat sa sala dahil sa nakita, naamoy nilang tila may LQ ang nagaganap sa dalawa.
Nang makapasok sa kotse ay walang imik si Natasha na sumandal sa upuan. Sakto namang pagpasok ni Flex ay naamoy niyang may mabaho itong bagay.
She waved her hands infront of her nose as if nababaho-an siya sa bagong dating. Nalilito naman si Flex na inamoy ang sariling kilikili. Hindi naman siya mabaho, bagong ligo naman siya, napaisip siya sa ginagawa nito.
"Ikaw madam, ah. Napapansin ko nang parati mo na lang akong inaalaska, ano bang hirit mo? Hahalikan na talaga kita." Lumapit pa ito sa mukha ni Natasha saka pa napagitnaan ng palad ni Natasha.
Halatang ayaw nitong magpahalik.
"Don't." She paused.
Nakangusong nausog si Flex sa kinauupuan. "Sige naman, isa lang."
"No."
"Bakit?"
"Mabaho bunganga mo," she eyed on his face.
Natigilan si Flex saka pa chineck ang bunganga niya. Inamoy niya iyon, gamit ang palad niya, but it has no odor naman.
"Are you kidding me?" medyo naiinis na si Flex.
"No, I'm just telling the truth. And..your face is..." hinagod pa siya ng tingin ni Natasha saka pa bumuntung-hininga at umirap.
"Well...nevermind."
"Just drive." She added.
Flex on the other side is confused, hindi niya alam kung bakit gan'on ang timpla ni Natasha sa umagang 'yon, napapansin din niyang lumalala ang mood swings nito.
Nang makarating na sila sa isang clinic ay agad na pumarada si Flex. Sabay silang lumabas ni Natasha at hawak-kamay na pumasok sa gusali.
"Let's go," ani Flex sa ginang na halatang natatakot.
He just hold her hand and smiled, alam niyang gusto nitong sumama siya sa doktor. Agad naman silang inasikaso ng clinic nurse at nag-check ng mga test, nasa tabi lang ni Natasha si Flex. Tahimik lang sila habang sinasagawa ang mga test, tinanong rin ng nurse ang mga petsa ng kaniyang menstruation, mga petsa ng sex-contact, at kung anu-ano pa.
Isiniwalat ni Natasha ang lahat sa nurse na nilagay lang din sa isang record book ang mga detalye. Nag-blood test siya at kinuha ang sample ng dugo niya, pati na rin ang sample ng ihi niya, at doo'y nakitang may UTI rin pala siya.
Halos isa't kalahating oras ang nilaan nila para makuha ang resulta. Nang matapos ay ito ay naupo sila sa harap ng doktor.
"Mrs. Natasha Hettleworth," bungad pa ng doktor kay Natasha.
"Yes doc," she replied.
"We've seen the particular hormonal imbalance to your test, are you diagnosed before of PCOS? or polycystic ovary syndrome?" tanong pa ng doktor na tinanguhan lang ni Natasha. "Yes, I've been diagnosed, five years ago, matapos kung maianak ang panganay ko. She explained.
Nag-suot ng eyeglasses ang doktor bago pa kinuha ang isang papel na may larawan mula sa kaniyang transvaginal ultrasound.
"You're still with PCOS this time, but luckily, you're conceiving a child..you're pregnant." Seryosong boses ng doktor.
"What about it, doc? Safe po ba ang baby?" sabat ni Flex na tila magkahalong tuwa at pangamba.
"Hmm..maselan ang kalagayan niya, she needs to be prioritized for now, she must have weekly check up to regulate the pulse of the baby. Mahina ang kapit nito, and for now, I will give you some vitamins that could help the both of them." Ani pa ng doktor kay Flex na katabi ni Natasha.
"I can help the two of you, if you'll help each other, you must cooperate if you two, wants the baby to survive." Baritonong saad ng doktor na ikinalingon ni Natasha kay Flex.
"Yes, doc. Please do whatever it takes, just..please let the baby live." Sumamo pa ni Flex na halatang nag-aalala sa narinig.
Masaya sila sa balitang buntis si Natasha pero, karugtong ng kasiyahang iyon ay ang pangambang baka masaktan sila kung mawawala ang batang nasa sinapupunan ni Natasha, ang batang naging bunga ng kanilang pagmamahalan.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
RomanceWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)