Chapter 38

210 5 0
                                        

  MATAPOS ANG masayang paglalahad kay Natasha ay umuwi na silang lahat sa bahay at napagpasyahang maghanda ng kaunting salu-salo.
 
  Nakaupo si Natasha sa upuan nang mapansin ang telepono ni Flex na naka-charge sa isang banda. May mensahe ito mula sa isang unregistered number.
 
  "Flex, may message ka yata," tawag pa niya sa binata. Abala ito sa paglalapag ng mga putahe na lamesa.
 
  "Teka, madam...kumain muna tayo," aniya na kumaway pa kay Natasha. Tumalima naman si Natasha at agad na tinungo ang hapag. Sabay-sabay silang kumain at nagsalu-salo. Napag-usapan nila ang kanilang nalalapit at pinaplanong kasal.
  "Kailan n'yo ba balak magpakasal?" ani t'yong Totoy.
 
  "Ay naku, dai. Kung ako masusunod sa June na lang para June bride ka!"
 
  "Even what's the month, basta makasal ka lang sa akin, Natasha, I'd love to do it as soon as possible." Ani Flex kay Natasha habang hawak ang kamay ng ginang.
 
  "Are you willing to wait even if I say it will take more longer?"
 
  "Why?" Ani Flex kay Natasha.
 
  "I'm just asking, alam mo namang marami pa rin ang against, lalo pa't binabatikos tayo ngayon ng mga tao.
 
  "I don't care, and I don't give a damn reason for them, tayo..tayo ang isipin mo, madam. Let's show them that we will conquer these things...together." Seryosong saad ni Flex sa ginang.
 
  "Tama nga naman, Anastacia. Isipin mo ang kayo, huwag mong ituon ang isip mo sa ibang bagay," dagdag pa ni t'yong Totoy.
 
  "I'm making these things right, maniwala ka lang, maayos din natin ang kompanya, ang batikos at ang mga problemang 'yan. Pansamantala...please look at me. Tingnan mo 'ko, madam. Say that you'll answer me 'yes' if I'd ask you in that altar, soon."
 
  "Yes, I am.."
 
  "Then don't be bothered."
 
  "Sorry.."
 
  "Don't be sorry, ano ka ba. Dapat maging masaya ka."
 
  "Masaya ako, pero.."
 
  "Shh..enough, my love." Ani Flex na tumayo.
 
  "Let's make this day memorable, let's take a picture, nang maalala natin ang araw na 'to," kinuha nito ang telepono at tinipa ito. Medyo natigilan silang lahat nang mapansing umayos si Flex at kunot-noong nagbasa sa mensaheng natanggap.
 
  "That asshole!" litanya pa nito na namuo ang galit sa mukha.
 
  "What is it?" si Natasha.
 
  Aligagang kinuha ni Flex ang jacket at halatang natataranta. "Flex?"
 
  "Si Emerald! Kinuha ni Gideon si Emerald!" ani nito na ikinatayo na rin ni Natasha.
 
  "How did you know?"
 
  "Si Emerald..nag-text siya sa akin, and it saids, that she's been abducted by that fuck—ng bastard! I know he is planning something, at gusto niyang ipahamak ang mga taong malapit sa akin."
 
  "Calm down, please.." pinahinahon ni Natasha ang binata. Tanaw niya ang nakakuyom na kamao nito at ang tiim-bagang na mukha. Madilim ang anyo nito na siguro'y tutupok at papatay ng tao.
 
  "Let's call some help, tumawag tayo ng pulis."
 
  Naisipan nilang kontakin ang numero ng nag-text sa kanila at doo'y nalaman nilang nasa terminal umano nila ito nakita at kasama ang nasabing lalaki. Naitanong nila kung saan papunta ang bus na nandoon, at ang sabi'y papuntang Cavite ang mga ito. Agad na tinawagan nila ang head of chief police sa naturang lokasyon at minabuting magsagawa ng isang intrapment road para maharang ang kung sinumang nandoon.
 
  "Opo, medyo may kaputian ang bata, mahaba po ang buhok, opo, Emerald Garcia po ang buong pangalan." Saad pa ni Natasha na hawak ang telepono habang isinisiwalat ang pigura ni Luntian.
 
  Tuliro naman si Flex na hawak-hawak ang sariling ulo. "Mabuti pa'y puntahan na natin ang Cavite police station," ani pa ni mamu Delia.
 
  "May sasakyan ako sa likod, gamitin n'yo muna." Ani t'yong Totoy na may susing binigay kay Flex. Isa itong susi ng motorsiklo.
 
  "Let's go," ani Natasha na napagpasyahang magbihis agad. Iniwan nila muna si Levi sa mag-asawa at doo'y tinahak ang daan palabas sa eskinita ng Esguerra. Suot ang helmet at face mask, hindi na sila makikita at malalamang sila ang mga taong sakay ng motor. Mas mainam na rin na walang makakilala sa kanila para walang mga paparazzi ang babatikos at haharang sa kanila.
 
  Tuloy-tuloy ang pagpapatakbo ni Flex sa motor habang nakahapit sa beywang niya si Natasha. Matulin ang takbo nito, lalo pa't medyo may kaliitan ang motor na iyon na pwedeng sumiksik sa kahit anong espasyo. Nang makarating sa police station ay agad na nag-file sina Natasha at Flex sa nangyari. Isiniwalat din nila si Gido na siyang may pakana ng lahat.
 
  Nasa upuan si Flex nang mga oras na iyon nang tumunog ang kaniyang telepono, unregistered number pa rin ito. Kinutuban siya ng kung ano at dali-daling sinagot iyon.
 
  "Hello?" bungad pa niya.
 
  "H-hello, sir, ikaw po ba si Flex?" nahimigan niya ang boses babaeng nasa kanilang linya.
 
  "Yes, ako nga. Sino 'to?"
 
  "Ahm, si Hilaria, ako po ang nakakita kay Emerald." Ani nito na halatang nagpa-alsa sa puso ni Flex sa tuwa.
 
  Parang nabunutan siya ng tinik.
  "Diyos ko, salamat panginoon!" Ani niya na napasuklay sa sariling buhok.
 
  "Kasama ko po siya ngayon, may masamang tao raw ang humahabol sa kaniya." Ani ng babaeng iyon.
 
  "Nasaan kayo?" tanong pa ni Flex sa kabilang linya.
 
  "Pa-Cavite na kami."
 
  "Sasalubungin namin kayo, nandito na kami sa Cavite, nasa police station na kami."
 
  "Sige," ani ng babaeng nasa kabilang linya. Pinatay nila ang tawag at minabuting antayin ang pagdating ng nasabing bus sa terminal.
 
  Pina-trace rin ni Flex ang telepono ni Gido at nakitang papunta iyon sa Pampanga, nakipag-cooperate ang kapulisan upang masikop ang nasabing lalaki.
 
  Wala pang kalahating oras ang nakalilipas nang makita na nila Natasha at Flex ang bus na pumarada sa terminal. Nagsi-babaan ang mga pasahero. At doo'y nakita nilang bumaba ang pigura ng isang babae habang hawak-hawak ang kamay ni Luntian.
 
  "Emerald!" tawag pa ni Flex sa kapatid.
 
  "Kuya—!" ani Luntian na agad-agad na tumakbo sa direksyon nila. Halos mag-slow motion ang pangyayaring iyon na nasaksihan ng karamihang tao na nandoon.
 
  "Ma'am Natasha!" sambit din ni Luntian kay Natasha na niyakap niya. Sa pwestong kinatatayuan ni Natasha ay tulala itong nakatingin sa babaeng kasa-kasama ng bata. Hindi siya nagkakamali sa nakikita. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanila. Suot nito ang salamin sa mata at unipormeng tila isang guro. May handbag itong dala at iilang papel sa kaniyang kaliwang kamay.
 
  Hindi siya nagkakamali sa nakikita, ito ang kapatid niya! It's Hilaria! Ang kakambal ni Hezekiah. Ang mukha't tindig nito ay halatang may propesyon, isang may degree na babae.
 
  "Salamat," ani ni Flex na kaharap ang nasabing babae.
 
  "Walang anuman," ani ni Hilaria.
 
  Napansin ni Flex ang pagiging tulala ni Natasha na nakatingin sa babae. "Have we met before?" tanong pa ni Hilaria sa kaniya.
 
  Hindi sumagot si Natasha, halatang nabigla. Umiling lang ito at nanatiling walang imik. "Ako pala si Hilaria, Hilaria Mandigma," nilahad nito ang kaniyang kanang kamay sa dalawa.
 
  Agad namang kinuha iyon ni Flex at nilamano ito, si Natasha nama'y tanging pagtingin lang sa kamay ang nagawa, kaya nagtaka ang naturang babae.
  "May problema ba?"
 
  "Nothing, I'm sorry.." paumanhin ni Natasha na agad kinuha ang kamay ni Hilaria.
 
  "I'm Natasha, nice to meet you," tipid na ngiting saad ni Natasha sa babae.
 
  "I'm Feliciano, kapatid ko si Emerald," ani ni Flex sa babae. Nang makapag-pakilala ay agad na nilang tinungo ang pulisya at doon nagsampa ng reklamo patungkol kay Gido. Doon isiniwalat ni Emerald ang pangyayari at pati ang mag-asawang sina tatay Berto at nanay Dorang ay na halatang nabigla rin sa nalaman.
 
  Nang ma-settle ang lahat ay may tumawag sa police station, napag-alaman nilang wala sa pampanga ang sinasabi nilang lalaki. Nakita ang cellphone sa naturang bus na sinet-up ng suspect, it's his way to lure the police. Tuso si Gido at mautak, doon pa lang ay naisihan na sila nito.
 
  "I swear he'll pay this!" ani Flex na kuyom ang sariling kamao.
 
  Matapos ang insedente ay pina-unlakan nila si teacher Hilaria na doon muna kumain sa tahanan nito.
 
  Tuloy-tuloy silang lahat sa Cavite, mabuti na lang at hinatid sila ng sasakyan ng pulis, habang si Flex naman ay nakasunod lang habang nagmo-motor.
 
  Ilang minuto ang nakalipas at doon sila napunta sa isang may kalakihang bagay. Antigo ito at may dalawang palapag. Antigo rin ang bintana nito na kailangan pang itulak pagilid para bumukas.
  "Tuloy kayo," ani Hilaria na nauna sa may hagdanan.
 
  "Wow, ang laki pala ng bahay ninyo, teacher!" bulalas naman ni Luntian na karga ni Flex.
 
  "Hindi naman, minana lang namin to sa yumao naming lolo at lola." Ani Hilaria sa kaniyang mga panauhin.
 
  "Nasaan na pala ang mga magulang mo?" ani Natasha na sinisiguradong hindi siya nagkakamali.
 
  "Naku, matagal nang patay ang mama at papa ko, kami na lang ng apat kong magkakapatid ang naririto."
 
  Matapos sa sinabi nito'y bumungad ang apat na lalaking halos kaedad yata ni Flex at may mas bata pa.
 
  "Ate? Sino sila?" halos mag-chorus na saad ng apat na lalaking nasa taas.
 
  Ngumiti si Hilaria saka pa nilahad ang kamay sa mga kapatid.
 
  "Flex, Natasha, sila ang mga kapatid ko...sina Hunyo, Hulyo, Augusto at si Novembre."
 
  Manghang nakinig sina Flex at Natasha na halatang natuwa sa mga pangalan ng kapatid ni Hilaria.
 
  "Ang unique naman ng mga pangalan," satsat ni Luntian na umagaw ng atensyon nilang lahat.
 
 
  ...itutuloy.
 

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon