Chapter 45

202 7 0
                                        

  KINABUKASAN.
 
  MAAGA PA LANG nang umalis si Flex, medyo nag-aalala si Natasha pero alam niyang mas mabuti nga sigurong doon muna siya sa Samal. Hawak niya ngayon ang papel na binigay ni Flex. Nakatayo siya ngayon sa harap ng address na binigay nito, ang sabi ni Flex sa kaniya ito umano ang address kung saan naroroon ang kapatid niyang si Hezekiah.
 
  Bumuntung-hininga siya bago pa pinindot ang buzzer na nasa gate. Kinakabahan siya ngayon, lalo na't niluwa sa pintuan ang pigura ng isang babae. Si Hezekiah ito, halatang nagtataka.
 
  "Maayong buntag, unsay atoa, maam?" bati ni Hezekiah sa kaniya na hindi niya maintindihan.
 
  Pilit siyang ngumiti.
 
  "Ah, eh, good morning, ahm..ikaw ba si Hezekiah Pascual?"
 
  Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Oo, ako nga, sino ka?" Medyo prangka ang boses nito at straight forward magsalita. Halatang probinsyana rin ang galaw nito, at pananamit.
 
  Ngumiti siya saka pa naglahad ng kamay.
  "Ako nga pala si Natasha."
 
  Hindi nito tinugon ang kamay niya, kaya medyo na-offend si Natasha.
  "Sorry, pero if kayo ho ang attorney ni sir Mori, wala po siya rito, at kung tungkol naman sa trabaho ang pakay n'yo, wala na po akong otang sa resort, katunayan nga eh..may sahod pa akong apat na buwan doon, delayed ang sahod ko, alam mo ba." Medyo mataray na saad ni Hezekiah. Umiling si Natasha.
 
  "I am not here for that, andito ako para makilala ka." Umayos ito saka pa ulit siya sinuri, staring her shoes going to her belt and to her used lipstick.
 
  "Teacher ka ba nila Jason? Sorry maam..pero ano na naman po ba ang kalokohan ng mga kapatid ko?"
 
  Napatawa si Natasha sa asal ng kapatid. Parang si Mamu Delia ang ugali nito, napaka-prangka. "Anong nakakatawa?" Parang triggered na tanong nito.
 
  Umiling siya. "I am Natasha and I am here to meet you...anak ako ni Czarina Castillo, kilala mo ba siya?"
 
  Sa sinabi niya'y biglang nag-iba ang timpla ni Hezekiah, halatang galit.
 
  "Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?" striktang boses nito. Pagsasarhan sana siya nito ng gate mabuti na lang at nasingit niya ang kaniyang kamay kaya ang ending, naipit ito.
 
  "Aww.."
 
  "Hala! 'Bat mo hinarang?!" dali-daling dinalohan siya nito saka pa kinuha ang brasong naipit. Halatang nag-alala ito.
 
  "Hay naku! Halika na nga sa loob, gagamutin kita." Yamot na saad ni Hezekiah kay Natasha. Tumalima lang naman si Natasha na parang nasisiyahan pa sa nangyari, ramdam kasi niyang mas naging way na rin ito na naging malapit ito saglit sa kaniya.
 
  Tuloy-tuloy sila sa loob ng bahay na iyon, parang walang tao maliban sa kanila tahimik kasi. Pumunta sila sa salas at doo'y pinaupo siya sa sofa.
 
  "Taymsa ha, kukuha muna ako ng betadine," ani Hezekiah na may pinuntahan.
 
  Naiwan si Natasha sa sofa at doon nilibot ang paningin sa mga kasangkapan, halatang panlalaki ang mga desinyong nandoon, medyo may pagka-japanese ang style ng bahay, since maraming mga nakasabit na wall decor na nakasulat ng hirigana letters.
 
  Sa isang banda naman ay ang isang divider shelves na kinalalagyan ng iba't-ibang klase ng samurai na nakadikit sa wall.
 
  Hanggang dumating ulit si Hezekiah dala ang isang first aid kit box. Umayos siya sa pagkakaupo.
  "Hapon pala ang napangasawa mo," aniya rito.
 
  Lumawak ang ngiti nito saka pa nagsalita.
  "Single pa ako oy, wala pa akong asawa...kay sir Mori ang bahay na 'to, pinatira niya lang ako rito, temporary."
 
  "Bakit?" maang na tanong niya.
 
  "Kasi pinalayas kami ng mga kapatid ko sa bahay na inuupahan namin, tch. Delayed kasi ang sahod ko eh." Ani nito na ngumuso pa ang nandilat ng mata.
 
  Napangiti si Natasha sa nakikita kay Hezekiah, may pinagmanahan yata ito, at halatang parang si Mamu Delia the second ito kung umasta.
 
  "Akin na nga 'yan," ani Hezekiah sa braso niya. Naka-pongko ito sa harapan niya habang nililinisan ang brasong nasugatan dahil sa pagkakaipit. Nakiramdam lang si Natasha kay Hezekiah na noo'y medyo tumahimik.
 
  Kaya imbes na pumagitna ang katahimikan ay siya itong nagsalita at nagtanong. "Hezekiah, galit ka ba..galit ka ba kay Czarina, sa mama natin?"
 
  Hindi ito umimik.
 
  "Hmmm?" dugtong pa niya.
 
  Marahang inangat nito ang mukha sa kaniya at ngumiti. "Oo, galit ako, pero kahit gan'on, tapos na e, nangyari na...kaya okey lang, tanggap ko na pinamigay niya ako at heto nga, nakikitira sa isang estranghero." Medyo may laman ang ibig sabihin nito.
 
  "H-hezekiah..sana maintindihan mo si mama, kung bakit ginawa niya 'yon.."
 
  She giggles. "Of course, inintindi ko siya oy, halos inisip ko na ngang gumawa ng story sa utak ko na may rason kung bakit niya ako pinamigay sa mga taong hindi niya kilala. Sana man lang binigay na lang niya ako sa ampunan..hindi sa..kung kani-kanino lang na tao.." medyo suminghot pa ito na parang naiiyak na.
 
  Aksyon na sana itong tatayo, pero pinigilan niya sa braso.
  "Please..I'm willing to listen." Pigil pa niya.
 
  Muli siyang tiningnan ni Hezekiah at mapait na ngumiti. "Okey, gusto mong malaman kung ano ang naging buhay ko? Sige sasabihin ko.." nagpunas pa ito ng mata saka pa umupo sa tabi niya. Hindi ito nakatingin sa kaniya, bagkus ay nakatingin ito sa malayo.
 
  "Ibinigay ako ni mama sa isang lasinggerong naging tatay ko, pinagbili niya ako sa isang mag-asawang walang anak, tapos minaltrato ako roon, lumaki ako na nakagapos ang paa ko, ni kanin na isusubo ko ay dapat kung tumbasan ng pag-aalila nila sa akin..ni kahit sapin sa paa ay wala ako. Hanggang sa tumakas ako sa poder nila, napunta ako sa bangketa, nakilala ko sina tatay Pedring at nanay Tekla, mga magulang nila Jason at Jomar..tinuring nila akong parang anak, tinulungan ko rin silang palakihin sina Jomar na noo'y musmos pa, hanggang mamatay sila sa sakit at naiwan sa akin sina Jomar. Nagsumikap ako at nagworking student, nag-aral ako habang nagtatrabaho sa umaga, kumuha ako ng three months course sa Tesda, bilang service staff sa hotel, naging laundry woman ako sa resort, at heto nga.. napasok na katulong sa isang hapon." Bumuntung-hininga pa ito saka pa inayos ang mukha, pinahid pa nito ang mumunting-luha sa kaniyang mata.
 
  Pati si Natasha ay naluha sa siniwalat nito, parang sumikip ang dibdib niya nang malaman ang naging sitwasyon ng kaniyang kapatid, ang akala niya'y maayos ang mga ito, at siya ang mayroong pasakit at pasanin sa buhay, hindi niya alam na mas matatag pala si Hezekiah sa kaniya dahil kahit gan'on ang nangyari sa buhay nito ay nanatili pa rin itong nakatayo at lumalaban. Ni hindi nga niya ito nakikitaan ng kahinaan eh.
 
  "I'm sorry.." ani niya sa kapatid. Umiling si Hezekiah. "Bakit ka nagso-sorry? Hindi naman ikaw ang may kasalanan eh, walang may kasalanan sa atin, pinanganak lang siguro ako sa maling panahon," ani nito na ngumiti.
 
  "Ikaw ba, kamusta? Bakit ka nandito?" ani ni Hezekiah sa kaniya.
 
  "Ahm..narito ako para kausapin at harapin ka,"
 
  "Wow, talaga? Pumunta ka pa talaga rito? Siguro, mayaman ka ano? Pinaampon ka rin ba?" ani Hezekiah. Umiling siya.
 
  "Hindi nila ako pinaampon..nabuhay ako kasama ang tiyahin natin." She explained.
 
  Umarko ang kilay nito saka pa nagkibit-balikat, halatang galit.
  "Wow ha, hanep ng nanay natin ano? Nag-aanak tapos hindi ginagampanan ang pagiging ina sa atin? Nasaan na pala ang bruhang 'yon?" yamot na tanong niya.
 
  Umiling si Natasha at hinawakan ang kamay ni Hezekiah.
  "Wala na..namatay siya sa panganganak sa akin.." seryosong boses niya, nahilaw naman si Hezekiah, at hindi nagpahalatang apektado sa narinig, tila nagsisisi ito sa sinabi.
 
  "Gaya mo ako, Hezekiah, lumaki ako kina t'yang na nagsumikap sa buhay, hindi naging madali ang buhay ko sa club, naging GRO ako, nalugmok, walang natapos, iliterada, kahiya-hiya..pero nakilala ko ang naging asawa ko at inahon ako sa putikan.."
 
  "Talaga..."
 
  "Oo, kaso..namatay na ito, at heto nga ako ulit..nag-iisa,nagbabakasakali na mahanap ko kayo.." she was sure while holding Hezekiah's hands.
 
  "Natasha.." ani pa nito sa kaniya na agad siyang niyakap. Hagulhol ito habang nakayakap sa kaniya. Halatang sabik sa isang kapatid, sabik sa isang pagmamahal ng pamilya.
 
  "I'm here..andito ako, andito ako, Hezekiah." Ani niya sa kapatid.
 
  "Salamat, Natasha.. Nagpapasalamat ako..kasi kahit papaano may nakilala akong kapatid na gaya mo, hindi ko inakalang may kapatid pa pala ako."
 
  "Oo, kapatid kita, sa katunayan nga, may kakambal ka.." Nagulat ito sa sinabi niya.
 
  "Ako, may kakambal?"
 
  Tumango siya. "Oo, si Hilaria, nasa Cavite siya ngayon." Ani niya na nagpalawak sa ngiti ni Hezekiah.
 
  "Tatlo tayo?" Hindi makapaniwala si Hezekiah sa nalaman ngayon. Parang dinuduyan siya ngayon sa ulap dahil sa sobrang kaligayahan, gayundin si Natasha na parang nakunan ang mabigat na suliranin sa kaniyang puso.
 
  She's very happy now, sa sobrang kaligayahan niya'y muli siyang napayakap kay Hezekiah. Nagtagal siya sa lugar na iyon at nilaan ang oras ba hindi dapat masayang, nagkwentuhan silang dalawa, nag-selfies, tinawagan din nila si Hilaria, na noo'y nakipag-video call pa sa kanila. Masayang-masaya silang tatlo. At dahil nga sa sobrang tuwa, naibalita rin ni Natasha ang nalalapit niyang kasal kay Flex at doo'y napagdesisyonan nilang tatlo na dapat ay nandoon ang dalawang kapatid niya.
 
  Pasado alas sais na ng hapon nang may dumating sa pamamahay na iyon. Agad na umayos ang dalawa nang makita ang pigura ni Mori.
 
  May dala itong ordered bucket of foods sa isang kilalang restaurant.
  "Oh, hi..konbanwa gosaimasu. Ikaw siguro si Natasha? Am I right?" Masayahing boses ng lalaking iyon. Tumayo siya at nagpakilala.
 
  "Good evening, yes.. I am.."
 
  "Totoo nga ang sinabi ni Flex, you're beautiful and smart." Ani nito na tiningnan si Hezekiah.
 
  "It's co-incedence nang makilala ko si Flex sa bar, kagabi..he is asking about Hezekiah Pascual, and luckily..kilala ko siya, hindi ba Kez?" he smile to Hezekiah as if close sila. Matabang na napangiti si Hezekiah at nahuli pa ni Natasha ang pag-irap nito sa lalaki. Halatang gigil na gigil ito sa kung anong rason.
 
  Natasha smiled back.
 
  "Hmm.. Nice meeting you, yes..kapatid ko si Hezekiah, and I'm happy to know that she is safe here with you..sana alagaan mo siya, because if you don't..i will take her with me." Nakangiti siya sa binata. Napatawa si Mori ng wala sa oras.
 
  "Oh, don't worry, I'm taking care of her," hinapit pa nito si Hezekiah sa beywang at dinikit sa kaniyang gilid
 
  "Right, Hezekiah?" ani ni Mori na nakangiti lang.
 
  "Oo sis, mabait ang gorilyang 'to, hindi nangangagat..este, mabait nga.." paliwanag pa ni Hezekiah na agad binawi ang katawan mula sa pagkakadikit kay Mori.
 
  "Hmm..so paano, mauna na ako, it's getting late." Ani Natasha.
 
  "Oh no no no... you'd better dine with us. Here oh..bumili ako ng Joliibee meals, tara saluhan mo kami." Yaya pa ni Mori sa kaniya.
 
  "Sige na sis.." Hezekiah insisted. Kaya walang nagawa si Natasha kundi ang umayon, tamang-tama naman dahil may nagsidatingan, sina Jomar at Jason na halatang galing sa basketball..pawisan kasi ang mga ito.
 
  "Maayong gabi-i, madlang people..good evening kuya!" bati pa ng dalawang binatilyo na humalik kay Hezekiah at nag-fist bump pa kay Mori. Kung hindi siya nagkakamali, ito 'yong nakita niya sa police station na may nagawang kasalanan, but seeing them today was granting Natasha's disbelief's, eh kasi naman, parang matagal nang magkakilala ang apat at kung titingnan parang masayang pamilya ang mga ito.
 
  "Hello po," halos sabay na bati ng dalawang binatilyo sa kaniya.
 
  "Hi," tipid na bati niya.
 
  "Oh, Jomar, Jason..siya si Natasha, tita n'yo." Sa sinabi niya'y tila nagulat ang dalawa.
 
  "Weee, feeling ka te ha, ang ganda kaya ni maam, hindi halata.." biro pa ng isang may dimple na binata.
 
  Isang kurot ang binigay ni Hezekiah rito na tinawanan lang ng binata.
  "Pagpuyo ba! Dili ka mutoo? Pangutana siya.." bernakular na lenggwahe nito sa binata.
 
  "Ah.. maam, totoo po?" ani ng medyo matangkad na binata.
 
  Tumango siya. "Yes, I'm her sister."
 
  "Wow, sana all!" sa sinabing iyon ng dalawa ay lumagapak ang tawanan sa hapag. Tama nga ang sabi nila..sa Jollibee, bida ang saya!
 
 
  ...itutuloy.
 
 
 

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon