Chapter 33

22 0 0
                                        

  MATAPOS ang agahan ay napagpasyahan ni Flex na mamasyal kasama si Levi. Inaliw niya ang mag-ina na halatang apektado sa mga pangyayari.
 
  "Where are we going po ba kuya?" tanong ng paslit na halatang excited sa pupuntahan.
 
  "Basta, it's a surprise." Ani Flex na parang alam na ni Natasha, nasabi kasi nito kanina na gusto niyang ipakita ang sinasabi nitong garahe. Ang akala nga niya'y iyon na mismo ang nasa basement ng mansion pero hindi pa raw iyon ang kabuuan ng kolesksyon ng mga vintage na sasakyan ng ama nito.
 
  Halos kalahating oras ang byahe nito mula sa mansion. Hanggang sa makita nila ang isang semi-flat na gusaling mayroong mataas na fence. Mayroon din itong malapad na roll-up gate para pumasok sa loob n'on.
 
  "Andito na tayo," ani Flex na agad bumaba at gumilid sa paseenger's seat. Pinagbuksan nito si Natasha na halatang walang imik. Si Levi naman ay agad na lumabas at patakbong tinungo ang pintuang nakasara.
 
  "Kuya, buksan mo na po!" ani nito habang pumapadyak na.
 
  Mayamaya ay may binuksan na box si Flex sa gilid ng roll-up at dooy isinilid ang hintuturo sa isang scanner. Fingerprint scanner iyon na tanging siya lamang ang nakakabukas. Manghang napa-palakpak naman si Levi na agad hinatak ang kamay ng ina.
 
  "Look, mom. Ang daming sasakyan.." ani Levi na pumasok na sa loob. Naiwan nito ang inang si Natasha na halatang lumilipad ang utak.
 
  "Hey, I'm sorry. Ako na ang humihingi ng sorry para kay mama. Hindi ko alam na may balak siyang gan'on sa'yo."
 
  "I'm fine."
 
  "No, I know you're not..but please let stay here a little more, aayusin muna natin ang lahat." Ani Flex na halatang seryoso.
 
  Napabuntung-hininga si Natasha at nanatiling matatag. "Natatakot lang ako,"
 
  "Don't be.." ani Flex.
 
  "No hindi iyan ang pinupunto ko, natatakot akong makagawa ng hindi maganda, baka hindi ko mapagtimpian ang sarili ko." Ani Natasha na iniiba ang sariling katatagan.
 
  Nakita niyang natigilan si Flex sa sinabi niya at ngumiti. "That's right, you must wear always that fierce, iyan ang minahal ko sa'yo, madam. Matatag ka." Ani ng binata na masuyong hinawakan ang kamay ng ginang. Sinundan nila si Levi na pumaloob at nauna na.
 
  "Ang laki ng garahe mo, ang gaganda ng mga sasakyang nandito."
 
  "Yes, mula pa kay papa ang koleksyong ito, and he was the one who taught me automotive."
 
  "I see, kaya ba ang galing mong kumalikot ng sasakyan?" himig ni Natasha na wala namang ibig-sabihin pero parang may ibig sabihin si Flex sa narinig.
 
  "Yes, hindi lang sa sasakyan ako magaling kumalikot, 'di ba?" pilyong saad nito na tinampal ni Natasha.
 
  "Manyak," hampas nito sa braso niya.
 
  Tuwang-tuwa naman si Flex habang hinahampas ni Natasha, mayamaya pa'y paparating sa kanila si Levi. Tumatakbo ito.
 
  "Kuya, mommy! This place is amazing!" patalon-talon pang saad nito sa dalawa.
 
  "I'm happy that you like it here."
 
  "Opo! Opo! Gusto ko pong magkaroon ng ganitong parking lot!" ani ng paslit na natatawa pa.
 
  "It's a vintage collection cars, anak." Ani Natasha sa paslit na halatang walang alam.
 
  "Wow! Collection pala ito ng mga lumang sasakyan, mom? Kaya mala yumayaman ang malls at company po ano?"
 
  Nagtatakang saad ni Levi na ikinalito naman nila Flex. "How did you say so, anak?" anang Natasha na inaalam ang iniisip ni Levi.
 
  "Kasi po, naka-park ang mga kotse parati sa garahe nila, tapos po..kapag wala na ang may-ari siguro po, kinukuha nila at pinagbibili, kaya po sila yumaman." Walang muwang na saad ng paslit.
 
  "Wow, amazing! Baka nga ano?" natatawang saad ni Flex.
 
  "Opo, kaya ako, kapag lumaki na po ako gaya ni kuya Flex. Magpapatayo po ako ng maraming garahe gaya nito." Winasiwas pa nito ang patpating braso na tila tinuturo ang bawat anggulo ng gusali.
 
  Naiiling na lamang silang dalawa habang nakikinig sa paslit. Nang mapagpasyahan nilang umalis ay pumunta muna sila sa long beach, pinagsawaan muna nila ang tanawin habang enjoy na enjoy na nagpipicnic sa gilid ng daan. Masaya na rin si Natasha dahil kahit papaano ay nalilibang si Levi at pilit na inaalis ang mga trauma sa nagdaang sandali.
 
  "I want a life like this, simple lang. Mahangin, tahimik at kasama ka." Ani Natasha habang tanaw ang mukha ni Flex. Kapwa sila nakasalampak sa buhanginan. Tinitingnan nila si Levi na naglalaro sa alon ng dalampasigan.
 
  "Things will be better, soon, pinapangako ko 'yan." Ani Flex na dinampian ang kamay niya.
 
  Sa kabila ng dapit-hapon, sa ilalim ng waliswis ng araw, minabuti nilang punan ng kasiyahan ang bawat sandali sa oras na iyon, isinantabi nila ang problemang alam nilang kabit-kabit pa rin nila.
 
  Alas sais na ng gabi nang mapagpasyahang bumalik nila Flex sa mansion el Carnacion. Gaya ng dati ay nasa bukana ng pinto si ginang Francesca na halatang hinihintay sila.
 
  "Magandang hapon sa inyo," matamis na ngiti ng matanda sa kanila. Niyakap naman ito ni Flex, at maging si Levi ay nagmano rin. Si Natasha lang ang ilag sa matanda, hindi siya manhid para maramdaman na may masama itong binabalak sa kaniya.
 
  "Oh kamusta ang paglilibang ninyo?" Ani ng matanda habang papunta sila sa sala.
 
  "Naku po..ang ganda po ng parking lot ni kuya Flex, pati na rin po ang tabing-dagat!" Masayang saad ni Levi sa ginang. Humalakhak naman ito na tila nasisiyahan kuno sa sinabi ng paslit.
 
  "Gan'on ba, mabuti.." ngiti pa nito habang hinaplos ang buhok ng paslit. Halatang nagbabait-baitan.
 
  Lihim na umirap si Natasha dahil sa pagiging plastic ng mama ni Flex. Kung hindi lang niya ito nirerespeto'y baka masipa niya ito sa leeg.
 
  "Nga pala hijo, your Tito called me earlier, gusto niyang makipag-usap sa'yo, kung pwede'y pumunta ka daw sa opisina niya. "
 
  "Gan'on po ba?"
 
  "Yes, kaya mag-hapunan na tayo para makaalis ka na. Maybe this is about your favor, baka may maitulong siya sa problema mo," makahulugang sinipat niya si Natasha.
 
  "Gan'on po ba, sige po."
 
  "Bweno, tara na sa hapag, nakahanda na ang pagkain." Ani nito, tumalima naman silang lahat. Nauna na nga si Levi na halatang nagutom sa lakad.
 
  Nang makaupo sa mesa ay nagsimulang kumain sina Flex, Natasha at Levi. Inaasikaso ng matandang Carnacion ang pinggan ng anak niya, sinasalinan niya ito ng kanin, ulam at inumin. Si Flex naman ay inaasikaso si Natasha na nilalagyan ng kanin at ulama ang plato nito. Gayundin si Natasha kay Levi.
 
  Napataas-kilay ang ginang sa nakikita, animo'y nagseselos sa pag-aasikaso ni Flex kay Natasha.
 
  "Bweno, hija, nakikita ko na nagmamahalan nga kayo ng anak ko, pero naiisip kong..hindi ba maganda na ikaw dapat ang mag-asikaso sa kaniya?"
  Nagtinginan sina Natasha at Flex.
 
  "It's fine, mama, inaasikaso ako ni Natasha." Katwiran pa ni Flex.
 
  "Nga ba? Sa anong paraan?"
 
  "I know how to cook, maam. If you want, I will cook for tomorrow's breakfast." Matatag na saad ni Natasha. Halatang hindi nagpapatinag sa ginang.
 
  "Sanay ka ba sa gawaing bahay?" dagdag pa ni Francesca kay Natasha.
 
  "Opo, sanay ako."
 
  Tumaas ulit ang kilay nito habang prenteng sinusubo ang ulam na nakatuhog sa tinidor. "Mahusay," tipid na puri ng ginang.
 
  "Kayo po ba? Magaling ho ba kayong mag-alaga ng anak?" tanong ni Natasha sa ginang na halatang nabilaokan. Sinadya iyon ni Natasha para ipakitang hindi siya natatakot sa mga patutsada nito. Si Flex naman ay halatang nagulat sa sinabi ni Natasha, but Natasha pinned her eyes to Flex as if pinapakiusapan itong hayaan siya sa ginagawa.
 
  Nagtutunog bastos na kasi ang mama niya. Kaya mabuting sabihan din niya ito ng warning sign!
 
  "Maanghang ka palang nagsalita, hija."
 
  "Hindi naman po, depende lang sa kausap." Ani Natasha na mapanuyang ngumiti.
 
  "Wow, the taste of beef are amazing!" Awat ni Flex sa dalawa. Halatang iniiba ang usapan.
 
  "Opo! Ang sarap!" dugtong naman ni Levi na dumighay pa.
 
  "Disgusting!" mahinang usal ng ginang na ikinasingkit ng mata ni Natasha.
 
  Subukan mo lang idamay ang anak ko sa pagiging bruha mo, at makakatim ka rin sa akin, bruha ka! Litanya na saad ni Natasha sa sarili.
 
  Matapos kumain ay nagbihis na si Flex para sa pakikipagkita nito sa Tito niya, naiwan sila ni Levi sa mansion. Pasado alas otso nang umalis si Flex at doo'y nagsimulang umandar ang ina nito.
 
  Nasa sala si Natasha habang nakaupo sa sofa, may iniisip lang siya about sa kompanya niya. Kaya habang nakaupo ay binuksan niya ang mobile phone niya at nakiusyoso sa balita. Kalat na sa kompanya niya ang eskandalong nilikha umano niya. Nakalagay ang mga detalye na nagpakamatay siya dahil nabuntis umano siya ng driver niya.
 
  May nakalagay rin na magpapakamatay daw siya dahil lugmok na sa utang ang H Modelling company, and worst, dahil daw ito umano sa napapabalitang boylet niya at si Flex umano ito!
 
  "Shit!" impit na saad niya sa sarili. Nagsisisi tuloy siya kung bakit niya binuksan ang mobile phone niya. Nanatili siyang matatag. Inayos niya ang sarili at hindi pinahalatang nasasaktan siya. Mayamaya ay lumapit si Levi.
 
  "Mommy, are you okey?"
 
  "Yes, baby. Mommy is totally fine." Masuyong saad nito sa paslit.
 
  "Mom, gusto niyo po ng milk? Ipagkukuha po kita," napaka-sweet na saad ni Levi.
 
  "Sige, anak. Salamat." Ani Natasha.
 
  Mayamaya ay nawala na sa paningin niya si Levi. Napabuntung-hininga siya habang nakaupo sa sofa, nililibot niya ang kabuuan ng espasyo na nandoon. Napakalawak ng mansion nila Flex, naiisip tuloy niya kung okey lang kaya ang ina nito na mamuhay ng mag-isa sa gan'ong kalaki na tahanan?
 
  Nang biglang narinig niya ang isang hiyaw mula sa kusina, kasabay n'on ay ang isang talsik na tila nabasag na kung ano. Dali-dali siyang napasugod sa kusina at doo'y nakita niya si ginang Francesca na kinukurot si Levi.
 
  "Ahhh, tama na po!"
 
  "Itong bagay sa'yo!"
 
  "Anong nangyayari, bakit mo sinasaktana ng anak ko?" Awat pa ni Natasha na agad hinablot si Levi mula sa kamay ng ginang. Nasa likuran niya ito na hindi maawat sa paghagulhol.
 
  "Iyang anak mo! Binasag ang baso, alam mo bang antigo ang mga kagamitan ko rito?!" dagundong na saad ni ginang Francesca.
 
  "Wala kang karapatang saktan ang anak ko!" Hindi na napigilan ni Natasha ang sarili na makasagot sa matanda.
 
  "Aba't may pinagmanahan pala!" manghang saad nito.
 
  "Huwag na huwag kang magkakamali sa saktan ang anak ko, or else I can make things you can't imagine."
 
  "Pinagbabantaan mo ba ako?" Nanunuyang saad ni ginang Francesca.
 
  "Sa palagay ho ninyo? Ito lang ang sasabihin ko..bago ho mawala ang respeto ko sa inyo, umayos ho kayo. Kung may galit ka man sa akin, huwag mong idamay ang anak ko..baka makalimutan kong ina ka ng mahal ko!" Tumawa lang ito ng nakakaloko.
 
  Tatalikod na si Natasha habang hawak si Levi nang biglang hilahin ng ginang ang buhok niya. "Argh!" impit na saad ni Natasha nang mahawakan siya sa buhok.
 
  "Mommy! Tama na po! Tama na po!" awat naman ni Levi sa ginang. Lumikha ng eksena sila sa kusina kaya naglabasan ang mga kasambahay nila. Umawat ang mga ito at halatang nasindak sa mga pangyayari.
 
  Nang maawat ang dalawa ay agad na nagpaawa ang ginang. "She is the one who started!" ani nito na ikina-awang ng bibig ni Natasha.
 
  "Liar!" asik niya na pinapanigan naman ng nakararami.
 
  "Ikaw ang nag-umpisa ng gulo sa pamamahay na 'to, ikaw pa 'tong tinutulungan, ikaw pa 'tong nang-aaway!" dagdag na sambit nito na ikinamangha ni Natasha.
 
  "Oh my god, matakot ka sa dyos ma'am, alam niyang wala akong ginagawang masama! Kung gaganitohin mo rin lang kami rito, mabuti pa'y aalis na kami!" ani ni Natasha na agad tumalikod habang kasunod si Levi. Agad niyang inimpake ang mga gamit. Ayaw niyang mapasama pa lalo ang pamamalagi nila roon. Hindi niya maintindihan ang matanda, parang kumukulo ang dugo nito sa kaniya.
 
  "Mommy, dahil po ba sa akin kaya tayo, aalis, kaya po ba inaway ka ni lola kanina?"
 
  "She is not your grandmother!" mariing saad ni Natasha.
 
  "Mommy sorry po, hindi ko po sinasadya kanina, nabangga ko po siya, tapos nakita niya ako, bigla na lang niyang kinuha ang baso at hinagis sa sahig...tapos pinalo niya po ako, at kinurot." Paliwanag pa ni Levi.
 
  "Hindi ikaw ang nakabasag sa baso?"
  Umiling ang paslit. "Hinawakan ko po nang mabuti 'yon, mommy."
 
  "Oh my god, anong problema ng matandang 'yon?" tanong niya sa sarili.
 
  "Mommy, umuwi na po tayo," ani Levi na halatang distress na sa kaganapan.
 
  "Oo, anak. Uuwi na tayo ngayon. Bahala na ang dyos sa atin." Ani Natasha na may naiisip. Sa puntong iyon, iisa na lamang ang pwede niyang puntahan, ang tiyahin niya sa lugar kung saan nilimot na niya sa hukay...ang lugar sa Tondo.
 
  ...itutuloy.
 

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon