Chapter 55

221 7 0
                                        

  Ika-dalawampu't walong araw ng buwang Nobyembre, ang nakatakdang araw ng pag-iisang dibdib nina Flex at Natasha, sa perpektong araw ng Sabado sa simbahan ng Batangas, ang Minor Basilica of the Immaculate Comception.
 
  Alas 10 na ng umaga ng mag-umpisa ang entourage, halatang kabado si Flex habang nakatayo sa altar, katabi niya si Flair na naging best man niya. Hinihintay nilang magbukas ang saradong pintuang iyon. Nananabik siyang makita si Natasha sa kaniyang traje de boda na ini-imagine na niya ngayon.
 
  "Congrats, masaya ako para sa'yo, kuya." Ani ni Flair na tinapik pa siya sa balikat. Ngumiti siya saka pa nagpunas ng pawis gamit ang panyo.
 
  "I'm tensed." Pag-aamin niya sa kaniyang nararamdaman, halatang kinakabahan siya sa gaganaping misa ng matrimonyo, pinagpapawisan siya ng malagkit.
 
  Tanaw kasi niya ang mga pigura ng mga taong nasa kaniyang harapan, nakatingin ito sa kaniya, habang ang iilang tao naman ay panay sipat sa bandang tarangkahan.
 
  Pasado bente minutos na kasing late si Natasha sa oras na dapat ay naroon na sila. Nine forty pa lang dapat ay nandoon na sila, pero ewan ba niya kung bakit natagalan ang mga ito.
 
  Panay tingin siya sa relos niya. Kinakabahan na siya.
 
  Sa kabilang banda. Sakay si Natasha sa kaniyang bridal car nang biglang may pumutok, kinabahan siya. Gumewang-gewang ang takbo nila, kaya minabuti nilang tumabi muna sa daan para asikasuhin kung anuman iyon. "Naku, maam..flat po tayo." Sabi pa ng driver niya na kasali sa entourage package ng catering services na binayaran nila ni Flex.
 
  Napatampal siya sa sariling noo.
  "Oh my? Ngayon pa talaga manong ano ho?" litanya niya saka pa pumanaog para tulungan ang matandang driver.
 
  "Saglit lang po ito madam, papalitan ko lang po ng gulong.." tarantang saad ng matanda na may kinuha sa likod. Nang makita ni Natasha na gulong iyon ay mas lalong kumunot ang noo niya, hindi pa naman niya makontak ang nasa simbahan, since wala sa kaniya ang cellphone niya, na kina Hilaria at Hezekiah iyon na mas naunang umalis kasama sina Mori, at ang mga chikiting.
 
  "Oh goodness!" She exclaimed. Wala siyang magawa kaya imbes na maglitanya ng kung anu-ano, ay tinulungan niya ang driver na iabot ang mga tools na kailangan nito. Halos pinagpapawisan na siya sa tirik na araw.
 
  "Paabot po ng tire wrench," sabi pa ng matanda na nakaluhod sa may gulong.
 
  "What? Nasaan po rito?" aniya habang kinakalkal ang isang toolbox na may mga tools. Kinuha niya ang isang mahabang screw.
 
  "Heto po ba?"
 
  "Naku, hindi po 'yan, 'yong may naka-krus na sukat."
 
  "Oh emgee..nasaan po ba," aniya saka pa ulit kinalkal ang toolbox. Nang makita niya ang naka-letter T na bagay ay agad niya itong hinablot.
 
  "Ito po ba?" pawisan na saad niya sa matanda.
 
  "Ay, oo, maam. Iyan po, akin na po." Sabi pa ng driver na panay trapo na rin sa pawisang mukha.
 
  "Ay, sana naman mapalitan na!" aniya na hindi na maitagong kating-kati na siyang lumarga.
 
  "Oh, sige po, okey na. Tara po, pasok na po kayo." Sabi pa ng matanda na nagbukas ng drivers seat.
 
  Nang ma-start ang engine ay nagtunog-palyado ito. "Hala, tumirik." Sabi pa ng matanda na halatang nababahala na.
 
  "Manong! Ano pong nangyayari?"
 
  "Naku, ma'am kailangan pong itulak, dito ka po, at ako na ang magtutulak." Sabi pa ng matanda na halatang hinihingal na rin.
 
  Pinakalma muna niya ang sarili saka pa binuksan ang pintuan at pumunta sa driver's seat. Pumunta naman ang driver sa likod na ubod-lakas na tinutulak ang kotse.
 
  "Start mo na po maam!" Ani ng matanda. Agad na binuksan ni Natasha ang makina, kahit pa nagkanda-buhol-buhol na ang suot niyang traje de boda.
 
  "Tulak pa ho.." sigaw niya.
 
  "Isa...dalawa...tatlo!" ani ng matanda na tulak-tulak ang sasakyan. Mayamaya pa ay nag-start na ang makina.
 
  "Ay! Tara ho, nag-start na!" sabi pa niya na pinanindigan ang pagmamaneho, walang nagawa ang matandang driver kundi ang umupo sa passenger's seat. Nang makapasok ay agad na nag-full speed siya ng pagpapatakbo. Bahala na, basta ang alam niya'y may hinahabol siyang kasalan.
 
  Ang kasalan nila ni Flex.
 
  "Tumabi kayo!" litanya pa ni Natasha sa mga sasakyang nasa harapan nila. Halos magpatintero siya sa mga iyon.
 
  "Naku, maam. Maghinay-hinay po tayo, buntis pa naman ho kayo.."
 
  "It's not a problem, manong. I have a license." Saad pa niya na mas binilisan pa ang pagmamaneho. Humugit kumulang, trenta y medya na nang alas diyes nang marating niya ang simbahan. Hingal na hingal siya habang inaalalayan siya ng matandang driver. Gusot na ang kaniyang traje de boda samantalang pawisan na ang mukha niya. Medyo madungis na rin ang mukha niya gawa ng kaniyang kamay na humawak kanina sa mga tools.
 
  "Naku, maam..ang mukha niyo po," sabi pa ng matanda na kumuha pa ng tuwalya. Kinuha naman iyon ni Natasha habang pinapakalma ang paghinga. Mayamaya pa ay kinatok niya ng tatlong beses ang tarangkahan, hanggang sa magbukas ito.
 
  Tanaw niya ang mga mukha ng taong gulat na gulat sa hitsura niya.
  Pati ang coordinator ng kasal ay halos mapasukan ng langaw ang bibig dahil nakanga-nga sa hitsura ni Natasha. Madumi na ang suot niya.
 
  Pero nanatili siyang matatag na naglakad. Dahan-dahan niyang nilakad ang aisle papunta sa altar.
 
  Tanaw niya ang mga mukha ng naka-upong mga empleyado sa H Modeling company. Naroroon din sina Dona at ang naka-wheel chair na si Gido, nakita pa niyang ngumiti ito sa kaniya, halatang masaya na sa kung anuman ang desisyon nila ngayon. Sa kabilang banda naman ay ang mga tiyahin niyang sina Mamu Delia at t'yang Letecia nila. Naroon din sina Hezekiah at Mori, si Hilaria at ang isang lalaking katabi nito. Sa kabila naman ay ang nakaupong sina Flair, Fiona, at ang lalaking parang asawa nito. Halos kumpleto ang lahat sa araw na iyon.
 
  Nanatili siyang nakangiti sa oras na iyon, taliwas sa suot niyang maruming traje de boda.
 
  Nang makalapit siya kay Flex ay agad itong naglahad ng kamay sa kaniya.
  "May I.." ani nito na ikinangiti lang niya.
 
  "Marumi na ako.."
 
  Ngumiti si Flex saka pa hinawakan ang kamay niya. "I don't care. Mahal kita no matter what you wear, or how dirty it is." Sabi pa nito na nagpaiyak sa kaniyang mata. Isang luha ng kasiyahan sa sinabi nito. Dahan-dahan silang humarap sa pari na kanina pa nakatayo at naghihintay.
 
  Ngumiti ito sa kanila.
 
  "Masaya akong nandito upang saksihan ang inyong pag-iisang dibdib. Anastacia at Flex..bukod kayong pinagpala, sapagkat hindi naging hadlang ang kaibahan ninyong dalawa, bagkus ay tanggap ninyo ang isa't-isa..." pahayag pa ng pari na nagsimulang magsalita.
 
  Nakinig sila sa sinabi ng pari.
  "Minamahal kong Feliciano at Natasha, sa binyag at kumpil, nakiisa kayo sa buhay at pananagutan ng panginoon, at sa pagdiriwang ng huling hapunan muli't muli kayong nakisalo sa hapag ng kanyang pagmamahal. Ngayon nama'y kusang-loob na kayo'y dumudulog sa simbahang ito at humuhiling ng panalangin upang ang inyong panghabambuhay na pagbubuklod ay pagtibayin ng panginoon.."
 
  Muli nitong binuklat ang librong hawak-hawak, kasunod ang paglapit sa kanilang dalawa at kinuha ang parehong kanang mga palad.
  "Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba ang babaeng kaharap mo ngayon, na maging katuwang sa hirap at ginhawa ng itong buhay?"
 
  "Yes, father. I am," pinal na sagot ni Flex habang nakatitig kay Natasha.
 
  "Ikaw naman babae, bukal ba sa kalooban mo ang makasama ang lalaking kaharap mo ngayon na maging isang katuwang mo sa buhay, na paglalaanan mo ng oras, pagmamahal at panahon habambuhay?"
 
  "Opo, father. Habambuhay," sagot pa ni Natasha habang hilam ng mga luhang nagsisilaglagan na sa kaniyang pisngi dahil sa sobrang saya ngayon.
 
  "Ngayon, manalangin kayo sa dasal na ito, Ama namin, kami po ay inyong loobing magkaisa ng kalooba't damdamin mula ngayon sa kaginhawahan at kahirapan,sa karamdaman at kalusugan, sa lahat ng araw ng aming buhay. Amen." Matapos no'n ay nagsalita pa muli si Father.
 
  "Ngayon, mula sa basbas ng simbahang ito at sa ngalan ng amang lumikha, binabasbasan ko kayong dalawa as husband and wife. Nawa'y manatili kayong magmahalan habambuhay.." sa pagkakataong iyon ay nanatiling magkaharap sina Flex at Natasha, hinihintay ang huling udyok na sasabihin pa lang ng pari.
 
  "You, may now kiss the bride." Sabi nito, habang mabilis na sinalikop ni Flex ang mukha ni Natasha ng kaniyang dalawang palad at masuyong hinalikan ito sa harapan ng nakararami.
 
  Kasabay ng pagkislapan ng mga flash ng camera ay ang masigabong palakpakan ng nandoon. Batid nilang ganap na silang kasal, at sa mata ng nakararami, hindi na sila kailanman paghihiwalayin from now on, no matter what.
 
  "Mommy!"
 
  "Kuya!" tili ng dalawang paslit na agad na lumapit sa kanila. Kapwa naman binuhat ni Flex ang mga ito na halatang masayang-masaya. Hindi man niya nabuo ang pamilya niya noon, dahil sa pagkakamatay ng kaniyang ama. Nabuo naman niya ang pamilya niya sa pamamagitan ni Natasha, ang babaeng nakangiti sa kaniyang harapan, suot ang traje de boda ng kaniyang inang si Francesca. Iyon lang ay sapat na, wala na siyang mahihiling sa ngayon.
 
  ...itutuloy.

Once Upon a Natasha [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon