NAG-ISANG LINYA ang bibig ni Natasha habang kaharap ang pamilya ni Flex. Nakatingin ito sa kaniyang pigura habang si Flex naman ay nasa tabi niya at halatang nalilito kung ano ang sasabihin.
"Kamusta ho kayo," pormal na bati ni Natasha sa mga matatanda.
"Okey lang ho sila nanay, pero ako..eto gutom," pilyang sagot ng batang nasa harapan nila. Nakikisuri lang din ito sa kanilang lahat.
"Halika nga rito, ang tabil mo talagang surot ka!" binuhat ni Flex ang kapatid.
"Ay ineng, pagpasensyahan mo na 'tong batang 'to ah, medyo matabil e," paumanhin ni nanay Dorang.
"Ay naku, okey lang po, sanay naman ho ako sa bata.."
"Aba'y mabuti, nang sa gayo'y mapaghandaan na ninyo ang pag-aasawa." Sabay naman ni tatay Berto na siniko naman ni nanay Dorang.
"Ay ineng, pagpasensyahan mo na rin ang esposo ko, walang modo kasi magsalita..minsan," sabat naman ni nanay Dorang.
"Ay naku nay, tay tama na 'yan..ang mabuti pa'y kumain na tayo, ano po bang ulam?" saway naman ni Flex na halatang tensyonadong namagitan sa usapan nila.
Hinila pa nito si Natasha na nagpaubaya naman. Napunta sila sa isang banda ng barong-barong na may isang kahoy na lamesa na nilagyan ng mantle. May anim na upuan at isang takip na halatang inilaan para sa ulam na nasa ilalim nito. May isang maliit na bentilador sa taas n'on na siyang nagpapaginhawa sa maalinsangang paligid.
"Naku, pasensya ka na ha, wala kaming aircon dito," ani Flex kay Natasha.
"It's fine."
"Hala, inglisera pala si ate," bulalas ni Luntian.
"Hindi naman," balik pa ni Natasha na ngumiti. Ramdam niyang magiging matalik na magkaibigan si Levi at ng batang 'to. Agad namang pinitik ni Flex ang noo ng paslit na ininguso naman nito.
"Sssh, behave," saway ni Flex sa bata.
"Nakakatuwa kayo," ani Natasha na marahang umupo sa upuan. Kinuha ni nanay Dorang ang takip na nasa kanilang harapan at doon nila nakita ang ulam.
"Wow! Tortang talong na naman!" magiliw pang pumalakpak si Luntian na takaw pansin doon. Ngumiti si Natasha at nasisiyahan din sa nakita. Naalala niya ang ulam na iyon, ang paboritong ulam ni Hernan noong nabubuhay pa ito.
Tahimik siyang sinalinan ni Flex ng kanin at talong. "Thank you," ani niya sa binata.
"Kumain ka nang marami, baka mangayayat ka at ako pa ang sisihin mo." Biro nito na sinipat lang niya. Ayaw niyang magminaldita sa harapan ng pamilya nito, pero siguro kung sila lang ang nandoon, kanina pa niya ito sinapak, tinadyakan o kinurot sa tagiliran.
She smiled to Flex, as her immersed her warning.
"Kain na tayo," ani Flex na iniiwasan ang tingin ni Natasha. Magana silang kumakain sa hapag nang magsalita si nanay Dorang.
"Ano nga pala ang pangalan mo, hija?"
"Ah, ako po si Natasha."
"Pang-mayaman ang pangalan mo, hija." Tawa pa nito. Nakitawa na rin siya.
"Ilang taon ka na ba?" singit naman ni tatay Berto.
Omg, parang daig ko pa ang sino-SOCO nito ah, parang dehado ako kapag sinabi kong trenta y sinco na ang edad ko, diyosko, baka kasuhan ako ng pedophile! Satsat pa ni Natasha sa isip niya.
"Ahh ano po.."
"She's thirty five," singit ni Flex na ikinagulat niya. Nagsitinginan naman ang tatlong nasa harapan nila sa kaniyang mukha partikular sa kaniyang katawan.
"Hindi nga?" ani tatay Berto na hindi kumbinsedo.
"Weee?" si Luntian na halatang nakikisingit.
"Hindi halata ineng parang ka-edad mo lang si Flex ay, maganda ka kasi.." puri pa ni nanay Dorang na ikinaluwang ng ngiti niya.
Aba may pinagmanahan yata ang loko! Satsat niya sa sarili.
"Nay, tay..ang totoo po, hindi ko kasintahan si Natasha...siya po ang amo ko." Ani ni Flex na ikinatigil ng pagsubo ng mag-asawa. Halatang nagulat.
"Naku, dyosmeo, eh pagpasensyahan niyo ho kami madam, ikaw pala ang amo ng anak namin, eh hindi namin alam." Halos nag-chorus na saad ng mag-asawa na hinawakan pa ang palad ni Natasha.
"Naku, it's alright po, wala pong problema." Ani niya na nakangiti pa rin.
"M-madam..sorry po," ani Luntian na nag-bahave na.
Ngumiti siya at inabot ang ilong nito, pinisil iyon at nagsalita. "Ang kyut-kyut mo, siguro magkakasundo kayo ng anak ko," ani niya na ikina-bitaw ng kutsara ni tatay Berto.
"May anak ka na ineng?"
"Oho," she proudly answered.
Sinipat ulit nito ang pigura niya.
"Hindi kapani-paniwala." Ani ng matanda na naiiling pa.
"Naku, tay..maniwala po kayo, sa totoo nga, magka-klase sina Luntian at ng anak ni madam na si Levi."
"Hala si Levi?" puna pa ni Luntian, halatang ngumuso at nagkibit-balikat pa.
"Oh, bakit?" halatang nakuha nito ang atensyon ni Natasha.
"Ayoko po sa kaniya!"
"O bakit naman?" ani nanay Dorang.
Humalakhak si Flex at nagpaliwanag.
"Eh kasi, ninakawan ng halik ni Levi si Luntian," lumingon pa si Flex kay Natasha, "remember last time, it's his secret he don't want you to know." Ani Flex na ngumiti lang kay Natasha.
"Oh my god, I'm sorry. Sorry sa ginawa ng anak ko." Nangingiting saad ni Natasha na ikinaliwanag ng mukha ni Luntian.
"Pero cute siya.." dugtong pa ni Luntian na ikinahalakhak nilang lahat.
Masayang tinapos nila ang pagkain sa hapag at nagpatuloy sa kanilang maliit na sala. Isang bangkong kahoy lang ang naroon na tila sinadyang idikit sa haligi. Mayroon din silang telebisyon na parang buntis sa likod at may antenna na naka-usli. May pinindot si Luntian at bumukas iyon, kailangan pa niya itong pukpokin para luminaw.
"Ayan, malinaw na po," ani Luntian na tumabi sa kaniya. Tumaas ang dalawang kilay ni Natasha dahil nang masipat ang naturang telebisyon ay puro gamu-gamong kulay puti lang ang naroroon.
"Anong pinapanood mo?" tanong pa niya sa bata.
"Malapit na pong mag-Showtime, idol ko po si Ryan Bang," ani Luntian na hindi naman niya kilala. Actually, wala talaga siyang kilalang artista sa pinas, busy siya sa trabaho, at halos hindi na siya nakakapanood ng telebisyon. Naki-usyuso lang siya sa bata habang hinihintay si Flex. Naligo kasi ito sa poso, at nag-igib na rin ng tubig para may ipang-ligo siya mamaya.
"Madam, may tanong po ako." Ani ng paslit.
"Ano 'yon?"
"Madam, mayaman po ba kayo?"
"Hindi sa mayaman, tama lang."
"Pero amoy mayaman po kayo eh."
Ngumiti siya sa paslit.
"Bakit, ano ba ang amo'y ko?"
"Mabango po." Inosenteng sagot ng paslit.
"Alam mo, magkakasundo talaga kayo ng anak ko." Ani niya rito.
"Nga po, pero ayaw ko siyang maging kagrupo ngayong darating na Fun-day, kasi nakukulitan ako sa kaniya." Ani nito na ipinagtataka niya.
"Fun-day?"
"Opo, hindi niyo po ba alam, sa huwebes po ang Fun-day namin sa school. Kailangan po ng parents para sa dance number. Nag-praktis na nga po kami nila nanay at tatay." Paliwanag ni Luntian na ikina-awang ng bibig niya. Hindi niya alam ang tungkol dito. Masyado siyang naging busy sa trabaho, at kung matatandaan niya, iyon ang araw na naka-schedule ang flight niya going to London. Nakagat niya ang ibabang labi.
"Pupunta po ba kayo?"
Saglit siyang nag-isip.
"Siguro," hindi siya sigurado.
"Naku, sana pumunta po kayo, kawawa kasi si Levi kung hindi kayo pupunta, tinutukso siya ng mga kaklase namin eh," she paused.
"Ha, ano?"
"Binu-bully po siya."
"Anong tinutukso sa kaniya?" curious na tanong niya.
"Anak po umano siya sa tipak ng kawayan, wala po umano siyang nanay at tatay." Ani nito na ikinasikip ng dibdib niya. She doesn't know what's happening to her own child. Hindi siya nakapagsalita.
"Madam, okey lang po ba kayo?" ani ni Luntian na marahang kinukusot ang suot niyang damit.
Tumango siya at pinigilan ang sariling hindi madala sa emosyon niya. She's very blind and insensitive, kaya siguro gan'on kalungkot si Levi nang marinig sila ni Donatela na pupunta siya ng London.
Mayamaya pa ay may narinig siyang nagsalita. Niluwa ng pintuan si Flex na nakatapis lang ng tuwalya, dala nito ang dalawang balde na puno ng tubig, papunta ito sa isang maliit na kwarto na parang palikuran nila.
Hindi maiwasan ni Natasha ang mamangha sa matipunong katawan ng binata lalo pa't nababasa ito ng tubig mula sa kaniyang pagligo. She's pinning her sight to Flex when she heard Luntian's voice.
"Madam, bibig niyo po nakanganga." She immediately close it, nahiya siya sa sinabi ng paslit at umupo ng tuwid. Bumalik si Flex sa harapan nila at noo'y nagsalita.
"Pwede na po kayong maligo sa banyo, may tubig na po roon." Ani nito na pilyong ngumiti lang sa kaniya.
"But I don't have underwear, and clothes." Reklamo niya.
"Ako pong bahala." Ani nito na ngumisi pa bago siya tinalikuran.
Nayayamot siya sa narinig. Hindi siya makaangal gayong nasa tabi niya si Luntian at nasa kusina naman sina tatay Berto at nanay Dorang. Pasimple siyang inabutan ni Luntian ng isang tuwalya na may print na Hello Kitty, may inabot din itong plastic box na may lamang shampoo, perla at sabon na bar. May shiver din doon, toothbrush at isang sachet ng close up. Napangiwi siya, naaalala kasi niya ang buhay niya noon, but she tries not to complain.
Agad niyang tinungo ang banyo at doon naghubad ng suot. May pako roon na pwedeng sabitan ng tuwalya at ng damit na hinubad niya. Nakita niya doon ang dalawang balde ng tubig, isang tabo at isang bangkitong upuan. May brush, at panghilod na nakasabit sa gilid at isang aluminum na planggana sa dingding.
She smiled. Parang ganito ang set-up nila noon, noong nasa poder pa siya ng kaniyang mga tiyahin. Agad siyang nagsandok ng tubig at inumpisahang maligo.
***
Sa kabilang banda, nasa kwarto si Flex habang pumipili ng susuoting damit. Napili niya ang isang T-shirt na may print na Metallica at isang black jeans na may tastas sa kaliwang tuhod. Pinaresan niya iyon ng kaniyang puting rubber shoes at ang kaniyang signature leather black jacket na ala-Robin Padilla.
Naalala niya si Natasha na noo'y naliligo pa sa banyo kaya napangisi siya sa iniisip. May kinuha siyang mga damit sa isang lumang drawer at kinalkal niya ang damit ng kaniyang nakakatandang kapatid na babae, si Fiona. Paminsan-minsan lang kasi itong dumadalaw sa kanila kapag nasa pilipinas ito.
Napili niya ang isang itim na blouse ni Fiona na kasukat lang ni Natasha. May naka-print doon na 'I love my boyfriend' na lettering, since iyon ang couple shirt ng nobyo ni Fiona. Napangiti siya sa kabulastugan. Kinalkal din niya ang isang jeans ni Fiona na may kaparehong tastas sa jeans na suot niya. He is literally smiling while choosing the jeans when he heard a knock.
"Flex, magbibihis na ako." Boses ni Natasha iyon.
Halatang tarantang napatayo siya at binuksan ang ginang. Nang makita niya itong nakatapis ng towel ay agad siyang napalunok ng sariling laway. Iyon ang niregalo niyang towel kay Luntian na Hello Kitty. Isang dangkal na lang ang taas n'on at masisilipan na niya ang tinatago nito.
"Hey, I said I want to change," she broke his imagination.
"Ay, oo heto, suotin mo 'yan oh, bagay naman sa'yo," ani Flex na inabot ang Tshirt at jeans.
"How about my bra at undies?"
Napakamot si Flex at agad na lumuhod para kumalkal ulit sa drawer, pero nasa harapan niya si Natasha. Amoy na amoy niya ang ginamit nitong sabon at shampoo, hindi niya maiwasang mapatingin sa gawi nito which is her wet gorgeous legs.
"Damn!" litanya niya sa sarili nang masilip ang nakatabon doon.
"Hurry," pagmiminaldita pa ni Natasha.
"Here," sabay abot kay Natasha ng isang T-back na kulay itim at isang bra na kakulay n'on. Napangiwi si Natasha sa nakita.
"Holy mercy? Ito ang susuotin ko?" ani niya na gustong suntukin sa mukha si Flex.
"Hindi naman 'yan nakikita eh, magpapantalon ka naman," dikta ni Flex.
"Kahit na, ayoko ng T-back, hindi ko feel magsuot ng ganito," she lowered her voice and continue. "..para kasing kinakain iyan ng puke ko, I hate it." She mumbled.
"Ano?" paglilinaw pa ni Flex.
"Nothing," she added na halatang hindi gustong marinig ni Flex ang huling sinabi niya.
"O ano bang gusto mo, mag-boxer shorts ka, o mag brief....marami ako, hindi ko pa nasusuot." Ani nito na ikina-kibit balikat lang niya. She's very annoyed to Flex but she can't argue to him since she is now literally on his den.
"Fine, I'll use it." She exhale at agad na kinuha ang T-back at bra. Huminto pa ito at tinitigan si Flex na noo'y nakatayo sa kaniyang harapan.
"What? Anong tinitingin mo? Magbibihis ako, anong akala mo? Magla-live show ako sa harapan mo? Tch. In your dreams.." she added while rolling her eyes.
Pigil-tawa naman si Flex na tumalima at agad na lumayo patungo sa pintuan. Nilingon pa niya si Natasha sa sandaling iyon. "Kahit hindi ka mag-live show sa harapan ko okey lang, hinuhubaran naman kita sa isip ko." Pilyong sambit nito sa mababang boses.
"Back off!" sabay hagis ni Natasha sa isang hanger doon, but it ends with a fast move which enclose her alone to that particular room. Nang maisarado iyon ni Flex ay sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. "Gago," she murmured while shaking her head.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
RomanceWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)