MASAYANG naghapunan sina Flex habang hindi pa rin maawat ang kwento niya kanina sa opisina ng Hettleworth.
"Naku 'tay, amoy mayaman ang building, ang daming seksi tapos malamig, may aircon." Sambit ni Flex na hindi magkamayaw habang kumakain nang naka-kamay.
"Aba! ganoon ba hijo? Siguro'y pwede akong dumalaw sa'yo roon, ano?" nakangiting ani ni tatay Berto niya.
"Naku, tigil-tigilan mo 'yan Berto ah, ang tanda mo na, manyakis ka pa rin!" sita ni nanay Dorang sa kapareha.
"Nay, 'tay ano po ang manyakis?" walang kamuwang-muwang na sambit ni Luntian.
"Naku naku, wala ineng h'wag kang makinig sa tatay mo, walang aral ang mga salita niya, puro kabastusan lang ay!" pinamulatan lang nito si mang Berto.
"Sus, nagseselos ka siguro," lambing pa ni mang Berto sa asawa na noo'y pakipot lang na dumistansya sa bangkong kinauupuan nila.
Nagtawanan si Flex at Luntian sa pangyayari, iyon madalas ang eksena nila habang nasa hapag. Puro tawanan at kwentuhan ang pumupuno sa kanilang ulam na kahit isa lang itong tuyo o kakarampot na isda ay masaya na sila.
Matapos ang kanilang hapunan ay nagpahangin muna si Flex sa labas ng kanilang barong-barong. Tanaw niya ang kabilugan ng buwan habang naka-upo sa bangko.
"Malalim na ang gabi, hijo, hindi ka pa ba matutulog?" wari ni nanay Dorang sa binata.
"Hindi pa ako inaantok 'nay."
"Iniisip mo pa rin sila?" himig nito na tumabi sa kaniya. Tumango siya bilang pagtugon at hinimas ang kaniyang balikat.
"Hayaan mo muna ang sarili mong makapag-isip, huwag ka munang magmadali sa mga bagay-bagay." Iyon ang sambit ni nanay Dorang sa kaniya.
"Oh siya, mauna na ako ha, lalagyan ko lang ng katol ang tatay mo, baka nilalamok na iyon," wika ng ginang na nawala na sa kaniyang paningin.
Napag-isip niyang tama nga naman ang sinabi ng ina niya, he must be positive on what he chooses, and be concerned on what makes him happy as of now, he must look what is today rather than worrying for tomorrow's what-ifs.
Nang gabing iyon, iisa lang ang dapat niyang asikasuhin, at iyon ay ang bagong buhay niya bilang isang modelo. Iyon ang dapat pahalagahan niya, he must sleep now, he will work his ass tomorrow. He is indeed needed money!
***
Sa kabilang banda, nakalukot ang mukha ni Natasha nang pumasok sa kotseng maghahatid sa mansion nila. She glare to mang June's face through the reflection in the mirror.
"The hell, mang June? Nakainom ka ba?" sita niya rito. Hindi ito umimik at nagsimulang paandarin ang kaniyang kotse. Ito ang bagong driver nila since kinick-out niya noong nakaraang buwan ang driver nila dati. Kinalaguyo kasi nito ang isa sa mga katulong nila sa mansion, and as it goes, parang ibang sistema naman ni mang June ngayon, may pagka-alcoholic ito, at madalas ito ang inaangal niya rito.
She sighed. Hindi niya makapaniwala sa katagal ng panahon, wala talagang mapirme na driver sa kanila. Puro ito may issue!
Una, nag-quit dahil pinag-quit ng asawa, the hell!
Ikalawa, pina-police dahil nagnakaw ng mga gulong at spare parts ng mga kotse niya.
Ikatlo, palaging absent, pang-apat, laging nakakabangga. Pang-lima, naging kaaway niya dahil masyadong manyakis to the point na hinipuan siya, actually, sinampahan nga niya ito ng kaso. At ang sinundan naman ni mang June, iyon nga, kinalantaran ang kasambahay niya. Nakita pa niyang nakikipag-sex mismo sa sasakyang sinasakyan niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
RomanceWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)