2 - 𝑻𝒉𝒆 𝑶𝒏𝒆 𝑾𝒊𝒕𝒉 𝑻𝒉𝒆 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒓𝒗𝒊𝒆𝒘

134K 3.4K 9.4K
                                        


Chapter 2 - The One With The Interview



"Please take a seat, Ms. Parker." 


Agad akong naupo sa kulay grey na upuan kung san nilahad ni Dahlia ang kamay niya. Samantalang siya nama'y umupo sa upuan sa harap ko. Ngayon ay nakapagitna saming dalawa ang isang round table. Hawak hawak niya ang resume ko na inabot ko sa kanya nang makapasok kami dito sa loob. Mabilis lang niya tinignan yun at pagkatapos ay inilapag sa lamesa.


"You have good references." she commented


"Yes. They were my professors back in Canada." maikling sagot ko na nakapag patango nang marahan sa kanya. And then there's a moment of silence nang muli niyang kunin yung resume ko para tignan. She even took a picture of it at tingin ko may pinagsendan siya nun.


Bago pa kung ano ano na namang kabaliwang tanong ang pumasok sa utak ko at lumabas sa bibig ko patungkol sa pag picture niya sa resume, inilibot ko nalang ang mga mata ko sa paligid. This room is smaller than I expected and I appreciate that it's simple. In fact, mas nakaka kalma dito kesa sa labas. Mula sa kinauupuan naming dalawa ay tanaw ang malawak na garden na puno ng makukulay na bulaklak sa labas.


Pag ako pumasa, diyan talaga ko matutulog sa garden na yan.


"Please, make yourself comfortable. Treat this as a normal conversation. Just like you're talking to a friend. Gusto naming makilala ka ng husto, hindi lang sa larangan na pinili mo, kundi pati ang personal mong buhay. We want to know who Skylar Parker is as a professional and as a person." agaw niya sa atensyon ko na sinundan ng isang sinserong ngiti.


Nginitian ko rin siya bilang tugon. Sa ngayon, di na nakaka intimidate si Dahlia. Mula nung pumasok kami sa kwarto na 'to ay mas gumaan ang aura na nakapalibot sa kanya.


Sa totoo lang, feeling ko, kausap ko nalang ngayon isa sa mga kumare ni mama na nag eenglish.


I nodded my head. She smiled back at me in return.


Ilang minuto rin ang nakalipas pero parehas kaming nanatiling tahimik. She's still checking my resume and she's messaging someone over the phone.


"That's a beautiful garden." I commented while staring at the garden outside. Dahil dun nakuha ko ang atensyon niya.


Muli niyang binaba ang resume ko at umayos ng upo. Tumingin din siya sa garden sa labas.


"Of course. Alagang alaga yan. If you pass the interview, you'll meet the person who's always making sure that every single flowers on that garden are blooming. You'll love her."


Napatingin ako sa kanya matapos niyang sabihin yun. You pass the interview daw? Oo nga pala. Di porket gumaan trato sayo, Sky, auto pass ka na.


"Let's just wait for the cake and tea and then we'll start the interview."


The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon