6 - 𝑻𝒉𝒆 𝑶𝒏𝒆 𝑾𝒊𝒕𝒉 𝑻𝒉𝒆 𝑩𝒂𝒌𝒆𝒓

56.8K 1.8K 2K
                                    


Chapter 6 - The One With The Baker



-Third Person's Point Of View-


"Riley, saan ako liliko. Kanan o kaliwa?" tanong ni Mykel na siyang nagmamaneho ng police mobile. Sa passenger seat ay katabi nito si Luna. Sa likuran naman ng sasakyan ay si Riley na di matigil kakakuha ng litrato sa sarili gamit ang cellphone.


"Hashtag sexy criminal." Riley mouthed, ignoring what Mykel asked, while posting her selfie on Instagram using that hashtag and adding a handcuff and policeman emoji.


"Hoy, bruha! Kakanan o kakaliwa?!" sigaw ni Luna sa kaibigan na mabilis binaba ang hawak na phone. She leaned forward on the driver's seat trying to remember the road in front of them.


"Eto na, eto na! Kalmahan mo diyan girl." banat ni Riley sa kaibigan. "Pasok ka diyan sa 5th avenue. Tapos makikita mo yung Penshoppe. Yung jewelry store sa tabi nun, yun yun." pagbibigay nito ng direksyon kay Mykel na agad namang sinunod ng binata. 


"Okay na?" mapang asar na tanong ni Riley kay Luna na itinulak lang ang mukha nito kaya napasandal siya pabalik sa upuan.


"Aray!"


"Ang arte mo. Di yun malakas." Luna said followed by rolling her eyes.


"Ikaw! Masyado kang child abuse. Ako na nga 'tong nag volunteer tulungan kayo tapos inaapi mo pa ko." reklamo ni Riley na sinundan niya ng paghampas sa braso ng kaibigan.


"Ikaw kasi diyan! Seryosong krimen ang sinosolve natin dito, tapos nagawa mo pang magselfie para ipost sa instagram. May pa hashtag hashtag ka pa. Sexy criminal ang lintek, dapat hashtag mo, hashtag sakit sa ulo ng pulis." pikong puna ni Luna sa mga pinag gagawa ni Riley sa likuran ng sasakyan. 


"Hoy, buwan! Palibhasa di ka marunong magselfie at putagenic ka. Lahat ng picture mo nakatakip ng mukha, parang abnormal!"


"Anong sabi mo?! Ikaw---"


"Hoy hoy! Ano ba kayong dalawa. Para kayong mga bata pag magkasama talaga no? Nag dadrive ako diba? Wag kayo galaw ng galaw. Ibaba ko kayo parehas diyan." mailing iling na saway ni Mykel na nakapag patigil sa dalawa na parehas lang umirap sa isa't isa.


The three of them are on their way to a jewelry shop where the earrings found at the crime scene could have possibly come from. Si Riley ang nakatuklas nito sapagkat mahilig sa alahas ang dalaga at maraming kakilalang nagbebenta ng alahas na siyang tumulong sa kanya mahanap kung saan nabili ang hikaw na natagpuan sa butas na bahagi ng katawan nung huling biktima ng Moonlight Lilac Killer. 


"Diyan! Diyan yun." pag turo ni Riley sa isang tindahan ng alahas kaya agad ipinark ni Mykel ang sasakyan. 

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon