8 - 𝑻𝒉𝒆 𝑶𝒏𝒆 𝑾𝒊𝒕𝒉 𝑶𝒓𝒆𝒐'𝒔 𝑳𝒐𝒐𝒌𝒂𝒍𝒊𝒌𝒆

66.2K 2.1K 5.6K
                                    


Chapter 8 - The One With Oreo's Lookalike


"Arggh! Alas singko na, Sky! Alas singko na! Paganahin mo yung utak mo. Bakit ka ba nagkaka ganyan? Praning ka ba?!" tanong ko sa sarili ko habang di ako matigil sa pabalik balik na kakalad dito sa loob ng kwarto. 


Alas singko na ng hapon at Biyernes ngayon. Tapos na ang klase ko dun sa kambal. Madalas, kapag ganitong oras, nag aayos na ko ng gamit at naghahanda para makauwi sa bahay.


Pinapayagan naman akong umuwi ng Biyernes ng gabi. Pero ngayon! Iba ang sitwasyon ngayon dahil di ko alam kung dapat ba mag ayos na ko para makauwi o bumaba sa kusina. 


Dahil nahihilo na ko kakalakad pabalik balik, naupo ako sa gilid ng kama habang naka krus ang dalawang braso ko sa dibdib.

Biyernes, araw na dapat 'to ng pahinga ko at wala na dapat ako iniisip kung hindi ang umuwi sa mama ko. Pero...

'See me after your class. Cook Buttered Shrimp for me and take it to my room, with rice. That's an order. Disobey and I'll block your check.'


"Argghhh! Kasiiii!" sigaw ko sabay bagsak ng sarili sa kama at mahigpit kong tinakpan ng unan ang mukha ko.


Hindi mawala sa isip ko yung sulat na iniwan ni Thera kanina, kasama ng sobre ng sahod ko. Hindi ko mawari sa sarili ko kung seryoso ba siya dun sa sulat na yun o hindi.


At kung seryoso naman siya, hindi ko maisip bakit niya ko gustong pumunta sa kanya matapos ng nangyare kahapon. Matapos niya kong sakalin at paiyakin na naman sa harap pa ng mga kapatid niya.


Nakakapagod sobra. Nakakapagod siyang basahin. Parang siya yung trend sa Tiktok na 'Don't let them know about your next move'. Masyado niya naman sinabuhay yang trend na yan! 


Kanina ko pa naiisip, kaya ba buttered shrimp pinapaluto niya sakin dahil pinapamukha niya sakin na may utang akong hipon sa kanya? Dahil sa dami kong niluto nung araw na bumisita ako sa presinto?!

Di parin ba siya nakaka move on dun?


Eto na naman yung kahihiyan na bumabalot sa katawan ko tuwing naaalala ko kung paano niya pinuna yung pagkuha ko ng hipon sa stock sa kusina.


Tapos yung hiyang yun, biglang mapapalitan ng sama ng loob pag naiisip ko naman yung pananakal niya sakin kahapon. Andito parin yung sugat na iniwan niya sa leeg ko. Mahapdi pa! Sige nga?! Ano bang klaseng tao yun? Feeling ko maski pinaka ekspertong therapist, di siya maiintindihan.


Baka pag nag pa therapy yun, yung therapist pa mag walk out tas sabihin suko na ko! Kausapin mo sarili mo. Mas masakit ka pa sa ulo kesa sa inflation sa Pinas!


Dapat hindi ako nahihirapan ngayon dito sa kwarto kakaisip kung ano ba dapat kong gawin. Dapat tinetext ko na si mama ngayon, nag rerequest ng ulam para mamayang dinner. Pero wala kong magawa! Para kong baliw na naprepressure yung pakiramdam, na maski magbukas ng cellphone, di ko magawa.



Ano ba kasing kailangan niya sakin?!


"Lord! Gusto ko lang naman mag trabaho ng maayos. Mabait naman akong tao? Bakit mo naman ako binigyan ng gantong boss? Grabe na!" tanong ko kay Lord habang nakatakip parin ng unan yung mukha ko.


The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon