4 - 𝑻𝒉𝒆 𝑶𝒏𝒆 𝑾𝒊𝒕𝒉 𝑻𝒉𝒆 𝑩𝒓𝒐𝒌𝒆𝒏 𝑷𝒉𝒐𝒏𝒆

81.8K 2.3K 6.9K
                                    



Chapter 4 - The One With The Broken Phone


"Woof woof!"


That barking sound from Oreo pulled me back to my senses. Ikinurap kurap ko ang mga mata ko para mabalik sa realidad. Para akong nawala sa sarili kanina nung pababa siya ng hagdan.


And now she's here, standing in front of us, in full splendour and power. Ewan ko kung OA lang masyado ang utak ko pero yun talaga ang energy na nakapalibot sa kanya. Hindi pilit, natural na natural.


She pat the dog's head nang makalapit ito sa kanya. Nakayuko ang ulo habang nakatitig kay Oreo. 


Looking at her, I realized that I'm way taller. Kung tatansyahin eh hanggang kilay ko lang siya, tapos naka high heels pa siya niyan. She also has a really good figure. Kahit pa bath robe ang suot niya, masasabi mo paring masipag sa exercise ang isang 'to. I also exercise and I'm happy with my own figure. Mas ma-curve lang siya sakin. What else? Oh that---she's stacked! Bigla tuloy ako napatingin sa dibdib ko. Di naman maliit yung akin, mas malaki lang yung kan---


Wait---Why are you comparing yourself, Sky?! I barely shake my head to stop what I'm doing. 


"Good morning, Ate!"


"Hi Ate, good morning."


Sabay na bati sa kanya nung kambal. She raised her head and turned her gaze to them. God! Those purple eyes are beautiful! Totoo ba yan? Naka contact lense ba siya.


"Morning, sweethearts." bati niya dun sa dalawa na wala man lang kasabay na pag ngiti. Nanatiling walang emosyon ang mukha niya. 


Lumapit siya sa dalawang kapatid. Marahan niyang hinaplos ang ulo ni AM, ganon din naman ang ginawa niya kay PM, pero may kasamang pag gulo ng buhok. She's doing all this gestures with a poker face. Totoo nga ang sinabi ni Tanya kagabi, para siyang yung emoji na puro horizontal line lang yung mata saka bibig.


Gusto ko rin sana bumati ng good morning, kaya lang parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Nalunok ko ata yung dila ko. Pero bukod pa dun, nahihiya akong bumati kasi di niya naman ako tinitignan. Parang di niya ko nakikita sa tabi nila. Para lang akong alikabok sa hangin.


"Ate, everything's set on the dining table. Ate Sky and the other cooks prepared all the dishes that you requested." masayang sabi ni AM habang nakapulupot ang dalawang braso sa bewang ng ate niya.


Without realizing, I stared at AM's arms wrapped around her sister's waist. Napaka clingy talaga ng batang 'to. Daig pa sawa. Lahat ng matabihan, pinupuluputan. Parang automatic na gumagalaw yung mga kamay niya kapag may katabi siya eh.

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon