Special Chapter: What are you willing to do, Thera's version
-Skylar's Point Of View-
(February 13)
"Makakauwi ka ba ngayong araw?" Tanong ko sa asawa ko na noo'y nasa kabilang linya.
"I'll be there tomorrow." Maikling sagot niya. In fact, paulit ulit niyang sagot nitong mga nagdaang limang araw.
Yung kaka-I'll be there tomorrow niya, umabot na ng Valentine's day! Siguro sa vocabulary ni Thera, tomorrow tawag sa Valentine's? Kainis.
Natigil ako sa pag hahalo ng tunaw na chocolate na nasa mixing bowl at inilapag iyon sa lamesa para mahawakan ko yung cellphone ko na kanina pa nakaipit sa pagitan ng tenga at balikat ko. Nakakangalay mag multi-task.
Napatingin ako kay Teddy na noo'y nakaupo sa mataas na bar stool dito sa may kusina. Titig na titig sakin yung bata habang suot yung mini-fireman hat niya at Happy Three Friends na apron. Nagba-bake kasi kaming mag ina. Mukha siyang bumbero na biglang naisipang mag-bake sa gitna ng sunog hahaha!
Eh kasi naman hindi ko mahagilap yung Happy Three Friends ding theme na chef hat niya. Di ko alam kung saan na napunta. It's either na-misplace or tinapon ng mommy niya kasi against siya sa Happy Three Friends. Naiimagine ko si Thera sumisigaw ng "Don't introduce my son to those brutal rodents!".
Bond nga namin ng anak niya manood nun, pero secret lang. Una sa lahat, happy pill namin ni Teddy yung cartoons na yun. Pangalawa, teddy bear sila hindi rodents. Porket malaki yung mga ngipin sa harap. Hays, Thera, basher.
"Is she on her way?" Teddy asked mouthing the words without making a sound. I just smiled at him.
Malay ko din talaga anak kung eto bang mommy mo may Valentine's surprise kaya hindi nagbibigay ng specific date kung kailan siya uuwi o kung sobrang busy niya lang talaga.
Halos mag iisang Linggo na nung lumipad si Thera pa-Barcelona para sa isang importanteng business gathering...DAW. Oo, medyo may duda ako kasi simula nang ikasal kami, pag lumilipad siya pa ibang bansa para sa isang business-related trip, in detailed niya sakin sinasabi kung anong klaseng business at kung para saan.
Pero eto, walang paliwanag. Basta sinabi niya lang pupunta siyang Barcelona. Not sure until when. I'll update you. Ganyan! Ganyan na ganyan pagkakasabi niya. Nung tinanong ko kung anong klaseng business meeting, sagot sakin "An important one". Hatdog.
BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)
Любовные романыFor love, would you play the role of the hero or the villain? An unmasked serial murderer is on the run, and killings are taking place all over the country. What a bad moment for a girl named Skylar Millie Parker to return home after four years in C...
